4

2004 Words
Mabilis itong lumayo, sa aking pagtataka ay sinundan ko na lang ito nang tingin. "Ginoo?" tawag ko rito ngunit mas lumangoy ito palayo. Nagkubli ito sa malaking bato na dahilan nang pagtulis ng aking nguso. "Sayang, masarap sanang ulam 'yong palos. Nahuli rin ba n'ya? Pero mayroon bang ganoon sa ganitong katubigan? Kulang pa talaga ang aking mga inaral." Muli na lang akong lumusong nagpabalik-balik sa paglangoy. Nang umangat ako sa tubig ay nakita ko itong mukhang kalmado na. Kumaway pa ako rito ngunit umahon na ito at tinungo ang mga damit na nakasampay. "Minsan ang hirap ding unawain ng Ginoong ito." Lumangoy ako para umahon na rin. Nang tignan ko ito ay mabilis itong nag-iwas nang tingin. Napatingin tuloy ako sa aking sarili. Wala namang mali sa aking katawan. Bukod sa bilugan kong dibdib, habang dito ay kaunting umbok lang, sa t'yan ko na patag, habang sa kanya ay waring maliliit na bundok, walo ang aking pagkakabilang doon. Matipuno ang katawan nito katulad sa librong agham na binili ni Tatang sa akin. Lalaki s'ya, katulad ni Tatang. Ngunit napakalaki nang pagkakaiba ng kanilang katawan. Ang t'yan ni Tatang ay waring nagdadalang tao ng ilang buwan. Modelo, kagaya sa mga magazine na binibigay ng kaibigan ni Nanang sa kabayanan ang katawan ng Ginoo. "May mali ba sa akin?" takang tanong ko nang mahuli na naman itong tumingin at mabilis na nag-iwas nang makitang nahuli ko s'yang nakatitig sa aking katawan. "Nalulungkot ka ba dahil magkaiba ang ating katawan? Ganoon daw tayo nilalang ng Diyos ayon sa librong nabasa ko. Gusto mo rin ba ng ganitong dibdib?" tanong ko rito sabay sapo ng hubad na dibdib. "No." "Ah, baka nais mo ng kabibe na katulad nito." Napasinghap si Ginoong Soul saka muling nag-iwas nang tingin. Humakbang ako palapit dito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang panloob na kasuotan na ang tawag ay brief. "Ginoo, nakapasok ang palos." Masayang tili ko rito na akmang dadakmain na naman iyon ngunit napigil na nito ang kamay ko. "Katatapos lang ni Maria sa palos na 'yan. Huwag mo nang galawin." Nakikiusap ang tinig na ani nito. "Pero sayang din 'yan, masarap na pang-ulam 'yan." Sabi ko rito. "Sa tingin mo ba may palos sa ganyang uri ng tubig?" nakasimangot na tanong ni Ginoong Soul. "Hindi ko rin alam. Pero tiyak akong palos 'yan." "This is my d**k. Alam mo ba ang d**k? Ang p***s? Tell me, alam mo ba?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. "Alam ko 'yan, Ginoo. 'Yong p***s alam ko 'yon. Natatandaan ko rin ang mga parte ng p***s. Nasa libro ko iyon. Pero sabi ni Nanang hindi raw iyong mahalaga. Ang mahalaga raw ay ang aming mga kabibe." "Kabibe?" "Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng kabibe?" takang tanong ko rito. "A clam?" "Hala, hindi. Sa librong pinag-aralanan namin ni Nanang, ang ibig sabihin ng Kabibe ay Vagina." Napasimangot si Ginoong Soul. Hindi ko pa rin maiwasang bangitin ang ginoo. Iyon kasi ang nakasanayan ko. Kaya kahit sabihin nitong huwag kong sabihin iyon ay 'di ko pa rin mapigil. Binitiwan nito ang kamay ko at inutusan na rin akong magbihis. "Hala..." tili ko na nanlalaki ang mata. Parang nagulat pa ito. "Bakit? Bakit?" "Naaalala ko na, ang p***s ay pahaba---hindi 'yan palos, ibig sabihin iyan ang iyong p***s. Sa librong agham ito ay..." magsasalita pa sana ako ngunit nakalapit na ito at tinakpan ang bibig ko. "Tama na. Baka mabaliw na ako nang tuluyan sa mga sinasabi mo. Akasin mo na ang mga nilabhan mo at nang makauwi na tayo." "Ikaw ang masusunod, Ginoo." Nagbihis na rin ako saka kinuha ang mga nilabhan. Pagkatapos ay inilagay iyon sa batya. "Ako na ang magbubuhat," ani nito. "Kaya ko na, Ginoong Soul." Tangi ko sa alok nito. "Soul na lang." "Patawad, hindi ko kasi mapigil. Maaari bang hayaan mo na lang ako?" tanong ko rito. Waring nag-isip pa ito pero tumango na lang din. Nilisan namin ang batis na tahimik kaming pareho. Ang tumatakbo sa isip ko ay ang tungkol sa palo---p***s nito. "Ang tahimik mo." Pukaw nito sa akin. "Iniisip ko kung bakit magkakaiba ang laki ng inyong pagkalalaki." Muntik itong matisod mabuti na lang ay mabilis kong na hawakan ang kamay nito. "Ginoo?" takang ani ko rito. "Pwede bang 'wag mo na lang isipin?" "Ayaw mo ba? Patawad, Ginoong Soul." Mahina ang tinig na ani ko rito. "Oh God." "Gusto ko lang naman madagdagan ang aking kaalaman. Nasanay ako na narito lang sa kubo. Ilang ulit pa lang din akong nakababa sa bayan. Mga labing siyam na ulit pa lang, sila Nanang lang ang bumababa sa kabayanan at nakikipagkalakal." "So you mean matagal nang umalis ang Nanang at Tatang mo? Dahil ilang ulit ka nang nakababa." "M-ay inaayos lang sila. Babalik na rin naman sila." Ngumiti ako rito saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Sinalubong kami ni Bunsoy. "Hala, Bunsoy." Tili ko. Nagulat pa si Ginoong Soul na nauuna nang maglakad. "Bakit na naman?" ani nito sa akin. "Ito ang unang pagkakataon na hindi ko naisama si Bunsoy sa batis," ani ko rito na biglang na habag sa aking kapatid na baboy. "Baboy lang 'yan." Balewalang ani ni Ginoong Soul."Hindi mo 'yan kapatid." Sumama ang tingin ko rito. "Huwag kang malupit sa aking alaga." Singhal ko rito. Mukhang nagulat ito sa naging reaction ko. "Tell me, kumakain ka ba ng baboy?" nakaangat ang kilay na tanong nito. Inis na inilapag ko ang batya at hinarap ito. "Ang sama mo, Ginoo. Akala ko iba ka sa lahat. Bakit mo naman tinatanong kung kumakain ako ng kapatid ko, ha?" napahikbi na ako dahilan para manlaki ang mata nito sa labis na gulat. "Oh God. Please help me." Matigas na Ingles nito saka hinilot ang sintido. Sinamaan ko ito nang tingin saka niyaya na si Bunsoy na pumasok sa kubo. HINDI MAKAPANIWALANG sinundan ko ito nang tingin. Kailan pa nito naging kapatid 'yong bansot na baboy na 'yon? Saka ang nanay ba nito ay baboy rin? Inahin? Napatapik ako sa aking noo sa takbo ng isip ko. Mukhang na galit pa yata ito sa tanong ko. Bumuntonghininga ako saka binuhat na ang batya. Tupihin na ang mga iyon kaya ipinasok ko na sa kubo. Ngunit inabutan ko itong kalong-kalong ang baboy. "Bunsoy, makinig ka sa akin. Huwag na huwag na huwag kang lalapit sa Ginoong iyon. Baka makita na lang kita na iniihaw na n'ya. Lumayo ka sa kanya, kapag lumapit naman s'ya sa 'yo huwag kang mag-aalinlangan na lumaban. Suwagin mo s'ya, saka ka tumakbo sa akin saka natin kukunin ang itak. Naintindihan mo ba ako?" parang tao nito kung kausapin ang baboy. Iyon ba ang epekto ng walang nakakausap sa lugar na ito? Wala man lang kasing kapitbahay ang mga ito. "Patawarin mo na ako. Nagtanong lang naman ako. From now on, hindi na ako kakain ng baboy. Pangako." Seryosong ani ko rito. Hindi naman siguro nito malalaman na pagbaba ko ng bundok ay baboy ang una kong titikman. "Mag-iingat ka, Ginoo, sa mga binibitiwan mong salita. Ang aking damdamin ay iyong nasaktan." Mabilis akong tumango rito. "Patawad---este, sorry na," ani ko na inilapag sa papag ang batya. "Maghahanda na muna ako ng ating hapunan." "Last na tanong, iyan lang naman ang hindi mo kinakain, 'di ba?" tanong nito sa akin. "Tama. Ang kapatid mo lang, ngunit kumakain ako ng manok, dahil tinuka ako noon ng manok ni Tatang kaya naman hindi ko sila naging kaibigan. Mali na magtanim sa kanila ng galit pero dahil sa ginawa nila sa akin ay sumasaya ang dibdib ko kapag ginigilitan ko na sila." Napangiwi ako sa naging sagot nito. "Kumakain din ako ng sawa, Ginoo. Muntik kasing saktan si Bunsoy ng dayong sawa kaya wala na akong nagawa kung 'di gawin s'yang ulam." Parang nanlambot ang tuhod ko sa mga naririnig dito. "I can't believe this." Ngumiti ito sa akin nang pagkatamis-tamis. "Anong gusto mong ulamin?" sinulyapan ko ito. "Diningding na malungay? Nilagang malungay? Inasinang malungay? Sinigang na malungay?" muling na lukot ang expression ng mukha ko sa tanong nito. Mas pamilyar ako sa diningding na malungay kaysa sa ibang binangit nito. "Masusunod, Ginoo." Lumabas ito ng kubo. Bubulong-bulong ako na nagtungo sa papag saka sinimulang itupi ang nilabhan nito. Iyon man lang na ambag ko rito. Halatang mga luma na ang mga damit nito. Sa ilang araw ko rito, bakit iisang bra lang ang nilabhan nito? "Ginoo?" takang tawag nito sa akin. Mabilis kong nailapag ang bra nito. Nasa mukha nito na nalilito ito."Kung nais mong isukat 'yan upang ikubli ang iyong dibdib ay nais ko lang sabihin na hindi iyan magkakasya sa 'yo, Ginoong Soul." Napasinghap ako. God damnit. Kaya pala ganoon ang reaction nito dahil iba na naman ang pumasok sa isip nito. "No, of course not." Mariing tangi ko rito."Nagtataka lang ako, bakit ito lang ang nilabhan mo?" tanong ko rito. Mas better nang magtanong kaysa mag-isip later kung bakit nga ba iisa lang. "Iyon ba? Kapag bumababa lang ako sa kabayanan nagsusuot n'yan. Saka masikip din kasi ang iba ko pang bra. Mas masaya sila kapag malaya sila." Ngiting-ngiti na ani nito saka lumapit sa lababo. Dumapo ang tingin ko sa brang muling iniangat. "Masikip pa ito sa lagay na ito? Gaano ba kala---no, no, no. Stop it!" kastigo ko sa aking sarili. "Ginoo?" worried na tawag nito sa akin. "Mukhang may bumabagabag pa sa 'yo?" "Ilang piraso ang ganito mo?" "Lima lang, kaya nga isinusuot ko lang kapag nagtungo ako sa kabayanan. Sabi ni Nanang, hindi raw ako papapasukin sa pamilihan kung wala akong suot n'yan. Ayaw ko nga sana dahil masikip. Pero dahil baka hindi ako papasukin sa pamilihan ay isinusuot ko na lang din. Pero alam mo, nagtataka ako kay Nanang. Kasi kapag s'ya naman ang nagtutungo sa pamilihan ay wala s'yang suot na ganyan. Pero hindi rin naman halata dahil ang dibdib ng aking Nanang ay tulad lang din ng sa 'yo," ani nito. Napatango-tango ako rito. Naintindihan ko na. Gets ko na kung bakit iisa lang ang bra na nilabhan nito. Kung bakit kanina pa parang puputok ang suot nitong damit, at kung bakit bakat ang n*****s nito. Gets ko na rin kung bakit kanina pa ako tinitigasan na naman. Inabala ko na lang din ang sarili ko sa pagtutupi. "Pagkatapos kong tupihin ay ibinalik ko na lang din sa batya nang maayos. Saka iginilid. Iika-ika akong lumapit dito. Bigla kasing kumirot ang sugat ko. Mukhang na pwersa sa pagpunta ko sa batis kanina. "Nagugutom ka na ba, Ginoong Soul?" tanong nito na sumulyap pa sa akin. Ang amo ng mga mata nito na sa tuwing matititigan ko ay waring pamilyar sa akin. "Hindi pa naman. Mukhang masarap ang iniluluto mo," ani ko rito. Agad gumuhit ang ngiti sa labi nito na waring nasiyahan sa papuri ko rito. "Masarap talaga ito. Sabi ni Nanang sa akin ako raw ang dahilan kung bakit lumaki ang t'yan ni Tatang dahil sa masarap akong magluto. Pero na isip ko rin, baka dahil sa palaging pag-inom ni Tatang ng gin at minsan ay lambanog kaya ganoon." Honestly, nasasanay na ako sa ilang araw kong pananatili rito sa paraan n'ya nang pagsasalita. Malalim kasi ang karamihan ng tagalog n'ya. "In-inin na lang ang sinaing ko. Bukas ang almusal natin ay nilagang kamote, pamilyar ka ba roon?" "Yes." Tugon ko na sinulyapan ang magandang mukha nito. Nakangiti na naman s'ya. Unang pumukaw sa atensyon ko noong nasa palengke kami nito. "Maupo ka na, maghahain na ako." Utos nito. Pero lumapit pa rin ako sa lagayan ng plato at tumulong. Pagkatapos makakuha ng plato, kutsara at baso ay inilagay ko iyon sa lamesa. Nagsasandok na ito. Napakasimple ng buhay rito. Malayong-malayo sa buhay ko sa siyudad. Hindi ko inaalala ang negosyo, may mahuhusay akong tao upang gumawa ng mga dapat gawin, may Lolo Jesus Sr. ako na bahala sa company, 'yong ibang investment ko, mga kaibigan ko naman na ang bahala roon. Napakalaki nang pagkakaiba-iba. Hindi maiwasang hilingin na sana ay tulad ni Aurora ay ganitong buhay na lang din sana ang mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD