DUMATING kami ni Pietro sa Isla, at pagdating namin ay agad kong sinabi sa kanya ang dahilan ng pagpunta namin nang wala sa oras, at kung ano ba talaga ang nangyari sa pag-uusap namin ng governor.
Agad namang nakaisip ng plano si Pietro para mahuli ang dapat naming hulihin.
Ngayon ay nasa loob na ako ng control room dito sa Isla habang nakaupo sa aking swivel chair at nakaharap sa mga monitor ng bawat CCTV sa buong Isla. Kasalukuyan kong pinapanood si Pietro ngayon mula sa loob ng conference room kasama ng mga lalaking staff ng RG. Tanging si Pietro lang ang nakasuot ng maskara, at ang mga staff naman ay wala; nagsusuot lang sila ng mask kapag may laro ng RG; mahigpit kong pinagbabawal na ipakita ang kanilang mukha sa mga outsiders, dahil kapag nangyari 'yun ay kamatayan ang kaparusahan, isa 'yun sa mga batas ng RG.
“May sakit ang kamahalan, at mag-isa lang sa kanyang kuwarto ngayon. Sa gabing ito ay kailangan ko mag-format ng mga CCTV dito sa buong Isla. Aabutin ng 10 to 15 minutes ang mangyayaring formatting operation, at habang ginagawa ko 'yun ay baka mawalan ng ilaw ang ilang bahagi ng mga rooms. Kaya naman ipinag-uutos kong manatili muna kayong lahat sa inyong mga kuwarto habang ginagawa ang operation,” anunsyo ni Pietro sa mga staff.
This is our plan. Hindi na ako makapaghintay pa na mahuli ang spy ng governor na pinadala rito sa isla. Ang lakas din ng loob lumusob sa aking teritoryo, pwes nagkamali siya ng pinuntahan.
Matapos ang kanilang meeting ay isa-isa nang nagsilabasan ang staff sa conference room at pumasok na sa kanilang mga kuwarto. Lumabas na rin si Pietro, hanggang sa natahimik na ang buong corridor, wala nang pakalat-kalat pa.
Ilang sandali pa ay namatay na ang mga ilaw, dumilim na sa buong paligid, pero malinaw ko pa rin napapanood sa monitor ang mga nangyayari.
Nakatutok lang ang tingin ko sa monitor, hinihintay na may lumabas sa kanilang room. Pero napukaw ang atensyon ko nang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng table.
Yrem calling.
“Yes? Is there a problem?” bungad kong sagot.
“Where are you, kamahalan? Are you okay there? Hanggang ngayon ba ay nariyan ka pa rin sa governor na 'yan? Saan ka niya dinala? Mula kanina pa ako tawag nang tawag pero hindi mo naman sinasagot! Gano'n din si Pietro! Now tell me where you are. Pupuntahan kita ngayon din!”
Hindi ko mapigilan ang mapaikot ng mata. Seriously, itong si Yrem, halata nga sa kanyang boses ang pag-aalala, pero parang napaka-bossy yata ng dating sa akin.
“Don't worry, my dear Yrem; I'm okay. Narito na kami sa Dynasty Island; may spy na kailangang hulihin.” I chuckled.
“Spy? Who?”
“I'll just tell you later.” Binabaan ko na ito, hindi na hinintay pang makasagot.
Nang muli kong ibalik ang atensyon sa monitor ay nakita kong nakikipaglaban na pala si Pietro sa isang lalaki mula sa labas ng kuwarto ko kung saan madilim dahil nakapatay ang ilaw, pero maliwanag ko naman nakikita sa monitor.
Napangisi na ako. “Nahuli ka rin. Humanda ka sa akin ngayon.”
Pero in fairness, ang galing din makipaglaban, inabot yata ng dalawang minuto bago ito natalo ni Pietro at nalagyan ng posas ang mga kamay.
“Nahuli ko na siya, kamahalan! Dadalhin ko na ba sa interrogation room?” tanong ni Pietro mula sa walkie-talkie na nasa ibabaw ng table nang malagyan na ng posas ang lalaki at mapaluhod ito.
Dinampot ko naman ang walkie-talkie at agad na sumagot. “No, dalhin mo sa loob ng ring at ipatawag lahat ng mga staff.”
“Masusunod, kamahalan.”
Kaya naman lumabas na ako ng control room at pumasok sa aking kuwarto. Pagkapasok ay agad kong kinuha ang long gold coat ko at sinuot ito, pati na rin ang gold maskara ko.
When I arrived at the arena, everyone was already there, and the captured spy was kneeling inside the ring with his hands handcuffed behind his back. Nakahubad na rin ito ng damit na pang-itaas.
Imbes na maupo sa aking upuan ay mas pinili kong pumasok ng ring.
“Kamahalan, hindi ko sinasadyang mapadaan sa inyong kuwarto! Naligaw lang ako dahil bago pa lang ako rito! Wala akong kasalanan! Pakiusap, pakawalan niyo na ako!” agad na pagmamakaawa ng lalaki nang makita ako.
Napangisi naman ako nang mapansin ang takot nito. Hanggang sa huminto na ako sa harap nito. “Tell me your name.”
“Xavier, kamahalan! My name is Xavier!”
Nagngitngit ako sa narinig; walang duda, ito na nga ang tauhan ng governor.
“Alright, Xavier. Pakakawalan kita kapag nagustuhan ko ang magiging sagot mo. Ngayon tatanungin kita, anong motibo mo at gusto mong pumasok sa kuwarto ko kanina kahit alam mong bawal?”
He shook his head harshly. “H-Hindi, kamahalan! Hindi ko alam na kuwarto niyo 'yun! Naligaw lang ako dahil hindi ko alam ang daan—Ahh!!!” Napasigaw ito sa malakas na paghampas ni Pietro ng latigo sa likod nito.
“Isa pang tanong, sino ang nag-utos sa 'yo na magmatyag dito sa Isla?” I asked again.
“W—Wala, kamahalan! Walang nag-utos—ah!!!” Napasigaw muli ito sa malakas na paglatigo ni Pietro.
Napangisi lang ako. “One last question.” Bahagya na akong yumuko at mariin na hinawakan ang panga nito paharap sa akin. “Bakit ako gustong makilala ng governor? Anong balak niya at gusto niyang makita ang mukha ko?”
Pagkagulat ang bumalatay sa mukha ng lalaki na tila hindi inaasahan ang tanong ko. “K-Kamahalan.”
“I'll give you to three seconds to answer my question. One.” I started counting, patapon ko nang binitiwan ang paghawak sa panga nito.
“H-Hindi ko alam, kamahalan! Hindi ko alam!” Marahas nitong pag-iling imbes na sumagot ng maayos.
“Ah gano'n, talagang ayaw mo pa rin umamin kahit na huling-huli ka na!” Tuluyan na akong sumabog sa galit at inagaw na kay Pietro ang latigo.
“Ah!! H-Hindi, kamahalan—ahh! Hindi ko talaga alam—ahh!” Naghihiyaw na ito sa sakit dahil sa malakas na paglatigo ko sa katawan nito.
Hindi na ako nagsalita pa at pinaglatigo na lang ito; binuhos ko na ang inis ko sa paglatigo hanggang sa tuluyan itong nanghihina at bumagsak sa loob ng ring nang duguan na at puno ng pasa, latay ng latigo sa buong party ng katawan.
Pinawisan naman ako bago ko ito napabagsak sa aking malakas na paglatigo.
“P-Patawad… kamahalan… p-please don't kill me…” hinang-hina nitong pagmamakaawa nang bumagsak na at may dugo nang lumabas sa bibig.
Napangisi lang ako at binitiwan na ang latigo.
“Hatiin ang katawan ng traydor na 'yan; ipatapon sa kulungan ng phyton ang kalahati, at sa mga tigre naman ang kalahati,” wika ko kay Pietro na agad namang sumagot.
“Masusunod, kamahalan.”
Nakangisi na akong lumabas ng ring.
Tahimik lang ang lahat ng mga staff na nakaupo sa kanilang mga upuan. Hanggang sa dumaan ako sa kanilang tabi at tuluyan nang nakalabas ng arena.
“Ngayon wala ka nang spy, sige, lumusob ka rito, governor; ako mismo ang maghahatid sa 'yo sa huli mong hantungan katulad ng tauhan mo,” ngisi kong bulong habang naglalakad sa corridor pabalik na sa aking kuwarto.
Siguradong magtataka ang governor na 'yun kapag hindi na niya makontak pa ang kanyang spy na pinadala, at kapag nangyari 'yun, 'di malabong magpadala siya ulit. Well, I have a plan now. Gusto kong siya mismo ang pumunta at maipakita ko sa kanya na hindi basta-basta ang RG, na maling desisyon ang kanyang pagiging pangahas para pumasok sa teritoryo ko.
Pagkapasok ko ng kuwarto ko ay dumiretso na ako sa loob ng bathroom at agad na nagbabad sa bathtub para kahit papaano ay kumalma, dahil talagang uminit ang ulo ko sa pag-interrogate sa spy na 'yun na ayaw pa talagang umamin. Ngayon tuloy magiging meryenda na siya ng aking mga alaga. Pasalamat siya at tanging latigo lang ang inabot niya dahil wala ako sa mood para i-torture pa siya. Suwerte niya pa rin kung tutuusin.
Ilang minuto akong nagbabad sa bathtub habang sumisimsim ng wine. Nang kumalma na ako ay tinapos ko na rin ang aking pagligo at lumabas na ng bathroom habang nakatapis lang ng puting tuwalya.
Paglabas ko ay nakita kong nakatayo si Pietro sa tabi ng pinto ng kuwarto, nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay sa bulsa kanyang slacks, at tila hinihintay ang paglabas ko.
“Did you get the spy's phone?” I asked and sat in front of my dressing table.
“Yes, kamahalan. So, ano nang gagawin ko? Tatawagan ko ba ang governor na 'yun para ipaalam kung ano ang nangyari sa kanyang tauhan?”
“No, don't. Hayaan mo siyang mag-isip, siguradong gagawa 'yan ng paraan para magpapasok ng iba at malaman kung ano ang nangyari. Pero gusto kong siya mismo ang pumunta. Basta higpitan mo lang ang security, at sa mga bagong pasok ay dalhin mo muna sa slave island para makilatis ng mabuti.”
“Masusunod, kamahalan.” Humakbang na si Pietro palapit sa akin, hanggang sa huminto ito sa likuran ko at inagaw ang pag-alis ko ng nakabalot na tuwalya sa ulo ko.
Hinayaan ko na lang siya at pinaubaya sa kanya ang pagpunas ng basa kong buhok at pag-dry nito. Hanggang sa sinuklay na niya nang marahan matapos itong patuyuin.
Naglagay na lang ako ng night cream sa mukha ko habang sinusuklay niya nang buong ingat ang buhok ko.
“I'm sure na-stress ka na naman, kamahalan. Do you want a massage?” he suggested after a few moments.
But before I could answer, he let go of my hair and started massaging my shoulders.
Napangiti na lang ako. Ito ang gusto ko kay Pietro, alam na alam niya kung paano ako pakalmahin at irelax. Well, pareho naman sila ni Yrem, pero siya talaga ang madalas magmasahe sa akin kapag alam niyang stress ako at kailangan kumalma.
“I want a whole body massage, Pietro,” I said and stood up. Lumakad na ako palapit sa kama, at nang makalapit ay binaklas ko na ang tuwalya na nakatapis sa hubad kong katawan bago umakyat ng kama at dumapa.
Kinuha naman ni Pietro ang oil massage at umakyat na rin ng kama, hanggang sa inumpisahan na ako nitong patakan ng oil sa aking buong likod, pababa sa aking naka-expose na pang upo, at sa aking mga hita.
“Hmm…” napaungol na lang ako sa ginhawa nang inumpisahan na akong imasahe ni Pietro.
Talagang napakagaling ng kanyang kamay, hindi lang sa pakikipaglaban at paghawak ng baril magaling, kundi eksperto rin pagdating sa pagmamasahe.
“Hmm… that's it, Pietro… I really love your hands; it makes me feel better…” ginahawa kong ungol.
Nanatili lang tahimik si Pietro at patuloy lang ang marahan na pagmasahe sa akin; mula sa balikat ko, sa buong likod, hanggang sa lumandas ang kanyang kamay sa aking dalawang nakaumbok na pang upo, at bumaba sa aking mga hita.
“Oh… Pietro… ang sarap… ganyan nga… uhmm…”
Napakasarap ng kanyang pagmasahe, hindi lang katawan ko ang na-relax kundi pati utak ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang nanatiling nakadapa at dinama ang kanyang masarap na pagmasahe. Pero kung kailan unti-unti na akong hinihila ng antok ay siya naman biglang pag-ring ng cell phone sa tabi ko. Kinapa ko ito at kinuha, nang tingnan ko kung sino ang caller ay nakita kong si Yrem.
Kaya kahit na inaantok na ay sinagot ko na lang, nilagay ko lang sa tabi ko matapos i-loudspeaker.
“Yes, Yrem? Ohh… uhm… N-Napatawag ka?” sagot ko sa call kasabay ng aking munting ungol dahil sa pagmasahe ni Pietro.
“Where are you, kamahalan? Are you okay? Bakit ka umuungol nang ganyan? Is there something wrong? Is there a problem? May masakit ba sa 'yo?” sunod-sunod na tanong ni Yrem sa boses na may pag-aalala.
I chuckled. “No. Minamasahe lang ako ni Pietro. Ano bang kailangan mo at napatawag ka ulit?”
Saglit na natahimik si Yrem sa kabilang linya nang marinig ang sagot ko. Pero kalaunan ay sumagot pa rin ito.
“May problema kasi tayo, kamahalan. Trending na trending ngayon sa social media ang pag-play mo ng violin sa birthday ng governor!”
Bigla akong nagulantang sa narinig at muling napamulat ng mata. “What? What do you mean? Paano naman nangyari 'yun? That's impossible, Yrem! Akala ko ba denelete mo na ang mga CCTV footage sa buong hotel! Kaya paano ako nakunan pa ng video?!” Hindi ko na mapigilan ang mapataas ang boses.
“Mukhang may pasekretong kumuha ng video sa 'yo nang hindi natin namamalayan, kamahalan.”
Napapikit na lang ako. Darn it! “That's bullshit, Yrem! Gumawa ka ng paraan para ma-delete 'yan agad bago pa makarating sa kaalaman ni Dad!”
“No worries, kamahalan. Ako na ang bahala. Pero mas mabuti sigurong umuwi na kayo ni Pietro agad ngayon din sa gabing ito.”
“Sige, uuwi kami agad.”
Nang mawala si Yrem sa kabilang linya ay agad kong binuksan ang phone ko at agad na nag-online para makita ang sinasabi nito.
“Damn.” Napamura na lang ako nang makitang nagkalat nga ang video kong tumutugtog ng violin, at kung paano ako titigan ng governor habang tumutugtog.
Anonymous account ang nag-post kaya hindi makilala. And it's only been two hours since the video was uploaded, but it already has two million views and thousands of comments and shares.
Hanggang sa hindi ko natiis at agad na tiningnan ang mga comments.
@Angela: Wow, who's that girl? She's so pretty! Bagay sila ni Gov na ubod ng gwapo! Perfect couple!
@Melai: Grabe si Gov, halatang na love at first sight! Look, hindi talaga inalis ang titig kay ate gurl!
@Jc: Yehey! Magkaka-love life na rin sa wakas ang mahal nating gobernador!
@Tren: Huwag mo nang pakawalan pa, Gov! Grab mo na agad! Go! Destiny na 'yan! Dalhin mo na sa altar para wala nang kawala!
Napapikit na lang ako at wala sa sariling napahilot sa aking sentido. Bigla yata akong na-stress sa mga nabasa.
This is bullshit!
“Argh!” Inis kong itinapon ang phone ko at napabalikwas na ng bangon nang wala sa oras. “Hanapin mo kung sinong nag-upload ng video at iharap sa akin ngayon din sa gabing ito!”
“M-Masusunod, kamahalan.” Parang tarantang tumango si Pietro at iniwas ang tingin sa akin habang nakaluhod sa ibabaw ng kama.
“Let's go home. Siguradong patay na naman ako nito kay dad oras na makaabot sa kanyang kaalaman ang tungkol sa kumalat na video na 'yun! Argh! Bullshit!” Gigil na gigil na akong bumaba ng kama at inis na pumasok ng walk-in closet para magbihis.
Talagang mananagot sa akin kung sino man ang nag-upload ng video na 'yun. Makikita niya, babalatan ko siya ng buhay!