Chapter 3

1813 Words
Pagkapasok ko pa lang sa loob ng opisina ni Dad ay isang wine glass na agad ang lumipad papunta sa akin, mabuti na lang ay mabilis akong nakaiwas kaya hindi tumama sa mukha ko, pero tumama sa pinto na pinagpasukan ko at nawasak na siyang kinatalsik ng mga bubog nito. “Nabalitaan kong buhay pa si General Policarpio! Paanong nabuhay ang hayop na 'yun! Akala ko ba napatay mo na!” Dad shouted at me angrily after throwing a wine glass at me. I quickly bent my knees. “Patawad, dad, hindi ko alam na mabubuhay pa ang matandang 'yun matapos tamaan ng bala sa ulo. Pero hayaan mo, puwede ko naman siyang balikan para mapatay na nang tuluyan.” “Paano ka susunod sa yapak ko kung lalampa-lampa ka! Isang matandang police general lang hindi mo pa mapatay agad-agad! Napakahina mo! Isa lang lampa! Talunan! Walang kwenta!” Napatayo na si dad sa galit at isang aklat naman ang binato sa akin, hindi ko iyon naiwasan kaya tumama sa balikat ko. Napapikit na lang ako at tinanggap lahat ng mga sermon sa akin. “Huwag kang mag-alala, dad, babalikan ko ang matandang 'yun, at nasisiguro kong mapapatay ko na.” “Huwag ka puro salita! Gawin mo kung ayaw mong alisan kita ng mana at ipatapon sa Slave Island para doon ka na manatili habang buhay bilang isang bilanggo! Mas magaling pa sa 'yo si Allison, hindi pa pumapalpak sa mga pinapagawa ko sa kanya! Samantalang ikaw na tagapagmana, lalampa-lampa ka!” “Patawad, dad, pinapangako kong hindi na ito mauulit pa—” “Talagang hindi na! Dahil huling kapalpakan mo na 'to at aalisin na kita ng trono bilang tagapagmana!” “I understand, dad. Makakaasa kang hindi na ito mauulit pa.” Lumabas ako ng opisina ni Dad habang nagtitimpi na sa galit. Ang Slave Island ay doon ikinukulong ang lahat ng mga bihag mapababae man o lalaki, doon sa isla na 'yun pinaparusahan sila at pinapatay kung kinakailangan. At hindi ako papayag na ipatapon sa islang 'yun dahil lang sa maliit na dahilan. No way, that won't happen. And that b***h Allison, masyado na namang pabida. As if naman hindi ko alam na inaasa lang niya sa kanyang mga tauhan ang pinapagawa sa kanya ni Dad kaya niya matagumpay na nagagawa. Well, magkaiba kami; gusto ko kapag sinabi ni dad na ako lang mag-isa ang gagawa, talagang ginagawa ko nang mag-isa lang, kahit gaano pa kahirap ay hindi ako nagpapatulong sa aking mga tagasunod. Hindi ko hahayaan na mapunta sa Allison na 'yun ang trono. Pero alam ko namang hindi ibibigay sa kanya ni Dad kahit ma-perfect pa niya ang lahat ng misyon niya. Anak sa labas lang naman siya ni Dad. Sanay na rin ako kay Dad dahil sa kanyang pagiging malupit at masasakit na salita kapag pumapalpak ako. Pero hinsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapikon lalo na kapag kinukumpara niya ako sa kanyang mga anak sa labas. “Bullshit! Kung bakit kasi nabuhay pa ang matandang panot na 'yun!” inis kong paghampas sa manibela pagkapasok sa loob ng aking kotse. Talagang hindi ako makapaniwala na nagawa pang mabuhay ng police general na 'yun matapos kong barilin sa ulo kagabi. Napaka-imposible. Mabilis ko na lang pinatakbo ang kotse ko paalis ng palasyo ni Dad. Pagdating sa highway ay inunahan ko lahat ng mga sasakyan, muntik pang may magbanggan dahil sa bigla kong paglusot sa pagitan ng mga sasakyan. But I don't care anymore, naiinis ako, nagagalit; I hate it when dad compares me to any of my siblings from his mistress, umiinit ang ulo ko, kumukulo ang dugo ko. Kaya naman pagdating ko sa aking palasyo ay hindi ko na mapigilan ang magwala sa loob ng mansyon, binasag lahat ng mga nahawakan ko. Hinayaan lang ako ng tauhan kong si Yrem, pinanood lang ako nito sa aking pagwawala at pagsisigaw. Wala na akong pakialam pa kahit nagdugo na ang mga kamay ko sa pagwawala, basta ibinuhos ko ang galit ko sa paghagis at pagbasag ng mga gamit. “You b***h, Allison! You b***h! Argh! Bakit pa kasi nabuhay ang hayop na heneral na 'yun!!!!” sigaw ko at muling dinampot ang isang mamahaling vase, malakas ko itong ibinato sa kung saan na siyang kinawasak nito. Nagkalat ang mga basag na vase at mga iba pang babasagin, kahit ang TV ay hindi ko napalampas at binato ito ng vase na siyang kinabasag ng screen nito at kinahulog mula sa kinalalagyan. Nang mapagod sa pagsisigaw at pagwala ay hapong-hapo na akong naupo sa couch habang nangingitngit pa rin sa galit. Hanggang sa naupo na si Yrem sa tabi ko at may dala nang first aid kit. “Where's Pietro?” nahahapo kong tanong at may galit pa rin sa boses. “Umalis para alamin ang katauhan ng gobernador tulad ng iniutos mo sa kanya, kamahalan,” kalmadong sagot ni Yrem at kinuha na ang nasugatan kong kamay para gamutin. I just leaned on the couch and closed my eyes to calm myself down. Yrem treated my palm silently. Pero matapos nitong gamutin ang sugat ko ay naramdaman ko na lang ang marahan nitong pagmasahe sa sentido ko. “Hmm…” Napapikit ako at hindi mapigilan ang mapaungol sa sarap; kahit papaano ay narelax ako. “That's it, Yrem; it's so relaxing.” “Do you want a whole body massage, kamahalan?” Yrem suggested. “Bakit, magaling ka ba?” He chuckled behind me. “Of course, your majesty. Ang totoo ay mas magaling pa ako kaysa Pietro. Siya lang kasi lagi ang inuutusan mong magmasahe sa 'yo, kaya paano mo malalaman na magaling din ako.” I opened my eyes. “Sige, mas mabuti pa ngang imasahe mo muna ako hanggang sa makatulog, para naman mawala ang init ng ulo ko.” I stood up. “Mamaya ko na lang balikan sa gabi ang panot na heneral na 'yun para patayin. Let's go to my room.” Lumakad na ako paalis ng living room para umakyat ng kuwarto, pero napahinto ako nang bigla na lang akong lumutang. “What the hell are you doing?” taas kilay kong tanong kay Yrem dahil sa walang paalam nitong pagbuhat sa akin. “Para hindi ka na mapagod pa sa pag-akyat, kamahalan; hayaan mong buhatin na lang kita papunta sa kuwarto mo.” Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na umangal pa. Pagkapasok ng kuwarto ay saka ako ibinaba ni Yrem diretso sa kama. Agad ko naman hinubad ang suot kong dress. “W-What are you doing, kamahalan?” parang gulat na tanong ni Yrem na mabilis na iniwas ang tingin. “Hindi ba obvious? Kita mong naghuhubad! Akala ko ba imamasahe mo ako?” inis kong sagot at dumapa na sa kama matapos hubarin ang dress ko; tanging two piece lang ang tinira ko sa katawan ko. “Huwag ka nang gumamit ng massage oil; just massage me without anything. Gusto ko lang makatulog saglit para mabawasan ang init ng ulo ko.” “S-Sige, kamahalan.” Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hanggang sa umakyat na si Yrem sa kama at inumpisahan na nitong imasahe ang likod ko. Pero gano'n na lang ang pagsimangot ko sa klase ng pagmasahe nito. “Anong klaseng pagmasahe ba 'yan? Akala ko ba marunong ka?” reklamo ko na hindi na nakatiis at inis siyang nilingon. “Marunong naman, kamahalan—” “Then diinan mo! Hindi 'yung tamang haplos haplos ka lang na parang nanghihipo!” Napatikhim naman si Yrem. “P-Patawad, kamahalan.” Idiniin na nito ang pagmasahe. Muli na akong napapikit at inihiga ang ulo kama. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang mapaungol nang sumarap na ang pagmasahe. “Hmm… that's it! Ang sarap, Yrem…” Mas lalo naman ginalingan ni Yrem ang pagmasahe sa likod ko, at binaklas na pati ang hook ng suot kong bra para hindi sagabal ang kanyang pagmasahe. “Sige pa, idiin mo pa… Aahh… Ohhh…” I groaned. “Ganito ka ba imasahe ni Pietro, kamahalan?” Yrem asked as he massaged my back. “Yes. Why did you ask?” “Nothing, kamahalan, I'm just curious. Pero sana naman, ngayong alam mo nang magaling din ako, ako na sana ang utusan mo magmasahe sa 'yo sa susunod. I promise, gagalingan ko pa para mas lalo kang marelax.” “Okay…” tamad kong sagot at muling napaungol sa sarap ng kanyang pagmasahe. In fairness, magaling din pala itong si Yrem, akala ko kasi hindi, kaya si Pietro lagi ang inuutusan ko. Tamang ungol lang ako habang minamasahe ni Yrem, hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok at nakatulog nang nakadapa. Nang magising ako ay mag-isa na lang ako sa kama at nakakumot na. 05:23 PM na nang mapatingin ako sa orasan. Kaya naman bumangon na ako at pumasok ng bathroom; ilang minuto muna akong nagbabad sa loob ng jacuzzi bago ko tinapos ang aking pagligo. At dahil sa misyon lang naman ang punta ko, isang simpleng outfit lang ang sinuot ko; skinny jeans lang and simpleng black t-shirt. Pero pagbaba ko ng stairs ay siyang pagpasok ni Pietro na agad na napahinto nang makita ako. “May pupuntahan ka ba, kamahalan?” he asked me. “Yes, pupunta ako ngayon ng ospital para tapusin ang pumalpak na misyon.” “Huwag mo nang ituloy, kamahalan. Napag-alaman ko na isa lang patibong ang lahat. It's true that Policarpio is dead; pinapalabas lang nilang buhay para mahuli ka.” Napahinto at agad na nangunot ang noo. “What? And how did you know?” “I was there in the hospital earlier,” Pietro answered. Sa narinig ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “So sinuway mo ang utos ko? Hindi ba sinabi ko nang huwag mong pakialaman ang misyon ko!” Hindi ko na napigilan ang mapataas ang boses. Bahagya namang napayuko si Pietro. “Patawad, kamahalan. Huwag ka nang magalit, hindi naman ako nakialam.” He looked at me again. “Inalam ko lang ang katauhan ng gobernador katulad ng pinag-uutos mo, at napag-alaman kong siya ang may pakana sa plano na palabasing buhay pa si Policarpio, inaasahan nila na babalikan mo ang matandang 'yun para patayin ulit, at kapag nangyari 'yun, may posibilidad na mahuli ka nila dahil isa lang patibong ang lahat.” Tila kumulo naman ang dugo ko sa narinig. Damn it! Walanghiyang governor na 'yun. Talagang ako pa ang kinalaban niya. I swear, I will torture him to death! “Ano pa ang nalaman mo tungkol sa gobernador na 'yun?” “Wala pa sa ngayon, kamahalan. Pero huwag kang mag-alala; maybe one week, mabibigyan na kita ng kasagutan tungkol sa kanyang tunay na katauhan.” I sighed and nodded. “Alright. Good job, Pietro.” Ngumiti na ako. “Call Yrem, let's have dinner outside, and watch basketball afterwards.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD