NASA arena na kaming tatlo at kasalukuyan nang nanonood ng basketball, nakaupo ako sa bandang hulihan ng mga audience, at nakaupo naman sa hulihan ko ang dalawa kong kasama na sina Pietro at Yrem. Bale kaming tatlo ang pinakahuli sa mga upuan.
Hindi na ako nagpalit pa sa simpleng outfit ko; skinny jeans with t-shirt lang, at nagsuot lang ako ng black baseball cap. Napasisigaw na ngayon ang mga manonood naming kasama tuwing nakaka-shoot ang kanilang basketball team, pero ako ay tamang titig lang sa DJ na nakaupo sa may 'di kalayuan at busy sa panonood habang nagsasalita.
“Oh my handsome DJ,” mahina kong usal at napangisi pa habang may subo subo pang lollipop sa aking bibig.
Nasa hulihan ako nakaupo kaya kahit hindi ko ialis ang tingin ko sa DJ ay walang makakahalata, maliban na lang sa dalawa kong kasama.
Lumingon ako para tingnan silang dalawa kung nag-enjoy ba sa panonood. Pero paglingon ko ay agad na nagtama ang tingin naming tatlo dahil nakatingin pala silang dalawa sa akin at talagang ubod ng seryoso ang mukha with matching kunot noo pa na akala mo'y may nakitang hindi nagugustuhan.
“What?” I mouthed, asking if they were okay.
Pero hindi man lang nila ako sinagot, sabay lang nilang iniwas ang tingin sa akin at tinuon na sa panonood ng basketball.
Napasimangot naman ako. What was that? Para kasing inirapan nila akong dalawa sa pag-iwas nila ng tingin.
Pero agad din akong napangiti nang ibalik ko ang tingin sa crush kong DJ. Hindi lang guwapo kundi napakaganda pa ng boses.
Hmm. Ang sarap lang iuwi ng DJ na 'to. Ano kaya kung kidnapin ko na lang 'to para maging akin?
Hindi ko mapigilan ang mapangisi sa naisip. Napakadesperada ko naman yata kapag ginawa ko 'yun, magmumukha akong psychopath na obsessed sa kanya. Pero pasasaan ba't may ibang paraan naman; kayang-kaya ko naman siguro siyang akitin sa aking kagandahan.
“Well, let's see, my dear DJ. Kahit na may girlfriend ka pa, nasisiguro kong magiging akin ka kapag ginusto ko; wala ka nang kawala pa sa akin.” I grinned.
Pero agad na nakuha ang atensyon ko sa mga bagong dating na agad na naupo sa pinakaunahan kung saan may mga bakanteng upuan na tingin ko ay nakalaan talaga para sa kanila.
It's him the governor with his men.
Napangisi ako at kinagat na ang lollipop na nakasubo sa aking bibig, tinapon ko na ang stick nito.
Mabilis na akong lumipat ng upuan sa dalawa kong tauhan. “Look who's there.”
“Who?” kunot noo na tanong ni Yrem at sinundan ang tingin ko, hanggang sa nahinto ang tingin nilang dalawa ni Pietro sa lalaking tinutukoy ko, sa gobernador.
“Sundan niyo 'yan mamaya.”
“Ako na ang bahala sa kanya, kamahalan," agad na sagot ni Yrem.
Sinuot ko na lang ang mask ko para matakpan kahit papaano ang kalahati ng mukha ko.
Hindi na ako nakapag-focus pa sa pagtitig sa crush kong DJ, dahil na bother na ako sa pagdating ng governor. Parang gusto ko na lang bumunot ng baril at paputukan ito, dahil hindi ko pa rin nakalimutan ang sinabi ni heneral Policarpio na ito ang kanyang boss na pinagbibigyan ng mga illegal items na kanilang nahuhuli sa kanilang operasyon.
Napagdesisyonan kong lumabas na lang ng arena kasama si Pietro, at nagpaiwan naman si Yrem dahil sa utos ko.
“Uuwi na ba tayo, kamahalan?” tanong ni Pietro pagkapasok namin sa loob ng kotse.
“No, mamaya na. Hintayin muna natin ang paglabas ni Yrem.”
Naghintay kami ni Pietro sa loob ng kotse, hanggang sa natapos ang laro sa loob ng arena at nagsilabasan na ang mga tao. Nang makita ko ang DJ na lumabas na rin ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.
“Sundan mo.”
Napatikhim na lang si Pietro sa utos ko, pero agad namang sumunod at pinatakbo na ang kotse nang makitang umandar na rin ang kotse kung saan sumakay ang DJ.
Minutes later, we stopped at a parking area. I saw the DJ get out of his car with two of his colleagues, and the three of them entered the club.
Napatingin naman ako sa suot ko. Seriously, nakakahiya yata kung papasok ng nakaganito lang, para lang akong magja-jogging nito sa outfit ko; dapat pala nagbihis ako ng kaaya-aya. Malay ko ba na mapapadpad ako ngayong gabi sa club.
“Let's go inside, Pietro. Let's have fun tonight,” I said and got out of the car.
Pumasok ako sa club at sumunod naman sa akin si Pietro.
Pero pagkapasok ko ay nahirapan na akong hagilapin si Mr. DJ dahil sa ingay at dami ng mga tao sa loob ng club. Kaya naman lumapit na lang ako sa bar counter at umorder ng maiinom kasama si Pietro.
“Kamahalan, ano bang binabalak mo at pumasok tayo rito?” tanong ni Pietro na hindi na nakatiis pa.
Napangisi naman ako at lumagok muna ng alak bago nilibot ang tingin sa loob ng club, hanggang sa mas lalong lumapad ang ngisi nang mahagilap na ng mata ko ang lalaking hinahanap ko; kasalukuyan na pala itong sumasayaw.
“I want him to be my first kiss,” sagot ko sa tanong ni Pietro. Rinig ko ang pagtikhim nito sa tabi ko habang hawak ang kanyang kupita na naglalaman ng alak.
“Hindi kayo pwede, kamahalan.”
Napabaling ang tingin ko kay Pietro sa sagot nito. Hindi ko na mapigilan ang bahagyang matawa at binalik na ang tingin sa sumasayaw na DJ.
“I know, because Dad won't allow me to like a weak man. But who cares? I will not make him my husband; I just want to adore him from afar.”
Natahimik naman si Pietro sa sagot ko.
Hanggang sa inubos ko na ng lagok ang alak sa kupita ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa stool bar.
“Wait me here, kukunin ko lang ang first kiss ko sa kanya.”
Pero nang akmang aalis na ako para lumapit sa DJ ay siya namang pagpigil ni Pietro sa braso ko.
“Baka mapahiya ka lang kung hindi ka marunong humalik, kamahalan.”
Napahinto naman ako at napalingon. Natigilan ako. Hindi nga ako marunong humalik dahil wala pa naman akong experience.
“Smack kiss lang naman ang ibig kong sabihin,” sagot ko kay Pietro at napakurap.
Pero hindi pa rin nito binitiwan ang braso ko.
“Kahit na, kamahalan. Mas maganda pa rin 'yung alam mo ang ginagawa mo, para kahit sumubra man, alam mo kung paano ito labanan.”
Napakurap ako. Gano'n ba 'yun? Sabagay, may punto nga ang sinabi ni Pietro. Baka smack kiss nga sa umpisa, pero paano kung maging torrid kiss after the smack kiss? Siguradong mapahiya nga ako dahil hindi naman ako marunong humalik.
“Tsk.” Hindi ko mapigilan ang mapaasik at napabalik na ng upo sa stool bar. Binitiwan na rin ako ni Pietro at sinalinan muli ng alak ang kupita ko.
“Cheers?” I raised my glass.
Napangiti naman si Pietro at binangga ang kanyang kupita sa kupita ko. “Cheers, kamahalan.”
Uminom na lang kaming dalawa ni Pietro, pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagmasdan si Mr. DJ. Nakita ko itong may kasabay nang sexy na babae sa pagsasayaw at mukhang enjoy na enjoy silang dalawa.
Hindi ko mapigilan ang mapahigpit ang hawak sa aking kupita. Parang gusto kong batuhin ang babae para lumayo ito.
Hindi ako nakatiis, binaba ko ang kupita ko at muling tumayo.
“Pietro.”
“Yes, kamahalan?”
“Gusto kong akitin mo ang babaeng kasama niya,” utos ko at lumapit na sa mga taong nagsasayawan.
Nakisayaw na rin ako habang papalapit kay Mr. DJ na parang nakipaglandian na sa babae. Mukhang babaero pa yata 'to, 'wag naman sana, baka ma-turn off ako agad 'pag nagkataon.
Hindi ko mapigilan ang mainis nang maalala kung anong klaseng outfit lang ang suot ko, walang-wala kumpara sa mga babaeng narito sa club. Pero bahala na.
Imbes na lumapit kay Mr. DJ ay mas pinili kong umakyat ng dance floor, at para makakuha ng atensyon ay hinubad ko ang suot kong t-shirt habang sumasayaw nang nakapikit ang mga mata. Rinig ko naman ang hiyawan ng mga boses lalaki nang mahubad ko at tanging red bra na lang ang natira kong pang-itaas. When I opened my eyes, halos lahat ng atensyon ay nasa akin na.
Napangisi ako nang makitang nakuha ko na rin ang atensyon ni Mr. DJ dahil nakatingin na ito sa akin.
Medyo malamyos ang musika na may konting rock. Mas ginalingan ko na lang ang paggiling ng aking baywang, hanggang sa humawak ako sa pole at doon sumayaw.
Muling naghiyawan at napatigil nang sumayaw ang ilang lalaki dahil tila naaliw na sa akin, isa na roon ang lalaking dahilan ng pagsayaw ko, si Mr. DJ. At ang babaeng kasayaw nito kanina ay ang asim na ng mukha habang nakatingin sa akin. And Pietro was standing behind the woman, ni wala man lang ginawa para akitin ang babae tulad ng utos ko dahil nakatingin na rin ito sa akin.
Ngumiti na lang ako ng nakakaakit at pinagpatuloy ang aking marahan na pagsayaw. Expert ako pagdating sa pakikipaglaban, kaya naging madali sa akin ang pag-pole dancing kahit na first time kong gawin.
Mas lalong naghiyawan ang mga kalalakihan sa baba, hanggang sa may umakyat na rin at lumapit sa akin, sinabayan na akong sumayaw. Ngumisi lang ako at pinaikot-ikot na sa hintuturo ko ang pinaghubaran kong t-shirt bago ito inihagis papunta sa mga naghihiyawan; kay Mr. DJ sana dapat, pero hindi ko inaasahan ang paglipad papunta sa mukha ni Pietro.
Gusto kong mapabungisngis, pero kinagat ko na lang ang ibaba kong labi.
“Yooo!!! Sexy!” hiway sa akin ng mga kalalakihan, maliban sa DJ na nakatingin lang sa akin, tila naaliw na sa pagsayaw ko. At si Pietro na blangko lang habang nakatingin sa akin at hawak lang ang t-shirt na tinapon ko.
“Hi, beautiful! I'm Glenn!” pagpakilala sa akin ng isang lalaking umakyat sa dance floor para lang sabayan ako sa aking pagsayaw. Pero hindi ko pinansin ang kamay nito, bagkus ay nginitian ko lang at umalis na sa pagsayaw sa pole.
“Hi, gorgeous!” Humarang naman sa akin ang isa pang lalaki at hindi ko inaasahan ang pagpisil nito sa pang-upo ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
“Wow, you have a nice butt!” ngisi pa ng lalaki at akmang hahawakan pa ang dibdib ko kung saan tanging red bra lang ang suot.
Pero tuluyan nang nandilim ang mga mata ko sa galit, at bago pa lumapat ang kamay ng lalaki sa dibdib ko ay mabilis ko nang nahuli ito at malakas na pinilit sabay sipa sa paa nito. Napasigaw ang lalaki sa sakit kasabay ng pagluhod nito.
“You son of a b***h!” I shouted and broke his one finger.
“Ahhh!!!” Napasigaw ulit ito sa sakit kasabay ng paglaki ng mga mata.
Napangisi ako at pumantay rito. “Pasalamat ka maraming taong nakatingin ngayon, dahil kung hindi… puputulin ko ang mga kamay mo, at hindi lang lang 'yun dahil . . . pupugutan pa kita ng ulo,” bulong ko sa puno ng tainga nito bago ito malakas na sinipa sa dibdib, kung kaya nahulog ito pababa mula sa taas ng dance floor.
Nang mapatingin ako sa mga tao sa loob ng club ay lahat nakatingin sa akin na parang gulat na gulat, pati tugtog ng musika ay nakahinto na.
Nakangisi naman akong bumaba ng dance floor, saka nila ako pinalakpakan. I just smirked and got out of the club. Balak pa nga sanang damputin ni Pietro ang lalaki pero hinila ko na ito palabas. Hindi ko na nagawa pa ang balak kong pagpapakilala sa crush ko. Pero bago ako lumabas ng club ay nakita kong nakatingin ito sa akin na parang may pagkamangha na sa mga mata.
Well, at least, nakilala niya na ako ngayon. Pero sa susunod naming pagkikita ay lalapitan ko na siya, at nasisiguro kong makukuha ko na ang first kiss ko sa kanya.
“Don't worry, kamahalan, I will kill him after this night,” wika ni Pietro pagkaupo sa driver seat at sinuot na sa akin ang damit ko.
“No need. Hayaan mo nang mabuhay ang lokong 'yun, palalampasin ko na lang sa ngayon. Pero kapag makita ko pa ang pagmumukha nu'n sa susunod, baka tutuluyan ko na.”
Pinatakbo na ni Pietro ang kotse paalis ng club.
“Nga pala, Pietro…”
“Yes, kamahalan?”
“Gusto kong kumuha ka bukas ng professional kisser.”
Natahimik si Pietro sa sinabi ko.
“Do you hear me?”
“Yes, kamahalan. Pero tingin ko, hindi mo na kailangan pang kumuha nu'n; I'm here... I can teach you how to kiss if you want.”
Umarko ang kilay ko at napahalukipkip na humarap sa kanya.
“Really? Bakit, nay experience ka na ba? Ni hindi nga kita nakikita na nakipag-date sa mga babae sa loob ng eleven years. Kaya paano mo nasabi na marunong kang humalik? Unless, nakipaghalikan ka sa mga katulong nang patago?”
Pietro chuckled at what I said.
“I'm a man, kamahalan. Hindi ko man nagawang makipag-date ng eleven years, magaling naman ako pagdating sa pakikipagromansa. Trust me, I'm an expert when it comes to kiss and some other things. And I'm a hundred percent sure, madali kang matututo kung magpapaturo ka sa akin.”
Napatango-tango naman ako at napaisip.
“Hmm... You have a point. Kaysa nga naman kumuha pa ako ng professional kisser para lang magpaturo, mas mabuti nga siguro na ikaw na lang kung expert ka naman pala tulad ng sinabi mo.”
Pietro suddenly smiled and bit his lower lip to stop himself from smiling.
“Sige, ikaw na lang. Let's start tomorrow, tatawagin na lang kita kapag hindi ako busy.”
“Noted, aking kamahalan.”
Sumandal na lang ako sa upuan at pinikit ang mga mata ko habang nakahalukipkip ang aking mga braso sa aking dibdib. Pero hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ang pagkamangha sa mata ni Mr. DJ kanina nang makita ako.
“Tingin mo, Pietro, na love at first sight kaya sa akin si Mr. DJ kanina?” tanong ko habang nanatiling nakapikit at nakasandal lang sa upuan.
“I think hindi naman, kamahalan.”
Bigla akong napamulat sa sagot ni Pietro at agad na napataas ang kilay ko. “Really? How can you say that? Bakit, nakita mo ba ang reaction niya nang makita ako?”
“Yes, kamahalan, parang normal lang,” Pietro replied calmly as he drove.
Hindi ko na mapigilan ang mapairap sa inis. Pero hindi ako maaaring magkamali, talagang natulala sa akin ang DJ kanina. Baka pinagloloko lang ako nitong si Pietro.
“Masyado kang panira. Don't talk to me, just drive!” inis kong asik at pinanlisikan pa ito ng mata bago muling pumikit.
Pietro just cleared his throat.
Pagdating sa palasyo ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng mansyon. Pero muntik na akong madulas sa pag-akyat ng stairs nang biglang makaramdam ng pagkahilo dahil sa ininom kong alam na mukhang saka pa lang tumalab. Mabuti na lang ay mabilis akong nahapit ako ni Pietro sa baywang bago pa ako mahulog.
“Ihahatid na kita sa kuwarto mo, kamahalan.” Inalalayan na lang ako nito sa baywang paakyat ng stairs.
Mababa ang tolerance ko pagdating sa mga alcoholic drinks dahil madali akong mahilo kahit konti lang ang mainom.
Pagdating sa kuwarto ay inalis ko na ang pagyapos ni Pietro sa baywang ko.
“Sige na, matulog ka na sa kuwarto mo. Goodnight!” pagtataboy ko sa kanya at diretso nang pumasok sa loob ng bathroom.
Naghilamos ako para mabawasan ang pagkahilo, at nagmugmog na rin ng mouth para maalis ang amoy ng alak sa bibig ko.
Pero paglabas ko ng bathroom ay muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa biglang paghila sa baywang ko.
“P-Pietro,” gulat kong usal nang pagtingala ko ay mukha ni Pietro ang bumungad sa akin. “Bakit?”
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay pinakatitigan lang nito ang mukha ko, hanggang sa marahan nang hinaplos ang pisngi ko gamit ang isang kamay, habang ang kaliwang braso ay mahigpit na nakayapos sa baywang ko.
“Napakaganda mo, kamahalan; tunay kang nakakaakit at nakakabighani, kaya hindi na nakakapagtaka kung may mabighani man sa 'yo sa unang tingin pa lang,” he said as he caressed my cheek and looked at my eyes.
Napalunok naman ako at bahagyang kumunot ang noo. “Ano bang pinagsasabi mo? Bitiwan mo nga ako at lumabas ka na—”
Natigil ako sa pagsasalita nang sa isang iglap ay naramdaman ko na lang ang pagsakop ng labi ni Pietro sa labi ko.
Literal na nabigla ako at hindi agad nakagalaw, basta nakaawang lang ng bahagya ang bibig ko. Nang tingnan ko ang mukha ni Pietro ay nakapikit na ang mga mata na tila ba damang-dama ang paghalik sa labi ko.
He kissed my lips so gently and carefully. Langhap na langhap ko pa ang init ng kanyang paghinga habang hinahalikan ako.
Hindi ako nakapag-react, hindi na nakagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin, basta natuod na ako sa aking kinatatayuan. Hanggang sa muntik na akong mapapikit, pero mabuti na lang ay pinakawalan na niya ang labi ko.
Habol ko ang aking paghinga sa kanyang pagbitaw at napakurap.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!” Nanlisik na ang mga mata ko sa galit nang makabawi.
But Pietro just gave me a sweet smile, nagawa pang haplosin ang ibaba kong labi. “Relax, kamahalan. Tinuturuan lang naman kita kung paano humalik. Alright, bukas na lang ulit ang iba. Goodnight, mahal kong reyna!”
Matapos sabihin iyon ay lumabas na si Pietro ng kuwarto ko, at naiwan naman akong tulala sa aking kinatatayuan.
What the heck!
Wala sa sarili akong napahawak sa aking nakaawang na labi, hanggang sa mag-isang napatango-tango at napangiti na sa huli.
“Alright, now I know; mukhang madali lang naman palang humalik,” ngisi kong pagtango-tango at sumampa na ng higa sa aking kama para matulog.