"Huhukayin lang ito na ganito," nagsimulang maghukay si Aurora ng kamote. Maaga itong nagising, at ginawa ang routine nito. Inabutan ko itong naghuhukay ng kamote na ayon dito ay ilalaga raw mamaya."Tapos ayan na." Excited ang tinig na ipinakita nito ang kamoteng nakuha.
"Nice."
"'Yong ibang makukuha ko ay ilalako ko sa palengke, sasabay na rin akong bumaba sa 'yo." Ngiting-ngiti nitong sabi. Hindi ko alam kung magandang news ba iyon. Pero parang may naramdaman akong pagtutol. Sa ilang araw na pamamalagi ko rito ay hindi ko maiwasang mas hangaan pa ito.
Napakasimple nitong babae. Napakadali ritong tumawa kahit pa yakap-yakap lang nito ang baboy n'yang si Bunsoy, kapag may gusto itong ikwento tungkol sa mga kalokohan ng bansot na baboy n'ya. Mukhang sa ganito nga lang talaga umiikot ang buhay ni Aurora.
"Kapag bumaba ka ba, umuuwi ka rin agad?" tanong ko rito.
"Oo naman. Kahit pa malakas ang buhos ng ulan kailangan kong umuwi rito dahil ayaw kong mag-isa si Bunsoy." Hinaplos nito ang ulo ng baboy. Saka inilagay ang hawak na kamote sa timba.
"Hindi ba iyon delikado?" tanong ko rito.
"Delikado. Pero ayos lang sa akin, nasanay si Bunsoy na kasama ako. Hindi ko pwedeng kalimutan ang kapatid ko." Hangang kailangan ba nito ipagpipilitan na kapatid nito ang baboy? Tsk.
Hindi ko napigil ang sarili ko na bahagyang hawiin ang buhok nitong tumabing sa kanyang mukha. Saka iyon inipit sa tainga nito.
Nakuha pa nitong ngumiti nang pagkalawak-lawak. Napakaamo ng kanyang mukha to the point na para s'yang anghel na gusto ko na lang titigan pa.
"Gusto mo bang mag-aral, Aurora?" tanong ko rito. Sumulyap naman ito na waring bago lang ang tanong at excited itong sagutin iyon.
"Ginoong Soul, nakapag-aral naman na ako. Mahusay akong sumulat at magbasa. Nakakaunawa rin ako ng Ingles."
"Ang ibig kong sabihin 'yong pormal na edukasyon." Mabilis na sabi ko.
"Hindi na kailangan. Sabi ni Nanang, ang mahalaga raw ay marunong akong magbasa at magsulat kaya naman tiwala na ako sa kakayahan ko."
"Pero marami ka pang pwedeng magawa. Pwede ka pang gumaling sa mga bagay-bagay." Paliwanag ko rito. Para kasing mas nakikita ko ang potential dito kaysa sa ibang babaeng may privilege na magawa ang lahat pero nasasayang lang dahil iba ang inaatupag.
"Ginoong Soul, ayos na ako rito sa bundok. Tahimik ang buhay ko rito. Mabubuhay ako na kamote at talbos lang ang pagkain. Walang maingay na siyudad at walang gulo."
"Pero hindi habang buhay na tahimik ka. What if, may mga pumasok dito? What if..."
"Ginoo, nakita mo naman ang buhay ko ngayon. Masaya ako rito. Hihintayin kong bumalik sila Nanang at Tatang, mabubuhay kaming tahimik." Ngumiti ito. Pero hindi umabot 'yong ngiti sa mga mata. 'Di katulad tuwing nagkwekwento ito sa akin."Ipagpatuloy na natin ang paghuhukay. Doon ka sa kabilang parte, Ginoong Soul. Tiyak na marami kang makukuha." Turo nito na biglang sigla ng tinig.
Bumuntonghininga ako at tumango na lang.
Ang dami nitong energy pagdating sa ganitong gawain. Sanay na sanay sa paghuhukay, parang hindi napapagod. Samantalang ako, hindi pa man katirikan ang araw pero pawis na pawis na.
"Ano ang nais mong tanghalian? Nilagang kamote? Pritong kamote o inihaw na kamote?" ani ni Aurora. Napangiwi ako, pero bago humarap dito ay nagawa ng gawing ngiti iyon.
"Pritong kamote?"
"Ay, ubos na pala ang mantika." Napangiwing sabi nito.
"Nilagang kamote?" ani ko rito.
"Ay, gusto ko pa lang kumain ng inihaw na kamote. Gusto mo ba nang inihaw na kamote?" seriously? Nagawa n'ya pa akong tanungin samantalang may tumatakbo na pala sa isip n'ya na gagawin sa kamote.
"S-ige."
"Ginoo, may tanong ako sa 'yo." Sunod-sunod na tumahip ang dibdib ko.
"Ano 'yon?" sa mga ganitong tono ng tanong nito ay kinakabahan ako.
"Binasa ko kasi ang libro kagabi. Nakatulog ka na kaya naman hindi na kita dinistorbo."
"Go, I'm listening!" ani ko rito.
"Naguguluhan kasi ako. Paano ba hina-harvest o inaani ang egg cell at sperm cell para magkaroon ng anak?" napasinghap ako."May detalye naman sa libro, ngunit naguguluhan pa rin ako."
"Hindi ba naipaliwanag ng Nanang mo?"
"Ang sabi n'ya kapag daw nagmamahalan ang dalawang tao, hindi naman n'ya ipinaliwanag sa akin ang egg cell at sperm cell." Himutok nito. Mahusay rin itong bumigkas ng english words. Masarap pakinggan sa tenga.
"Kapag nagse-s*x, iyon ang unang paraan."
"Nagse-s*x? Female or Male?" ani nito. Waring nag-loading pa sa isipan ko ang ibig nitong sabihin. Napabungisngis ako nang maunawaan ang ibig nitong sabihin.
"s*x, referring to the gender, a male and a female." Aliw na ani ko rito."Pero 'yong s*x na tinutukoy ko iyon ay ang pagtatalik ng babae at lalaki."
"Pagtatalik, nabasa ko na rin 'yan. Ngunit hindi ko iyon alam gawin. Wala sa librong ipinapabasa nila Nanang at Tatang sa akin. Paano ba iyon gawin?" hindi agad ako nakasagot sa mga tanong nito sa akin.
"Ginoong Soul?" tawag nito. Humugot ako nang malalim na hininga. Saktong nahugot ko na ang kamoteng kinakalkal ko.
"Ang pagtatalik ay ang pag-iisa ng katawan ng lalaki at babae," ani ko. Iyon lang ang alam kong pinakamaayos na paliwanag sa isipan ko.
"May kapangyarihan, Ginoong Soul?"
"Kapangyarihan?" takang tanong ko rito.
"Kapangyarihan, sabi mo ay nagsasanib sila."
"Hindi gano'n." Tumigil na kami sa paghuhukay. Mukhang kailangan nito ng science lesson para maunawaan n'ya ang mga bagay-bagay.
Ito ang ibig ko ring sabihin. May mga bagay itong hindi alam. Posibleng ikapahamak nito ang paggiging inosente nito at walang muwang sa mga bagay-bagay.
"Ano pala? Ako'y naguguluhan, Ginoo." Nanulis ang ngusong nais ko na lang ipitin ng labi ko.
Humugot ako nang malalim na hininga.
Kumuha ako ng stick saka lumapit sa pinakapatag na parte ng taniman ni Aurora. Sumunod naman ito na kita na curious ito sa gagawin ko.
"Ginoong Soul?"
"Makinig ka sa akin, Aurora." Tumango-tango ito. Kung alam ko lang na darating ako sa point na ito sana nakinig ako sa science teacher ko.
"Ito..." gumuhit ako ng p***s na katulad ng drawing na madalas gawin. Dalawang bilog at ang waring hugis saging.
"Ano 'yan, Ginoo?"
"Ito ang penis."
"Ang iyong pagkalalaki." Excited na ani nito. Tumango-tango naman ako rito."Pero, Ginoo, hindi ganyan ang nasa aklat." Huminga ako nang malalim.
"Halimbawa lang..."
"Pero paano ko mas mauunawaan kung hindi naman ganyan ang nasa aklat."
"Tsk, kung makakita ka ng tunay baka ma-amaze ka." Nawala rin ako sa sarili dahil sa dami ng pero nito.
Natutop nito ang kanyang bibig.
"Ginoo, gusto kong makakita." Natapik ko ang noo ko sa excited na boses nito. Biglang sumakit iyon na parang kailangan kong hilutin.
Palibhasa madali lang sabihin iyon ng babae dahil waring sanay ito na lahat ng bagay para rito ay inosente, walang bahid nang malisya.
"Tsk, balik tayo sa lesson." Tumango-tango ito. Waring hindi ito naging satisfied sa sagot ko."Next time ko na lang ipapakita sa---" tanginang bunganga 'yan. Kastigo ko sa sarili ko.
"Talaga? Sige, Ginoong Soul." Pakiramdam ko'y mas lalong namula ang mukha ko lalo't iba na ang takbo ng isip ko."Balik na po tayo sa aralin, paanong nagsasanib ang katawan ng isa't isa." Ngiting-ngiti na ani nito.
Gumuhit naman ako ng tatsulok. I don't f*****g know how to draw p***y.
Nang tignan ko ang mukha nito ay waring nagtaka ito. Saka ito tumayo. Ang laylayan ng bestida ay bahagyang iniangat. Bago ko pa maunawaan ang gagawin nito ay tumambad na sa akin ang underwear nito saka waring sinilip iyon.
"Panginoong mahabagin, ako'y inyong patawarin." Usal ko na hindi na nagawang ilayo ang tingin.
"Ginoo, hindi talaga ganyan ang aming kabibe." Reklamo nito saka muling inayos ang kanyang suot."Ginoo..." pumalakpak pa ito sa harap ko upang gisingin ang naglalakbay kong diwa.
"A-urora." Tuluyan akong nagising nang malakas na tapik sa pisngi ang naramdaman ko...in short sinampal ako nito.
Pero napakainosente pa rin ng expression ng mukha nito.
"Ginoo, ikaw ay natutulala. Nauunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng aming kabibe? Hindi ba naituro sa sinasabi mong eskwelahan ang itsura ng aming kabibe? Nasa aklat ko'y medyo nahahawig." Pati tinig nito ay napakainosente.
Pakiramdam ko ako lang ang nagkakasala sa nagiging takbo nang usapan. Samantalang ito, love pa rin ito ni Lord kasi walang bahid ng malisya ang mga sinasabi nito.
"Aurora."
"Baka naman ikaw ay nagpapanggap lamang?" nasa tinig na nito ang paghihinala."Baka hindi mo rin alam." Parang disappointed pa ang tinig nito.
"Okay, back to our lesson." Ani ko na pulang-pula na ang mukha. Nag-iinit ang tenga sa kahihiyan.
"HALIMBAWA," in-emphasize pa ang salitang halimbawa. Tumango-tango ito saka tumitig sa drawing."Kapag nagtalik ang dalawang tao, ang sperm cell ng lalaki ay ipinupunla sa loob ng babae." Mukhang desididong unawain ang ibig kong sabihin.
"Paano naipupunta?" bahagya akong napakagatlabi.
"Ipinapasok sa loob ng p********e ang pagkalalaki."
"Sige lang, ako ay nakikinig," ani nito na titig na titig pa rin sa drawing. Pero bago pa ako makapagsalitang muli ay nagsalita ito."Ginoo, ang p***s na katulad ng sa 'yo ay mukhang malaki. Paano maipapasok iyan?" takang ani nito.
"Ang inyong 'kabibe' ay..." hindi ko alam kung paano dudugtungan ang sentence ko. Pakiramdam ko ay -10 ako sa langit.
"Ano ang tungkol sa aming kabibe?"
"Kaya n'yong tanggapin ang aming penis."
"Talaga? Nakakamangha." Bilib na bilib nitong sabi na nasa mukha ang amazement."Ngunit paano iyon mangyayari, Ginoo?"
Ang dami nitong tanong. Ang hirap ipaliwanag dito dahil tanda ko pa, palagi akong absent sa science class ko noon.
Mas madaling gawin, kaysa ipaliwanag dito ang mga sagot sa hindi matapos-tapos na tanong.
"Basta..."
"Ngunit hindi masasagot ng basta ang mga tanong ko."
"Tsk, balik tayo sa main reason ng topic na ito." Sumusukong ani ko rito.
"Sige na nga, kunwari'y naunawaan ko na lang ang ibang sinasabi mo." Napatawa ako nito sa sinabi nitong iyon. Kaya hindi ko rin bagay maging teacher, eh.
"Ipinapasok ang p***s sa 'kabibe' ninyo. Tapos kapag naipasok na, nasarapan at nilabasan, may lalabas na sperm sa penis." Tumango-tango ito. Medyo bastos pa ata ang explanation ko. Pero mukha namang naintindihan nito.
"Nakikinig ako..."
Seryoso na ang naging takbo ng usapan. Mukha naman itong nalinawan.
"Napakahusay mo, Ginoong Soul."
Puri nito sa akin.
"Pero makinig ka, Aurora." Ani ko rito. Tumitig ito sa akin.
"Hindi ka dapat pumayag na kahit na sino lang ang magpapasok ng p***s nila sa kabibe mo." Parang bata na tumango-tango ito.
"Bakit?"
"Kailangan ay ang taong mahal mo ang gumawa no'n. Kailangan din na kasal na kayo, dahil kasalanan sa Diyos kapag ginawa n'yo iyon ng hindi pa kayo kasal." Mas mabuti ng iyon ang tumatak sa isip n'ya. Kahit pa matalino ito dahil sa mga librong nabasa na nito, may mga bagay pa rin na wala itong kaalam-alam. Masyadong inosente, masyadong puro.
"Nauunawaan ko, Ginoo. Kailangan pa lang magkaroon muna ako ng sinisinta upang makaisang dibdib ito. Saka ako magkakaroon ng anak."
"Gusto mo ng anak?"
"Oo, Ginoo." Ngiting-ngiti na ani nito.
"Gusto ko ng anak. Upang may makapiling ako at magkaroon ng pamilya."
"Mukha ka pa namang bata. May Nanang at Tatang din na pamilya mo naman."
Lumungkot ang expression ng mukha nito. Pero mabilis ding ngumiti.
"Ginoo, balik na tayo sa paghuhukay. Kailangan makaipon ako nang ititinda ko sa bayan upang makabili ng kailangan ko para sa ilang lingo ko ulit."
"Paano kung wala kang napagbentahan?" tanong ko rito.
"Sasayaw lang ako sa harap ni Manong Julio. Bibilhin na n'ya ang mga paninda ko." Ngiting-ngiti na ani nito.
"Shit." Lumapit ako rito at hinawakan ito sa balikat n'ya."Anong sabi mo?"
"Pinasasayaw ako ni Manong Julio sa gilid ng palengke, saka n'ya bibilhin ang paninda ko. Sabi nga n'ya sa akin ay talentado raw ako masyado. Kaya naman dinadagdagan n'ya rin ang bayad."
"Hinahawakan ka ba n'ya?"
Mabilis itong umiling.
"Hindi naman. Bukod sa paghawak sa balikat ko'y wala naman na." Tumango-tango ako.
"Hindi mo dapat ginagawa iyon. Hindi ka dapat sumayaw sa harap ng kahit na sino."
"G-inoo? May masama ba akong nagawa?" nasa mukha nito ang takot. Halatang naguluhan sa inakto ko.
"Aurora, hindi mo dapat ginagawa iyon. Kung wala mang bumili ng paninda mo ay hayaan mo na. Huwag kang magtitiwala sa ganoong tao."
"B-akit?"
"Dahil inaabuso nila ang pagiging mangmang mo sa ganoong bagay." Nabubuhay ang galit sa puso ko. Kung makita ko man ang Manong Julio na 'yon. Titiyakin kong babanatan ko ang pagmumukha no'n.
"Masama pala iyon. Hindi ko alam, patawad," ani nito na napayuko na at hindi na nagawang tumingin sa akin.
Sinapo ko ang pisngi nito. Malungkot ito at waring disappointed sa nalaman.
"Makinig ka sa akin. Habang na rito ako, ituturo ko ang mga bagay na dapat mong malaman. Ayos lang ba sa 'yo iyon?" tanong ko. Mabilis naman itong tumango.