MAS lalong uminit ang ulo ko nang magising kinabukasan at binalita sa akin ni Pietro at Yrem na na-delete na nila ang nagkalat na video, at nang tingnan ko ay deleted na nga, pero may bagong upload na naman mula sa iba't-ibang account, at hindi na nila kaya pang isa-isahin para i-delete.
Hindi lang 'yun, dahil talagang nabalita pa sa TV ang video — kasama na ang pagsabog ng sasakyan ng governor; pinapaimbestigahan na sa mga pulis.
Pero ang pinaka-worse sa lahat ay nang lumabas ako at dumaan sa isang convenience store dahil bibili lang sana ako ng napkin gawa ng nagkaroon ako nang hindi inaasahang period, pero pagpasok ko ng convenience store ay hindi ko inaasahan na pagpipyestahan ako ng mga highschool student; gusto ba naman magpa-picture sa akin at magpa-autograph dahil fan ko na raw sila, at bagay na bagay raw kami ng kanilang governor; sana raw ay magkatuluyan kami. They even asked my name, my social media accounts, and many more.
Galit na galit ako pag-uwi sa aking palasyo lalo na nang malaman na hindi lang mga estudyante ang interested na ma-interview ako kundi pati mga media ay pinaghahanap na rin ako.
Seriously, para na rin ako naging celebrity dahil halos lahat ng nasa social media ay interested na sa akin, siguro ay dahil I'm a stranger to them, they don't know me, walang nakakakilala sa akin, ni pangalan ko ay hindi nila alam, habang ang governor naman ay sikat sa social media dahil mahigit two million pala ang followers nito.
Na-stress ako sa totoo lang dahil kahit ang dalawa kong tauhan na si Pietro at Yrem ay hindi na alam kung paano sulosyunan ang mga pangyayari. ‘The Governor and the Pretty Violinist Girl’ ang title sa video na kumakalat, at trending 'yun sa search list until now.
Nakakainis sa totoo lang, isa pala sa mga anak ng guest sa party na 'yun ang nagkuha ng video. Teenager na babaeng estudyante pa lang, kaya imbes na ipapatay ko ay hinayaan ko na lang.
Mabuti na lang ay napag-alaman kong umalis si Dad ng bansa papuntang Hungary para sa kanyang business doon.
Hindi na lang ako lumabas at nanatili na lang sa aking palasyo sa pag-aakalang mawawala rin pagkalipas ng ilang araw.
But after three days, heto't hindi ko inaasahan na nagpa-interview pala ang governor tungkol sa pagsabog ng kanyang sasakyan, at nabanggit na naman ako ng gago.
“So, kumusta naman ang babaeng tumugtog ng violin sa party mo? Nagkita mo na ba siya ulit?” tanong ng interviewer na isang sikat na broadcaster.
“Not yet; I'm still looking for her until now.”
“Oh, how sweet! Is it true that you fell in love with her at first sight, Gov? Makikita kasi sa video ang malagkit mong pagtitig sa kanya hanggang sa natapos ang kanyang performance.”
“Yeah, obviously. Ang totoo ay first time kong ma love at first sight sa isang babae. And honestly, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawala sa isip ko,” he replied with a smile.
“So, is this the sign that you will retire from being single when you see that girl again?”
“Yeah. If she likes me too, then why not?” He looked at the camera. “So, wherever you are now, my Cassandra angel, I hope we meet again. Because since I met you, hindi ka na mawala-wala pa sa isip ko.”
Hindi ko mapigilan ang mapaismid sa napanood at inis na sinara ang laptop.
“Ang sarap laslasin ng bibig niyan. Payagan niyo akong basagin ang pagmumukha ng lalaking 'yan, kamahalan,” wika ni Yrem na nakaupo sa kabilang couch.
Kasalukuyan kaming nagbi-breakfast ngayon dito sa living room at ito agad ang bumungad sa amin sa umagang 'to; trending na naman ang pag-interview sa governor na 'yun kahapon, at ngayon lang namin napanood online.
“Hayaan niyong itumba ko na lang 'yan, kamahalan,” Pietro suggested.
Halata rin sa mukha ng dalawa kong tauhan ang pagkainis dahil sa napanood na video.
“No, he's a famous politician. Siguradong hindi matigil-tigil ang imbestigasyon kapag pinatay natin siya. At isa pa, kailangan pa natin malaman kung sino ba siya sa likod ng kanyang pagiging governor.”
“So ano na ang gagawin natin ngayon, kamahalan? Nae-expose ka na dahil sa kanya.” Si Pietro.
“No, wala kayong gagawin; hayaan niyong ako ang gumawa ng paraan.” I looked at Pietro. “Maghanap ka ng mumurahin na apartment para sa akin, at magpagawa na rin ng mga fake documents para sa katauhan ko. Cassandra Lopez ang gamitin mong pangalan. Kailangan ngayong hapon na agad magawan mo ng paraan para makalipat ako.”
“Masusunod, kamahalan. Pero maaari ko bang malaman kung ano ang plano mo?”
I smirked. “Hinahanap ako ng lalaking 'yun at interesado sa akin ang mga press, halos lahat gusto akong makilala. Ibibigay ko sa kanila ang gusto nila para matapos na ang issue na 'to.”
“Kung gano'n, kamahalan, hayaan mong samahan kita sa apartment na lilipatan mo,” sagot ni Yrem.
“No, hindi na kailangan. Ang mas mabuti mong gawin ay pumunta ka ng Dynasty Island at kilatisin ang mga bagong pasok na tauhan. Ipaalam mo agad sa akin kapag may mahuli kang kahina-hinala. Siguradong magpapadala ang governor na 'yun ng isa pang spy para malaman kung ano na ang nangyari sa kanyang unang pinadala.”
“Pero, kamahalan, bakit ako pa ang kailangan mong ipadala sa isla? Hindi ba puwedeng si Pietro na lang?” Yrem complained with a frown.
Napataas naman ang kilay ko. “Nagrereklamo ka sa utos ko?”
“Hindi naman sa gano'n, kamahalan. Ang akin lang naman ay mas gusto kong manatili sa tabi mo para masigurado ko ang kaligtasan mo,” pangangatuwiran ni Yrem na nakasimangot pa rin.
“Hayaan mong ako na lang ang sumama sa 'yo, kamahalan.” Si Pietro.
“Hindi na kailangan, Pietro—”
“Pero, kamahalan, bilang inyong lingkod ay kailangan ko kayong pangalagaan at siguradohin ang inyong kaligtasan sa araw-araw.”
“Okay. Pero magpanggap tayong hindi magkakilala. Magpagawa ka na rin ng fake identity mo, don't use your real name.”
“Noted, kamahalan.” Pietro smiled.
Matapos ang pag-uusap namin ay umakyat na ako sa kuwarto ko para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa aking pag-alis.
Kasalukuyan akong nag-iisip sa mga plano nang tumunog ang phone ko. Allison calling.
“Tsk. This b***h!” Hindi ko mapigilan ang mapairap pero sinagot pa rin ang call. “Anong kailangan mo?”
“Wow, hindi ako na-inform na mahilig ka pala sa mga politician, my dear sister!”
Napapikit na lang ako sa sinabi nito. Bullshit!
“Huwag kang makialam sa misyon ko, Allison.”
She chuckled. “Really? Talaga bang misyon mo 'yan, with dad's approval? O baka naman lumalandi ka lang kasi bet mo si Governor?”
Tuluyan nang uminit ang ulo ko.
“Shut up! Hindi ko na kailangan pang sabihin sa 'yo ang misyon ko! Bakit sino ka ba? Isa ka lang naman anak sa labas ni Dad, kaya huwag kang umasta na mas magaling kaysa sa akin. Dahil kahit ano pang gawin mo, hindi pa rin ililipat ni daddy sa 'yo ang trono, you know why? Kasi nga bastarda ka lang niya! Kaya 'wag kang umasta na magka-level tayo, dahil kahit ano pang gawin mo, nasa laylayan ka lang; isa ka lang sa mga alipin ko!”
Hindi ito nakaimik sa sagot ko, kaya naman binabaan ko na.
Nang sumapit ang hapon ay agad akong lumipat sa isang mumurahing apartment na pinakuha ko kay Pietro. Lumipat kaming dalawa, mas nauna siya ng isang oras, at magkatabi lang ang room namin.
Kunwari ay sakay ako ng taxi nang dumating ako sa apartment kasama ng aking mga bagahe.
Napakaliit lang ng apartment, parang kalahati lang ng kuwarto ko lang ang laki. Pero okay na rin since 10k lang naman ang monthly. At baka mga 1 or 2 weeks lang naman ako mananatili, dahil aalis din ako agad kapag natapos na ang balak kong plano.
Ngayon ay kasalukuyan na akong nakahiga sa maliit na kama at gumagawa ng isang bagong social media account. Cassandra Lopez ang name at nilagyan ko na rin ng profile picture ko nang naka-smile habang nakahiga sa kama.
Nang okay na ang accout na ginawa ko ay agad kong hinanap ang official page ng governor. Hindi ko alam kung siya ba mismo ang gumagamit o may admin siya, pero bahala na.
Me: Hi, Mr. Governor!
Napangisi na lang ako matapos i-sent ang chat ko. ‘Hi’ na lang muna dahil wala pa akong naisip na sabihin.
Pero napasimangot ako nang auto-reply agad ang sumagot. Kaya naman nag-chat ulit ako.
Me: Ang lakas din ng loob mong banggitin ako sa interview mo. May kinalaman ka ba sa pagpapakalat ng video ko?
I waited for his reply, pero sa paghihintay ko ay hindi ko na namalayan ang aking pagtulog.
Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ang marahan na paghaplos sa pisngi ko.
Pagmulat ko ay si Pietro ang nakita kong nakatayo at nakatingin sa akin.
“Pietro.” Marahan naman akong bumangon. Pero nang ma-realize kung nasaan ako ay biglang nawala ang antok ko. “Teka, bakit ka narito? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko nang—”
“Huwag kang mag-alala, kamahalan, wala namang nakakita sa akin na pumasok ako rito.”
“Pero paano kung meron? Mas mabuti na ang nag-iingat! Baka mamaya niyan ay pumalpak ang plano natin! Hindi ba sinabi ko nang magpanggap tayong hindi magkakilala!”
“Okay, I won't do it again. Narito lang naman ako para dalhan ka ng dinner,” sagot ni Pietro at lumapit na sa study table na malapit sa bintana. “Halika, kamahalan, ipaghahanda na kita.”
Napahikab naman ako at akmang bababa na nang may maalala. Oo nga pala 'yung chat ko.
Kaya naman imbes na bumaba ng kama ay inabot ko muna ang phone ko at binuksan. Pagbukas ko ay siyang unti-unti kong pagngisi nang bumungad sa akin ang maraming notification at message. Inuna kong buksan ang inbox at nakita kong maraming chat galing sa iba't ibang account, pero inuna kong buksan ang reply ng governor.
Governor Deguil Alexeyev: Oh, hello, my dear angel. I'm glad you chatted. And, oh no, my angel, nagulat din ako sa pagkalat ng video. Akala ko nga ikaw ang nagpakalat. By the way, that's okay for me. Ang totoo ay hinahanap talaga kita.
Governor Deguil Alexeyev: I'm sorry for kidnapping you and kissing you without your permission. Puwede ba tayong magkita ulit at nang makahingi ako ng sorry sa 'yo sa personal?
Governor Deguil Alexeyev: Please give me your number, para matawagan kita. Pero kung ayaw mong ibigay, tawagan mo na lang ako sa number na 'to at nang makapag-usap tayo: 09*****
Governor Deguil Alexeyev: I'll wait for your call, my angel. I'm really sorry for my actions. I hope you can forgive me for what I have done. Don't worry; this time, I will be a gentleman for you. Just meet me. I promise, I'll treat you like a queen this time.
Hindi ko mapigilan ang mapairap sa mga nabasa. Anong akala ng lalaking 'to sa akin madali utuin? As if naman hindi ko alam na may masama pa rin siyang balak at gusto niyang makipagkita ako sa kanya. Pero sige, at dahil may masama rin naman akong balak, mas mabuti ngang makipagkita ako.
Matapos basahin ang reply nito ay kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makita ang iba pang message ng iba't ibang account. Inumpisahan kong basahin ang ilan.
Jennifer Lee: Wow! Are you the lucky girl? OMG! Ang swerte mo naman kay Gov!
Rizza Lion: How to be you? Ang pretty mo naman! Kaya siguro na-in-love si Gov sa 'yo! I'm a fan pala! Grabe, nakakakilig 'yung titig ni Gov sa 'yo!
Menna Sien: Wag ka gurl! Titikman ka lang niyan at itatapon pagkatapos! Sayang lang ang beauty mo riyan kay Gov! And by the way, hindi pala kayo bagay! Humanap ka na lang ng iba, huwag si Gov! He's my crush, huwag mong agawin!
Napataas ang kilay ko sa huling pangatlong message. Really? Titikman lang at itapon pagkatapos? As if naman papatol ako sa gagong governor na 'yun.
Pero paano nga ba nila nalaman ang account ko kahit kakagawa ko lang naman kani-kanina lang?
Nang tingnan ko ang notifications ay kaya naman pala dahil nag-comment lang naman ang governor sa profile picture ko.
Governor Deguil Alexeyev: Wow! What a beautiful woman! You make me fell in love with you again with this picture! You are so pretty, my angel. (with emoji pa na may heart heart sa mata at emoji na may kiss)
Hindi ko mapigilan ang mapabuga ng hangin. “Wow, ang lakas talaga ng apog ng lalaking 'to!”
“Sino 'yan, kamahalan?” tanong ni Pietro habang hinahanda ang pagkaing dala.
“Sino pa ba kundi 'yung aroganteng governor na 'yun!” pairap kong sagot na may panggigigil.
Argh! I really hate that arrogant governor! Hindi lang arogante kundi mansyakis pa! I swear, tuturuan ko talaga siya ng matinding leksyon kapag dumating na ang tamang oras.
“Come here, kamahalan, kumain ka na.”
Hindi ko pinansin si Pietro at agad kong tinawagan ang number na binigay ng governor.
Unang ring pa lang ay agad na sinagot na siyang kinaarko bigla ng kilay ko. Wow ha, nakabantay ba siya sa phone niya?
“Governor Deguil Alexeyev speaking! May I know who's calling?”
I cleared my throat. “This is Cassandra.”
“Oh! Hi, my dear angel! Mabuti naman at tumawag ka na; mula kanina ko pa hinihintay ang tawag mo. Are you free tonight? Puwede ba kita yayaing mag-dinner? Don't worry, wala akong gagawing masama sa 'yo; gusto ko lang mag-sorry personally.”
Hindi ko mapigilan ang mapaismid. Ang galing talagang mang-uto nito. “Well, mahirap na magtiwala, Mr. Governor. Lalo na ngayon na alam kong tinamaan ka ng sobra sa akin; baka mamaya niyan ay hindi lang kiss ang gagawin mo sa akin kapag nakita mo ako, baka kasi itali mo na ako sa kama mo.”
Rinig ko ang paghalakhak nito dahil sa sinabi ko.
“You are so funny, my angel. But don't worry, I promise I won't do it again. Kahit ikaw pa ang mamili kung saang place tayo magkikita ngayong gabi. Gusto mo sa plaza, o kaya sa amusement park para maraming tao at makampanti ka na walang mangyayaring masama sa 'yo. Pero oo nga pala, bakit ka naman matatakot na kidnapin kita gayong amazona ka; dapat nga mag-sorry ka rin sa akin dahil sa ginawa mong pagsipa sa alaga ko.”
I smirked. “You deserve it, hindi ko kailangan mag-sorry. Dapat nga ni-report kita sa pulis, pero kawawa ka naman kung gagawin ko 'yun dahil mababahiran ng dumi ang pagiging mabuting gobernador mo sa iyong mamamayan. Siguradong magagalit sila sa 'yo kapag malaman nila kung paano ka magkagusto sa isang babae; kinikidnap mo at pinupwersa. Umamin ka nga, ilang babae na ba ang nabiktima mo?”
He chuckled. “Believe me or not, my angel, ikaw pa lang ang una. And I realized, mali pala ang ginawa ko. Kaya nga gusto kong makipagkita sa 'yo para makahingi ng tawad at maituwid ko ang nagawa kong kapangahasan sa 'yo.”
“Okay, kung desidido ka talagang mag-sorry sa nagawa mo. Magkita tayo ngayong gabi sa isang amusement park. Asahan kong mag-isa ka lang sana pupunta, 'yung walang kasamang tauhan, 'yun ay kung talagang desidido ka at walang balak sa akin.”
“I promise, tutupad ako sa usapan. Mag-isa lang ako pupunta kung 'yan ang gusto mo.”
I grinned. “Alright, let's meet then.
Nakangisi kong binaba ang phone ko at tumingin kay Pietro na ngayo'y nakatitig lang sa akin habang nakaharap sa pagkain na nakaayos na sa ibaba ng study table.
“Kamahalan, hayaan mong samahan kita kung makikipagkita ka sa lalaking 'yun.”
“No need, Pietro. Bumalik ka na lang sa kuwarto mo at dalhin 'yang mga pagkain. Sa labas na lang ako magdi-dinner tonight.”
“Pero, kamahalan. Paano kung kapahamakan ang dala sa 'yo ng lalaking 'yun at—”
I chuckled. “Come on, Pietro; para namang hindi mo ako kilala at wala kang tiwala sa akin. Basta sumunod ka na lang sa utos ko, manatili ka na lang sa kuwarto mo. Ayoko ng sinusuway ako.”