CHAPTER 8

1835 Words
Arlene's Point of View Umaga na nang makarating si Papa. Nagpahinga lang ito saglit bago kami ipinatawag lahat sa conference room. Nakaupo kami sa paikot na conference table, ako, si Rod, si Milet, sina Emma at Emman ay nasa kaliwang bahagi. Sa kanang bahagi naman sina Kuya Drei, Ate Hannah, Wesley, Donnel at Violet. Si Peter ang nasa harap at assigned sa computer. Si Papa ay nakatayo sa harap. "As we all know, we are here to resolve crimes in this town. We will work as undercovers." Tumingin si Papa sa akin. "Hindi ka kasama sa mag-u-undercover. Aawayin na ako ng Mama mo." Tumingin din ito kina Emma at Emman. "Pati kayo." Turo ni Papa sa kanila. "Papa naman," reklamo ko habang nakasimangot. "Huwag matigas ang ulo. Narito lang kayo sa conference room para makinig at maisama sa training n'yo. Wala kayong gagawin sa labas. Maliwanag?" mariing sabi ni Papa. Nanulis ang nguso ko sabay buntong hininga. Papapigil ba ako? Umusli nang kaunti ang gilid ng mga labi ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang tungkol sa nakamaskarang itim na 'yon. Posibleng may kinalaman ang kulto ni Dominus. Napatingin ako kay Emma, nagtaas-baba ang kilay nito. Mukhang pareho kami ng iniisip. "Bueno, sa palagay ko'y magkakakilala na kayo dito and no need for formal introduction. May ilan tayong pag-uusapan sa mga nagaganap na kidnapan at p*****n sa bayan ng San Joaquin. Alam n'yo na rin siguro ang kakayahan ng bawat isa maliban sa anak ko." Tumingin si Papa kay Kuya Drei. Lahat kami at nagtinginan sa kanya. "Hindi ba't Clairvoyant din si Kuya?" tanong ko kay Papa. "Isa lang iyon sa kakayahan niya." Lumakad si Papa patungo sa side table at kinuha ang money tree plant na nasa paso bago nagtungo sa likod ni Kuya Drei. Inilapag nito ang halaman sa table bago nagpatuloy magsalita. "Drei, do the honor, please." Napatingin sa amin isa-isa si Kuya, bumuntong-hininga, tumitig nang matagal kay Milet bago inilipat ang tingin sa halaman. Iniangat nito ang kamay saka hinawakan ang tangkay nito. Anong ginagawa ni Kuya? Weird. Ito ang tumatakbo sa isip ko habang nakatitig kay Kuya na walang kibo habang hawak ang halaman nang mapansin kong tila nalalanta ang mga dahon nito. Wait, what's happening? Napanganga kaming lahat nang tuluyang nalanta ang halaman at nalagas ang mga dahon nito. "W-What exactly is happening, Papa?" Binitawan ni Kuya ang halamang wala nang buhay. "Your Kuya is an Energy Vampire," tipid na sagot ni Papa. Lalo pa yatang bumuka ang mga bibig ko. Bakit hindi ko alam 'to? Wait ... may naaalala ako, more than a decade ago.... "Is that the reason why Kuya was wearing hand gloves when we were kids?" Palagi kong tinutukso si Kuya noong mga bata pa kami dahil lagi itong may suot na hand gloves samantalang ang init-init sa Pilipinas. Tuwing summer lang sila umuuwi sa bahay dahil sa Maynila ito pinag-aaral ni Papa noon. Ilang summer ko rin siyang nakitang naka-hand gloves noon. Kaya ba bihira din niya akong hawakan at ayaw niya noon makipaglaro sa akin? "Bingo." Kinuha ni Papa ang halaman at bumalik sa harap. Ipinatong ni Papa ang halaman sa side table. Tahimik ang lahat na nakamasid, pero bakas ang pangamba sa mga mukha nila. Kahit ako ay nag-aalangan. Nakabasa ako ng libro tungkol sa Energy Vampires at kaya nilang makapatay ng tao kahit 'di sinasadya. "Hindi ba delikado ang Energy Vampire?" tanong ni Donnel. Siya ang nagtanong ng mga iniisip namin. "It is, para sa mga hindi bihasa sa ganitong kakayahan, but Drei can handle it well. May iba't ibang uri ng Energy Vampire, and Drei's type of ability can be fatal with the use of his hands." Sumenyas si Papa kay Peter para i-on ang slide. "Some Energy Vampires can suck your energy even without touching you. Drei, on the other hand, initially needs to touch the living object to absorb its energy." Lumakad ulit si Papa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Although he's been practicing sucking energy with enough distance. How is it going?" Tumingin si Papa kay Kuya at tila nanghihingi ng magandang sagot ang expression ng mukha niya. "I-I can do it pero on and off from a few meters away, Papa, still working on it. Iba pa rin talaga kapag hawak ko ang object," alanganin ang tono ni Kuya. Yumuko ito. Hindi rin ba siya masaya sa kakayahan niya? Sabagay, kung ako 'yong nasa kalagayan niya, hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang kakayahang 'yon, kung kakayahan ngang matatawag 'yon at hindi sumpa. Hindi ko ma-imagine na hindi ko mahahawakan nang matagal ang mga mahal ko sa buhay at hindi mangangambang mapapatay ko sila sa bawat paghawak ko. Somehow, bilib ako kay Kuya dahil nalagpasan niya ang lahat ng ito. Gusto kong magtampo sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin ang lihim niya pero at the same time ay nauunawaan ko siya. Hindi lahat ay maiintindihan kung ano ang sitwasyon niya. Nakaramdam yata si Kuya ng awkward na mood sa paligid. "H-Huwag kayong mag-alala, alam ko ang responsibilidad ko. Basta nasa kondisyon ako ay hindi ako makakapanakit ng tao." Tumikhim si Papa. "Drei will be helpful in defense and offense against attackers. We have trackers-- Empath, psychometry, clairvoyant, channelers-- pero isa lang ang pang-defense at offense natin, si Drei. I am hoping to find someone with hypnosis or telekinesis. Anyway..." sumenyas ulit si Papa kay Peter para sa next slide. Ipinakita ang larawan ng palad na tila may inaabot. "There are many dimensions to touch beyond the physical contact. When we touch someone, life force energy, 'Chi' or 'Prana', flows between the touching." Itinuro ni Papa ang gitna ng palad niya. "If Drei's not conscious about it, the energetics of touching becomes bundled in the totality of sensations that happens when he connects with other living things." "Papa, ipinanganak na ba si Kuya with that kind of ability?" "No, Hija. Drei experienced a life and death situation when he was a kid. Two years old ka pa lang noon. Hannah knows it, silang dalawa ang magkalaro that time when it happened. That experience opened his ability. Anyone he touches will feel exhausted and worst, could die any minute. We trained him everyday to control his ability and he is now able to manage it. Maaari niyang hawakan ng ilang saglit ang isang tao without harm. Hindi n'yo kailangang mangamba sa kakayahan niya dahil alam niya ang limitasyon niya. It will also be used in defense from our enemies," paliwanag ni Papa. Napatingin ulit ako kay Kuya. Naawa ako sa kanya. Iyon ba ang dahilan kaya hindi niya maligawan si Milet? Pero kaya na naman daw niyang kontrolin ang kakayahan niya so ano pa ang pumipigil sa kanya para ligawan si Milet? "Let's move on to the cases that we need to resolve. Magkakaroon tayo ng re-assigning ng iimbestigahan." Kinuha ni Papa ang isang bungkos ng file reports at binuklat-buklat ito. "We have death issues reports sa Polymedic na supposedly ay mga hindi dapat namatay. Drei and Milet are still assigned to investigate the matter. Pati na rin ang pagkawala ng kapatid mo, Milet." "Papa, gusto ko ring imbestigahan ang pagkamatay ng batang nakita kahapon sa kakahuyan," protesta ni Kuya Drei. Tumingin saglit si Papa kay Kuya bago muling yumuko at tumingin sa binubuklat na files. "No, Drei. That case will be given to Wesley and Hannah. Imbestigahan ninyo ang bentahan ng human organs. Donnel and Violet will be assigned in investigating and interviewing residents of this town, gather information and any leads without being obvious. Blend in with the locals. Makipagkaibigan kayo at makipagkwentuhan like regular tourist. Remember, undercover tayong lahat dito. Sangkot ang ilang kapulisan sa mga kaguluhang nangyayari dito. We can't trust anyone outisde of this circle." "Roger," sabay na sagot nina Donnel at Violet. "Rod and Peter will investigate the Black Mask. That's all for today." Tumayo si Papa para umalis na pero nagpahabol ako ng protesta. "Papa, paano kami nina Emma at Emman?" reklamo ko ulit. Tumingin saglit si Papa, "mag-aaral kayo. Ien-enroll kayo for the last semester." Saka ito tumalikod palabas ng conference room. "Papa naman eh." Lugmok ang mga balikat ko habang nakasunod ang tingin kay Papa. "Bakit pa tayo isinama dito kung mag-aaral din lang tayo? Pwede naman tayong maiwan sa Doña Trinidad na lang." Lalong nagkandahaba ang nguso ko. 'Di ako papayag. Isa-isa na kaming tumayo at tahimik na lumabas ng conference room. Nanguna si Kuya Drei, tinungo nito ang pintuan palabas ng bahay kaya sinundan ko siya. "Kuya, sandali," pigil ko rito. Tumigil ito sa harap ng fountain at hinarap ako. "What? 'Di pa ba sapat yung narinig mo kanina?" Wala akong makitang emosyon sa mukha niya, the usual poker face ni Kuya Drei tulad ng dati. "H-Hindi naman ako takot sa'yo, Kuya kita. Alam kong 'di mo ako sasaktan. Nakakatampo lang kasi 'di mo sinabi sa akin ang sikreto mo." Sinipa ko ang maliit na batong nasa paanan ko. "Arlene, kahit sa sarili ko hindi ko matanggap ang kakayahan ko, ang sabihin ko pa kaya sa'yo?" Lumamlam ang expression ni Kuya. "N-Nasaktan din kita noon na muntik mo nang ikamatay." "Ha? Kailan?" nagtatakang tanong ko. "No'ng pagkatapos kong maospital. Two years old ka pa lang noon. Sinabihan na ako ni Papa na huwag ka munang hawakan nang walang hand gloves pero matigas ang ulo ko. Hinawakan kita nang walang gloves, habang nilalaro kita ay nawalan ka ng malay. Buti dumating si Papa at nakita iyon. Isinugod ka namin sa ospital." Hinawi ni Kuya ang buhok kong nililipad ng hangin at tumatabing sa mukha ko. "I'm sorry, Arlene." "Kuya, mga bata pa tayo noon. Wala ka pa namang idea kung ano ang nangyayari sa'yo noon eh. Malalaki na tayo ngayon. Sana man lang nag-open-up ka sa akin. Nakakatampo ka." Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. "Aray! Sorry na." Kinurot ni Kuya ang pisngi ko. "Iyan ba ang dahilan kaya hindi mo maligawan si Milet?" Natigilan si Kuya. Tinatantya ko ang reaksyon niya, may inililihim pa ba 'to. Bumuka ang bibig ni Kuya pero itinikom niya ulit. "Kuya naman eh, no more secrets!" Hinila-hila ko ang braso ni Kuya. "Oo na! Ang kulit!" Bumuntong-hininga si Kuya bago nagsalita ulit. "Naalala mo si Jenny, iyong unang girlfriend ko?" "Oh, ano'ng mayro'n sa kanya? Nakikipagbalikan sa'yo?" Namaywang ako. "Hindi 'yon. Ano kasi..." "Bilis na! Ano nga?" pangungulit ko habang hinihila ang manggas ng poli shirt niya. "We kissed on the lips, then nawalan siya ng malay. I can't kiss anyone. Hindi pa alam ni Papa ang tungkol do'n." Napabuga ng hangin si Kuya saka tumingin sa malayo. Oh, no! Kuya is doomed. "Tatanda at mamamatay ka bang virgin, Kuya?" "Buset!" Tinalikuran ako ni Kuya Drei. Idinaan ko lang sa biro, pero naaawa ako sa kanya. Malungkot na sinundan ko ng tingin si Kuya habang papalayo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD