Maingat kong ibinaba ang binti n'ya at tinulungan s'yang makaayos ng upo. Hingal na hingal pa ito na ang mukha ay namumula. "Alam mo, Ginoong Soul, parang narinig ko na rin 'yong daing na kumawala sa akin kanina. Pamilyar ang tunog." "Talaga?" iisa lang ang pumasok sa isip ko na tinutukoy nito. Tiyak na sa Nanang at Tatang n'ya narinig ang daing na iyon. "Akala ko noon ay nahihirapan si Nanang sa kanyang daing. Hindi pala, ngayon alam ko na." "Ang alin?" aliw na tanong ko rito. "Na nasasarapan sila ni Tatang. Akala ko nga noon ay inaaway ni Tatang si Nanang. Minsan pa'y sabi ni Nanang, bilisan mo Barbo...bilisan mo. Akala ko naman ay nagkakarera sila. Ngunit nang sumilip ako sa kanilang silid ay hindi man tunay pero parang nangangabayo si Nanang." Napabungisngis ako at inalalay