Chapter 15

1711 Words
NANGINGITI si Dawson habang nagpipirma ito ng mga papeles na kailangan ng approval ng president. Ang sabi naman ng ama nito ay pirmahan niya lang ang mga iyon at nai-send na sa kanya ni Vin ang mga iyon. Kaya approval na lang ang kulang. Nasa silid naman ng opisina nito si Angelo. Nahihimbing at nawalan ng lakas sa namagitan sa kanila kanina sa bahay. Mabuti na lang at hindi nakahalata ang pamilya ni Angelo na nanlalata ito nang mag-agahan sila. Idagdag pang nagmamadali na ang pamilya nito kanina dahil baka ma-late sila sa construction. "Hey, Kuya! What's up!" Napapitlag ito na biglang may humampas sa mesa nito na hindi namalayang dumating ang nakababatang kapatid nito. Si Maddison na sumunod dito, kasunod si Mackenzie at ang bunso nilang si Yanna kasabay ang Mommy Yumi nito. Napatayo itong napangiti na lumabas ng kanyang mesa at isa-isang niyakap ang mga kapatid nitong napasugod. "You're annoying. Bakit hindi ka bumisita sa bahay, ha?" pagalit ng Mommy Yumi nito na natatawang niyakap ng mahigpit ang ina. "I'm sorry, Mom. Medyo abala lang po." Anito nna hinahalik-halikan sa ulo ang ina nitong nagtatampo ang itsura. Sa liit na babae ng kanyang ina ay hanggang dibdib niya lang ito. Sa kanya nga nagmana ang mga kapatid nitong babae na kay babansot pero saksakan naman ng kaseksihan at kagandahan. "Hmfpt. Sabi ng Daddy Delta mo, wala ka namang ginagawa dito ah. Hindi mo ba kami namimis?" ingos pa ng ina nitong ikinahagikhik nito na sumapo sa magkabilaang pisngi ng ina at yumukong pinaghahalikan ito sa buong mukha hanggang napangiti niya rin ito. "Hindi kaya. Ang dami ko nga pong ginagawa eh." Nakangusong palusot nito na tinuro pa ang mga folder na nakatambak sa mesa nito. Mukhang naniwala naman ang ina nito na yumapos sa baywang ng anak at napapangusong tumingala na ikinangiti ni Dawson at muling pinaghahalikan sa buong mukha ang ina nitong naglalambing. "Uhmm. . . pasalamat ka, mahal kita." Napangiti ito sa sinaad ng ina na napaungol pang nakapikit na ninanamnam ang bawat dampi ng halik ng binata nito sa kanyang mukha. Mag-isang lalake lang kasi si Dawson sa kanilang apat na magkakapatid. At kahit ito ang panganay ay ito ang pinaka bini-baby ng kanilang ina. Mas bini-baby pa nga niya si Dawson kaysa kay Yanna na bunso nila. "Thank you--" "Oh my God! Who is she!?" Naputol ang sanay sasabihin pa nito nang malingunan ng kanyang ina ang silid at nakita doon si Angelo na nahihimbing! Napapilit itong natampal ang noo na maging ang mga kapatid niya ay nakiusyoso na maingat bawat paghakbang na lumapit sa gawi ng pinto. Iniwan niya kasing nakabukas ang pinto ng silid para nasusulyapan niya pa rin si Angelo na nahihimbing sa kama. Hindi naman nito aakalaing susugod ang ina at mga kapatid nito dito sa opisina niya. Napabuga ito ng hangin na nilapitan na ang mga babaeng nagkukumpulan sa may pinto at nagbubulungan na nakamata kay Angelong nahihimbing. Inakbayan nito ang ina at si Yonna na napatingala sa kanya. Napakurap-kurap pa ang mga ito na nakalarawan ang katanungan sa kanilang mga mata. "Sa sala na muna tayo. Mamaya magising niyo pa 'yan," pabulong wika nito na inakay na ang mga ito sa sala. Sumunod naman ang mga ito sa kanya na kitang naghihintay ng sagot nito. Kita ang kakaibang kinang sa mga mata nila na nanunudyo ang ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi. "So, who is she, Kuya? Hindi mo naman sinasabing kaya ayaw mong umuwi dahil may iniuwi kang babae mo dito," tudyo ng kapatid nitong si Mackenzie. Napahagikhik pa ang mga ito na nakalarawan ang kilig sa kanilang mga mata. Napailing naman si Dawson na napahilot sa sentido. "Fine. Nanghihina kasi siya kaya pinatuloy ko na muna siya ng silid ko. She's Angelica. Working here as one of my encoder. Bago pa lang kami at hindi pa naga-out ang relasyon namin sa publiko." Pagtatapat nitong ikinatango-tango ng kanyang pamilyang nakamata sa kanya. "Wait. . . paano niyo nahalatang babae siya?" manghang tanong nito. Nagkatinginan naman ang mga kapatid at ina nito na nagtaas ng kilay sa kanya. "Of course. Magpapatuloy ka ba naman ng lalake sa kama mo, Kuya? Alam naman naming straight ka. Kaya imposibleng papatol ka sa kapwa mo lalake. Isa pa," ani Madisson na nilingon muli si Angelo sa silid na napangiti. "Ang ganda niya kaya." Napangiti si Dawson sa sinaad ng nakababatang kapatid na napasulyap din sa gawi ni Angelo. "Yeah, you're right, Madisson. She's absolutely beautiful in and out." Pagsang-ayon pa nito na iba ang kinang ng mga matang nakatitig sa dalagang nahihimbing. "Teka nga, Dawson." "Hmm?" Sabay-sabay na napabaling ang mga ito sa kanilang ina na napahalukipkip ng mga braso at pinaningkitan ang binata nitong napatuwid ng upo at kitang kinakabahan. Sa uri kasi ng tinging ginagawad ng ina nito ay tila binabasa niya ang anak. Napakagaling pa naman nitong mangilatis na kung mag-imbestiga ay dinaig pa ang mga pulis at NBI! "Bakit mukhang pagod na pagod siya eh maaga pa naman, hmm?" nag-uusisang tanong ng ina nito. Nasamid naman si Dawson na sunod-sunod napaubo na lalong ikinaningkit ng mga mata ng ina nito. "Ahem! Uhm. . . medyo masama po ang pakiramdam niya, Mom." Alibi nito na napapangiwi ang ngiti sa ina. Sa uri kasi ng tinging ginagawad ng ina ay nababasa niyang hindi ito naniniwala sa alibi nito. Hindi niya tuloy mapigilang mag-init ng mukha at napapaiwas sa mga mata ng ina nitong nanunuri. "Masama? Eh bakit pa siya pumasok kung masama ang pakiramdam, hmm?" Napalapat ng labi si Dawson na nag-iwas ng tingin sa ina nito. Hindi niya kasi kayang salubungin ang mga mata ng ina kaya lalong napaghahalataang guilty ito. "Dawson." May kariinang wika ng ina nitong napangiwing napilitang salubungin ang mga mata ng ina. "Mom, please? Ang dami ko pa pong gagawin eh. Sige na po, dadalaw ako bukas sa mansion. I promise." Pag-iiba nito dahil kahit hindi sabihin ng ina ay alam nitong nahihinulaan na ng kanyang ina na may namagitan sa kanila ni Angelo kaya ito nanghihina. Napailing na lamang si Yumi na napipilitang tumayo at dinampot ang bag nito. Napasunod naman ang mga babae dito na isa-isang bumeso sa Kuya Dawson nila. "Umayos ka. Kapag iyan nabuntis mo? Sisiguraduhin kong ipapakasal ko kayo. Be responsible to your actions, Dawson. Alam mong pinakaayaw ko ang may pinaglalaruan kang babae. Puro babae ang mga kapatid mo. Hwag mo ng hintaying. . . sila ang balikan ng karma d'yan sa kalandian mong minana mo sa ama mo," pabulong pagalit ng ina nito na pasimpleng nakakurot sa tagiliran ni Dawson. Napapangiwi naman ang ngiti ni Dawson lalo na't nakamata sa kanila ang tatlong kapatid nito na hinihintay ang kanilang ina. Matamis pa itong ngumiti na hinaplos sa ulo ang binata at tumingkayad na napa-smack kiss sa mga labi ni Dawson. "Naiintindihan mo ba, my little Madrigal?" "Opo, Mom. Mag-iingat po kayo. See you tomorrow po." Pamamaalam nitong niyakap ang ina at inakay na sa may pinto. NAPABUGA ito ng hangin pagkasara ng pinto na lumabas din ang ina at mga kapatid. Napailing na lamang itong bumalik sa kanyang mesa at itinuloy ang pagpirma sa mga folder doon. Pasado alauna na ng hapon nang matapos nitong lagdaan ang mga papeles na kaagad itinawag kay Vin para siya na ang magdala sa mga board ng kumpanya. Sa sobrang abala nito ay hindi na tuloy namalayan ang oras. Dali-dali itong nagtungo ng mini kitchen nito na nagsuot ng apron at humalungkat sa fridge nito na dumampot ng ilang seafoods at gulay na lulutuin. Natataranta pa ito dahil baka magising na si Angelo at tiyak na gutom na rin ito. Halos thirty minutes din itong nagluto bago nakahain na nakahingang maluwag na nahihimbing pa rin si Angelo. Naghubad ito ng apron na pumasok ng silid at naupo sa gilid ng kama. Nangingiting marahang nahaplos sa pisngi ang dalaga na natigilang madamang. . . sobrang init nito! "Fvck!" Malutong itong napamura na maingat piinatihaya ng higa si Angelo. Saka lang nito napansing basang-basa ng pawis ang dalaga at namumula ang mukha! "Hey, tart. Wake-up," nag-aalalang bulalas nito na marahang tinatapik-tapik sa pisngi ang dalaga. "Fvck!" Panay ang mura nito na hindi malaman ang umahing gawin. Nagtungo ito sa banyo na napatupi sa manggas ng long sleeve nito. Nagbasa ng face towel na dinala kay Angelo at maingat na binanyusan ang dalaga. Kahit kabado ay pikitmata nitong hinubaran si Angelo na inaapoy ng lagnat dahil sa namagitan sa kanila kaninang umaga! "Uhmm." "Hey, tart. Do you want me to bring you to the hospital, hmm?" wika nito na nahigang pinaunan ang dalaga sa braso nitong napasiksik sa kanyang dibdib na kanyang niyakap. "Ayoko do'n. Dito lang ako kasama ka," mahinang sagot nito na ikinangiti ni Dawson na hinahalik-halikan ito sa ulo habang hinahaplos sa likod. "Okay. I'll take care of you then," sagot nitong tanging ungol lang ang isinagot ni Angelo na muling nakaidlip. Napahinga ito ng malalim na maingat bumangon ng kama na panay ang pag-vibrate ng cellphone nito sa bulsa. Nagtungo ito sa glass wall na kunot ang noong napatitig sa screen ng cellphone. Unregistered number kasi ang caller na ikinakaba nito. Hindi niya naman kasi ugaling ibigay sa iba ang cellphone number nito. Tanging pamilya at mga kaibigan lang ang nakakaalam sa kanyang cell number kaya nagtataka ito. "Yes, hello?" pagsagot nito na inilapat sa tainga ang cellphone. Napapalunok ito na ilang segundo pa ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito na pinapakiramdaman ang caller. "Yes, hello? Who is this?" muling tanong nito. "Hi there, my hunky husband. Did you. . . miss me." Malanding wika ng boses babae sa kabilang linya na ikinanigas nito sa kinatatayuan! "C-Cathy?" utal nitong wika na makilala ang boses. Napahalakhak naman ito sa kabilang linya na ikinapikit nitong tama nga siya ng hinala. Ang asawa nito sa Europe ang caller. Natigilan ito na may sumagi sa isipan na napasulyap sa screen ng cellphone at halos mabitawan iyon na makumpirmang. . . Philippine sim number ang gamit nito! Binundol ito ng kakaibang kaba sa dibdib na nangangatal ang kamay na muling inilapat ang cellphone sa tainga. "You're using Philippines sim? Is this mean--" "You're right, my husband! Nandito na ako. . . sa Pilipinas. See you later! Muwahh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD