One

2040 Words
"Dude, where the f**k are you?" singhal ni L.A sa akin nang sagutin ko ang tawag nito. Dama ko ang gigil nang tinamaan ng lintik habang kausap ako. Malawak ang naging ngisi ko saka iginala ang tingin. "Naggagala!" ani ko na bahagyang nailing, saka muling humakbang paabante. Pinakikinggan pa rin ang galit na lalaki sa kabilang linya. "The heck, dude. Alam mo namang birthday mo! Naghanda pa kami ng party for you! Sana naman in-inform mo kami!" naririnig ko rin ang reklamo ng iba pa naming mga kaibigan sa background ni L.A kaya bahagya akong natawa. "Hindi rin naman ninyo ako in-inform na magpapa-party kayo!" biro ko rito. Mas lalo tuloy itong nagreklamo. "The f**k, Soul? Saan ka makakakita ng surprise na sasabihin sa 'yo! Nasaan ang utak mo!" halatang naiinis na ito. Natawa naman ako. Alam ko kung bakit inis na inis ang mga ito. Kahit kasi sila ang nag-surprise ako pa rin naman ang magbabayad. Kaya mas mabuti ng i-celebrate ko ang kaarawan ko ng mag-isa. Sa lugar na malayong-malayo sa siyudad na magulo at maingay. Iyon naman talaga ang gusto kong gawin sa tuwing kaarawan ko. Kaya nga madalas akong ipadukot ng mga loko para lang dumalo ako sa celebration na madalas ang mga ito ang nag-o-organize sa tulong na rin ng kapatid kong si Bible Vera. Ibinaba ko na ang tawag saka idinaial ang number ng tauhan ko. Gusto ko talagang i-enjoy ang araw na ito para sa sarili ko. Napakalayo sa siyudad. Napakalayo sa mundong ginagalawan ko. "Kayo na muna ang bahala sa lahat, ako ang co-contact sa inyo kung kailanganin ko kayo!" istriktong ani ko sa mga tauhan. "B-oss?" nasa tinig ng lalaki na nag-aalangan ito. Tiyak na mahihirapan na naman ang mga itong magpaliwanag kay Jesus Sr. ng tungkol sa escapade ko ngayong kaarawan ko. "2 weeks, kapag 'di pa ako comontact, track me down! Bye!" sabi ko saka ibinaba na ang tawag. Saka iniayos ang sumbrelo at muling sinulyapan ang babaeng abala sa pagsisiyasat ng prutas sa pamilihan. Malawak ang ngiti nito na nagbayad nang nakapili na, saka inilagay sa bag nito ang prutas. Saka nagsimula nang umalis palayo sa pwesto ko. Mabilis pero pasimpleng sinundan ko ito. Simula nang ma-spot-an ko ito sa entrance ng pamilihan ay sinundan ko na ito. Nag-iwan ng espasyo na hindi nito mahahalata saka muling humakbang nang lumalayo na ito. Napakaganda n'ya at ang ganoong klase ng ganda ang nakaagaw ng atensyon ko. Humakbang pa ako patungo sa nilikuan nito palabas ng palengke ngunit 'di ko na ito natagpuan roon. Napansin ba nito na sumusunod ako? No way! Pilit kong inilinga-linga ang tingin ko pero 'di ko na ito nakita pa. Bagsak ang balikat ko sa labis na panlulumo. Inabot din ako ng dalawang oras masundan lang ito sa ginagawa nito. Napakasimple ng ayos nito, mahinhin ang kilos, malamyos ang tinig kaya para akong na engkanto at sinundan nang sinundan ito. Tapos mawawala lang sa isang iglap sa paningin ko ang babae na parang diwata sa ganda. Humakbang na lang ako patungo sa gilid ng kalsada para mag-abang ng sasakyan na maghahatid sa tinutuluyan ko ngayon. Pero isang puting van ang huminto at bigla na lang nagpulasan ang mga lalaking naka bonet bago pa ako makatakbo isang panyo na ang naitapal sa ilong ko. "f**k, happy birthday, self!" sarcastic na sabi nang isipan ko bago tuluyang nanlabo ang paningin. Kung hindi ang mga kaibigan ko ang nagpadukot sa akin ngayon, tiyak na mga kalaban ko sa negosyo. "KAILANGAN NANG TODASIN 'YAN!" hilong-hilo pa ako dahil sa chemical na nasinghot ko. Parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit no'n. Pero mabilis ko ring inihanda ang sarili ko. Wala akong 'surprise' na narinig. Mas nakakakilabot pa nga ang narinig ko, kumpara sa inaasahan ko. Pasimpleng iginala ko ang paningin ko. Saka lihim na napamura. "Pero paano ang pera?" sabi ng isa na waring labis na nanghihinayang. "Makontento tayo sa makukuha natin sa boss natin! Mayaman ito, baka 'pag 'di pa natin natapos ang gusto ni Boss baka tayo naman ang todasin!" singhal ng isa. Nagpanggap akong tulog habang pilit na kinakalas ang pagkakatali ng kamay ko. Habang nagtatalo ang mga ito pasimple ko ring kinalas ang tali sa paa ko saka mabilis na hinablot ang hawak na baril ng isa at pinaputukan ang hita ng dalawa. Maling desisyon dahil naalerto ang mga kasama ng mga ito. Papadilim na kaya naman imbes na harapin pa ang mga ito mabilis akong tumakbo palayo. Sunod-sunod na putok ang pumuno sa kagubatan kung saan ako dinala ng mga ito. Pero mabilis ang takbo ko. Hindi ako tumigil kahit pa naramdaman ko ang daplis na pagtama ng bala sa binti ko. Tumakbo ako nang tumakbo. Walang particular na dereksyon ang tanging nasa isip lang ay makalayo sa mga taong gustong pumatay sa akin. Gusto ko pang mag-birthday sa susunod na taon at mga taon pa. Hindi rito ang magiging huling celebration ko. Masakit ang tama ng bala sa binti ko. Pero mas nagising pa akong lalo dahil sa sakit no'n kaya hindi ako sumuko sa pagtakbo. Sinong boss kaya iyon na gusto akong ipapatay? Tang'na, Happy birthday talaga, self. Ang tuwid na takbo ko ay naging ika-ika dahil sa mas sumigid na sakit sa binti ko. Habol na rin ang paghinga sa layo nang tinakbo ko. Madilim na madilim na wala na ang mga humahabol pero ang masaklap ay mas lalo akong napadpad sa kasuluksulukan ng kagubatan. Sa paghahangad na makalayo ako ay mas lalo pa akong napasuksok sa mas nakakalitong kasukalan. Pero mas mabuti na rin siguro iyon. Hindi ako masusundan ng mga ito. Natigilan ako nang mapansin ang isang kubo kung saan natatanglawan ng liwanag mula sa gasera ang paligid at sa babaeng nakaupo roon. Parang diwata sa loob ng kasukalan. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay tiyak ako na ang babaeng sinundan ko sa pamilihan at ang babaeng ngayon ay nakaupo at tinatanglawan ng liwanag ng gasera ay iisa lamang. "M-iss!" nagulat pa ang babae nang mapansin ako na halos gapangin na ang patungong tarangkahang kahoy. Agad na tumayo ang babae at bitbit ang gasera humakbang ito palapit. Binuksan ang kahoy na gate. Nasa mukha ang pagtataka nito. Pero napakaamo pa rin ng mukha nito na waring ang sarap haplusin at pagmasdan. "Ginoo, anong nangyari sa 'yo?" takot na tanong nito."M-ay dugo! Napaano ka?" hindi naitago sa tinig ang takot sa kulay pulang dugo na patuloy na umaagos sa aking binti. Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin ngunit nagawa ko pang pagmasdan ang maamo nitong mukha saka tuluyan nang nilamon nang kadiliman ang aking paligid. "GINOO, GUMISING KA! GINOO!" takot na sabi ko pero wala ng malay tao ang lalaki. Patuloy ring dumudugo ang sugat nito sa binti kaya naman pilit ko itong hinila papasok sa aking kubo. Pawis na pawis at hirap na hirap ako pero pinilit ko pa rin itong maihiga sa papag upang lapatan ng paunang lunas. Madalas mangyari ang ganitong eksena sa aming kubo. Si Tatang ang madalas na gumagamot sa mga mangangaso na nasusugatan habang nangha-hunting ng mga ligaw na hayop sa kagubatan. Ako nama'y naaatasang maghanda ng maligamgam na tubig o kaya ng mga herbal medicine. Kaya may idea na ako kung paano gagamutin ang mangangasong naligaw rito at sugatan. Kumuha ako ng gunting at agad na ginupit ang pantalon ng ginoo---mukha s'yang ginoo sa siyudad. Hindi isang hunter na madalas na iba ang kasuotan 'di tulad ng sa lalaking ito na mukhang modelo sa mga magazine na iniuuwi ni Nanang para sa akin. Malakas ang agos ng dugo kaya naman kumuha ako ng mga gamit para linisin ang sugat at ampatin ang dugo. Kinakabahan ako. Pero hindi ko hinayaang lamunin nang takot at kaba ang puso't isipan ko. Hindi ko matutulungan ang lalaki kung hahayaan kong mangyari iyon. Nang nalinis at nagamot na binendahan ko iyon ng telang puti, sa sugat ay may mga dahon na ginagamit namin para panggamot ng sugat. Nang salatin ko ang leeg at noo nito ay mataas na ang temperatura nito roon. Kaya naman pagkatapos kong iayos ang mga gamit ko ay naghanda naman ako ng maligamgam na tubig para gamitin upang punasan ito. Naghagilap din ako ng malinis na bimpo upang gamitin sa lalaki. Wala pa rin itong malay. Mataas ang lagnat, pero humupa na ang pagdurogo ng sugat. Sinimulan ko na itong punasan. Parang nagdedeliryo pa ito kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Maraming naituro sina Nanang at Tatang sa akin na paraan nang panggagamot. Kaya kalmado lang ako sa pag-aasikaso rito ngayon. Kailangan din nitong makainom ng gamot upang makatulong. Tumayo ako at kinuha ang medicine box na pinaglalagyan namin ng gamot. Katatanggal ko lang noong isang araw ng mga gamot na hindi na pwede. Kabibili ko lang kanina sa pamilihan nang panibong reserba na gamot kung kinakailangan. "Bunsoy, bantayan mo muna ang ginoo habang naghahanap ako ng gamot na maaari n'yang inumin." Mahinahon ang tinig na sabi ko sa alaga kong baboy. Saka ko ipinagpatuloy ang paghahanap ng gamot. Nang makita ang pakay ay dali-daling kumuha ng tubig saka binalikan ang ginoo na walang malay sa aking papag. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito ngunit hindi ito nagising. Pero kailangan nitong makainom ng gamot. "Bunsoy, ayaw n'yang magising. Pero kailangan n'yang magising." Waring namromroblemang ani ko sa kaibigan kong baboy. "Bunsoy ko, anong dapat kong gawin, kaibigan?" ani ko na nangalumbaba ang siko ay ipinatong sa dibdib ng lalaking walang malay. Ito 'yong mga pagkakataong wish ko na lang na sana ay nakapagsasalita ang alaga kong baboy. Wala kasing tumutugon sa tanong ko. "Ginoo, kailangan mong uminom ng gamot. Kapag ikaw ay namatay mahihirapan akong hilain ka patungo sa libingan. Ginoo..." nanunulis ang ngusong sabi ko. Saka ko muling tinapik ang pisngi nito. Nawawalan na ng pag-asang mapainom ito ng gamot ng biglang makaisip ako ng magandang plano. Malakas ko itong tinapik sa pisngi. ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang gumising sa akin. Muling sumigid ang sakit sa binti ko pero pilit pa rin akong dumilat. Sino ang pangahas na nanampal sa akin. Sa nanlalabong tingin ay napatitig ako sa babaeng agad na ngumiti nang makitang nakadilat na ako. "Sa wakas ikaw ay gising na, ginoo. Nais ko lang na ikaw ay painumin ng gamot upang mabawasan ang sakit sa iyong katawan," ani nang malamyos na tinig ng diwata. Hindi s'ya diwata, nagha-hallucinate lang ako. Pero ang tiyak ko lang, s'ya talaga ang babaeng sinusundan ko kanina. "Ako si Aurora, ginoo. Isa akong kaibigan magtiwala ka sa akin. Wala kang dapat ikatakot." Ngiting-ngiti na ani nito. Medyo masakit na ang pagkakadagan ng siko nito sa dibdib ko. 'Di ba't dapat mas matakot ito dahil ako ang lalaki at ito ang babae, weird. "Uminom ka muna ng gamot. Makatutulong sa 'yo ang gamot na ito, ginoo," ani pa rin nito, saka umalis na sa pagkakadagan sa dibdib ko at kinuha ang gamot at baso na may lamang tubig. "Inumin mo ito, pakiusap," sabi n'ya na iniumang ang gamot sa bibig ko. Bahagya kong iniangat ang ulo ko saka ibinuka ang bibig upang tanggapin ang gamot. Saka maingat nitong ipinainom ang tubig sa akin. Pagkatapos kong inumin ang tubig ay waring nag-iisip ang babaeng at napatitig sa akin. Nang walang lumabas sa bibig nito ay pinili ko na lang pumikit ulit. "Ipaghahanda kita nang makakain mo. Huwag kang matutulog, sa tingin ko ay napalakas ang tapik ko sa pisngi mo kaya nagmarka ang palad ko sa makinis mong pisngi..." ani nito. Sa tingin n'ya? Tapik? Come on, sinampal n'ya ako. Hindi lang iyon basta tapik. Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko. Kumakalma naman na ang sakit ng katawan ko. Pero tiyak na kapag iginalaw ko ang binti ko ay muli na namang kikirot iyon. "Bunsoy, bantayan mo si ginoo. Baka kailanganin n'ya ang tulong mo. Bantayan mo lang s'ya." Dumilat ako at sinulyapan ang babae na kinakausap ang baboy na ang pangalan ay Bunsoy. Para namang nakakaunawa ang baboy na tumungo sa pwesto ko at nahiga sa paanan ng papag. Ang babae ay pumasok na sa kubo. Naririnig ko ang malamyos na tinig nito at ang tunog ng mga bagay na hinahawakan nito. Happy birthday, Self! Ibang klaseng celebration ang nasuungan mo. Ani ko sa sarili na mariing napapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD