Chapter 16

1818 Words
"FVCK! This can't be," bulalas ni Dawson na nag-iigting ang panga matapos ibaba ni Cathy ang linya. Napasabunot ito sa ulo na palakad-lakad sa harapan ng glass wall at hindi malaman kung anong gagawin. Napasulyap ito kay Angelo na mahinang napaungol na tunog daing. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang nobya at muling sinalat sa noo at leeg na ikinapikit nitong sobrang taas pa rin ng lagnat ni Angelo. Tiyak na sa ilang sandali lang ay susulpot na si Cathy dito. Baka mamaya ay ito pa mismo ang sisira sa masayang nasimulan nila ni Angelo. "You can't ruined my life, Cathy. I'll protect my girl, against you." Usal nito na naniningkit ang mga mata. Napahalik ito sa noo ni Angelo bago tumayo na tinawagan ang police captain na pinsan nito. Si Jayden na anak ng kanyang Tito Haden. Mariin nitong nakakagat ang ibabang labi na palakad-lakad sa paanan ng kama. Hindi mapakali na parang sinisilaban sa pwet habang nakalapat ang aparato sa tainga nito at hinihintay sumagot ang pinsan sa kabilang linya. "Dawson?" "God! What took you so long?" singhal nito na sa wakas ay sumagot ang pinsan. "Hwag ka namang manigaw, Delta junior. Nasa trabaho ako eh. Kaya naka-silent ang phone ko. Napatawag ka?" sagot ni Jayden sa kabilang linya. Napapikit itong ilang beses na napahinga ng malalim bago nagsalitang muli. "I need your help. ASAP." Wika nito na napaka bossy ng dating. "Huh? What kind of help?" nagtatakang tanong ni Jayden dito na napahinga ng malalim. "Kailangan kong makaalis ng city ngayon na mismo. Dalhin mo sa rooftop ang chopper at sunduin mo kami dito." Maawtoridad nitong saad na ikinatigil ng pinsan sa kabilang linya. "Are you still there?" "Yeah. Uhm, why? May emergency ba?" tanong ni Jayden dito na natauhan sa pagkakatulala. "Just do it. Puntahan mo ako dito sa kumpanya ngayon na mismo. Hindi ako pwedeng maabutan ng pesteng babaeng 'yon dito!" paasik ni Dawson na nagngingitngit ang mga ngipin. "Eto na. Kailangan bang manigaw? Ikaw. . . kadarating mo palang ng bansa pero ginagawan mo na ako ng sakit sa ulo ko, ha?" pagalit ni Jayden dito na lumabas ng headquarters at nagtungo ng parking. Napapailing na lamang itong sumakay sa kanyang red ducati na nagsuot ng helmet at kaagad pinaharurut ang motor pauwi sa kanilang mansion para kunin ang chopper katulad ng utos ng pinsan nito. PALAKAD-LAKAD si Dawson na hindi mapakali. Pakiramdam niya ay napakabagal umusad ng oras. Habang lumilipas ang sandali ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib nito. Na baka bigla na lamang bumukas ang pinto at iluwal no'n si Cathy! "Ang tagal mo naman, Jayden." Usal nito na panay ang sulyap sa wristwatch nito. "Fvck!" Malutong itong napamura na mag-vibrate ang cellphone at nabasang palapag na sa rooftop ang pinsan nito. Kaagad nitong isinilid sa bulsa ang cellphone na nilapitan si Angelo at binalot ng kumot. "Uhmm." Ungol nito na maramdaman ang binata. "Shh. . . it's me, tart. Magpahinga ka pa, hmm?" saad nito na kinarga na ang dalaga. Halos patakbo itong nagtungo ng elevator at umakyat ng rooftop. Sakto namang nakalapag na ang chopper na pinagbuksan sila ni Jayden ng pinto. Napalapat ito ng labi na makitang naka-uniform pa ang pinsan. Nasa oras ito ng trabaho pero inabala nito. "You bastard." Ingos ni Jayden dito na napangisi. "Salamat sa pag-rescue, dude. I owe you this." Kindat nito na pumasok na sa loob ng chopper. Naiiling na lamang si Jayden na isinarado ang pinto at pumasok na sa harapan at ito ang piloto. "Where are we going, dude?" tanong nito habang nasa ere na ang mga ito. Yakap-yakap naman ni Dawson si Angelo na nahihimbing at lalo pang tumataas ang lagnat. "Uhm, hindi ko alam eh." "What?! Magtatanan tanan kayo na hindi mo alam kung saan dadalhin 'yang biktima mo?" bulalas ni Jayden na ikinamilog ng mga mata nito. Kung abot lang niya ang pinsan ay nabatukan na niya ito. "Siraulo ka ba? Hindi ko siya biktima, ha? Umayos ka nga. Saka. . . hindi ako pamilyar dito sa bansa eh. Kaya nagtatanong ako kung saan kami pwede ni Angelo." Sagot ni Dawson ditong napapailing na lamang sa pinsan. "May hacienda ang Lolo Dwight sa Batanes. Doon na lang muna kayo magtago ng chikababe mo. Mas malayo dito sa syudad at hindi rin kayo matutunton doon at pahirapan ang signal sa hacienda." Suhest'yon ni Jayden ditong napatango-tango. "That's good. Sige. . . doon mo na lang kami dalhin ni Angelo." "Anyway. . . bakit mo tinangay 'yan? Ayaw ba sa'yo ng pamilya niya?" pag-iiba ni Jayden sa usapan. "Nope. It's not like that." "Kung gano'n bakit mo tinatanan si Angelica, hmm? Alam mo, pasalamat ka pinsan kita. Pero binabalaan kita, Dawson. Hwag na hwag mong paglalaruan si Angelica. Dahil sa oras na sinaktan mo 'yan? Ako mismo ang pupulot sa kanya at hinding-hindi na ibabalik sa'yo." Wika pa ni Jayden na nagbabanta ang tono. "I know. At wala akong planong paglaruan ang mahal ko. Ang totoo niya'n. Biglang dumating si Cathy ng bansa eh. Kaya kailangan kong iiwas si Angelo. Alam ni Cathy kung saan siya nakatira kaya tiyak na pupuntahan niya ito sa bahay nila." Natigilan naman si Jayden sa narinig dito. "What's your next plan then?" Napahinga ito ng malalim na panay ang halik sa noo ni Angelo. "Ipapawalang bisa ko ang pesteng kasal namin ng babaeng 'yon. Wether she agreed or not." Madiing saad nito na nagngingitngit ang mga ngiping maalala ang asawa nito. Matagal na sanang walang bisa ang kasal nila kung sumunod lang ito sa kasunduan. At ngayon ay nambubulabog na ito. Siya pa tuloy ang kailangang itago ang mahal maprotektahan lang ito kay Cathy. "Well. That's good to hear, dude. Siguraduhin mong paninindigan mo si Angelica. Nang 'di sayang ang pagpapaubaya ko sa'yo," wika ni Jayden dito. PAGDATING nila sa hacienda kung saan sa burol nag-landing ang chopper. Namamangha namang naigala ni Dawson ang paningin mula dito sa burol na kinaroroonan nila. Sa taas nito ay tanaw ang kabuoan ng Madrigal's hacienda maging ang mga kalapit na lupaing kay lalawak. Tanaw din ang asul na dagat sa ibaba na may nakatayong puting rest house doon. Bumaba ito ng chopper na iniwan na muna sa loob si Angelo na nahihimbing pa rin. Napangiti ito na humampas ang malamig at sariwang hangin sa kanila ni Jayden. "I didn't know na may gan'to ang Lolo," wika nito na namamanghang iginagala ang paningin sa paligid. "Ikaw eh. Ayaw mong manirahan dito sa bansa. Alam mo, dude. Mas masarap pa ring manirahan dito sa bansa natin kaysa abroad." Sagot ni Jayden na inakbayan itong napangiting inakbayan din ang pinsan. Ilang minuto pa nilang pinagsawang pinanood ang tanawin ng hacienda nang mag-vibrate ang cellphone ni Jayden. Napangiwi pa ito na mabasa ang text message na parang batang napakamot sa batok. "Uhm, dude." "Hmm?" Napalingon si Dawson dito na nagtatanong ang mga mata sa pinsan. "Uhm, mauuna na ako, dude." "Huh? Hindi ka manlang mag-stay kahit ngayong gabi lang?" bulalas naman ni Dawson ditong napangiwi. "Eh. . .nag-message ang Mommy Sofi eh. Hinahanap na ako at tinatanong kung bakit ko tinangay ang chopper. Pahamak ka kasi eh. Ako naman ang malalagot nito sa Mommy ko." Natatawang wika nitong ikinabungisngis ni Dawson na napatango-tango. "Good luck sa singit mo, dude. Tiyak na makakatikim na naman ng kurot mula kay Tita Sofi." Natatawang saad ni Dawson ditong umasim ang mukha. "And it's all because of you," ingos naman nitong ikinahagikhik ng pinsan na pumasok ng chopper na ginising si Angelo. "Hey, tart. Wake-up," malambing pagyugyog nito sa balikat ng nobya. "Uhmm." Tanging ungol nitong sagot na kitang hinang-hina. Napahinga ito ng malalim na maingat kinarga si Angelo na inilabas na ng chopper. Naiiling lang naman si Jayden na nakamata ditong kay lakas gumawa ng kalokohan pero magpapasaklolo din naman. At ang masaklap ay siya ang hinila ng pinsan. Damay tuloy ito at tiyak na maaapi na naman ang singit nitong paborito ng Mommy Sofi nitong kinukurot sa tuwing may atraso ang anak. Kahit binata na ito ay wala pa ring kawala pagdating sa kanyang ina. Hindi naman ito makapalag dahil takot din ito sa Mommy Sofi niya katulad ng Daddy Haden nito sa asawa. "Pa'no? Mauna na ako, dude." Wika ni Jayden na hinaplos pa sa ulo si Angelo. "Thanks again, dude. Ingat ka." Ngumiti itong tinapik sa balikat si Dawson bago sumakay ng chopper at pinaandar na ito. Dinala naman ni Dawson si Angelo sa lilim ng malaking puno ng mangga dito sa tuktok ng burol. May duyan na yari sa ratan kasi doon na pang-apatang katao ang kasya. Sa luwag ng espasyo ay para na itong kama lalo na't may foam na nakalatag doon. Maingat nitong inilapag si Angelo na pinaunan sa braso nito. "Uhmm." Napangiti ito na mahinang napaungol si Angelo na hinahalik-halikan nito sa buong mukha lalo na sa mga labi nito. "Hey, bangon na sleepyhead. Hindi ka pa ba nagugutom?" bulong ni Dawson dito na umungol lang ng nagrereklamo. "Uhmm. . . mamaya na, Dawson. Hindi ko pa kaya eh," mahina at inaantok nitong sagot na patuloy kinukulit ni Dawson na hinahalik-halikan sa buong mukha. Napahagikhik na lamang si Dawson na niyakap itong napapikit na rin. Kahit paano ay nakahinga ito ng maluwag na nakalayo na sila ni Angelo sa syudad. Kahit halughugin pa ni Cathy ang buong Manila ay hindi niya mahahagilap ang mga ito. "I'll protect you, tart. Hindi ko hahayaang. . . saktan ka ng babaeng 'yon. Ako ang makakalaban niya kapag sinaktan ka niya, Angelo." Bulong nito na mariing hinagkan sa ulo ang nobya. NANGUNOTNOO si Angelo na maramdamang napakalamig sa kinaroroonan nito. Napakatahimik din at dama niya ang sariwang ihip ng hangin. Dahan-dahan itong nagdilat ng mga mata kahit inaantok pa ito. Sa nanlalabo nitong paningin ay unang bumungad ang malapad na dibdib ni Dawson na ikinasilay ng matamis na ngiti sa mga labi nitong makagisnang nakakulong siya sa bisig ng nobyo. "Huh?" Nagising ang inaantok nitong diwa na mapansin ang kinaroroonan nilang tila nasa isang paraiso! "Nananaginip ba ako?" usal nito na napakusot-kusot ng mga mata. Nakurot pa nito ang tagiliran na napangiwing makadama ng kirot. Awang ang labi na naigala nito ang paningin sa paligid at hindi maitago ang pagkamangha sa ganda ng lugar! "Oh my God. Saan na naman kaya ako tinangay ng kumag na 'to?" bulalas nito na ikinahagikhik ni Dawson na hinila ito pahigang napatili sa gulat. "Did you just called me. . . kumag, hmm?" paos ang boses na anas nitong ikinalapat ng labi ni Angelo na nag-init ang mukha. "Uhm. . . nasaan tayo?" pag-iiba nitong tanong na iniiwasan ang mga mata ng binatang kaharap at matiim na nakatitig sa kanya. "Mamaya mo na intindihin ang lugar, tart. Pa-score-in mo muna ako. Kanina pa nakahandang bumaril si buddy eh," malanding anas nito. "Huh?" Napangisi si Dawson na pinagsalinop ang mga daliri nila at unti-unting pumaibabaw ditong napakurap-kurap sa binatang napakindat. "Dawson!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD