BINASA ko ang mga nakasulat sa files na binigay sa akin ni Pietro, at tiningnan isa-isa ang mga pictures na binigay naman sa akin ni Yrem. Nakasulat sa files ang mga illegal transaction ng governor, at mga stolen shot naman nito na nakikipag-usap sa mga big-time na foreigner.
“Ito lang ba ang mga nakuha ninyo? Hindi niyo nalaman kung ano talaga ang tunay na pagkatao ng governor na 'yun?” I complained disappointedly.
“Hindi, kamahalan. Mahirap alamin ang kanyang pagkatao — kung sino ba talaga siya sa likod ng kanyang pagiging gobernador. Pero isa lang ang sigurado ako, isa siyang malaking sindikato at kalaban ng iyong ama sa negosyo,” sagot ni Yrem.
Hindi ko mapigilan ang inis na mapahampas sa ibabaw ng office table ko. “Bullshit! Bakit ngayon pa kayo nahirapan maghanap ng impormasyon kung kailan kilala na natin ang nasa likod ng pagharang sa mga transaction ni Dad! Bakit napakahina niyo naman yatang kumilos ngayon!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
“Ilang araw ko rin siyang sinusubaybayan at minatyagan, kamahalan. Ngunit hindi ko pa rin malaman kung saan ang kanyang hideout. Pero huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para lang malaman ang tunay niyang katauhan. Just give me one month, nasisiguro kong may maganda na akong maibabalita sa 'yo,” kalmadong sagot ni Pietro habang nanatiling nakatayo sa harap ng office table ko katabi ni Yrem.
“Pwes, kung hindi natin malaman ang tunay niyang katauhan, pwes mas mabuting tapusin na lang natin ang buhay niya para mapadali ang laha!.” Kumuyom ang kamao ko.
“Bukas na gaganapin ang kanyang birthday sa isang private resort, kamahalan. Anong gagawin namin hakbang? Itutumba ko na ba?” Pietro said, asking my permission.
I shook my head. “No, ako na ang gagawa. Gusto kong mga kamay ko ang tatapos sa kanya, at ireregalo ko na lang ang kanyang ulo kay dad, para matuwa naman ang matandang 'yun dahil kahit papaano ay mabawasan ang kanyang mga kalaban sa negosyo,” I said and looked at Yrem. “Alamin mo ang tungkol sa kanyang birthday party bukas. Gumawa ka ng paraan para makapasok ako nang walang magiging problema.”
“Masusunod, kamahalan.”
KINABUKASAN ay maaga akong nagising para maghanda sa aking mga naisip na plano. Nagpatawag pa ako ng isang magaling na music instructor at nagpaturo mag-play ng violin. Hindi naman sa hindi ako magaling, gusto ko lang maging perfect ang pagtugtog ko, and hindi naman ako nahirapan dahil dati na rin akong mahilig tumugtog ng violin nung nasa highschool pa lamang ako, itinigil ko lang nung nasa college na ako dahil nagagalit na si dad, ayaw nu'n na music instruments ang hinahawakan ko, dahil mas gusto nu'n na sa baril agad ako kumapit at sa iba pang mga weapon katulad ng mga archery, knife, dagger, at iba pa; gano'n kalupit si Dad. But I still love him, because he's my dad. At kahit naman malupit siya minsan sa akin, ini-spoil niya pa rin naman ako pagdating sa mga bagay bagay.
Oras din ang ginulgol ko kasama ng music instructor na kinuha ko bago ko na-perfect ang music na gusto kong tugtugin.
Agad naman nakagawa ng paraan si Pietro para makapasok ako sa private resort kung saan gaganapin ang birthday party ng gobernador, hinarang nito ang violinist para hindi makarating sa venue at nang sa gano'n ay ako na ang papalit.
Isang simpleng white halter dress lang ang napili kong isuot with white sandals na two inches lang ang taas. Hindi na ako nag-abala pang ayusan ang hanggang baywang kong buhok at hinayaan ko lang itong nakalugay.
Pagdating ko sa resort ay napakarami na ng mga tao.
“Sige lang, magsaya ka lang ngayon dahil birthday mo. Pero tingnan na lang natin mamaya kung makangiti ka pa ng ganyan,” I whispered while standing at the window and looking down at where the governor and the guests were. The party was held on the beach, and the tables were arranged on the white sand.
Kinuha ko na ang violin ko at lumabas na ng room. Naghintay ako sa lobby habang hawak ang violin ko.
“Ma'am, maaari na po kayong tumugtog,” wika sa akin ng receptionist makalipas ang halos kalahating oras kong paghihintay.
Lihim naman akong napangisi at tumayo na. “Okay, thank you!” pagpapasalamat ko at peke pang ngumiti sa babae bago lumakad na palabas ng hotel.
Abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan. Marahan akong lumakad sa puting buhangin habang hawak ang violin ko. Hanggang sa pumuwesto ako sa pinakaunahan nilang lahat, at sa paghinto ko ay wala na akong inaksaya pang oras, agad kong pinatugtog ang violin kong hawak.
Lark Ascending ang musika na pinatugtog ko gamit ang aking violin.
Nang unti-unti ko nang nakuha ang atensyon ng lahat ay pinikit ko na ang mga mata ko at dinama na lang ang musika na aking tinutugtog.
Pero nasa kalagitnaan na ako ng aking ng magandang musika nang biglang magsalita si Yrem mula sa kabilang linya.
“He's now looking at you, kamahalan,” rinig kong wika nito mula sa maliit na earbuds na nakasaksak sa isa kong tainga.
Lihim naman akong napangisi.
Si Yrem ang nakabantay ngayon sa control room nitong resort, kaya kitang-kita niya sa footage kung ano ang kasalukuyan na nangyayari. Nasa labas naman si Pietro, naghihintay sa loob ng kotse, and I'm sure pinapanood din nu'n mula sa kanyang phone kung ano ang ginagawa ko.
“That son of a b***h, natulala na sa 'yo, kamahalan. Mukhang tinamaan agad ang gago,” muling wika ni Yrem na parang may pagkainis na sa boses.
Napagdesisyonan kong buksan na ang mga mata ko. Pero sa aking pagmulat ay hindi ko inaasahan na saktong tatama ang tingin ko sa lalaking nakatayo mga apat na dipa ang layo mula sa akin. Agad na nagtama ang mga mata namin nito, at totoo nga ang sinabi ni Yrem dahil napakalalim ng tingin nito sa akin na punong-puno ng pagkamangha.
Bigla tuloy nagbago ang nabuong plano sa isip ko.
Gusto kong mapangising demonyo, pero pinalitan ko ng ngiti. I gave him a sweet smile before I closed my eyes again as I continued playing the violin.
Nang matapos kong tumugtog ay isang masaganang palakpakan ang ibinigay sa akin ng mga guest, kunwari ay nagpasalamat naman ako bago umalis sa kanilang harap.
May nag-entertain naman sa akin para pakainin ako sa party, pero tumanggi ako at muli nang pumasok ng hotel. Ni hindi na ako tumingin pa sa pwesto ng governor dahil ramdam kong nakatingin pa rin ito sa akin.
“Kamahalan, may sumusunod sa 'yo na dalawang lalaki. Mukhang may masamang balak,” wika ni Yrem sa kabilang linya.
Napangisi naman ako. Ramdam ko nga na may sumusunod.
“Huwag niyo na akong sundan pa kung saan man nila ako balak dalhin.”
“Pero, kamahalan—”
“Don't worry, I can handle the situation.” Mabilis ko nang inalis ang earbuds na nakasaksak sa tainga ko at pasimpleng itinapon. Saktong pagtapon ko ay may tumakip na sa ilong ko.
Pinigilan ko na lang ang huminga at kunwari ay nawalan na ng malay. Mabilis namang may sumalo sa akin bago pa ako bumagsak.
“Dalhin na natin kay boss!”
“Siguradong matutuwa si boss, tara na!”
Napangisi na lang ako sa narinig, hanggang sa naramdaman kong binuhat na nga ako at pinasok sa kotse.
Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang nagpapanggap na walang malay sa biyahe. Sana nga dalhin nila ako sa hideout ng gobernador na 'yun para may malaman ako bago ko patayin ang lalaking 'yun.
Oras ang tinagal, nangalay ang leeg ko at baywang bago ko naramdaman ang paghinto ng sasakyan. Binuhat na ako ng isang lalaki pababa, at nang imulat ko ng konti ang mga mata ko ay nakita kong ipinasok nila ako sa isang bahay. Medyo na-disappoint ako dahil mukhang hindi sa hideout nila akong dinala.
“Boss, narito na ang babae!” anunsyo ng lalaking kasama sa may buhat sa akin. Hanggang sa naramdaman kong inilapag na ako sa couch. Hindi ko mapigilan ang manggigil. Bullshit! Ang sama ng posisyon ko, mas lalo akong mangangalay nito 'pag magtagal.
“Good job. Makaaalis na kayo,” wika ng baritonong boses.
“Enjoy your night, boss!” Umalis na ang dalawang lalaki.
Namayani ang katahimikan, pinilit kong hindi gumalaw at nanatili pa ring nakapikit, kunwari ay wala pa ring malay.
Naramdaman ko ang tunog ng marahan na yapak palapit sa akin, hanggang sa huminto na ito sa tabi ko at nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa pisngi ko.
Parang gusto kong pilipitin ang kamay nito, pero tiniis ko na lang para malaman ang sunod nitong hakbang.
“Mas lalo ka palang nakakabighani sa malapitan,” he said, still caressing my cheek softly.
Lihim akong napangisi. Mukhang nabighani nga sa akin ang gagong 'to.
Hanggang sa naramdaman kong bumaba ang paghaplos nito sa leeg ko, pababa pa sa aking naka-expose na balikat. Pero mas hindi ko inaasahan ang pagsinghot nito sa akin, inamoy-amoy ako.
“Hmm… you smell good, my angel.”
Shit. Manyak pa yata ang hayop na 'to!
Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na mag-react. Nanatili pa rin akong nakapikit at hindi kumilos kahit na gustong-gusto ko nang manapak.
“Magmula ngayon, akin ka na. Pagmamay-ari na kita…” he said, and I was surprised when he gave me a kiss on my cheek.
Fuck!
Ganito ba ang ginagawa ng lalaking 'to sa mga babaeng natitipuhan niya? Anong balak niya? Is he planning to rape me? No way, ito na ang pinakamaling hakbang na gagawin niya sa gabing ito. Malas niya lang na ako pa ang natipuhan niyang kidnapin, I swear, I will torture him later.
Naramdaman ko na lang ang paglutang ng katawan ko nang buhatin ako nito. Nang pasimple kong imulat ang mga mata ko ay dinala ako nito paakyat ng stairs.
Saan niya ako dadalhin? Sa kuwarto para doon gawin ang masama niyang balak?
I grinned. Well, let's see.
Dinala nga ako nito papasok sa kuwarto at marahan na inihiga sa malambot na kama.
It's time!
Akmang kikilos na ako para bunutin ang maliit na patalim na nakasiksik sa suot kong bra, pero agad din akong napahinto nang biglang nag-ring ang phone ng governor.
“Yes, Xavier?” he answered the phone call.
Nanatili akong nakapikit at pilit na pinakinggan ang salita ng kabilang linya, pero hindi ko marinig.
“Very good. Ngayong nakapasok ka na ng RG bilang kanilang tauhan, gusto kong gumawa ka ng paraan para makilala ang mukha ng kanilang tagapagmana.”
Nagulat ako sa narinig, kung kaya napamulat ako bigla. Pero making timing ang pagmulat ko dahil nakatingin pala sa akin si governor habang nakikipag-usap sa kanyang phone.
Shit!
Mabilis na akong bumalikwas ng bangon at kunwari ay gulat na nagpalinga-linga sa paligid. “N-Nasaan ako? B-Bakit ako nandito?” I looked at him. “At ikaw sino ka?” Kunwari ay saglit akong natigilan at parang nabigla nang may maalala. “Oh wait… you are the governor, right?”
Napatitig naman ito sa akin. “Tatawagan na lang kita mamaya,” paalam nito sa kausap bago ibinulsa ang phone at ngumiti na sa akin. “Mabuti naman at gising ka na.”
“Kinidnap niyo ba ako, governor?” tanong ko nang walang paligoy-ligoy.
And he chuckled. “I'm not a kidnapper, I'm a governor,” pilosopo nitong sagot at naupo sa kama, sa harap ko. “Relax, you're safe here. Nawalan ka ng malay kanina sa party ko, at dinala kita rito para makapagpahinga at matingnan na rin ng doctor kung ayos ka lang ba at kung bakit ka nawalan ng malay.”
Darn! This devil is a liar!
Ang sarap putulan ng dila ng lalaking 'to!
“Pero naalala ko na kaya ako nawalan ng malay ay dahil may tumakip sa ilong ko, dalawang lalaki. I think they kidnapped me. How come na narito ako sa kuwartong 'to, Mr. Governor? May kinalaman ba kayo?”
Napatitig ito sa akin, bumaba saglit ang tingin sa labi ko at napalunok bago binalik ang tingin sa mga mata ko.
“Yes, you're right. Narito ka dahil pinakidnap kita sa mga tauhan ko.” Hindi ko inaasahan ang paghaplos nito sa pisngi ko.
Hindi ko naman natiis at malakas na hinawi ang kamay nito. At tumaas naman ang sulok ng labi nito na naaliw sa ginawa ko.
“Pero bakit naman po, governor? May nagawa po ba akong kasalanan at pinakidnap niyo ako?” tanong ko na kunwari ay biglang kinabahan at bahagyang umisod ng upo sa headboard.
He grinned. “Yes, you seduce me in the party earlier. And now, you will pay for what you did!” Bigla na lang nito hinawakan ang batok ko sabay hila ng marahas papunta sa kanya.
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na sakop na nito ang labi ko, sinunggaban na ako ng mapangahas na halik.
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat, kaya naman nang makabawi ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at malakas itong sinikmuraan.
“Ah!” hiyaw nito na agad na napalayo sa akin, nabitiwan ng wala sa oras ang labi ko. And his eyes widened as he looked at me in disbelief.
“One wrong move, and you'll die, governor.”