Chapter 5

2711 Words
KINABUKASAN ay maaga akong nagising, mga bandang five am pa lang gising na ako, at naisipan kong mag-jogging na lang muna sa loob ng aking malawak na property para magpapawis, dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-exercise gawa ng palaging busy sa mga utos ni Dad at pagbisita sa Dynasty Island. Seriously, ang hirap din maging tagapagmana; parang kailangan ko pang dumaan muna sa butas ng karayom bago makuha nang tuluyan ang trono. Kasalukuyan akong magja-jogging mag-isa nang bigla na lang pumantay sa akin si Yrem, sinabayan ako nito sa aking pagtakbo. “Good morning, kamahalan,” he greeted me with a smile. “Good morning. So, kumusta naman ang lakad mo kagabi? May nalaman ka ba sa pagsunod mo sa governor na 'yun?” tanong ko habang patuloy lang ang pagtakbo. “Wala pa, kamahalan, tanging address niya lang ang nalaman ko. And mukhang mahigpit ang security sa kanyang tahanan, may mga security kahit sa labas.” “Talagang mahigpit 'yun dahil bukod sa isa siyang governor ay mukhang malaking sindikato pa. Ang dapat natin alamin ngayon ay kung saan ang kanyang totoong hideout para mapagplanuhan natin ang paglusob kung sakaling kailangan, o kaya pasabugin na lang para matapos na agad.” “Ako na ang bahala, kamahalan. Aalamin ko ang kanyang hideout sa lalong madaling panahon. So, kumusta naman kayo ni Pietro kagabi? Umuwi ba kayo agad paglabas ng arena or may pinuntahan pa kayo?” he asked curiously. “We went to a nightclub; we followed Mr. DJ. Kaso 'yon nga, hindi ko naman nagawang lapitan dahil may nangyari. Pero at least, nakilala na niya ako. And I think, mukhang na love at first sight naman siya sa akin.” Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ang klase ng pagtitig nito sa akin, mukhang tinamaan nga si Mr. DJ sa kagandahan ko. Yrem chuckled. “Ano ka ba, kamahalan, tama lang na hindi ka lumapit sa kanya. Dahil kung talagang gusto ka niya, siya dapat ang kusang lalapit sa 'yo para magpakilala. Mas maganda kasi kung lalaki ang unang lalapit kaysa babae. Ang mga lalaki kasi, madali 'yan ma-turn off kapag babae ang unang magtapat sa kanila ng nararamdaman. Kaya 'yung ibang mga lalaki tini-take advantage nila ang mga babaeng lumalapit sa kanila dahil alam nilang bibigay agad sa kanila kasi mga gusto sila.” Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi. “Ano ka ba naman, Yrem, hindi naman ako uto-uto para magpa-take advantage na lang sa mga lalaki. Gusto ko lang talaga makita ang reaction ni Mr. DJ kapag nakita niya ang mukha ko. I don't know, siguro ay dahil crush ko siya, at gusto kong mabighani siya sa akin kapag nakita niya ako.” “Lahat naman ng nakakita sa 'yo sa unang pagkakataon ay nabibighani, kamahalan; bulag lang ang hindi dahil hindi makakita.” Napangisi lang ako at nahahapo na huminto sa pagtakbo. Naupo ako sa may bench chair, at naupo rin si Yrem sa tabi ko. Binigay nito sa akin ang hawak na isang bote ng mineral water, at dahil nauhaw ako sa pagtakbo ay agad kong tinanggap at ininom ang laman kahit may bawas na, mukhang ininuman na niya. “Do you have a towel with you?” I asked after drinking the water. I was really sweaty and needed a wipe. “Wala, kamahalan. Pero puwede naman itong suot ko na lang.” Yrem quickly took off his shirt and handed it to me. I frowned. “Hindi ba 'yan amoy pawis?” simangot kong tanong na parang nag-alangan pa kung tatanggapin ba o hindi. “May pawis pero konti lang. And don't worry, kamahalan, mabango naman 'to.” Bago ko pa makuha ito sa kamay ni Yrem ay inunahan na ako nito, marahan nang pinunasan ang mukha ko gamit ang kanyang hinubad na t-shirt. Magrereklamo sana ako, pero nang maamoy ko na mabango naman ay hinayaan ko na lang. Matapos mag-jogging ay bumalik na rin kami ng mansyon. Umakyat na ako sa kuwarto ko at naligo, nagbabad ng ilang minuto sa loob ng bathtub. Paglabas ko ng bathroom ay nakita kong tumutunog ang phone ko na nasa ibabaw ng kama. Hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay nang makitang kapatid kong si Allison ang tumawag. “Hey, b***h! What do you want?” I asked, answering the phone call. I heard her chuckle from the other line. “Wanna play golf with me today, b***h? Or how about... let's just play ‘killing game’ with our men?” Hindi ko mapigilan ang mapaikot ng mata. This b***h, talagang ang lakas ng loob magyayang ng laro sa akin na akala mo'y close kami. “I don't have time for that, b***h. I'm busy. I'm not like you, na inaasa lang sa tauhan ang lahat, palibhasa lampa! You loser, don't call me again if it's not important!” Binabaan ko na ito ng phone. Hindi ko mapigilan ang mapabuga ng hangin para kumalma, dahil talagang lumabas ang gigil ko saglit. Ang lakas din ng loob tumawag para lang mag-aya ng golf at laro ng p*****n ng mga tauhan, as if naman hindi ko alam na gusto niyang unti-untiin ang mga tauhan ko. But no, hindi ako papayag na magpauto sa kanya. Haharapin ko siya kapag tapos na ang mga important misyon ko. Tauhan niya ang uubusin ko, siguradong iiyak siya sa akin ng dugo. “Kamahalan!” Napahinto ako sa tangkang pagpasok sa dressing room nang marinig ang pagtawag ng boses ni Pietro mula sa labas. “Yes? What is it?” “The breakfast is ready, kamahalan. Gusto mo bang dalhin ko na rito?” “Yes, please.” Matapos sumagot ay pumasok na ako ng dressing room. Wala naman akong pupuntahan ngayong araw kaya isang simpleng black slip dress lang ang napili kong isuot. Kasalukuyan na akong nakaupo sa dressing chair ko habang sinusuklay ang hanggang baywang kong buhok— nang maalala ko paghalik sa akin ni Pietro kagabi. Oo nga pala, magpapaturo pa ako sa kanya kung paano ang tamang paghalik. And I think it's the perfect time, hindi naman ako busy ngayon, mamaya pa naman sa hapon ang lakad ko para lang dalawin si Dad at mag-report tungkol sa misyon na binigay nito sa akin. Tinigil ko ang pagsuklay ko at tumayo na. Pero pagbukas ko ng pinto para lumabas— ay siya namang pagbungad sa akin ni Yrem na may buhat buhat na tray na naglalaman ng breakfast ko. “Pietro told me na mas gusto mo raw dito mag-breakfast sa kuwarto mo. Kaya ako na lang ang nagpresentang magdala rito, kamahalan.” Niluwagan ko na lang ang pagbukas ng pinto. Pumasok naman si Yrem at nilapag sa dressing table ko ang tray. “Papuntahin mo si Pietro ngayon dito sa kuwarto ko. Pakisabi sa kanya na sisimulan na namin ang kissing lesson habang hindi pa ako busy,” utos ko na napatingin pa sa wristwatch kong suot. Agad namang nangunot ang noo ni Yrem sa akin. “Kissing lesson?” “Yes. Nagpapaturo kasi ako sa kanya kung paano humalik. Kaya sige na dalian mo, tawagin mo roon, magpapaturo muna ako sa kanya bago mag-breakfast!” Napatitig naman sa akin si Yrem, pero kalaunan ay agad ding tumango. “Alright, I will tell him.” Lumabas na ito ng kuwarto. Pumasok naman ako sa loob ng bathroom at muling nagmugmog ng mouth wash, para fresh na fresh kahit na katatapos ko lang din mag-toothbrush at mag-mouthwash kani-kanina lang. Paglabas ng bathroom ay naupo na lang ulit ako sa dressing table ko at pinagpatuloy ang marahan na pagsuklay sa buhok ko habang naghihintay kay Pietro. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto. “It's not locked; you can come in,” sagot ko. Bumukas naman ang pinto, pero paglingon ko ay hindi si Pietro ang pumasok kundi si Yrem pa rin. “Where's Pietro?” “Umalis, kamahalan. May importante pa raw siyang bibilhin sa labas, kaya ako na lang daw muna ang papalit sa kanya.” Awtomatiko nang napataas ang kilay ko at napahalukipkip. “So, you know how to kiss?” Yrem chuckled and slowly stepped closer to me. “Of course, kamahalan. I'm better than Pietro. Mas madali kang matututo sa akin kung ako ang magtuturo sa 'yo.” I nodded and stood up. “Alright. Let's get started.” Huminto naman si Yrem sa harap ko, saglit na akong pinagmasdan hanggang sa ngumiti na sa akin. “First, ganito lang…” He caressed my cheek softly and stared into my eyes. “Haplosin mo ang kanyang pisngi at titigan siya sa mga mata.” “Okay.” Tumango ako. “And then, ibaba mo ang tingin mo sa kanyang labi.” Yrem lowered his gaze to my lips. “At unti-unti mo nang ilapit ang mukha mo sa kanya. Parang ganito…” And he claimed my lips. I stunned. Napakurap na lang ako sa tuluyang pagsakop ni Yrem sa labi ko. Katulad ng kay Pietro kagabi ay marahan lang sa una ang paghalik ni Yrem sa akin, at nang mapatingin ako sa kanyang mga mata ay nakapikit na ang mga ito, kaya naman pumikit din ako at dinama ang kanyang paghalik sa akin. Salinsinan niyang sinipsip ng marahan ang lower and upper lip ko. Hanggang sa hindi nagtagal ay unti-unti na akong tumugon. Sinabayan ko na ang kanyang marahan na paghalik, ginawa ko rin ang ginawa niyang pagsipsip sa labi. Ramdam ko ang kanyang pagngiti sa ginawa ko. Naramdaman ko naman ang pagbaba ng kanyang kamay, hinawakan na niya ako sa baywang at bahagyang hinapit palapit sa kanyang katawan habang hindi niya pa rin pinapakawalan ang labi ko. Napaka-fresh din ng kanyang bibig, langhap na langhap ko ang kanyang mabangong hininga, lasang mouth wash din katulad ko. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng bibig ko, at pagkapasok nito ay mabilis na hinuli ang dila ko at sinipsip. Nabigla ako sa kanyang ginagawa, pero gayunpaman ay hinayaan ko lang siya, at para matuto ay ginawa ko ang kanyang ginawa; hinuli ko rin ang kanyang dila at sinipsip. “Hmm…” kanyang mahinang halinghing dahil sa ginawa ko, at ramdam ko ang pagpisil niya sa baywang ko kung saan nakahawak ang kanyang kamay. Napangisi naman ako. Napaungol ko siya, ibig sabihin ba nu'n ay nagustuhan niya ang paghalik ko sa kanya? Marunong na ba akong humalik? Tinulak ko na ang kanyang dibdib— na kanyang kinabitaw sa labi ko. “That was great, Yrem!” tuwa kong sabi pagkabitaw ng halik sa kanya. Para namang natauhan bigla si Yrem at agad na ngumiti habang hawak pa rin ang baywang ko. “Very good, kamahalan. Napakadali mong matuto!” Lumapad ang ngiti ko. “Really? Ibig sabihin ba ay magaling na talaga akong humalik?” He stared at me, parang napaisip saglit. “Hmm. Medyo sablay pa ng konti, kamahalan. Let's try again, mas maganda kung galingan natin dalawa hanggang sa tuluyan ka nang matuto. How about five minutes?” he suggested. Agad naman akong tumango. “Yeah sure!” His smile widened. Hindi na ako sinagot pa at sinunggaban na muli ang labi ko. Agad naman akong tumugon, sinalubong ang kanyang halik. Sa pagtugon ko ay bigla niya akong hinapit sa baywang na kinaangat ko at kinahawak sa kanyang balikat, pero hindi 'yun naging hadlang para bumitaw ako, bagkus ay niyapos ko sa kanyang leeg ang mga braso ko. Kung nung una ay marahan lang ang kanyang paghalik sa akin, iba naman ngayon dahil parang agresibo na, kaya naging agresibo na rin ako sa pagtugon sa kanya. Hanggang sa hinawakan ni Yrem ang paa ko na para bang gusto niya iyapos ko ito sa kanyang baywang. Agad naman akong sumunod at pinulupot nga ang mga paa ko sa kanyang baywang habang ang mga kamay ko naman ay sa kanyang leeg. At ang kanyang mga braso naman ay mahigpit nang nakayakap sa baywang ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghiga ko sa kama, gayunpaman ay binalewala ko at nanatili pa ring nakapikit ang mga mata habang nakikipaglaban ng halikan kay Yrem. Kung makasipsip siya sa labi ay dila ko ay parang walang halong pandidiri, at gano'n din naman ko sa kanya. He was clean, mabango, at talagang… napakasarap humalik, nakakadala, nakakapag-init. “Napakasarap ng labi mo, kamahalan,” Yrem said as he kissed me aggressively. “You too, napakasarap din ng labi mo,” I responded. Para akong hindi na makapag-isip pa ng tama dahil tuluyan na akong nadala sa kanyang halik. Dalang-dala na kaming dalawa na parang ayaw na naming pakawalan pa ang isa't isa. Hanggang sa gumulong si Yrem sa kama habang yapos pa rin ang baywang ko, pinagpalit niya ang posisyon namin, bale siya na ang nakahiga at ako naman ang nakapatong sa kanyang ibabaw. Habol ko na ang aking paghinga, tuwing sipsip ni Yrem sa dila ko ay kumakawala ang impit na ungol sa akin, at gano'n siya kapag ako naman ang gumawa. Hindi ko maintindihan ang katawan ko, pero parang biglang may sumiklab sa loob ko dahil para akong nag-init na sa gitna ng halikan namin. Hanggang sa muli na namang pinagpalit ni Yrem ang posisyon namin, and this time ay pinakawalan na niya ang labi ko. Habol ko ang aking paghinga, pero kasabay nito ay ang pagsinghap ko nang agresibong bumaba ang halik ni Yrem sa leeg ko, at doon sumipsip na parang linta, habang ang kanyang isang kamay ay nagiging malikot na, humahaplos na sa hita ko pumipisil na parang nanggigigil. “Stop!” Natauhan na ako at tinulak siya sa dibdib. Napabitaw naman ng halik si Yrem sa leeg ko at agad na nagtama ang mga mata namin. Pareho pa naming habol ang aming paghinga. “That's too much!” I said. He blinked. Parang natauhan si Yrem. “Patawad, kamahalan, nakalimot ako.” Ngumiti na ako. “So ano? Magaling na ba akong humalik?” And he smiled as well. “Yes, kamahalan, mas magaling ka na kaysa sa akin.” That's great! “So what are you waiting for? Puwede ka nang umalis sa ibabaw ko.” Napatikhim si Yrem at nagpipigil na ng ngiti na umalis sa ibabaw ko. Bumangon na rin ako sa kama at bumaba matapos ayusin ang suot ko na nagusot na dahil sa halikan namin. “Lumabas ka na, dalhin mo ang breakfast sa may swimming pool, wait for me there.” “Copy, kamahalan.” Pumasok na ako ng bathroom to check myself. Saglit akong napatulala sa salamin nang nasa loob na ng bathroom. Shit. Did he just turn me on? Seriously, parang nabasa kasi ang p********e ko dahil sa ginawa naming halikan ni Yrem. “It's just a kissing lesson, b***h!” pagalit kong sabi sa sarili ko sa salamin. Naghugas na lang ako ng nabasa kong private part at lumabas na. Pero pagbaba ko ng stairs ay siyang pagpasok naman ni Pietro na may bitbit na isang box ng pizza. “Kamahalan, narito na ang pizza na pinapabili mo.” Agad na nangunot ang noo ko. “Wala akong naalala na nagpabili ako sa 'yo ng pizza ah.” Bahagyang kumunot ang noo ni Pietro sa sagot ko. “But Yrem told me, gusto mo raw ng pizza for breakfast, at gusto mo galing sa labas. Kaya naman lumabas agad ako para ibili ka—” “Ibig kong sabihin, ako ang nagpapabili, hindi ang kamahalan.” Si Yrem na ang sumagot na kakalabas lang galing swimming pool area. Sumeryoso naman ang tingin dito ni Pietro. But Yrem just smiled. “Thanks, man!” pagpapasalamat nito at inagaw na ang pizza mula kay Pietro bago tumingin sa akin. “Naroon na ang breakfast mo, kamahalan, let's go,” aya nito sa akin at bumalik na sa swimming pool area habang pangiti-ngiti. “Let's go, Pietro, sabay na tayo,” aya ko naman at susunod na sana sa may swimming pool— nang pigilan ni Pietro ang braso ko. “May nangyari ba habang wala ako, kamahalan?” he asked me as his eyebrows furrowed, tila nahihiwagaan. And he looked serious. “Wala naman.” I shrugged and smiled at him. “Pero alam ko na kung paano humalik. Tinuruan na ako ni Yrem!” “W-What?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD