Ilang sandali ako nitong tiningnan na parang hindi makapaniwala habang hawak ang tiyan na nasikmuraan at nakatayo na sa ibaba ng kama. Pero kalaunan ay isang halakhak na ang pinakawalan nito.
“Wow, one wrong move and I'll die, huh?” He chuckled amusingly. “Well, I'm impressed. Ang lakas mo palang sumuntok kahit na babae ka.”
Lihim naman akong napangisi. Talaga lang, dahil hindi lang 'yan ang abutin mo sa akin kapag ako nainis.
Pero hindi. Hindi na pala ako maaaring pumatol muna sa ngayon; may kailangan pa akong malaman. Gusto kong malaman kung bakit ako pinapahanap ng lalaking 'to sa kanyang katawagan kanina. Anong motibo niya?
“N-Naku, gobernador, pasensya na po nabigla lang ako. Nasuntok tuloy kita nang 'di sinasadya,” hinging paumanhin ko, kunwari ay nabahala sa aking nagawa.
Tumaas ang isang kilay ni Governor sa sinabi ko, hanggang sa humakbang ito ng isang beses at huminto sa harap ko, pero pagkahinto ay agad na yumuko, pumantay sa mukha ko at biglang hinawakan ang chin ko, bahagyang inangat paharap sa kanya. “Hindi nga ba? Pero bakit pakiramdam ko sinadya mo?”
“Hindi po talaga, sir.” Iniwas ko ang tingin ko, dahil baka hindi ako makapagtimpi at maiuntog ko ang ulo ko sa kanyang mukha, siguradong dugo ang ilong niya sa akin kapag ginawa ko 'yun.
“Maaari ko bang malaman kung anong pinagkakaabalahan mo sa buhay? Anong trabaho mo?” he asked, hinaplos-haplos pa ang baba kong hawak ng kanyang hinlalaki at hintuturo.
“Isa lamang po akong violinist na naatasang tumugtog sa birthday niyo, sir. Pero heto ako ngayon, kinakabahan dahil hindi ko na alam kung nasaan ako at anong binabalak niyong gawin sa akin,” wika ko pero sa ibang direksyon naman ang tingin.
He chuckled again. “You're here in my rest house. Don't be afraid, wala akong gagawing masama sa 'yo. So relax.”
Gusto kong mapaismid. Ang kapal ng mukha nito!
“Saan ka pala nakatira? May pamilya ka pa ba?”
Napataas ang kilay ko sa narinig na tanong, pero gayunpaman ay agad ko rin pinigilan ang sarili ko para hindi magmukhang maldita. Kailangan kong magpanggap muna na isang mahina sa kanyang harap para malaman ko ang kanyang mga balak. At kapag nalaman ko na, saka ko na siguro siya papatayin.
“Kapag sinabi ko bang wala na akong pamilya, anong gagawin mo sa akin, sir? Gagahasain mo ba ako? Kaya ba pinakidnap mo ako sa mga tauhan mo at dinala rito?” diretso kong tanong at humarap na muli sa kanya, sinalubong siya ng tingin.
Pansin ko ang kanyang paglunok at pagbago bigla ng emosyon nang magtama ang mga mata namin, hanggang sa binitiwan na niya ang paghawak sa baba ko, pero bigla naman hinaplos ang pisngi gamit ang likod ng kanyang kamay.
“Oh sweetie, I'm not a rapist; kapag ginusto ko, may iba namang paraan para makuha ko nang 'di pinipilit. Mas maganda pa rin 'yung kusang bibigay, magiging wild sa akin.”
‘Walang gano'n sa akin, you asshole!’ Gusto kong isigaw 'yun sa kanyang pagmumukha kung maaari lang sana.
Hinawi ko na lang ang kanyang kamay sa paghaplos sa pinsgi ko. “Kailangan ko nang umuwi, sir.” Akmang bababa na ako ng kama — nang mapahinto ako sa mabilis na pagpulupot ng kanyang braso sa baywang ko.
“May I know your name, angel?” tanong niya sa akin habang hawak na ang baywang ko, pinipigilan para umalis.
“Cassandra,” sagot ko at aalisin na sana ang kanyang braso pero bigla na lang ako nitong binuhat.
“Let's go downstairs, I have an offer for you. Babalik tayo rito kapag okay na,” he said. Hindi na ako nakareklamo pa nang buhatin na ako niya palabas ng kuwarto.
Hindi ako kumportable sa kanyang pagbuhat pero tiniis ko na lang, hanggang sa bumaba kami ng stairs at narating ang living room.
“Alright, sit here first, my angel.” Ibinaba na niya ako sa isang couch. Matapos akong ibaba ay naupo naman ito sa kabila — paharap sa akin; inayos pa ang kanyang nagusot na coat bago ako tiningnan at nginitian.
“Kailangan ko nang umuwi, sir,” usal ko habang nakatingin din sa kanya nang mahinahon, pilit na nagpipigil na hindi siya sugurin para patayin.
“You're so beautiful, my angel...” he replied smilingly, and took something from his coat. “I want you to please me in bed tonight.”
I looked over the table when he put down a check. One million was the amount I saw written there.
Hindi ko mapigilan ang magngitngit sa galit. Isang bayaran ba ang tingin sa akin ng hayop na 'to? One million? Ang sarap isaksak sa bunganga ng lalaking 'to ang isang milyon, sabay baril sa kanyang ulo!
“One million, 'yan ang ibabayad ko sa 'yo sa gabing ito.”
Really? Talagang may tono pa ng pagyayabang sa kanyang isang milyon.
Kung may dala lang sana akong baril, gusto kong bumunot na at ibaon lahat ng bala sa kanyang bungo.
“Naku, gobernador, pasensya na pero hindi po ako ganoong klaseng babae,” mahinang sagot ko na kunwari ay nahihiya at nautal pa para magmukhang totoo. I even squeezed my hand to make it look like I was afraid of him.
Kailangan ko nang um-acting, baka mamaya ay mabisto niya ako agad kapag magpadalos-dalos ako sa aking kilos. Mukhang hindi nga pala pangkaraniwang governor lang ang lalaking 'to dahil talagang may alam pala tungkol sa Ruthless Game (RG), and worse, gusto pa akong makilala.
Well, nasa harap mo na ang pinapahanap mo, gago!
“Bakit, kulang ba ang isang milyon? Tell me, puwede kong dagdagan pa 'yan, maging wild ka lang sa kama ko ngayong gabi at sumunod sa mga utos ko sa 'yo,” kanyang wika nang hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kanya.
I want to punch your face you asshole! Eh kung isang milyong bala kaya ang ibaon ko riyan sa bungo mo, payag ka? Gusto kong isagot 'yun kung maaari lang sana. Pero kailangan kong magtimpi.
“Pasensya ka na, gobernador. Iniingatan ko po ito. Nakatatak na sa isip ko na ibibigay ko lang ang aking iniingatang puri sa lalaking aking mapapangasawa, hindi sa kung sino man. Hindi po ako isang bayaran; kahit magkano pa ang perang iaalok mo sa akin ngayon, tatanggihan at tatanggihan ko pa rin 'yan.”
Napangisi ito sa sagot ko at nagsalin ng wine sa kanyang kupita bago sumandal sa kinauupuang couch at inaalog-alog ang laman ng glass.
“Wala pang tumatanggi sa alok ko, ikaw pa lang. And I'm impressed. What's your name again?”
Bullshit! Paulit-ulit ang gagong 'to!
“Cassandra po, sir.”
Napatango-tango na ito. “Cassandra. Hmm... what a beautiful name, bagay na bagay sa 'yo,” sumimsim ito ng konting wine sa kupitang hawak bago muling inalog-alog ang laman. “Paano kung pwersahin kita ngayong gabi. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa 'yo, Miss Cassandra?”
Baka mapatay kita kahit ano pang pagtitimpi ko!
“Huwag naman po kayong ganyan, sir. Isa lamang po akong hamak na violinist na inupahan lang para tumugtog sa inyong kaarawan—”
“Exactly, inupahan ka para tumugtog. Ibig sabihin, it's all about money; tumugtog ka para magkaroon ng pera. Huwag ka nang magpa-hard-to-get pa, Miss Cassandra, sabihin mo na sa akin kung magkano ang isang gabing halaga mo. Kung tutuusin ay puwede kitang pwersahin ngayon din. Kaya habang nagiging mabait pa ako sa 'yo at inaalok pa kita ng maayos, sana magdesisyon ka rin ng maayos, ayusin mo ang sagot mo sa alok ko.”
No, ikaw ang umayos sa pakikipag-usap sa akin, hindi mo kilala kung sino ang tinatakot mo!
“Akala ko po, sir, isa kayong mabuting gobernador. Pero mali pala ang mga napapanood ko tungkol sa inyo, kabaliktaran pala 'yun.”
Marahan itong napatawa sa sinabi ko at muling sumimsim ng wine bago ako tiningnan, isang klase ng tingin na mahinahon pero may dalang panganib na ngisi.
“Isa akong governor, at gusto kong malaman mo — na lahat ng nagugustuhan ko ay nakukuha ko sa isang pitik lang ng daliri ko. Now, I want to hear your final decision. Will you accept my offer, o pupuwersahin na lang kita? Choose wisely.”
Mas lalo yata kumulo ang dugo ko. This animal is so arrogant. Akala mo naman natakot ako sa kanyang pagbabanta.
“Bakit hindi niyo subukan at nang malaman niyo, sir?”
Umarko ang kilay nito sa sinabi ko. “Subukan ang alin?”
“Kakasabi niyo lang na pupuwersahin niyo ako kapag hindi ako pumayag. Bakit hindi niyo subukan at nang magkaalaman?”
“Hinahamon mo ba ako?” Nagsalubong na ang mga kilay nito sa akin.
“I don't know, sir. Naisip ko kasi na kaysa naman matakot ako, mas mabuti sigurong hamunin ko na lang kayo para malaman natin kung ano nga ba ang mangyayari kapag pinuwersa niyo ako,” kalmadong wika ko habang nakaupo pa rin, pinipigilan ang mapangisi.
“Alright. If that's what you want.” Binaba na nito ang hawak na kupita at tumayo na. Pero pagkatayo ay agad na hinubad ang suot na coat habang nakatingin na sa akin ng seryoso.
Nanatili lang akong nakaupo at iniwas na lang ang tingin, gayunpaman ay may munting ngisi sa labi ko na pilit kong kinukubli.
Matapos hubarin ni governor ang kanyang coat ay sinunod naman nito ang butones ng kanyang polo panloob, hanggang sa mahubad na rin ito at bumungad ang kanyang mabatong pangangatawan na puno ng abs. Pero hindi naman ako na-impress dahil parang normal lang sa akin; kung magandang pangangatawan lang naman ang labanan, syempre hindi papatalo ang dalawa kong tauhan na sina Pietro at Yrem.
Nang mahubad ni governor ang kanyang pang-itaas ay sunod naman nitong binaklas ang kanyang belt, habang ang seryosong tingin ay hindi inaalis sa akin.
“Kunwari ka pa umiiwas ng tingin, pero halata naman sa mga mata mo na gustong-gusto mong makita ang katawan ko,” puna nito sa akin at nginisian ako habang patuloy ang paghubad. “Don't worry, angel, nasisiguro kong matitikman mo ako sa gabing ito.”
Hindi ako umimik at iniwas na lang muli ang tingin. I just grinned secretly.
Tanging itim na boxer na lang ang natira sa katawan ni governor bago ito humakbang na papalapit sa akin. At paghinto sa harap ko ay agad na hinaklit ang braso ko at hinila ako patayo.
“G-Gov,” usal ko na kunwari ay nagulat.
He smirked. Mabilis akong hinapit sa baywang nang makatayo, dahilan para mapahawak ako sa kanyang dibdib para pigilan ang mapasubsob sa kanyang katawan.
“Kung ayaw mong tanggapin ang alok kong pera — sige, dadaanin na lang kita sa dahas kapag nagmatigas ka!”
Matapos sabihin iyon ay bigla na lang ako nitong hinawakan sa panga at inangat ang mukha ko sa kanya — sabay sakop sa labi ko.
Hindi ako gumalaw at hinayaan lang siyang halikan ako. Pero s**t lang, ang dahas humalik ng lokong 'to!
Kaya naman kaysa magpaapi sa kanyang halik ay mas pinili ko na lang lumaban — tutal alam ko na rin naman kung paano humalik dahil tinuruan na rin ako ni Yrem.
Napangiti naman ang governor sa pagtugon ko at nagtagpo pa ang mga mata namin sa gitna ng aming marahas na halikan.
Hanggang sa pinahiga ako nito sa couch habang hindi pa rin pinapakawalan ang labi ko, pero pinikit na ang kanyang mga mata at hindi ko inaasahan ang paghaplos ng kamay sa katawan ko, mabuti na lang ay mabilis kong napigilan bago pa mapunta sa dibdib ko at makapa ang maliit na kutsilyo na nasa bra ko.
Sa ginawa kong pagpigil sa kanyang kamay ay natigil ang kanyang paghalik sa akin, tiningnan niya ako pero nakalapat pa rin ang labi sa labi ko.
“Hayaan mong pagsilbihan kita, Mr. Governor,” mapang-akit kong anas at bahagya pang sinipsip ang kanyang ibabang labi.
Saglit na napapikit si governor sa ginawa kong pagsipsip na tila dinama pa bago muling minulat ang mata at ngumisi sa akin.
“Alright,” kanyang pagpayag at umalis na sa ibabaw ko nang nakangisi.
Bumaba na ako ng couch, nahiga naman siya pag-alis ko at hinuli ako sa baywang, pinapatong sa kanyang ibabaw.
Gusto kong mapamura dahil pagpatong ko sa kanya ay siyang kanyang manyak na pagdating nang lumapat ang pang-upo ko sa kanyang matigas na p*********i na tila gusto nang Kumawala mula sa kanyang boxer.
“Are you that excited, gov?” mapang-akit kong tanong habang nakapatong sa kanya at nagawa pang haplosin ang kanyang pisngi.
In fairness, mas guwapo siya sa malapitan. But no, he's not my type.
“Sabi ko na nga ba, wild ka rin tulad ng iba. Muntik na akong malinlang ng mahinhin mong mukha,” ngisi niyang wika sa akin at pinisil pa ang baywang ko na kanyang hawak.
Napangisi na rin ako.
“You're right, gov. At gusto ko lang sabihin na sa susunod, kilatisin mo muna ng mabuti ang mga taong pinapakidnap mo...dahil… baka maling hakbang na pala ang nagawa mo. Katulad na lang nito!” I kicked his manhood.
“Holy f**k!” he cursed. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa malakas kong pagtuhod sa kanyang p*********i. “Oh s**t!” pamilipit nito sa sakit habang hawak ang gitnang bahagi ng hita, hanggang sa nahulog na sa couch nang umalis ako sa kanyang ibabaw at nagpagulong-gulong sa sahig.
Ngingisi-ngisi naman akong humakbang at huminto sa kanyang harap nang nakahalukipkip.
“Sa susunod nating pagkikita, ayusin mo ang pakikitungo mo sa akin, Mr. Governor. Hindi ako tulad ng iniisip mo.”
Matapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na ito at iniwan na namimilipit pa rin sa sakit.
Pero malapit na ako sa pinto nang malakas itong sumigaw sa kanyang mga tauhan na nasa labas.
“Huwag niyo hahayaang makaalis ang babaeng 'yan! Harangan niyo!”
Paglabas ko ng main door ay humarang nga sa akin ang anim na lalaki. Pero sa pagharang ng mga ito ay nagulat na lang ako sa malakas na impact ng pagsabog mula sa kabilang banda.
“Gov! Sumabog ang kotse mo!” sigaw ng isang tauhan na tumakbo papalapit. Kaya naman ang atensyon ng mga humarang sa akin ay napunta na rito at sa pagsabog.
Napangisi na lang ako at mabilis nang umalis.
“Paanong sumabog!” rinig ko pang galit na sigaw ni governor.
Matagumpay akong nakalabas ng gate nang walang humaharang. At sa paglabas ko ay siyang paghinto ng black car sa harap ko.
“Sakay na, aking kamahalan!” wika ni Pietro mula sa nakabukas na bintana ng kotse.
Napangisi lang ako at mabilis na umikot sa kabila at sumakay. Hanggang sa pinatakbo na ni Pietro ang kotse palayo ay walang humabol sa amin.
“Umamin ka nga sa akin, ikaw ba ang nagpasabog?” I asked.
Napatikhim naman si Pietro at tumango. “Yes, kamahalan.”
“Tsk. Sa susunod, huwag kang makialam kapag wala akong utos.”
“Patawad, kamahalan. Akala ko kasi napahamak ka na sa loob, muntik na nga kitang pasukin.”
Napairap na lang ako, pero agad ding napangisi.
Ako? Mapahamak sa lalaking 'yun? Eh mukhang lampa naman. Ni hindi nga nakahabol porke't nasipa lang sa kanyang alaga na parang mayabang pa kanina dahil tigas ng tigas. For sure, lumambot 'yun dahil sa pagsipa ko.
Hindi ko mapigilan ang mapahagikhik sa naisip na gano'n nga ang nangyari. Napatingin tuloy ulit sa akin si Pietro dahil sa pagbungisngis ko.
“May nakakatawa ba, kamahalan?”
Napatikhim naman ako at muling sumeryoso. “Wala. Ang mas mabuti pa ay pumunta tayo ng Dynasty Island ngayon, may huhulihin tayong traydor.”