"Humigop ka ng sabaw." Iniumang ko sa ginoo ang mangkok na gawa mula sa bao ng niyog. Nasa mukha nito ang pag-aalinlangan."Huwag kang mag-alala. Kinatay ko ang native na manok ko at iniluto ko. Tinola ang tawag d'yan, hinaluan ng papaya."
"Alam ko kung ano ang tinola."
"Ibig sabihin alam mo rin kung ano ang pangalan mo? Ako si Aurora, ikaw? Ano ang pangalan mo?" tanong ko rito. Kinuha nito ang mangkok.
"H-indi ko alam," ani nito na nag-iwas nang tingin.
"Impossible na hindi mo alam, ginoo. Nasa binti mo ba ang utak mo?" bahagyang tumalim ang tingin nito sa akin. Ngumiti naman ako rito. Wala akong masamang intensyon sa sinabi ko rito. Ako'y nagtatanong lang sa kanya.
"Epekto siguro ito ng trauma. Hindi ko maalala ang pangalan ko," ani nito.
"Sige, kunwari ay naniniwala ako." Masigla ang tinig na ani ko rito. Ngumiti at bahagyang nangalumbaba sa lalaki.
"Tiyak na hindi ka makabababa sa bayan. May kalayuan at hindi rin kita kayang pasanin. Magpagaling ka muna rito. Ako naman ay iyong mapagkakatiwalaan."
"Hindi ka dapat ganyan? Nasaan ang mga magulang mo? Wala ka bang kasama rito?
"Bumaba lang ng kabayanan sina Tatang at Nanang. Babalik din sila rito."
"Ibig sabihin ay mag-isa mo lang dito? Hindi ligtas ang ganitong lugar sa babaeng tulad mo." Ani nito.
"Ginoo, kabisado ko na ang buong kagubatan at kabundugan dito. Dito ako lumaki at sanay sa lugar na ito."
"No, hindi pa rin ligtas. Hindi ka nila dapat iniiwan. Paano kung may maligaw na mangangaso rito?"
"Maraming naliligaw, ginoo." Napasinghap ito na waring hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What? Masyadong delikado." Pati ang butas ng ilong nito ay nanlalaki. Waring kumikibot-kibot pa.
"Ibig mo bang sabihin ang mga naliligaw rito ay posibleng magdulot sa akin nang kapahamakan?" tanong ko rito.
"Oo." Mabilis na sagot nito. Tumango-tango ako saka dahan-dahang umalis sa kinauupuan. Dama ko ang pagsunod nito nang tingin sa akin. Lumapit ako sa imbakan namin nang panggatong. Hinugot ko ang itak ni Tatang doon.
Narinig ko pa ang pagsinghap ng estranghero na ngayon ay nakaupo sa upuang kahoy.
Saka ako mabilis na humarap dito at waring iwinasiwas ang itak ni Tatang.
"Yah... ikaw ay umalis, ginoo. Masama kang nilalang. Yah!" muli kong iwinasiwas iyon na waring nakikipaglaban.
Lumarawan ang takot sa mukha ng ginoo. Mabilis itong umiling-iling.
"Hindi ako ang tinutukoy ko. Hindi ako masamang tao."
"Kasasabi mo lang kanina. Posibleng gumawa ka rin nang masama." Lumapit ako sa lagayan namin ng asin. Dumakot ako roon ng asin saka mabilis na isinaboy rito.
"Masamang espiritu, masamang espirito..."
"Damn... I'm not!" frustrated na ani ng lalaki. Nanulis ang nguso ko sa ginoo.
"Inglisero pa ang masamang espiritu." Humugot nang malalim na hininga.
"Hindi ako masamang tao. Kumalma ka, Miss."
"Aurora ang aking ngalan."
"Aurora, kumalma ka. Ibaba mo ang itak dahil baka masugat ka." Bumungisngis ako saka ibinalik ang itak.
"Pasensya na, Ginoo. Ako'y nagbibiro lamang."
Pinagmasdan ko ito nang humigop ito ng sabaw.
"Masarap ba, Ginoo?" tumango-tango ito.
"Sabi ko na nga ba, tama lang na hindi ko hinugasan ang kinatay kong manok, mas malinamnam pala talagang tunay." Inihit ito nang ubo na nanlalaki ang mata sa akin.
"What the f**k?"
"Ako'y nagbibiro lamang."
"Damn." Nangalumbaba ako sa harap nito.
"Ginoo, maging totoo ka. Ano ang iyong ngalan?" ani ko rito.
Bumuntonghininga ito.
"Naalala ko na, Soul ang pangalan ko." Nag-iwas ito nang tingin na waring nahihiya.
"Ulitin ko lang ako si Aurora, s'ya naman ang kapatid kong si Bunsoy." Tukoy ko sa aking alagang baboy ramo."Mabait si Bunsoy at maaasahan." Pagbibida ko sa aking alaga. Tumayo ako sa kinauupuan saka lumapit sa alaga at binuhat ito.
Sumunod ang tingin ni Ginoong Soul sa alaga kong baboy na isinandig ang ulo sa aking malusog na dibdib. Hindi ko alam kung bakit parang nakakitaan ko ito nang ingit.
"May problema ba, Ginoong Soul?" ani ko rito."Nais mo rin bang maging baboy ramo?" nasa mukha na nito ang pagtataka saka mabilis na umiling.
"Of course not."
"Gusto mo rin bang may bumuhat sa 'yo? Patawad, ika'y mas malaki kaysa sa akin. Kung naging baboy ramo ka lang sana, tiyak na hindi ako mag-aalinlangan na ika'y buhatin."
"Damn, woman," ani nito.
"Kumain ka na, Ginoo. Upang makapagpahinga ka. Ako'y kailangan magtungo sa likod bahay upang asikasuhin ang akin mga pananim." Ngumiti pa ako rito. Saka pinababa si Bunsoy."Iiwan mo na lang ang iyong pinagkainan, ako na ang bahala sa mga iyan."
Dama ko ang pagsunod nang tingin nito sa akin. Tumayo na kasi ako at kinuha ang itak na iwinasiwas ko kanina. Saka ako bahagyang yumukod upang magpaalam.
Tinungo ko ang likod bahay. Nakabuntot si Bunsoy sa akin. Ito ang gawain ko, magtanim at kapag naani na ay ibinababa ko sa bayan upang itinda.
Kahapon ay ibenenta ko sa bayan ang mga sitaw at papaya na naani ko.
Ang kinita ko roon ay ginamit ko upang mabili ang mga kailangan dito sa bahay.
Nagsimula akong tanggalan ng mga damo ang paligid ng talbusan ko. Saka ko kinuha ang timba upang diligan ang mga iyon.
"Bunsoy..." mabilis na lumapit ang baboy.
"Huwag kang magtutungo roon." Tukoy ko sa parteng may butas. Dahil ginawa ko iyong basurahan. Minsan na itong nahulog doon kaya naman bantay sarado sa akin ang makulit na baboy.
Dahil sa pagtawag ko rito ay nakabuntot lang ito sa bawat lakad at pupuntahan ko. Saka ako nagtungo sa puno ng manga. Kukuha lang ako ng ilang piraso ng bunga. Baka maibigan ng Ginoong mag-ulam ng paborito kong ulam.
Pagkatapos manguha ng anim na manga. Pumitas rin ako ng kamatis. Saka bumalik sa kubo. Inabutan ko itong nakaupo sa labas ng bahay. Waring inip na inip at nasa mukha ang pag-aalala.
"May problema ba, Ginoong Soul?" takang tanong ko rito.
"Buti naman dumating ka na, pinag-alala mo ako," ani nito na waring kasalanan ko pa na nainip ito sa paghihintay.
"Patawad, Ginoo. Pero bakit parang kasalanan ko pa?" takang tanong ko rito."Kumuha lang ako ng manga at kamatis pagkatapos kong maglinis sa likod bahay."
"Sorry. Nag-alala lang ako sa 'yo." Nag-iwas ito nang tingin saka ito bahagyang napayuko.
"Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. May mga kaibigan ako sa lugar na ito." Natigilan si Soul at napatitig sa akin. Unti-unting namutla ito.
"Kaibigan?"
"Oo, hindi mo man sila nakikita. Pero ako nakikita ko sila." Mas lalo itong namutla. Pinigil ko ang tawa ko dahil sa naging reaction nito. Biro ko lang naman iyon na itinuro nina Tatang at Nanang sa akin. Pero mukhang hindi effective sa lalaki.
"W-hat do you mean?"
"Mga elemento..." dagdag ko pa rito. Bigla itong napatayo. Gumuhit ang sakit sa mukha nito. Mukhang sa takot nito ay nakalimutan nitong may sugat pa ito sa binti.
"Nagbibiro lang ako, Ginoong Soul." Matamis ang ngiti na ani ko rito.
PAKIRAMDAM KO AY PINAGLALARUAN ako ng babaeng iyon. Naiwan ako rito sa upuang kahoy na mariing nakapikit dahil sa pagsigid ng sakit sa aking binti. Hindi ko maigalaw ang binti ko dahil tiyak akong mas lalala ang sakit.
Bumalik ito at iniabot sa akin ang baso. Takang tinanggap ko iyon. Saka ininom.
"Ginoo, sa siyudad ba ay ganyan kayo?" takang ani nito. Naguluhan ako sa sinabi nito. Masyadong malalim kung magtagalog ang babae. Mukhang iyon ang kinasanayan nito dahil dito ito naninirahan sa kabundukan.
"What do you mean?" tiyak akong nakakaunawa ito ng english. Lalo na ng sumagot ito.
"Nauuna ang tubig bago ang gamot." nakangising ani nito na ipinakita ang hawak pa ng isang kamay nito. Damn!
"O-oo." Nakangiwing ani ko rito. Upang hindi mapahiya ay tinanggap ko na lang ang gamot saka isinubo. Hirap akong lunukin iyon. Mukhang napansin naman nito kaya kinuha ang baso saka bumalik sa kusina. Pagbalik nito ay may laman na ang baso. Ibinigay nito iyon sa akin.
"Thank you." Pakiramdam ko ay nababawasan ang self-confidence ko sa lugar na ito. Nababawasan dahil sa babaeng ito na kahit wala namang masamang intentions sa kanyang mga actions ay napapahiya ako.
"Dito ka lang muna. Maghahanda ako ng pananghalian." malambing ang tinig nito. Pakiramdam ko ay busog pa ako sa inalmusal kanina pero hindi na ako tumutol na umalis ito sa harap ko.
Hindi ko masakyan ang ibang biro nito, sa totoo lang naman. Wala kasi sa siyudad ang ibang jokes nito.
Sinong matutuwa kung papasok sa isip ko ay multo, at ang mga maligno sa biro n'yang iyon? Sino ang matutuwa kung ginaganahan nang kumain tapos babanat ng hindi na raw hinugasan ang karne ng manok. That's disgusting.
Sumasakit pa yata lalo ang ulo ko dahil sa babae. Dahil kay Aurora.
Kinuha ko ang tungkod na ginamit ko kanina saka sumunod sa kusina.
Inabutan ko itong nagtatadtad ng hilaw na manga. Sunod ay kamatis at sibuyas. I'm just watching her.
Tumayo ito at kinuha ang bote ng...
"What is that?" takang tanong ko rito. That smell... it's weird and disgusting.
"Bagoong ito, Ginoo. Minsan ay amoy ng puday ni Nanang."
"What?"
"Madalas na sabihin ni Tatang na ang bagoong daw ay kasing-amoy ng puday ni Nanang. Masarap naman ang bagoong, ngunit hindi naman ganoon ang amoy ng aking puday." Nanlalaki ang mata ko sa naririnig dito.
"Are you freaking serious right now?" ani ko rito. Nang tumingin ito sa akin na waring nagtataka ay ngayon ko lang naunawaan na seryoso ito sa kanyang sinasabi.
"Damn..." mahinang ani ko saka nag-iwas nang tingin. Hindi rin naman siguro ako masisisi nito kung pumasok sa isip ko kung ano ang amoy ng sisidlan nito kung hindi katulad ng sa Nanang nito.
Damn. Sa sobrang inosente nito ay waring normal lang ang ganoong salita rito.
"Aurora, nakapag-aral ka ba?" tanong ko rito. Umupo ako sa upuang kahoy. Hindi naitago ang pagngiwi dahil sa amoy ng bagoong.
"Hindi, Ginoo. Ngunit marunong akong magsulat at magbasa." Ngiting-ngiti na ani nito."Itinuro ni Tatang at Nanang sa akin kung paano iyon gawin. May mga aklat din ako na araw-araw kong binabasa. Nabasa ko na rin ang bibliya na ibinigay ni Nanang sa akin." Kwento pa nito.
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko sa paraan nito nang pagkwekwento.
She's too pure.
"Ayaw mo bang manatili sa siyudad, kaysa sa ganitong lugar?" mabilis itong umiling.
"Ginoo, narito na sa lugar na ito ang lahat nang kailangan ko para mabuhay. Bababa lang ako ng kabayanan upang ipaglako ang mga gulay. Sa pag-uwi ko ay ilang linggong pagkain at ibang pangangailangan na ang mayroon ako."
"Pero mas maraming opportunities sa siyudad."
"Masaya ba sila? Sabi ni Nanang magulo raw roon. Ayaw ko nang magulong kapaligiran. Dito sa amin ay napakatahimik. Wala mang elektrisidad, may gasera naman. Wala mang gripo, mayroon naman kaming poso na si Tatang ang may gawa. Mayroon ding sapa roon, oh." Turo nito."Mayroon pang batis sa bahaging iyon. Doon ako naliligo at minsan ay naglalaba." Excited na kwento nito.
Mukha ngang kontento na ito sa lugar na ito.
"Anong ginagawa mo kapag may naliligaw rito na mangangaso?"
"Noong una ay pinapatago ako nila Nanang at Tatang kapag may mga dayo. Hindi nila ako hinahayaan na makita ng mga ito. Pero noong may isang sugatan na Ginoo na kailangan nang tulong namin ay wala na ring nagawa ang Nanang at Tatang kung 'di palabasin ako. Mas mahusay raw kasi ako at may alam sa medisina. Sa totoo lang, nabasa ko lang naman iyon sa mga aklat na galing sa siyudad. Hindi ko nga nauunawaan ang ibang nakasulat. Matalino si Nanang, s'ya ang nagpapaliwanag sa akin ng lahat." Ani nito.
Hindi ko maiwasang titigan ang maamo nitong mukha.
Hindi ko nga alam kung bakit napakapamilyar ng kanyang mga mata. Parang nakita ko na iyon noon ngunit hindi ko maalala kung saan.
Matangos ang ilong nito. Tiyak na maraming mga tao ang maiingit sa matangos nitong ilong. Mamula-mula ang pisngi nito kahit pa morena ito. Mukhang dahil sa pagtatanim nito kaya naging ganoon ang kanyang kulay.
Hindi ko rin maiwasang hindi magawi sa malusog nitong dibdib ang aking tingin.
Sa sobrang lusog no'n ay waring puputok na ang suot nitong blouse. Mukhang pinagliitan at lumang-luma na.
Mahina akong napamura nang ma-realize na wala itong suot na bra. Dahil bakat na bakat ang n*****s nito roon.
"Damn."
"Ginoong Soul, ayos ka lang ba?" takang ani nito. Kaya naman mabilis akong tumango rito.
"Magsasaing lang ako. Para makapagpananghalian na tayo," imporma nito na ngumiti pa. Bahagyang lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi.
"Ito ang ulam natin?" tanong ko rito sa ginayat nitong manga.
"Salad-saladan ang tawag namin d'yan. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa siyudad. Pero masarap iyan. Mamaya ikukuha rin kita ng talbos ng kasoy para makatikim ka naman ng ganoon," ubod ng tamis ang kanyang ngiti nang sabihin iyon sa akin. Hindi ko nga pansin na napipigil ko na ang aking paghinga.