Chapter 2

2010 Words
NAPAPAHIKAB akong bumangon at napaunat-unat pa. Nang mapatingin ako sa hanging clock na nakasabit sa loob ng kuwarto ko ay 07:09 AM na rin pala, medyo tinanghali na pala ako ng gising. Pero sabagay, wala naman akong pagkakaabalahan ngayon. Natapos ko na ang misyon ko kagabi, at hindi na rin naman akong pumapasok ng school dahil graduated na rin ako last year sa kursong criminology. Yes, iyon ang natapos kong kurso. I don't know; I had no intention of becoming a police officer, but that's what I finished. Balak ko pa nga mag-aral ulit sa ibang bansa naman, and shift to a different course, but maybe next year, dahil kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang pagiging tagapagmana ko. Bumaba na ako ng kama ko at lumabas sa pinto papuntang balcony. “Hmm… ang sarap ng sinag ng araw…” sambit ko at bahagya pang pinikit ang mga mata ko, dinama saglit ang pagtama ng araw sa mukha ko nang nasa balcony na. Napangiti na lang ako nang magmulat at umakyat na sa balustrade ng balcony sabay talon papunta sa baba. Malakas akong bumagsak sa ilalim ng swimming pool; habol ko na lang ang aking paghinga nang umahon mula sa ilalim ng tubig at napahagod sa aking buhok sabay mulat sa aking mga mata. Pero sa pagmulat ko ay kita ko na nagmamadaling lumapit at suot na ang kanyang red suit for today's outfit. “Good morning, kamahalan!” he greeted me with a big smile. “Good morning too, my dear Yrem!” I replied with a smile and continued swimming. Yrem just watched me while standing about a foot away from the edge of the pool. Hindi nagtagal ay dumating naman si Pietro na may dalang breakfast at inilapag iyon sa ibabaw ng white table na nasa gilid ng pool. At matapos ilapag ang pagkain ay agad na tumayo sa tabi ni Yrem, pinanood nila akong dalawa. Para silang mga bodyguard ko lang kung titingnan. Pero oo, lahat kaya nilang gawin kahit ano pa ang iutos ko sa kanila, no matter what I order them to do; they are good at everything, not only in fighting and shooting but also in cooking different dishes of food. 14-year-old ako nang ibigay sila sa akin ni Dad para gawing bodyguard ko. And now it's been eleven years, kilalang-kilala ko na silang dalawa. At ang pinakanagustuhan ko talaga sa kanilang dalawa ay kahit si dad ang kumuha sa kanila, ako pa rin ang sinusunod nila, ako ang tinuturing nilang boss, sa akin sila tapat, hindi kay Dad. Yrem is now 32 years old, Pietro is 33, and I am just 25 years old. They are both older than me. But even so, they still respect me as their boss. Yrem is a bit naughty sometimes, unlike Pietro, who seems to just open his mouth when I talk to him and he needs to answer me. Pietro is from Morocco, and Yrem is from Istanbul. Nung una nga ay hirap pang magtagalog si Pietro, kahit English ay hindi gaano magaling, Darija ang madalas na gamiting salita, kaya nagalit ako dahil minsan ay hindi kami magkaintindihan. Mabuti na lang ay tinuruan ni Yrem, na kahit sa Istanbul lumaki ay magaling pala magsalita ng Tagalog at magaling din sa English, hindi nga lang tuwid magtagalog nung una, pero ngayon ay okay na okay na. “You two, join me for breakfast,” I ordered the two of them after getting out of the swimming pool. Sabay pa silang napaiwas ng tingin katawan ko, na siyang kinangisi ko na lang, pero tumango naman sila at agad na sumunod sa akin para maupo sa may table. Tanging black panty lang naman ang suot ko pang ibaba, at white t-shirt lang pang itaas, wala akong suot na bra kaya bakat na bakat ang n****e ko. But it's okay, marunong naman silang mag-adjust and they respect me, kahit nga maghubad pa ako sa harap nila ay iiwas lang nila ang tingin nilang dalawa. Kaya sanay na sanay na ako. Pagkaupo ko ay agad akong binigyan ni Pietro ng towel para pamunas ko bago ito naupo sa kanyang upuan. “Kamahalan, hinintay kitang dumating kagabi, pero nakaidlip ako saglit, kaya namalayan ko ay nasa garage na ang kotse mo,” wika ni Yrem nang kasalukuyan na kmaing nag-aalmusal. Pareho kaming mahilig sa coffee with bread tuwing umaga, kaya ito lang ang breakfast namin ngayon. “Tutulog-tulog ka kasi kaya paano mo ako mamalayan?” balewalang sagot ko at humigop ng kape sa aking tasa. “Patawad, kamahalan,” hinging paumanhin ni Yrem na tila naging guilty agad. Napangiti naman ako. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. “Lumapit ka nga sa akin, Yrem,” utos ko nang bahagyang nakangiti. “Yes, kamahalan, ano 'yun?” Bahagya naman nitong inilapit ang kanyang mukha. “Lumapit ka pa ng konti.” Agad namang sumunod si Yrem na parang nagtataka pa pero inilapit pa rin ang mukha sa akin. And I kissed him on the cheek. “K-Kamahalan.” He was surprised by my kiss. “That's my prize. Sabi mo kasi kiss lang, then 'yan na, binigay ko na. Akala ko nga luxury car ang hihilingin mo sa akin, o kaya yacht, house and lot, private plane. Pero hindi ko inaasahan na kiss lang pala.” Napangiti na si Yrem at napakagat pa ng labi na para bang pinipigilan lumaki ang ngiti. “Maraming salamat, kamahalan. Baka hindi na ako maghilamos nito ng isang buwan.” I chuckled. “Para namang wala pang babaeng nakahalik sa 'yo at ayaw mo nang maghilamos ng isang buwan dahil lang sa paghalik ko sa pisngi mo.” “P-Parang gano'n na nga, kamahalan,” Yrem replied with a smile. “Oh, that's impossible.” Napatikhim naman si Pietro. “Kumusta pala ang lakad mo kagabi, kamahalan?” he asked. So I immediately turned my attention to him. “Well, okay naman.” I shrugged. “And oo nga pala, can you open your phone now? And search for Deguil Alexeyev, the new governor of this city.” Napahinto naman si Pietro at agad na dinukot ang phone sa kanyang suit, gano'n din si Yrem. Sabay silang tumipa sa kanilang mga phone para sundin ang sinabi ko. “Gusto kong alamin niyo ang tungkol sa kanya, kung ano ang tunay niyang katauhan sa likod ng kanyang pagiging gobernador.” “Ako na ang bahala, kamalan. I'll give you an update as soon as possible,” sagot ni Pietro at muli nang binalik ang phone sa bulsa matapos tingnan ang mukha ng governor. Habang si Yrem ay kumunot ang noo at sumeryoso bigla. “Hindi ko alam kung saan ko 'to nakita, pero sigurado akong nakita ko na sa kung saan.” I chuckled. “Baka naman sa campaign mo lang nakita 'yan. And by the way, since wala naman akong gagawin ngayong araw. Samahan niyo na lang akong manood ng basketball mamayang gabi sa Arena.” Sabay silang napatingin sa akin nang marinig ang sinabi ko. And I sweetly smiled to them. “Bakit naman kayo ganyan kung makatingin sa akin?” Umiwas na silang dalawa ng tingin at mahinang napatikhim. “Wala, kamahalan,” magkasabay pa nilang sagot na akala mo'y biglang nalugi. Napangisi na lang ako. Seriously, bakit ang sama ng reaction nilang dalawa tuwing niyaya ko silang manood ng basketball? Feeling ko ay napipilitan na lang dahil ako ang boss nila at kailangan nilang sumama para maging bodyguard ko at mabantayan ako mula sa kapahamakan habang abala sa panonood. I know, alam nilang crush ko 'yung DJ na nagiging announcer sa Arena tuwing may laro ng basketball, kaya siguro ganito na lang ang reaction nila. Kapag kasi nanonood kami ng basketball ay hindi ako nakatingin sa naglalaro, kundi sa mismong DJ nakatuon ang tingin ko the whole time, hanggang sa matapos ang laro. “Pero bago pala tayo manood ng basketball mamaya, mag-shopping muna tayo. Matagal-tagal na rin nung huli nating shopping, last year pa yata. Ibibili ko kayo ngayon ng maraming suit at iba pang mga gamit na kailangan niyo, kahit ano pa ang gusto niyo, sabihin niyo lang.” “Sige, kamahalan,” walang buhay na sagot ni Yrem na tila hindi man lang na-excite. Habang si Pietro naman ay tumango lang at hindi na ako tiningnan pa. Matapos mag-breakfast ay hindi na ako nag-swimming at diretso nang umakyat sa kuwarto ko para magbihis. Isang red bodycon dress ang napili kong isuot with five inches white stiletto heels. And teardrop earrings for my ear, snake chain necklace for my neck. Naglagay na rin ako ng makeup for my face, a simple makeup na babagay sa outfit ko. Nang matapos magbihis ay bumaba na ako ng kuwarto, at naghihintay na nga sa baba ang dalawa kong trusted men na sina Yrem at Pietro. In fairness, nakapagpalit na silang dalawa ng suit. Hmm… masasabi kong guwapo silang dalawa, handsome and neat. And I'm sure, mamaya nito ay siguradong maiihi na naman sa kilig ang mga sales lady sa kanilang dalawa. “Shall we go, boys?” nakangiti kong tanong pagkababa ng stairs. Agad namang lumapit sa akin si Pietro na parang may pag-alala. “Kamahalan, may problema tayo—” “Huwag mo nang sabihin,” agad na saway ni Yrem dito at bahagya pa itong siniko bago ngumiti sa akin. “Let's go, kamahalan.” “Ano 'yun? Tell me. Anong problema?” Napatikhim silang dalawa at inis pang tiningnan ni Yrem si Pietro na para bang sinasabing hindi na dapat pa nitong binanggit. “Buhay ang pulis na pinatay mo kagabi, kamahalan. Tumawag ang iyong ama at pinapapunta ka sa kanyang palasyo,” Pietro answered. “W-What? That's impossible!” Mabilis namang nilabas ni Yrem ang kanyang phone at binigay sa akin matapos kalikutin saglit. Nang tingnan ko ay isang balita na naka-post sa internet. News Flash Matagumpay nang naalis ang bala sa ulo ni police general Policarpio na nabaril kagabi nang 'di pa nakikilalang suspek. Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang heneral ng kapulisan sa ospital at may mga nakabantay na ring mga pulis para masigurado ang kaligtasan nito. Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung ano ang motibo tungkol sa nangyaring pagbaril—” Hindi ko na pinatapos pa ang video at inis ko nang ibinato ang phone sa kung saan. “That's bullshit! Paano nabuhay pa ang matandang 'yun! Ano siya imortal? Eh binaril ko na sa ulo 'yun ah! Napaka-imposible na mabuhay pa siya!” galit kong sigaw at pati ang handbag kong hawak ay inis kong ibinato. “Hayaan niyo, kamahalan, ako na ang bahalang tumapos sa kanya.” It's Pietro. “No! Don't get involve with my mission! Parurusahan kita kapag nakialam ka!” galit kong sagot kay Pietro at inis na napahagod sa sarili kong buhok, nagpalakad-lakad na ako sa loob. My goodness! Paano nangyari 'to! Hanggang sa tumunog ang phone ni Yrem na siyang inihagis ko. “Kamahalan, your father is calling,” wika ni Yrem nang madampot ang phone at makita kung sino ang caller. Napapikit na lang ako. Damn it. “Then why don't you answer it!” I yelled at Yrem. Napatikhim na lang ito at sinagot na nga ang call. Hanggang sa muli itong napatingin sa akin nang marinig ang sinabu ng kabilang linya. “He wants to talk to you, kamahalan.” Napabuga na lang ako ng hangin at wala nang nagawa kundi agawin ang phone sa kamay ni Yrem. “Yes, dad?” “Pumunta ka rito ngayon din!” puno ng diin na sagot nito sa akin mula sa kabilang linya bago ako binabaan. Napapadyak na lang ako sa inis at muling tinapon ng malakas ang phone ni Yrem. “Argh! This is bullshit!” I shouted loudly. “Relax, kamahalan—” “Shut up!” galit kong sigaw kay Pietro at inis nang umakyat muli ng stairs. Talagang hindi ko aakalain na mabubuhay pa ang lintik na heneral na 'yun. Bullshit! Malalagot na naman ako nito kay Dad dahil sa kapalpakan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD