Halos takbuhin niya ang pasilyo para lamang maikulong niya ang kanyang sarili sa banyo dahil sa nararamdamang kaba, galit, inis at sarap matapos silang maghalikan ni Riki!
Hingal na hingal siya nang makarating siya sa loob ng banyo. Napatingin pa sa kanya ang ilang empleyado niya kaya dahil sa pagkabigla ng mga ito eh mabilis na tinapos ng mga ito ang ginagawang pagre-retouch.
“Excuse me po Ma'am, Justin.” nahihiyang sabi no'ng isang babae sa tatlong magkakasama na naroroon sa loob ng cr. Agad siyang tumabi at pasimpleng nginitian ang mga ito kahit nakakaramdam parin siya ng pagkahingal.
Pagkasara ng pintuan ay siya ding pag lock niya agad at mabilis na nag hilamos ng kanyang mukha. Binasa niya ito ng basang-basa habang walang humpay na umaagos ang tubig.
Ilang segundo nang basta siya mapatigil. Kahit tuluan pa ang mukha niya gawa ng tubig tulala parin siyang nakatitig sa salamin habang pinapalandas ang hintuturo sa paligid ng kanyang mga labi.
Your lips are still soft and as sweet as before and still like a virgin. By the way, that's your punishment for slapping me. Walang katapusang umi-echo sa kanyang tenga ang mga sinabi kanina ni Riki matapos pakawalan ang kanyang mga labi.
Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala sa isipin na pinaniwalaan nga talaga nito ang balitang kumalat noon sa barangay nila.
“Tsss!” bigla siyang napa-iling at basta tinapik-tapik ang kanyang magkabilang pisngi nang marinig ang sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng banyo.
Dahil do'n minadali niyang ayusin ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang suklayin ang tila nagulo niyang buhok saka niya napagpasyahang buksan ang pintuan.
Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Jelain.
“May problema ba?” takang tanong niya sa kanyang kaibigan nang makalabas na siya ng banyo. Agad namang inabot ni Jelain ang mga kamay niya kaya may pagtataka niya itong tinignan.
“A big problem, Just.” dismayadong tugon nito habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
She knows kung saan galing si Jelain at alam niya rin kung sinong importanteng tao ang lihim niyang pinapasubaybayan and what Jelain said makes sense to her now.
Ayaw niya sa lahat ay yo'ng mag-isip ng mga negatibong bagay pero what if?
It's only what if pero paano kung ang simpleng what if na 'yon ay maging totoo?
Hanggang sa makarating sila sa kanyang opisina gano'n parin ang pagiging tahimik ni Jelain. And that way her mind is starting to think negative thoughts.
Nakikiramdam siya pero talagang gusto ng kaibigan niya na siya mismo ang mag tanong kaya she doesn't have a choice but to entail some strength before she exhaled all the bad thoughts that she has in her mind.
“Drop it, Jelain. Sa lahat nang ayaw ko ay yoong binibitin ako.” seryoso at parang may pagka-bossy niyang saad. She crossed her arms while locking her gaze to Jelain na ngayon ay parang hindi na alam ang gagawin. Balisa at hindi na ma-drawing ang hitsura.
“Kasi...sabi ni Attorney...”
“Ano ba kasi 'yon?” medyo tumaas ang kanyang boses dahil sa gigil nararamdaman. Nabibitin siya at atat niyang malaman ang mga resulta ng pinapagawa niya sa kaibigan niya.
Napayuko si Jelain at lihim na kinagat ang ibabang labi. Huminga ito ng malalim bago pa ito umangat ng paningin.
“Kasi naman, Tin. Mahigit limang taon nang patay ang Papa mo...” mangiyak-ngiyak na bulgar ni Jelain dahilan para basta humigpit ang pagkuyom niya ng kanyang mga kamay. Awtomatiko siyang nanglambot at pigil ang sarili na hindi mapaiyak but it was too late because her temper flows rushing up to her system nakatulo na ang kanyang masaganang luha.
It's too late.
“Pa-paano? A-ano ang nangyari?" Garalgal at sunod-sunod niyang tanong kay Jelain.
“Ang sabi no'ng private investigator na inutusan ni Attorney, after mong umalis sa barangay niyo ilang linggo lamang ang nakalipas namatay din ang iyong Papa. Madaming napagtanungan ang investigator na di-umano ay nag taksil ang kinakasama niya. Dahil do'n lumaot ng walang paalam ang iyong Papa hanggang sa hindi na ito nakabalik ng ilang buwan. Hanggang sa natagpuan nalang daw ang bangkay nit—”
“S-Stop!” nahihirapan niyang pigil kay Jelain. Nahihirapan siyang huminga dahilan para mapahawak siya sa kanyang dib-dib. Na alarma si Jelain kaya mabilis itong tumayo at ikinuha siya ng isang basong tubig. Pagkabigay sa kanya ng tubig saka naman ito tumungo sa telepeno para tumawag ng company medic to rescue her abnormal breathing.
Ikinalma niya ang kanyang sarili. Umupo siya sa ulit sa kanyang swivel chair bago ginawa ang procedure ng enhale, exhale breathing.
“Wala kang kasalanan sa nangyari sa Papa mo Just, so stop thinking nonsense please?” pagpapaintindi sa kanya ni Jelain nang matapos itong tumawag sa medic.
Umiling-iling siya.
Alam niyang pinapagaan lamang nito ang nararamdaman niya. Gusto lang nito na iligaw siya sa sitwasyon kung saan unti-unti siyang nilalamon ng nakakamatay na kumunoy.
“That's not, true. Tatanggapin ko ang pagpapakalma mo sa'kin pero ang sabihin na wala akong kasalanan 'yan ang hindi ko matatanggap, J.... Dahil sa pag papadalos-dalos ko kaya nawala ang kaisa-isahang lalaki na tanggap ang halaga ko bilang Anak niya.” emosyonal niyang paliwanag kay Jelain habang hinahayaang lumandas sa kanyang mga pisngi ang luhang hindi ma-ampat ampat.
Dahil sa kanyang pagkadismayado parang kumunekta rin kay Jelain ang sakit na nararamdaman niya.
Dahan-dahang lumapit sa kina-uupuan niya si Jelain. Hinayaan niyang aluin siya nito sa pamamagitan ng marahan na pagtapik sa kanyang likod habang siya ay wagas na hinayaan din ang sarili na sisihin ang masakit na balitang nalaman na noon paman ay hindi niya nagawang alamin.
She blames herself for his father's death. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili dahil kung hindi siya umalis ng walang paalam edi sana buhay pa ang kanyang Papa.
There's a large percentage na namroblema din ang kanyang Papa noon dahilan para makapag-isip siguro ng ikalumbay niyon at lalo pang nadagdagan dahil sa madrasta niyang walang hiya!
Dahil sa nalaman biglang naging imposible ang lahat ng mga posibleng naiisip niyang mga pangarap para sa kanyang Ama.
Lahat nang inipon niyang pera na para sana sa magiging kaginhawahan ng kanyang Ama ay parang biglang ninakaw ng kung anong hinagpis at pagsisisi.
Hindi niya alam ang gagawin niya gayong nalaman na niya ang totoo! Sobrang nasaktan siya dahil sa mga nalaman niya kaya walang sabi siyang tumayo kahit hirapin pa siya sa paghinga.
Na alarma naman agad si Jelain kung kaya't mabilis siya nitong hinarangan kaso isang nakakamatay na tingin lamang ang ibinigay niya sa kaibigan at awtimatikong tumabi ito para bigyan siya ng maluwag at malapad na daan.
“I-send mo sa akin ang address ni Riki, asap.” mando niya kay Jelain bago siya tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
Bawat hallway na madaanan niya ay lahat ng mga mata nakatutok sa kanya pero hindi niya ito magawang pansinin kahit ang lahat ng mga empleyado niya ay magalang siyang binabati.
Sa ngayon, pikit ang kanyang mga mata. Sarado ang kanyang mga tenga, at naka-tape ang kanyang mga bibig dahilan para hindi sumilay ang nakasanayan niyang emosyon sa tuwing nakakasalubong niya ang mga empleyado niya.
Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang kotse nang ma-recieve ang message ni Jelain.
Pamilyar siya sa kinaroroonan ni Riki kaya sa tingin niya mabilis niya itong mapupuntahan.
Kahit gabi na wala siyang pakialam! Dahil ang tanging gusto niya lang ay maka-usap ang taong alam niyang may koneksyon sa nakaraan niya!
Hindi niya alam kung ano ang totoong pakay niya kay Riki at dahil dala ng sama ng loob kaya nauunahan na naman siya ng dalos sa halip ng isip.
Mabilis niyang narating ang condominium nito.
Sa information agad siya nag tungo palibhasa hindi niya alam kung saang lupalup ng building ito naroroon.
“102-C, 5th floor, Sean building of cluster 3 po, Maam.” nakangiting imporma sa kanya ng lobby girl.
Hindi na niya nagawang pasalamatan ang babae dahilan para sundan siya nito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng information office.
At kung sinu-swerte naman nga siya dahil katabi lang din ng information office ang cluster na sinabi nito.
Elevator agad ang hinanap niya ng makapasok siya ng lobby. Naging bastos pa siya dahil ni pag tugon sa magalang na pagbati sa kanya ng guard ay hindi niya man lang magawang tugunan.
Tansyado nalang ang temperatura ng kanyang nararamdaman kaya hanggat kaya niya pang tiisin 'yon at gagawin niya. Hiling niya lang ngayon ay sana huwag siyang sumabog kapag kaharap na niya si Riki!
Bumukas agad ang pintuan nito nang sunod-sunod siyang mag door bell.
Gulat na gulat si Riki nang makita ang bulto niya. Hinagod ng paningin nito ang kabuuan niya pero wala siyang paki-alam kung gano'n parin ang postura niya.