"Kumusta na ang pakiramdam mo, Soul?" tanong ko rito. Ayaw n'yang dugyungan ko ng ginoo ang pangalan n'ya. Soul na lang daw. Sa tingin ko naman bumubuti na ang pakiramdam n'ya, ngunit sa tuwing tinatanong ko iyon ay bigla na lang itong napapangiwi.
"Sumakit na naman. Sa tingin mo ba okay na ito?" malungkot na tanong nito. Sinamahan pa nang ngiwi.
"Sa tingin ko naman ay kakayanin mo nang bumaba. Baka nag-aalala na ang iyong pamilya. Baka umiiyak na sa labis na pag-aalala ang iyong ina."
"Wala na akong magulang, saka hindi ko pa kayang lumakad nang malayo. Gusto mo na ba akong umalis?" tanong nito sa akin. Bumuntonghininga ako saka inilapag ko ang hawak kong baso sa harap nito.
"Hindi naman, nag-aalala lang ako sa mga naiwan mo sa siyudad," sabi ko na bumuntonghininga.
"Paano kung sabihin kong hindi ko pa talaga kayang bumaba? Paano kung naroon pa sa baba 'yong mga gumawa sa akin nito?"
"Sabagay may punto ka naman. Pero sabihan mo lang ako kapag handa ka na. Sasamahan kita sa pagbaba upang hindi ka maligaw."
"S-ige." Dinampot nito ang baso ng tubig at ininom iyon.
"Akala ko ba huhugasan mo ang kamay mo?" sunod-sunod akong inihit ng ubo saka napatingin dito.
"What do you mean?"
"Ikinuha kita ng tubig sa timba, mukhang naiwan ko ang tabo sa likod-bahay kaya naman baso ang ginamit ko." Napangiwi ako sa reaction nito. Binawi ko na rin ang baso at isinaboy sa gilid.
"Damn."
"Huwag mo na ngang alalahanin, nabibilib din ako sa 'yo, hindi ka maarte sa mga iniinom mo," ani ko na bumungisngis pa.
"Sa tingin mo ba iinumin ko 'yon kung alam kong sa timba mo lang kinuha? Never." masungit na ani ni Ginoong Soul na ikinabungisngis ko.
"Galit ka, Soul?" takang tanong ko rito.
"Hindi! Hindi ako galit."
"Okay, maglalaba ako sa batis. Maiwan ka muna rito."
"Batis? Malayo ba iyon? Sama ako." Mabilis na pakiusap nito.
"Kaya mo ba ang Ilang minutong lakaran?"
"Yeah. Dahan-dahan lang ako. Gagamit din ako ng tungkod para hindi mapwersa ang paa ko," sagot nito sa akin.
"Sige. Isama na rin natin ang mga pinagbihisan mo." Ipinagagamit ko kasi rito ang mga damit ni Tatang. May kalumaan na ang mga iyon pero kasya naman dito. Lalo't malaking tao si Tatang.
Tinungo ko na ang batya na kanina ko pa inihanda.
"Ito 'yong akin." Nakabalunbon ang mga iyon nang ipatong nito sa batya."Ako na ang magbubuhat." Offer nito ngunit mabilis akong umiling.
"Ako na. Mas kaya kong dalhin ito sa batis kaysa sa 'yo. Kung gusto mo talagang sumama huwag ka nang makulit." Malumanay ang tinig na ani ko saka ko iyon binuhat at ipinatong sa aking ulo.
Alam kong pinanonood nito ang kilos ko. Nang magsimula akong humakbang ay sumunod naman ito.
"Maaari ka ring maligo roon. Sa tingin ko naman ay naghihilom na ang sugat mo." Pagsulyap-sulyap na ani ko habang naglalakad. Nauuna ako dahil hindi naman nito alam ang daan patungo sa batis.
"Yeah. I think I really need that." tugon nito. Mahusay talaga ito sa wikang ingles.
Nang marating namin ang batis ay tinulungan na ako nitong ibaba ang batya.
"Ako na ang bahala rito. Maligo ka na." Saway ko rito saka pumwesto na sa batuhan kung saan madalas kong pwestuhan kapag naglalaba ako.
Kumilos naman ang lalaki at naghubad na ng suot nito.
"Soul, ilagay mo na rito ang suot mo." Nginitian ko ito saka ako nagsimulang maglaba. Inilagay nito ang damit at short nito. Takang tinignan ko ito.
Parang nahiya pa ang lalaki saka nag-iwas nang tingin.
"Hindi mo ba isasabay ang iyon panloob na kasuotan?" takang ani ko rito. Titig na titig hindi sa mukha nito kung 'di sa kulay luntian na tela na kasama sa gamit ni Tatang na ipinahiram ko rito.
Hindi ko alam kung bakit mabilis nitong tinakpan iyon ng dalawang palad nito kaya naman takang tinignan ko ito.
"Ginoong Soul? Ano ang nangyayari sa 'yo?" ani ko rito."Ikaw ba ay nahihiya? Huwag kang mahiya, dito sa amin ay ayos lang na walang saplot sa tuwing naliligo kami ni Nanang. Si Tatang lang ang nagkukubli. Kilala naman kita, ayon kay Nanang saka lang daw ako mahiya kapag iba ang kasama ko. Hindi ka na iba, ilang araw na rin kitang kasama sa aming kubo. Upang hindi ka na mahiya, ako'y maghuhubad na rin dahil mamaya ay maliligo rin ako." Nginitian ko pa ito. Nang akmang huhubarin na ang suot ay mabilis na kumaripas nang takbo ang lalaki.
"Diyos ko, ginoo. Ang sugat mo." Tarangtang sigaw ko na napasapo pa sa dibdib sa labis na gulat.
Napakamot na lang sa ulo saka sinimulan ang labahin.
Mukhang nasiraan na ng bait ang lalaki.
Panay ang buntonghininga ko.
"Ginoo..." tawag ko rito.
"Sabi ko naman, Soul na lang ang itawag mo sa akin." Nakasimangot nitong sabi habang bahagyang malayo ang distansya.
"Soul, bakit ang laki ng kasuotang panloob mo?" nagtatakang ani ko rito na iniangat pa ang telang suot nito. Ito 'yong suot n'ya noong dumating sa aming kubo.
"Damn, innocent girl. I'm gifted. Sakal na sakal na nga ako sa pinasuot mo sa akin."
"Hindi kita maunawaan. Pero kung ganito ang isinusuot mo sa siyudad, tiyak na masikip ang ipinasusuot ko sa 'yo. Gusto mo bang gamitin ang aking panloob na kasuotan upang hindi ka masikipan?" tanong ko rito. Hindi ko alam kung bakit napahampas ito sa tubig. Ngunit wala naman akong intensyong masama. Nais ko lang matulungan ito.
Ipinagpatuloy ko ang paglalaba. Pagkatapos makusot ang lahat ay sinimulan ko na ring hubarin ang suot ko.
"Tang ina!" napakislot ako sa labis na gulat at takang tinignan ito.
"May problema ba?" ani ko na hindi maiwasang maguluhan sa inaasal nito.
"W-ala." Tumalikod ito kaya naman inilagay ko na sa batya ang aking hinubad at nilabhan na rin iyon. Panaka-nakang sinusulyapan ko si Ginoong Soul ngunit nanatiling nakatalikod ang lalaki sa akin. Nang matapos kong sabunin at kusutin ang mga labahan ay mabilis kong binanlawan iyon saka isinampay. Mabigat ang mga iyon kung hindi ko patutuyuin.
Pagkatapos ay nagpasya na rin akong lumusong at masayang nilapitan ito.
"Ginoo..." panggugulat ko rito.
"Tangina, tukso layuan mo po ako." Takang pinagmasdan ko ang lalaki na nanatiling nakatalikod sa akin. Kaya naman lumangoy ako patungo sa harap nito.
"Ayos ka lang ba, Ginoong Soul?" takang ani ko. Mukhang nahihirapan ito."Masakit ba ang iyong sugat?" tanong ko rito."Saka Ginoo, Aurora ang aking ngalan. Hindi tukso."
May sinasabi ito ngunit halos hindi na marinig. Waring sarili lang nito ang kinakausap nito. Napabuntonghininga ako na pinagmasdan ito. Nang magmulat ito ng mata ay muling nagmura at pumikit.
"May masakit nga sa 'yo, Ginoo!" ani ko na napabuntonghininga at mas lumapit."Sabihin mo kung paano kita matutulungan." Nag-aalalang ani ko rito.
"L-umayo ka, kahit saglit lang." Parang nagmamakaawa ang tinig nito.
Sinunod ko naman ito.
"Ako'y maliligo muna, kung may kailangan ka ay sabihan mo lang ako." Bilin ko rito saka lumusong na palayo rito.
PARANG BIGLANG SUMAKIT ANG ulo ko dahil sa babae. Sinong hindi sasakit ang ulo kung kanina pa lang ay parang balewala rito nang tanungin nito kung hindi ko raw ba huhubarin itong brief na suot ko.
Tapos sumunod balak pa nitong maghubad sa harap ko. Tapos makikita ko na lang na naghubad na nga ito nang tuluyan.
Hindi ba nito alam kung gaano kaganda ang katawan nito? Hindi ba nito alam kung gaano kaiksi na lang ang natitirang pagtitimpi na mayroon ako.
Damn.
Sinubukan kong ilubog ang buong katawan ko sa tubig at bumilang ng ilang segundo sa ilalim. Nang umahon ako ay na hiling ko na sana ay hindi ko na lang ginawa. Tumambad sa akin si Aurora na nakasampa sa bato. Marahan nitong hinihilod ang binti nitong bahagyang nakaangat.
Hindi ko na alam kung ilang Santo ang natawag makuha ko lang kumalma pero hindi iyon nakatulong. Kaya muli akong lumangoy palayo sa pwesto ng babae.
Hindi na lang 'yong ulo ko sa taas ang kailangan kumalma. Dahil pati 'yong sa baba ay hindi na rin kaya pang magtimpi.
Nahihiya man ako dahil sa takbo ng isip ko ngayon. Pasimpleng sinulyapan ko pa rin ito.
Para akong teenager na nakakuha ng chance na sulyapan si crush. Pero ibang klaseng sulyap ang ginagawa ko ngayon.
Tangona, sa mabibilog nitong dibdib agad dumako ang titig ko. Morena ang babae, may kakintaban ang balat at makinis talaga. Maraming modelo ang tatalunin nito sa natural na ka-sexy-han.
Parang gusto ko na lang itong manatili rito sa bundok. Waring gusto ng isip kong ikulong ito rito sa kabundukan at manatiling mata ko lang ang nakakakita rito.
May isang lingo pa ako. Tiyak na hahanapin na ako ng mga tauhan ko kapag hindi pa ako bumaba ng siyudad at magpakita sa kanila.
Pero isipin pa lang na maiiwan itong mag-isa ay hindi na mapanatag ang puso ko.
"Ginoong Soul." Pati ang tinig nito'y waring tinutukso ako."Ginoo."
"Stop calling me, Ginoo." Saway ko rito. Lumusong na ito. Ngayon ay mukha na lang nito ang makikita sa ibabaw ng tubig. Pero wala iyong naitulong dahil napakalinaw ng tubig. Kitang-kita ko pa rin ang kabuuan nito.
"Soul." Nakalapit na ito.
"Yeah?"
"Napakasarap ng tubig, 'no? Sabi ni Aling Esay sa bayan daw ay kulang sila sa tubig. Binibili at kailangan paghirapan upang magkaroon sila. Dito sa amin ay libre lang. Malinis pa at masarap sa balat." Kwento nito na makikita sa bukas ng mukha nito ang saya.
"Ganoon din ba sa inyo?" tanong nito sa akin.
"May maayos kaming water system. Pamilyar ka naman siguro sa gripo, 'di ba?"
"Sabi ni Tatang ang gripo raw ay nilalabasan ng tubig. Maaari raw iyong kabitan ng mahabang 'host' upang dumaloy ang tubig." Bakit mas tumanin sa utak ko ang description nito. Nilalabasan? Mahaba? Tangina, maisasalba pa ba ako sa tukso kung pati simpleng salita ay iba ang dating sa akin.
Mas lalong nawala ako sa aking sarili nang muli akong mapatitig sa dibdib nitong kitang-kita ko ang pink na n****e nito.
"Soul, nakikinig ka ba sa akin?" takang tanong nito sa akin.
"W-what?"
"Ang sabi ko mas masaya pa rin ang buhay rito sa bundok at kagubatan. Lahat ng maaring pakinabangan dito ay libreng makukuha. Basta masipag ka lang magtanim saka ito ilalako sa bayan para magkapera."
"Y-yeah, masarap ngang tikman." Takang tumitig ito.
"Ano ba ang tinutukoy mo, Ginoo?" ani nito na bahagya pang napailing.
"Ah, ang ibig kong sabihin ay...ay...a-no nga ulit?" sa tanang buhay ko sa dalawang tao lang ako nautal dahil sa nerbyos. Sa Lolo Jesus Sr. ko at sa babaeng kaharap ko ngayon na waring balewala kung nakikita ko na ang kabuuan nito.
"Sabi ko pwede mo ring tikman ang tubig sa banda roon." Ang kamay ay nakaturo kung saan. May bahagi itong itinuro pero imbes na sundan nang tingin ko ay ang bahagyang pag-alog ng dibdib nito ang sinundan ng aking mata.
"A-urora." Hirap na bigkas ko sa pangalan nito. Nag-aalalang tumingin ito sa akin. Lumapit pa saka sinapo ang magkabilang pisngi ko.
"Ano ba, Ginoo? Tinatakot mo ako, ano ba ang iyong problema? Sabihin mo na sa akin upang ika'y matulungan ko pa." Ani nito.
"Ikaw ba'y nilalamig? Maging tapat ka sa akin, Ginoo." Ani nito na halatang maiiyak na sa nerbyos. Mas lalong hindi ako nakapagsalita nang yakapin ako nito. Wala itong saplot, habang ako ay ang masikip na brief lang ang suot.
Damang-dama ko kahit pa nakalubog ang katawan namin sa tubig ang init na nagmumula sa katawan nito.
Ang malusog nitong dibdib sa aking dibdib. Ang hita nitong kumikiskis sa aking hita, ang gitna nitong nais ko nang sapuhin pero sa awa nang lahat ng engkanto sa paligid ko ay napigil ko ang sarili ko.
Ayaw kong dungisan ang kainosentihan nito. Napakabuti nito at tinulungan ako nitong gumaling sa tama ko sa binti. Mali na i-take advantage ko ang pagiging inosente nito sa mga bagay-bagay.
"Ginoo?" nasa tinig nito ang pagtataka.
"H-a?"
"Ano ang bagay na tumutusok sa aking sikmura?" takang tanong nito. Bahagya itong lumayo, saka yumuko at dinakma ang bagay na tumutusok daw sa t'yan nito."Ito ba'y palos, Ginoo?" takang tanong nito. Malakas akong napaungol dahil kanina pa iyon tigas na tigas at kanina pa nagnanais na lapatan ng lunas.