Bandang alas kwatro ng hapon, kasalukuyang ipinagdiriwang ang thirty three birthday ni gobernador Deguil Alexeyev sa isang private resort sa bayan ng Santa Fey.
Abala sa pakikipagkwentuhan tungkol sa kanilang mga business ang mga negosyanteng guest, pero nakuha ang atensyon ng mga ito nang isang babaeng nakasuot ng white halter dress ang pumuwesto sa unahan at pinatugtog ang hawak nitong violin.
Nakalamyos ng musika, tila sumasabay sa mahinang hampas ng alon na tumatama sa puting buhangin.
Marahan na tumutugtog ng violin ang mga kamay ng magandang babae habang nakapikit mga mata nito na para bang damang-dama ang musika na kanyang tinutugtog. Ang hanggang baywang nitong buhok ay bahagyang lumilipad dahil sa mahinang ihip ng hangin mula sa karagatan.
Natulala naman ang lahat ng mga lalaking guest, kaya ang ilan sa mga babaeng kasama ng mga ito ay masama na ang tingin sa babaeng tumutugtog ng violin.
Ang kagandahan ng babae ay kasing liwanag ng sikat ng araw kung kaya nasisilaw ang mga taong nanonood sa kanyang pagtatanghal, napapatulala sa kanyang kagandahang taglay at galing sa pagtugtog.
“He's now looking at you, kamahalan,” wika ni Yrem sa kabilang linya.
Lihim namang napangisi si Shanel sa narinig mula sa earbuds na nakasaksak sa loob ng kanyang isang tainga. Gayunpaman ay pinagpatuloy niya pa rin ang pagtugtog ng violin habang nakapikit ang mga mata.
Mula naman sa kabilang banda ay nakatayo lang si Deguil at unti-unting humigpit ang hawak sa wine glass nito nang mapako ang tingin sa magandang babae.
“Damn. She's an angel,” nasambit na lang iyon ni Deguil nang hindi niya namamalayan.
Pero hindi inaasahan ni Deguil ang tila slow motion na pagbukas ng mga mata ng magandang babae at saktong napunta ang tingin nito sa kanya nang magmulat ito, dahilan para magtama ang kanilang mga tingin. Hindi lang 'yun dahil lubos niyang hindi inaasahan ang unti-unting pangiti nito.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ni Deguil. Natulala siya at bahagyang umawang ang labi, ang kanyang nabulabog na puso ay mas lalong lumakas ang pagtibok, tuluyan nang nagwala sa loob ng kanyang dibdib.
Hindi siya nakagalaw, hindi na nakapagsalita; naestatwa na siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa babae na ngayon ay muli nang ipinikit ang mga mata habang patuloy ang pagtugtog sa hawak na violin.
“Napakaganda niyang babae. Para siyang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan.”
Natauhan si Deguil sa pagkatulala nang marinig ang sinabi na iyon ng kanyang katabing lalaki na siyang personal assistant din niya.
Tila biglang uminit ang ulo niya nang makita ang malagkit na pagtitig nito sa babae. Hanggang sa hindi niya natiis at humakbang siya papunta sa unahan nito, dahilan para matauhan ito bigla.
“B-Boss…”
“Huwag mo siyang pagnasaan. Pag-aari ko na ang babaeng 'yan simula ngayon,” he dangerously warned him.
“Patawad, sir, hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ng kanyang personal assistant na tila bigla namang natakot sa kanya.
Isang masamang tingin lang ang binigay niya rito at binalik na ang atensyon sa babae.
Pinagmasdan niya ang katawan nito, pinasadahan ng tingin, at hindi niya mapigilan ang mapalunok.
“s**t. What's wrong with me?” tanong ng kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa sarili niya at bigla na lang nagulo ang kanyang buong sistema dahil sa babae. Hanggang tumaas muli ang kanyang tingin sa mukha nito at tuluyang napako sa magandang labi nito na bahagyang nakaawang at mamumula-mula pa.
His throat suddenly felt dry as he stared at her attractive lips. Tila gusto niyang sumugod; kung wala lang mga reporters sa paligid ay baka nilapitan na niya ito at sinunggaban ng maalab na halik ang labi.
Pero pasasaan ba't mapapasakanya rin naman ito, dahil lahat naman ng gusto niya ay nakukuha niya.
“Ikaw na ba ang babaeng matagal ko nang hinihintay?” he asked again in his mind, and a devilish grin appeared on his lips. “Let's see; we'll find out later if you're the one for me... my angel.”
Deguil did not take his eyes off the beautiful woman until she finished playing the violin and received a hearty applause from the guests.
“I want you to take that girl to my rest house in Batangas,” pasimple niyang utos sa kanyang kanang kamay na tauhan nang lapitan niya ito matapos tumugtog ng babae.
“Copy, boss.”
Nakangisi na umalis si Deguil ng resort at pinatakbo na ang kanyang sports car para pumunta sa kanyang rest house na nasa batangas at doon na lang maghintay.
Napangisi naman si Shanel nang maramdaman na may sumusunod sa kanya habang naglalakad siya sa hallway ng hotel dahil tapos na siyang tumugtog ng violin.
“Kamahalan, mukhang may masamang balak ang dalawang sumusunod sa 'yo,” muling wika ni Yrem sa kabilang linya.
“I know, and please huwag mo na akong sundan pa kung saan man nila ako balak dalhin.”
“Pero, kamahalan—”
“No more buts, I can handle the situation.” Pasimple nang inalis ni Shanel ang earbuds na nakasaksak sa kanyang tainga at itinapon. At matapos niyang itapon ay saktong may tumakip na ng mabahong panyo sa kanyang ilong mula sa likuran.
Napangisi lang si Shane at hindi na pumalag pa; kung tutuusin ay kayang-kaya niyang patumbahin kahit ilang lalaki pa ang susugod sa kanya, pero dahil ito ang misyon niya, kailangan niyang sumabay muna sa agos hanggang sa maging mission complete ang lahat.