Chapter 1

2349 Words
Shanel's Point of View NAKAKABINGING sigawan ng mga manonood para sa mga taong naglalaban ng p*****n na kanilang pinagpupustahan. Ang loob ng ring ay punong-puno ng dugo at mga nakabulagtang katawan na wala nang mga buhay. Sanay na sanay na ako sa mga ganitong palabas; mula pagkabata ay nasanay na ang mga mata ko na manood ng ganitong p*****n, and I enjoyed watching this kind of game. Ang sarap manood, nakakarelax pagmasdan ang mga nagkalat na dugo sa loob ng ring. Nakakawala ng stress kapag nanonood ng mga nagpapatayan, lalo na kung ito'y nagiging madugo, naaalis ang stress ko at sumasaya kapag nakakapanood ng mga ganitong ganap dito sa Ruthless Game (RG) underground here in Dynasty Island, ang dynasty ng aking ama na kanyang pinamumunuan bilang isang Mafia Boss, at magiging akin pagdating ng itinakdang araw kapag naipasa niya na sa akin ang trono. “Devil King!” “Nightmare King!” Malakas na sigawan ng mga audience sa codenames ng dalawang figher na naglalaban dahil sa isang babaeng kanilang pinag-aagawan. I grinned as I sat in my chair, wearing my golden mask covering my entire face. Nakasalamuha ako ng upo sa upuan ng mga audience, kaya para lang akong normal na manonood; ni walang kaalam-alam ang mga katabi ko kung sino ba ako. Pinapatay ko lang ang ilaw dahil medyo nasisilaw ako, mas masarap manood mula sa dilim, dahil maliwanag naman mula sa loob ng ring. Napakaganda ng laro ngayon, masyadong madugo, malupit ang mga fighter dahil kasama pa ang kanilang mga tapat na mga tauhan, ubusan yata sila ng grupo dahil lang sa isang babae; matira na lang ang matibay. This is the kind of game that I enjoyed watching; the fighters are both determined and suicidal. “Who do you think will win between the two of them?” I asked my two loyal men, who were now both standing behind me. “Devil King,” Pietro answered me. “Nightmare King,” sagot naman ni Yrem. Napangisi naman ako sa magkasalungat nilang sagot. “Sige, kung sino sa inyong dalawa ang makatama, may premyo mula sa akin.” Rinig ko ang kanilang mahinang pagtikhim, tikhim ng parang napangiti at biglang na-excite sa magiging premyo. I just focused my attention on watching. Nakita kong itinali ni Devil King ang babaeng kanilang pinag-aagawan. Hindi ko mapigilan ang mapaismid. Mas maganda kung tatlo silang maglaban dahil wala na rin naman pareho ang kanilang mga tapat na tauhan, nakabulagta na lahat, mga patay na. “I need an arrow, Pietro,” I calmly ordered. “In a minute, kamahalan,” sagot naman ni Pietro at naramdaman ko na lang ang pag-alis nito. “Please, your majesty, let me go!” sigaw sa cctv ng babaeng pinag-aagawan ng dalawang figher at pilit itong nagpupumiglas sa pagkakatali. I chuckled. Obviously, she was talking to me. In less than a minute, Pietro came back and gave me a bow with an arrow. Kaya naman agad itong ginamit at pinuntirya ang nakataling babae. Lumipad ang palaso papunta sa nakatali nitong kamay, dahilan para makawala na ito. At nang makawala ay agad na dumampot ng espada. “This is interesting,” I said as my grin widened. I also returned the bow to Pietro after I used it. Hanggang sa nasurpresa na lang ako sa susunod na kaganapan sa laro na aking pinapanood nang aksidenteng masaksak sa tiyan ng isang fighter ang babaeng kanilang pinag-aagawan. And I was so disappointed at the result; pinatay din ng fighter na nakasaksak sa babae ang kanyang sarili; tinarak nito sa kanyang tiyan ang matulis na espada na tumagos pa papunta sa likuran nito, at binunot din matapos itarak sa katawan sabay ngisi sa kanyang kalaban at tuluyan nang bumagsak. Saka naman pinagsaksak ng lalaking kalaban. “What the hell is going on? Ano 'yun, pinatay niya ang sarili niya para sumunod sa babae niya hanggang sa kabilang buhay?” I couldn't believe it. “It's called love, kamahalan. Malamang, 'yung babae ang mundo niya, at kung wala na rin naman ito, wala na rin silbi ang buhay niya; there is no reason for him to live. That's why he just ended himself to be with the woman he loves until the afterlife,” Pietro explained. Napataas naman ang kilay ko. Gano'n? “What about the winner? Bakit hindi siya sumunod?” “Because they have kids,” Yrem answered. “How pathetic! Talaga bang ganyan ang pag-ibig?” “Yes, kamahalan. Sabi nga sa kanta, too much love will kill you.” I shrugged. “Well, I can't relate to that. I don't believe in love; it sucks, you know.” Hindi ko na lang mapigilan ang mapasatsat at mapiling-iling habang nakatingin pa rin sa loob ng ring kung saan humagulgol na ng iyak ang natirang fighter at sumigaw ng malakas na para bang nawala na sa katinuan habang yakap yakap ang walang buhay na babaeng kanilang pinag-agawan. “Look at them, 'yan ang kinahantungan nila sa paghahabol nila sa salitang pag-ibig. A stupid decision,” I sarcastically said. Tanging pagtikhim na lang ang nasagot ng dalawa kong tauhan at hindi na kumuntra pa sa sinabi ko. Ang nanalong figher ay paika-ika nang binuhat palabas ng ring ang walang buhay na babae. Hindi ko mapigilan ang pagmasdan ito. Hilam ng luha ang mga mata nito at tulala na na para bang gumuho na ang kanyang mundo dahil lang sa pagkamatay ng babaeng kanyang buhat buhat. Napailing-iling na lang ako. Talagang hindi ako maka-relate sa tinatawag na pag-ibig at pagmamahal. Nang matapos ang laro ay umalis na kaming tatlo sakay ng helicopter, si Pietro ang naging pilot. Hanggang wala pa isang oras nang dumating na kami sa aking palasyo, ang Wind Palace na aking pinangalanan. Ito ang palasyong binigay sa akin ni Dad bilang regalo nung sumapit ang aking 10th birthday. So sampung taon pa lang ako ay dito na ako nakatira sa palasyong 'to nang mag-isa at tanging mga tagapaglingkod ko lang ang aking kasama. “So, paano ba 'yan, kamahalan, ako ang nanalo sa ating pustahan,” wika ni Yrem pagkababa pa lang namin ng helicopter. Bahagya naman akong natawa at lumakad na papunta sa malawak na garage kung saan nakahilira ang aking mga sasakyan. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Yrem. “Mamaya na lang ang premyo mo pagbalik ko.” “Saan ka naman pupunta, kamahalan?” Pietro asked me; he was already following behind me. “I have an important mission tonight.” “Sasama kami—” “No need, dito lang kayo; hindi kayo puwedeng sumama dahil kailangan kong gawin 'to nang mag-isa without anyone's help, 'yun ang bilin sa akin ni dad,” sagot ko sa kanilang dalawa at pumasok na sa aking black sports car. Pero pagpasok ko sa loob ay siyang pagkatok naman ni Yrem sa pinto, kaya binababa ko ang bintana. “What is it?” “What about my prize, kamahalan?” Seriously, ang kulit talaga ng isang 'to. “Tsk. Sabi nang pagbalik ko na. Ano bang premyo ang gusto mo?” Yrem suddenly smiled. “Kahit halik na lang, kamahalan, sapat na sa akin 'yun.” At bigla na lang nitong nilusot ang kanyang pisngi sa nakabukas na bintana. Hindi ko naman mapigilan ang bahagyang matawa, at akmang itutulak na palabas ang kanyang mukha pero naunahan na ako ni Pietro nang hablutin nito si Yrem sa maiksi nitong buhok at hinila ang ulo palabas. “Lapastangan! Huwag kang pangahas sa kamahalan!” pagalit na wika ni Pietro at inis na binitiwan ng patapon ang maiksing buhok ni Yrem. “Tsk. Ano ka ba, nagbibiro lang naman ako!” paasik ni sagot ni Yrem na napahaplos na lang sa ulo. Napailing na lang ako at binuhay na ang makina ng aking kotse. “Mag-iingat ka, kamahalan.” Sabay pa silang yumuko sa akin tanda ng paggalang. “Sige mamaya pagbalik ko, ibibigay ko sa 'yo ang gusto mong premyo, Yrem.” Pinatakbo ko na ang sasakyan paalis ng garage matapos sabihin 'yun. Kitang-kita ko pa mula sa side mirror ang pagkagulat ni Yrem na parang hindi makapaniwala sa narinig at napatanaw na lang ito sa mula sa kotse ko. Napatawa lang ako at pinatakbo na ng mabilis ang kotse nang makalabas na ng aking palasyo. Ngayong gabi pinapapatay sa akin ni Dad ang kanyang kinaiinisang police general na sagabal sa kanyang negosyo dito sa Pilipinas. Ako ang naatasan ni dad para pumatay at nang sa gano'n ay mapatunayan ko sa kanya na magaling akong kumilos at karapat-dapat na mamuno sa Ruthless Game (RG) pagdating ng takdang panahon. Yes, kailangan ko muna ipakita kay dad ang pagiging malupit ko para makumbinsi ko siya na karapat-dapat ako sa trono bilang reyna; gusto muna ni Dad na maging malakas ako, maging walang awa kung pumatay sa mga kalaban at sagabal. At kailangan kong sundin ang kanyang utos at galingan, lalo na't marami akong kakumpetinsya na mga kapatid ko sa labas, mga anak ni dad sa kanyang mga naging babae. Bale pito kaming magkakapatid at lahat ay puro mga babae; tanging ako lang ang anak ni Dad kay mommy na kanyang nagawang pakasalan pero kanya namang pinagtataksilan, kaya ang dami niyang anak sa labas. Gayunpaman, dahil ako ang legal niyang anak, kaya ako ang ginawa niyang tagapagmana. Pero may posibilidad pa na maagaw ng iba kong kapatid ang trono na dapat sa akin; gaya nga ng sabi ni Dad, kung sino ang malakas, 'yun ang kanyang iluluklok sa trono at maging tagapagmana ng lahat ng kanyang negosyo mapalabas o loob man ng bansa. Kaya hindi ko hahayaan na maagaw ng iba ang dapat na sa akin, dahil ako lang ang may karapat na magmana ng lahat. Makalipas ang halos isang oras na pagmamaneho ay inihinto ko na ang kotse ko sa madilim na parte ng highway. Mabilis akong magbihis ng puro itim at nagsuot na rin ng bonet at salamin sa mata para makakita sa dilim. Nang matapos magbihis ay isinuksok ko na sa tagiliran ko ang silencer gun at lumabas na sa aking kotse. Umakyat ako sa pader gamit ang puno na nasa tabi nito. Nang makapasok sa loob ng bakod ay napangisi ako nang wala man lang tumahol sa akin kahit isang aso, at wala pa ring kamalay-malay ang isang security na nakatayo sa tabi ng nakasaradong gate. Dumaan ako sa backdoor at matagumpay na nakapasok sa loob ng tahimik na mansyon. Walang pamilya ang police general na papatayin ko ngayon, kaya matapang itong kumalaban sa mga malalaking sindikato. Pero hinala ko, hawak din ito ng isang malaking sindikato, dahil ang mga nahuli nitong cocaine ay hindi man lang nabalita na isinuko nito sa gobyerno. Nang makapasok ng mansyon ay walang ingay akong umakyat ng stairs, hanggang sa huminto na ako sa nakasaradong pinto kung saan ang kuwarto mg heneral. Gamit ang pin ng aking watch ay matagumpay kong na-unlock ang pinto. “Oh, sleeping old man…” pagngisi ko nang makita itong mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Nakapatay ang ilaw sa loob ng kuwarto, pero kahit madilim ay nakikita ko pa rin naman ang paligid dahil sa suot kong salamin. Inalis ko na ang salamin kong suot pero ang bonet, mahirap na at baka may hidden camera sa loob ng room. Napagdesisyonan nang buhayin na ang ilaw, dahilan para magkaroon ng liwanag sa loob ng madilim na kuwarto. “Hey, old man, wake up!” Tinutukan ko ito ng baril sa ulo. Ayaw pa sana nitong gumising pero nang idiin ko sa sentedo nito ang dulo ng baril ay napangiwi naman, hanggang sa nakasimangot na nitong minulat ang mga mata. “Paano ka nakapasok dito? Sino ka?” Bigla itong nabalikwas ng bangon habang nanlalaki ang mga mata. “I'm here to ask you an important question. Pero oras na hindi mo ako sagutin ng maayos, pasasabugin ko ang bungo mo.” Mabilis naman nitong itinaas ang kamay at napalunok sa takot. “S-Sige sasagutin ko kahit ano pa 'yan, basta 'wag mo lang akong patayin.” Napangisi ako. Napakaduwag naman pala ng hayop na 'to. “Kung gano'n, gusto kong sabihin mo sa akin kung kanino mo binibigay ang mga cocaine na nakukuha mo sa mga nahuhuli mo.” Napalunok ito sa tanong ko. “Ah eh, saan pa nga ba, syempre sinusuko namin sa kinauukulan—” “Huwag mong bilogin ang ulo ko, Mr. Policarpio. Hindi ako pumunta rito para magpauto sa 'yo. Sige, magsinungaling ka pa at ipuputok ko na 'to sa bungo mo.” “Nagsasabi ako ng totoo— Ahh!!” Napasigaw ito nang paputukan ko sa balikat. “Sa susunod na bala, sa bungo mo na tatama.” “Kay gobernador! Napag-utusan niya lang ako! Pakiusap huwag mo akong patayin!” Mabilis nitong itinaas ang mga kamay na tila suko na talaga. “Sinong gobernador ang tinutukoy mo?” “Si gobernador Deguil Alexeyev!” I smirked. Ang dali lang pala nitong mapaamin. “Thanks for the information. Maligayang paglalakbay!” I shoot him in the head Nanlaki ang mga mata nito at nagdugo ang ulo, hanggang sa tuluyan nang bumagsak sa kanyang higaan. “Patungo sa kabilang buhay,” I added and left the room immediately. Bago ako nakalabas ng bahay ay nakita ko pa ang pagpasok ng isang security guard at ang pagtawag nito sa amo, mukhang narinig ang sigaw kanina nang paputukan ko ang braso, hindi naman marinig ang pagbaril ko dahil silencer ang gamit ko. Nang makabalik sa loob ng kotse ko ay agad ko itong pinatakbo paalis. Hanggang sa malayo na ang natakbo ko nang inihinto ko ito at nilabas ang phone ko. Deguil Alexeyev, I searched his name on the internet. Sarkastiko na lang akong napangisi nang lumabas ang resulta; 32-year-old pa lang at bagong panalong gobernador pala ng bayang ito. “So isa ka palang sindikatong gobernador, huh? Well, let's see. Ngayong nakilala na kita, malalaman natin kung hanggang saan na lang ang pagiging gobernador mo. Dahil sinisiguro ko sa 'yo, na susunod mong pamumuno . . . ay sa ilalim na ng lupa, where worms will eat your flesh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD