Chapter 11

2416 Words
HABANG sakay ng taxi pauwi na ay pansin ko ang pagbunot ng itim na kotse ng governor sa hulihan. Talagang sinundan nga ako ng loko. Well, inaasahan ko na rin naman, at ito rin ang plano ko para malaman kung sino ba talaga siya. He's a syndicate, I know. Pero kailangan kong malaman kung sinong may hawak sa kanya, 'yung pinaka-boss, at 'yun ang pupuntiryahin ko. Pagdating sa apartment na inuupahan ko ay bumaba na ako ng taxi matapos bayaran ang taxi driver. Pansin ko naman mula sa dulo ng mata ko — na huminto rin ang kotse ng governor mula sa 'di kalayuan ng kalsada, sa madilim na parte ito huminto, at tingin ko ay pinanood na lang ako mula sa loob. Nakangisi lang akong pumasok sa apartment nang walang lingon-lingon at umakyat na ng hagdan papunta sa third floor kung saan ang room ko. Ang taas lang ng hagdan, wala naman kasing elevator man lang, dahil nga cheap apartment lang naman, at karamihan ay estudyante pala ang umuupa. Pagkapasok ko ng room ay pinatay ko ang ilaw at agad akong lumapit sa bintana, hinawi ko ng konti ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita ko ang kotse ng governor na nakahinto na sa pinaghintuan ng sinakyan kong taxi kanina. Hindi ko lang matanaw ang pagmumukha nito mula sa loob ng kanyang kotse dahil tinted ang window. “Tsk. Talagang sinundan ako ng lokong 'to.” Hindi ko mapigilan ang mapaasik at mapiling-iling. Ang hina ng lalaking 'to, kung ganito ang magiging spy ay unang araw pa lang sa kanyang misyon ay 'di malabong mahuli agad ng kanyang minamatyagan. Hindi rin nagtagal at pinatakbo na nito ang kanyang kotse paalis. Pero nang aalis na rin ako sa pagsilip sa bintana ay napahinto ako at agad na nangunot ang noo nang makita ang pagdating ng kotse ni Pietro at ang pagbaba nito. “Teka, saan naman galing ang isang 'yun?” Hindi ko mapigilan ang mapatanong sa sarili ko. Sinundan ba ako ni Pietro? Pero ano nga ba ang inaasahan ko sa isang 'to; malamang sinundan nga ako. Knowing Pietro, may pagkapasaway rin, dahil kahit na sabihin kong huwag nang sumunod ay sinusuway pa rin ang utos ko, alam kong sinusundan pa rin ako nang palihim lalo na kung alam niyang maaari akong mapahamak sa pupuntahan ko. Napailing na lang ako at nagbihis na. Nang matapos magbihis ay bigla akong nakaramdam ng gutom. At nang hanapin ko ang pagkaing dala ni Pietro kanina bago ako umalis, ay wala na ito sa study table. Pumasok naman ako sa maliit kong kitchen at binuksan ang ref, pero puro mga chocolate bar at drinks lang ang laman. Gusto ko pa naman sanang kumain ng kanin at masarap na ulam, dahil parang nagutom talaga ako. At dahil gusto ko talagang kumain ay naisip kong puntahan na lang si Pietro sa kanyang kuwarto. Nang makitang wala namang tao sa labas at napakatahimik naman sa ibang room ay naisip kong lumabas na at mahinang kumatok sa pinto ng room ni Pietro na katabi lang ng room ko. Medyo matagal, muntik na akong mainis bago bumukas ang pinto. “Ano ka ba, ba't naman ang tagal mong buksan?” reklamo ko kay Pietro na halatang kakatapos lang naligo dahil nakatapis lang ito ng white towel at may dumadaloy pang tubig sa katawan. “As you can see, kamahalan, katatapos ko lang naligo at kalalabas lang ng bathroom. I'm sorry, saka lang kasi kita narinig paglabas ko.” Pinukol ko si Pietro ng masamang tingin at pumasok na. Agad akong naupo ako sa couch nang makapasok. “I'm here because I'm hungry. May pagkain ba rito?” Napahinto naman si Pietro sa pagpunas ng basang buhok gamit ang towel at tiningnan ako. Hanggang sa isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “I'm here; you can eat me,” he said, staring at me as he stopped wiping his wet hair. Tumaas naman ang kilay ko. Until Pietro suddenly chuckled. “Just kidding, kamahalan. Of course, meron naman. Ano bang gusto mong pagkain?” I rolled my eyes. “Huwag mo nga akong pinagloloko, Pietro. Alam mong madali uminit ang ulo ko kapag gutom; baka ikaw talaga ang kainin ko kapag ako nainis. Sige na, ipaghahanda mo ako ng pagkain kahit ano, basta masarap, 'yung magugustuhan ko.” Napatikhim na lang si Pietro at tumango. “Masusunod, kamahalan. Ipaghahanda kita ngayon din.” “Tsk. Bilisan mo, gutom na 'ko!” I complained. Nagmamadali na lang pumunta si Pietro sa kanyang kitchen para ipaghanda ako ng pagkain. At para ma-relax habang naghihintay ay nahiga na lang ako sa kanyang kama. Hanggang sa napatingin ako sa ibabaw ng bedside table nang marinig ang pag-vibrate ng kanyang phone na nakapatong doon. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay nakita kong si Yrem, kaya naman sinagot ko na lang. “Pietro, kumusta ang kamahalan? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?” agad nitong bungad. Napataas naman ang kilay ko. “Bakit? Nahuli mo na ba ang bagong spy?” “Kamahalan, is that you? Bakit ikaw ang sumagot sa call ko? Where's Pietro?” I chuckled. “Huwag mo nga akong pinagloloko. Kanina ako ang hinahanap mo, at ngayon ako na ang sumagot ay si Pietro naman. Ano ba ang kailangan mo at napatawag ka? Kumusta ang pagbabantay mo riyan sa Isla?” Napatikhim naman ito. “Wala pa sa ngayon, kamahalan. I asked your sister Vecca, baka raw next week pa ang dating ng mga bagong hired.” Napatango-tango naman ako. “Okay, so—” “Puwede na akong bumalik diyan, kamahalan? Na-miss na kita ng sobra. Heto nga oh, hindi ako makatulog sa kakaisip sa 'yo. Nag-aalala ako na baka hindi ka kayang bantayan ni Pietro nang mag-isa lang. Please, pahintulutan mo na akong bumalik.” “Tsk. Kahit naman bumalik ka rito ay hindi ka naman puwedeng pumunta rito sa amin ni Pietro, dahil mananatili ka rin lang sa palasyo. Kaya mas mabuting diyan ka na lang muna at magbantay.” “Pero, kamahalan, bakit hindi na lang kami ang magpalit ni Pietro? Siya na lang muna ang dito at ako muna sa 'yo—” “Puwede ba, Yrem! Stop complaining! Kapag sinabi kong diyan ka lang, pwes sumunod ka na lang!” Hindi ko na ito pinagsalita pa at binabaan ko na. Hindi ko mapigilan ang mapabuga ng hangin matapos makipag-usap. Talagang napakakulit din ng isang 'yun, masyadong mainipin, samantalang isang araw pa lang naman naroon sa Isla. Mga twenty minutes ang inabot ng paghihintay ko at naihanda na ni Pietro ang pagkain na kanya lang ininit, 'yung pagkain pa rin pala na dinala niya sa kuwarto ko kanina na inorder niya mula sa isang sikat na restaurant. “So kumusta naman ang pagkikita niyo ng governor na 'yun?” he asked me while I'm eating. Nakaupo lang ako sa ibabaw ng kanyang kama habang kumakain, at nakaupo naman siya sa harap ko. “Ba't mo tinatanong? Hindi ba't nandoon ka? Akala mo siguro hindi ko malalaman na sinundan mo ako.” Pietro cleared his throat. “Pasensya na, kamahalan, gusto ko lang naman masigurado ang kaligtasan mo. Pero ano nga ba ang nangyari?” “Well, ayon, kinagat ko ang labi niya hanggang sa nagdugo.” I shrugged. Agad naman nangunot ang noo ni Pietro. “Bakit mo naman ginawa 'yun? Hinalikan ka ba ng lokong 'yun?” “Yes, hinalikan niya ko nung una para insultuhin. And I kissed him back para makaganti ako, at 'yun nga pinadugo ko ang kanyang labi.” Hindi ko mapigilan ang mapangisi nang maalala ang reaksyon ng governor na 'yun na natulala matapos kong gawin 'yun sa kanya, hindi niya siguro inaasahan. “Mabuti naman kung gano'n. Pero, kamahalan, hindi porke't marunong ka nang humalik ay basta ka na lang makikipaghalikan kung kani-kanino lang,” sermon sa akin ni Pietro makalipas ang ilang sandaling pagtitig. Tumaas naman ang isa kong kilay at napahinto sa pagsubo ng pagkain sa bibig ko. “Pinapagalitan mo ba ako?” “Did you brush your teeth already?” kanyang tanong imbes na pansinin ang tanong ko. “Yes, kanina bago ako nakipagkita sa governor na 'yun. Bakit?” Tumayo si Pietro at nagtaka ako nang bigla na lang akong binuhat, dinala diretso papasok sa kanyang bathroom saka ako ibinaba. “Teka, bakit mo ako dinala rito?” tanong ko na may pagtataka habang hawak pa ang tinidor sa isa kong kamay. “You should brush your teeth after you kiss him. Baka mamaya ay may virus ang labi ng lalaking 'yun, o kaya germs — for sure meron.” Bago pa ako makasagot ay hinawakan na ni Pietro ang kamay ko at hinila. “Use my toothbrush and brush your teeth, now.” Napamaang naman ako at napatingin sa nag-iisang toothbrush na naka-display sa loob ng kanyang bathroom. “What? Are you serious?” usal ko at tiningnan siya na parang hindi makapaniwala. “Don't worry, hindi ko pa naman nagagamit 'yan. Sige na, gamitin mo na dali.” Napasimangot na ako at inis na piniksi ang kanyang kamay na nakahawak pa sa akin. “Ano ka ba, kumakain pa ako. Hindi ba puwedeng tapusin ko muna ang pagkain ko—” “Hindi puwede! Inaalala ko lang ang kaligtasan mo, kamahalan!” Napakurap ako, bahagyang nagulat. “Teka nga lang, pinagtataasan mo ba ako ng boses, Pietro?” “No, kamahalan. I'm just worried.” Nang hindi ako kumilos ay dinampot na ni Pietro ang toothbrush at siya na mismo ang naglagay ng toothpaste bago inabot sa akin. “Here, brush your teeth.” Napatingin naman ako saglit sa toothbrush bago nag-angat muli ng tingin sa kanya, mas lalong kumunot ang noo. “Teka, bakit kung utusan mo ako ay parang ikaw ang boss sa atin dalawa?” “I'm just worried about your health, kamahalan. Open your mouth now, I will brush your teeth.” I gave him a bad look. “No need. Ako na.” Inagaw ko na sa kanyang kamay ang toothbrush na may toothpaste na. Nag-toothbrush na lang ako, nilinis ng mabuti ang bawat sulok ng ngipin ko. At seryoso naman akong pinanood ni Pietro habang nakatayo sa aking likuran at salubong pa ang mga kilay na akala mo'y naiinis. “You know what, Pietro, napaka-psychopath pala ng governor na 'yun. Aba, dinilaan ba naman ang talampakan ko at sinipsip pa ang daliri ko sa paa!” wika ko nang matapos mag-toothbrush at palabas na ng bathroom. “He did that to you?” Pietro stopped and faced me. “Yeah! And guess what, ginawa niya 'yun na para bang hindi man lang nandiri.” “Gago pala siya at binastos ka ng gano'n. Dapat binaril mo sa bibig, kamahalan. Dahil kung ako ang naroon ay ako mismo ang lalaslas sa kanyang bibig at puputol sa kanyang dila dahil sa kanyang kapangahasan. Ang lakas ng loob niyang lapastanganin ka ng gano'n!” “Relax. Tingin ko ay hindi niya intention na bastusin ako. Ang totoo ay ako kasi ang kasi ang nag-utos sa kanya na halikan na lang ang paa ko kung talaga bang sincere siya sa pagso-sorry niya. Akala ko nga ay hindi niya gagawin, pero nagulat na lang ako nang ginawa niya nga. He's a psychopath!” Napailing-iling ako. Talagang psychopath nga ang lalaking 'yun. Diniliaan ba naman nang gano'n ang talampakan ko, like seriously, hindi naman sa madumi ang talampakan ko dahil malinis naman, pero nakakadiri pa rin dilaan dahil nga talampakan. “Goodnight, Pietro. I'm done eating, babalik na ako sa room ko.” Akmang lalabas na ako ng room nang mabilis naman akong pigilan ni Pietro sa braso. “Kamahalan.” “Oh bakit?” tanong ko na agad na napahinto sa pagbukas ng pinto at napalingon sa kanya. “May sasabihin ka?” “Uhm. Ano kaya kung dito ka na matulog sa kuwarto ko? Sa kama ka, at kahit sa baba na lang ako. Mas mabuting dito ka para maprotektahan pa rin kita.” I chuckled. “Ano ka ba, hindi puwede. Baka nakakalimutan mong nasa misyon tayo!” Inagaw ko na ang kamay ko sa kanya pero ayaw bitawan. “Wala bang goodnight kiss man lang, kamahalan?” Napataas naman ang kilay ko. “Goodnight kiss?” I chuckled. “Oh, we're not lovers para mag-goodnight kiss pa—” I stopped talking when he suddenly claimed my lips without my permission. I just let him, hindi ko siya tinulak at hinayaan lang sa paghalik sa labi ko, pero hindi ko sinabayan. May 30 seconds yata ang tinagal bago niya pinakawalan ang labi ko at tumingin na muli sa akin. “We're not lovers, but you are my queen,” he said and smiled. “Goodnight, kamahalan. Maaari ka nang lumabas.” And he opened the door for me. Wow ha, kakaiba rin ang isang 'to; ang galing manaboy matapos magnakaw ng halik. Hindi ko na mapigilan ang pagak na matawa at napahalukipkip na sa kanyang harap, tiningnan siya nang nakataas ang kilay. “Tapatin mo nga ako, Pietro. 'Yang goodnight kiss mo ba may malisya ba 'yan?” He cleared his throat, at kunwari ay kumunot pa ang noo sa akin. “Malisya? What do you mean about that, kamahalan?” Tsk. Painosente pa ang lalaking 'to. As if naman 'di ko alam na nananamantala siya. “Nevermind. Goodnight na.” I pinched his cheek before I got out. Bumalik na ako sa room ko at nahiga sa aking kama. Pero habang nakahiga ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang singsing ng governor. “I think I saw it somewhere. Pero saan ko nga ba nakita 'yun?” hindi ko mapigilang tanong sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. Parang napakapamilyar talaga sa akin ng singsing na 'yun, hindi ko lang matandaan kung saan ko nga ba nakita. Pero sure ako na nakita ko na 'yun somewhere. Mukhang kakaiba ang singsing niya na 'yun. Dapat pala kinuha ko na lang nung nag-propose siya sa akin para malaman ko kung anong klaseng singsing ba 'yun at parang napakapamilyar talaga sa akin. “Sige, kukunin ko na lang sa susunod nating pagkikita,” I said and grinned. Pero magpapakita pa kaya 'yun matapos kong paduguin ang kanyang labi? Well, for sure gaganti 'yun, baka nga bukas ay narito na. “Alright, I'll just wait for you, my dear governor. Paglalaruan muna kita sa ngayon bago kita pabagsakin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD