Chapter 10

2616 Words
ISANG black sexy backless dress ang napili kong isuot with five inches stiletto heels, at messy bun lang ang ginawa kong ayos sa hanggang baywang kong buhok. Sakay ng taxi ay dumating ako sa isang fancy restaurant. Pagkapasok ko ng restaurant ay napakatahimik sa loob, tila walang mga customer, pero agad namang lumapit sa akin ang manager at tinanong ang pangalan ko, nang sabihin ko ay agad itong ngumiti at sinabing sumunod ako sa kanya. Sumunod naman ako, hanggang sa dinala ako nito sa harap ng nakasaradong pinto ng VIP room, saka ako iniwan. Hindi agad ako pumasok, bagkus ay nilapit ko ang tainga ko sa pinto at pinakinggan ang nasa loob ng room; mahirap na at baka may patibong pala pagpasok ko. Mas mabuti na rin ang nag-iingat. Pero wala akong marinig na ingay mula sa loob, hanggang sa naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko mula sa loob ng hawak kong clutch bag. Agad ko itong kinuha, at umarko ang kilay ko nang makitang may text ulit, at syempre galing na naman sa governor. Governor Deguil: Pupunta ka ba talaga o niloloko mo lang ako? Anong oras ka ba darating? Mahigit isang oras na akong naghihintay rito! Napaismid ako sa nabasa. Sinisigawan niya ba ako sa text? “Tsk. This asshole,” sarcastiko kong usal at binalik na ang phone sa clutch bag ko. Maingat ko nang binuksan ng konti ang pinto at bahagyang sumilip sa loob nang hindi gumagawa ng ingay. Nakita kong mag-isang nakaupo ang governor sa harap ng mahabang table, at busy ito sa kanyang phone habang seryoso, at parang nakasimangot pa. He was wearing a black expensive suit, pero walang necktie, bagkus ay nakabukas ang tatlong butones ng white polo nitong panloob. Ilang pa akong nakiramdam at pinagmasdan ito, pero parang wala namang kasama at wala naman akong maramdaman na kakaiba. Hanggang sa napagdesisyonan ko nang buksan nang tuluyan ang pinto at pumasok na. Nang marinig nito ang pagpasok ko ay agad namang napaangat ng tingin, at sa pag-angat nito ay agad na napako ang mga mata sa akin at hindi na naalis, parang natulala na naman. Lihim na lang akong napangisi. Hhanggang sa tuluyan na akong nakalapit at naghila ng sarili kong upuan; sa kabila ako naupo paharap sa kanya, bale pumapagitna sa amin ang mahabang table. Para naman itong natauhan nang makaupo na ako. “Oh, I'm sorry, dapat pinaghila kita upuan.” Parang nataranta pa ito. “No need; I have my own hands. At isa pa, hindi mo naman ako girlfriend para kailangan mo pang ipaghila ng upuan,” I replied. Sa sinabi ko ay unti-unti nang sumilay ang kanyang ngiti. “I'm glad you came. Akala ko hindi ka na darating.” I chuckled. “Kapag sinabi kong darating ako, darating ako. May isang salita ako, Mr. Governor.” His smile widened. “You're so beautiful, Miss Cassandra. You make me fall in love with you again, for the third time.” Tumaas ang isang kilay ko at sumandal sa aking upuan, dinampot ko ang bote ng wine at binuksan bago nagsalin sa glass. Pero agad akong natigilan nang may ma-realize. “Oo nga pala, baka may sleeping pills o kaya drugs. Mas mabuti na ang nag-iingat para safe,” mahina kong usal at itinigil ang pagsalin ng wine. “Wow!” The governor chuckled sarcastically and looked at me in disbelief. “Really? So you think, nilagyan ko ng kung anong drugs 'yang wine? You must be too paranoid, Miss Cassandra. I'm not that kind of person to do that to you. As you can see, the wine is well sealed before you open it, so how can I put drugs?” I cleared my throat and crossed my arms over my chest. “Well, mahirap na magtiwala. Malay ko ba na baka bago pa i-sealed 'yang wine ay nilagyan na ng drugs. And by the way, ayoko nang humaba pa ang usapan natin. Ngayong nandito na ako sa harap mo, then what are you waiting for? Mag-sorry ka na.” Tumaas ang sulok ng labi ng governor na parang na-amaze, bahagya itong napailing pero nakangiti naman habang nakatingin sa akin. “Kakaiba ka talaga, Miss Cassandra. Alright, I'm sorry; sorry for kidnapping you, and I'm really for kissing you. I was wrong in my actions; I should have taken you to the altar first and kissed you there, with the priest's blessing.” Tila hindi ako makapaniwala sa narinig. What the hell is he saying? Pinagsasabi ng gagong 'to? “Alam mo, kung talagang sincere ka sa pagso-sorry mo, gusto kong lumuhod ka sa harap ko ngayon din.” Unti-unting naglaho ang ngiti nito sa sinabi ko at bahagyang tumaas ang kilay na para bang tinatanong ang kanyang sarili kung nagkamali lang ba siya ng dinig. Napangisi naman ako habang nakahalukipkip. “Yes, you heard it right, Mr. Governor. Gusto kong lumuhod ka sa harap ko kung gusto mo talagang mapatawad kita from the bottom of my heart.” Saglit itong natigilan, napatitig sa akin, 'yung klase ng titig na parang naa-amaze na naman. Hanggang sa bumalik na ito sa kanyang nakakaasar na ngiti. “Okay, if that's what you want, then I will do it.” Literal na tumaas muli ang kilay ko. Really? Luluhod siya? Tumayo na ito mula sa kanyang upuan at lumapit sa akin, napaharap naman ako nang huminto na siya sa tabi ko. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang kanyang unti-unting pagluhod, pero isang tuhod lang. “I don't have a diamond ring right now. I didn't know that you wanted me to kneel in front of you right away,” he said with a smile, taking off the big ring he was wearing on his finger before looking up at me. “Will you marry me?” My lips parted in disbelief. What the heck is going on? Pinagloloko ba ako ng lokong 'to? “Are you playing with me, Mr. Governor?” My eyebrows furrowed. He chuckled. “No, I'm serious. Dalawa lang ang dahilan ng pagluhod ng lalaki sa harap ng babae; ang isa ay para angkinin, at ang isa naman ay para yayaing pakasal. Kaya ngayon, lumuluhod ako sa harap mo para yayain kang magpakasal. This is what you want — by the way, ang lumuhod ako sa harap mo. So, will you be my wife?” What? What the heck! Ako ba'y pinagloloko nito? I closed my eyes to calm myself. Dahil baka hindi ako makapagtimpi at masuntok ko ang pagmumukha ng lalaking 'to. “Huwag kang mag-aalala. Luluhod muna ako ngayon para yayain kang pakasal, pero sa susunod kong pagluhod, 'yun ay para angkinin ka na, on our honeymoon.” He winked at me with a smile. Hindi na ako nakapagtimpi at mabilis ko nang hinawakan nang mariin ang kanyang panga at mariin ito pinisil paangat sa akin. “Hindi uubra sa akin 'yang pagiging feeling gwapo mo, Mr. Governor. Ibahin mo ako sa mga babaeng nauto mo. Dahil dito sa akin, kailangan mo pang lumuha ng dugo at tumawid sa butas ng karayom bago mo ako maangkin!” gigil kong wika at patapon nang bitiwan ang kanyang panga. Napahaplos naman ito sa kanyang panga, hanggang sa napahalakhak pero hindi pa rin umaalis sa pagluhod sa harap ko. “Kung 'yan ang dahilan para makuha ka, ituro mo sa akin kung saan ang butas ng karayom na sinasabi mo para mapaghandaan ko ang pagtawid. Tell me.” Talagang hinamon pa ako. “Wanna fight with me?” ngisi kong hamon na rin. Naasar na ako. Nakakaasar ang lalaking 'to! “Where? In bed?” He smirked. Darn. This asshole is so annoying! “Oo puwede naman, 'yun ay kung kaya mo akong talunin. Pero kung hindi, magiging lamog lang ang katawan mo sa akin dahil bubugbugin kita hanggang sa isuka mo ang sarili mong lamanloob!” gigil kong wika at sisipain na sana ito sa dibdib pero mabilis na nahawakan ang paa ko. “Relax, angel. Sa kama lang ako pumapatol sa babae.” He chuckled amusingly. “Bitiwan mo ang paa ko bago ko pa masipag ang pagmumukha — oh wait…” Napatigil ako at napangisi sa naisip. “Bakit hindi mo na lang kaya halikan ang talampakan ko kung gusto mo pala mag-sorry talaga sa nagawa mo? I swear, hindi ako papalag.” Tumaas ang sulok ng labi nito sa sinabi ko. “Are you sure? Hindi ka talaga papalag?” “Yes.” He grinned. Hinubad na ang suot na stiletto ng isa kong paa na kanyang hawak. Napahalukipkip lang ako at pinanood siya. I know, hindi niya gagawin dahil isang— Fuck! I was surprised; my eyes widened in shock. Hindi lang halik ang ginawa sa talampakan ko kundi kanyang dinilaan. I was literally speechless in shock. Pinalandas ni governor ang kanyang dila sa talampakan ko at sinipsip pa ang hinalalaki kong daliri nang walang pandidiri, hanggang sa pinatong na sa kanyang balikat ang paa ko at paunti-unti nang gumapang ang kanyang dila pataas. Napakurap ako, parang nanigas sa aking kinauupuan. Oh my god. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? But before I could react, the door suddenly opened, and three waiters came in with food. Pero agad na napahinto ang mga ito nang makita kung ano ang kaganapang nangyayari sa loob, at halata ang pagkagulat sa kanilang mga mukha, hanggang sa mabilis na nagsiiwas ng tingin bago lumapit at nilapag na ang mga dala sa mahabang table. Para naman akong natauhan na agad na binawi ang paa ko mula sa balikat ng governor at sisipain na sana ito sa dibdib gamit ang isa kong paa na may stiletto, pero mabilis na napagilan. “Don't do that, angel,” ngisi nitong wika at dinampian pa ng halik ang binti ko bago maingat na ibinaba at nagmamadali nang bumalik sa kanyang upuan, pero bago naupo ay inayos pa ang nagusot na suit at nagawa pa akong kindatan. Hindi ko mapigilan ang manggigil at pinanlisikan na lang ito ng mata dahil nasa paligid pa ang tatlong waiter. Sinuot ko na lang ang nahubad kong stiletto at umayos na ng upo. Hanggang sa umalis na ang mga waiter matapos ilapag ang mga dalang pagkain. “Ginagago mo ba ako, governor?” may diin kong tanong nang kaming dalawa na lang. He shook his head and smiled at me. “No. Don't get me wrong, angel. You told me to lick your feet, so I just did it. And gusto ko lang sabihin na sa 'yo ko lang 'yun unang ginawa. Ang swerte mo kung tutuusin dahil sa 'yo unang lumandas ang dila ko, at talagang sa makinis mo pang paa.” Nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa pilit na pagpipigil. Ang lakas ng loob ng lalaking 'to! Pero hindi, hindi ako puwedeng magpadala sa emosyon at baka magmukha akong talunan sa kanyang harap. “Napaka-weird mo pala, Mr. Governor. Mukhang hindi ka normal na tao. Pero sige, palalampasin ko ang ginawa mo ngayon.” Ngumiti lang ito at nagkibit-balikat bago tumayo at sinalinan ng wine ang glass ko. “Let's just enjoy the night, my angel.” He raised his glass. “Cheers?” Hindi ko dinampot ang glass ko at humalukipkip lang, tumingin sa kanya nang nakangisi. “Papayag ka ba kung yayain kitang makipagsuntukan sa akin kahit limang minuto lang, Gov? Gusto ko lang malaman kung totoo bang lalaki ka. Mukha ka kasing bakla sa paningin ko.” His smile suddenly disappeared. “What did you just say?” I picked up my wine glass and took a sip before smiling sweetly at him. “Ang sabi ko, mukha kang bakla. Kahit saan kita anggulo tingnan, puro kabaklaan ang nakikita ko sa 'yo. Ewan ko ba, siguro ay dahil lampa ka? Nung sinipa kasi kita sa pamamahay mo nung araw na 'yun ay hindi ka man lang nakatayo, namilipit ka lang sa sakit na para bang mahinang nilalang. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit single ka pa rin magpahanggang ngayon, siguro ay dahil mga lalaki talaga ang tipo mo, kaso hindi mo lang maamin dahil ayaw mo mabahiran ang pagiging gobernador mo. At ngayon ay ako ang ginagamit mo para kunwari ay lalaki ka. Tama ba?” Nagtagis ang mga bagang nito sa sinabi ko at sumeryoso na ang tingin sa akin, hanggang sa bigla na lang nabasag sa kamay ang hawak na wine glass. Napabungisngis naman ako. “Oh, cool! Pero syempre, lampa pa rin!” pang-aasar ko at maarteng sumimsim muli ng wine. Pero hindi man lang tumawa o ngumiti si governor at nakatingin lang ito sa akin ng puno na ng panggigigil, kahit ang sugatan na kamay ay hindi na pinansin. Gusto kong mapahalakhak ng malakas. So ito lang pala, dito lang pala siya mapipikon. “I think I have to go now, Mr. Governor. Medyo malalim na kasi ang gabi, at isa pa nasasayang lang ang oras ko sa isang lampang tulad mo. Saka mo na ako lapitan kapag napatunayan mo nang lalaki ka talaga,” ngisi kong wika at tumayo na. “Have a goodnight. Don't worry, safe ang sekreto mo sa akin.” Nakangisi na akong tumalikod. Pero nang bubuksan ko na ang pinto ay siyang malakas na paghablot sa braso ko, at namalayan ko na lang ang malakas kong pagsandal sa matigas na pader. “Ah!” bahagya ko pang pagdaing, pero may pangahas na bibig na agad ang sumakop sa labi ko at marahas na akong hinalikan. Hindi lang marahas na kinuyumos ng halik ang labi ko kundi hinawakan pa ang panga ko at pinisil nang may panggigigil. Medyo nabigla ako, pero hinayaan ko lang. Hanggang sa pinakawalan na nito ang labi ko at habol ang paghinga akong tiningnan ng matapang sa mata. “Pasalamat ka babae ka at gustong-gusto kita,” he said and caressed my lower lip as he swallowed. Hanggang sa tumingin sa mata ko at nginitian na ako, isang klase ng ngiti na halatang may gigil. “Pero sa susunod, ipapakita ko na sa 'yo kung sinong sinasabihan mong bakla.” Nilapit nito ang mukha sa akin at bumulong sa puno ng tainga ko. “Makikita mo, itatali kita sa kama ko nang nakahubad at aaraw-arawin hanggang sa manghina ka, at matawag mong lampa ang sarili mo.” Argh! Ang sarap bugbugin ng lalaking 'to! Pero imbes maapektuhan ay napangisi lang ako at sinalubong ang kanyang tingin. Pansin ko ay bahagyang pag-arko ng kanyang makapal na kilay nang makitang hindi man lang ako naapektuhan. Hanggang sa pansin ko ang kanyang paglunok nang abutin ko ang kanyang pisngi at haplosin. “Huwag kang magyabang, Mr. Governor. Hanggang salita ka lang naman, dahil kahit gusto mong gawin 'yang sinasabi mo. Hindi mo pa rin magagawa, dahil tulad nga ng sabi ko; iba ako sa lahat ng babae,” I said directly as I caressed his cheek softly. Pero bago pa siya muling makapagsalita ay malakas ko nang hinila sa batok at kinuyumos din ng marahas na halik ang kanyang labi. Ramdam ko ang kanyang pagkagulat na tila hindi inaasahan ang bigla kong pagsunggab, hindi agad ito nakagalaw. At sinamantala ko na ang pagkakataon, malakas kong kinagat ang maliit na laman ng ibaba ng kanyang labi. Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata at gusto na sanang bumitaw sa akin, pero hindi ko hinayaan at malakas kong hinawakan ang kanyang batok. Pinakawalan ko lang nang malasahan ko na ang paglabas ng dugo sa kanyang labi na kinagat ko. His eyes widened at me as his lips parted in disbelief. Napangising aso naman ako at dinura ang kanyang kaunting dugo na nalasap ko. “Pwe! Pati dugo mo lasang lampa!” I mocked and left him speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD