K- 15

1577 Words
Ang akward ng paligid kapag alam mong hindi kayo okay sa isa't-isa. Yoong feeling na nag-uusap nga kayo pero deep inside may mga kanya-kanya kayong nakaraan at ang malala pa eh parehas kayong nagmamahalan noon! Napabuntong hininga siya nang tuluyan nang makababa si Janessa. On the way lang ang firm ng Asawa nito kaya doon nalang ito nag pahatid kay Riki. Parang biglang namumutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Parang gusto niya nalang din bumaba pero ano naman ang gagawin niya sa lugar na hindi naman siya pamilyar? At saka...ang totoo eh hindi talaga siya masusundo ngayon ni Rhett at Jelain dahil naki-usap siya sa mga ito na sila na muna ang um-attend ng isang importanteng meeting niya dahil nga mas inuna niyang daluhan ang event na pinuntahan kanina. Masyadong naging mataas ang sales nila no'ng naglabas sila ng mga new designs at madami parin ang nag di-demand kaya nakihalok siya sa bazaar. Natigilan siya at basta napatingin sa gawi ni Riki nang basta siya nito pigilan sa palapulsuhan. Mahigpit ang pagkakahawak nito at halatadong ayaw nitong paalisin siya. “Dito ka lang.” diretso nitong sabi nang magkatinginan sila. Siya naman ay napalunok. “Ayaw kong maging mukhang driver mo kung lilipat ka sa likuran.” dugtong nito. Hindi siya nakasagot at basta nalang ulit isinara ang pintuan. May pag-alinlangan niyang isinandal ang kanyang likod sa back seat ng upuan. At dahil don, saka palang din nito nakuhang luwagan ang pagkakahawak sa kanyang kamay bago tuluyan nang tinanggal. Sinabi niya kasi na sa likuran nalang siya lilipat ng upo dahil nakakahiya naman pero hindi niya rin naisip na gano'n ang mararamdaman nito. Tama naman nga ito at bakit ba naman kasi dinadala niya pa sa ibang tao ang nakasanayan niya! Kainis lang kasi bakit pa siya pumayag na dito makisakay! Palibhasa mabait si Janessa kaya hindi niya kayang tanggihan. “Where will you get off?” parang suplado nitong tanong sa kanya habang nasa byahe na sila ulit. “Sa office nalang,” tipid niyang sagot bago lumunok. Parang nagiging tensyunado siya ngayon dahil sila nalang dalawa. “Mag o-overtime ka?” tanong nito ulit na para bang close sila. “Oo.” sambit niya habang tuwid paring nakatutok ang atensyon sa harapan. “Ang sipag mo naman.” saad nito kaya napatingin siya gawi nito but Riki doesn't have the courage to match her gaze. Hindi nito makuhang tumingin sa kanya kaya sumuko narin siya. Tipid siyang napatawa bago sumagot. “Syempre, ipinanganak akong masipag eh,” pabalang niyang sagot. Hindi ito nakasagot kaya medyo lumaylo ang katahimikan sa pagitan nila. Siguro...biglang umurong ang tapang nito nang ma-realise na tama naman ang sinabi niya. She is born to be a hardworking at dahil sa pagkakahirap niya noon naging matagumpay siya sa kabila ng lahat. Hindi dahil mayaman ang kanyang Lolo kundi sipag at tiyaga din ang naging puhunan niya. Her hardships paid off after all her sacrifices. Nagiging pamilyar na ulit sa kanya ang rota at kung hindi siya nagkakamali ay way na ito papunta sa office niya kaya kahit medyo malayo-layo pa inaayos na niya ang kanyang sarili. Panaka-naka siya itong tinitignan habang nagmamaneho parin ito. Parang kinakalkula ni Riki ang gusto nitong sabihin sa kanya. Alam niya 'yon dahil simula't-sapul ganyan na ang ugali ni Riki na sa tingin niya hindi nawala sa pagkatao nito. “Alam kong may gusto kang sabihin o itanong. Just tell it, Rik.” matapang niyang simula. Dahil mas lalong natahimik si Riki. It feels like gusto niting ibuka ang bibig kaso hindi alam kung paano but a second passed Riki asked a question to her. “Can I know if kilala mo 'yong model no'ng latest brand ng new designs niyo? I think...kilala mo naman siya dahil it's obviously you're working there.” diretsong tanong nito sa kanya ng tuluyan ng tumigil ang kotse nito nang nasa harapan na sila ng building. Lihim siyang napatawa sa kanyang isipan. Hindi niya sukat akalain na totoo pala talaga na ginugulo ni Hot Temptress ang sistema ngayon ni Riki na ex-boyfriend niya! “Bago lang ako sa kumpanya kaya hindi pa ako pamilyar sa kanya but---if you tell me the truth behind your curiosity about her, I can make a way to know her just for you.” seryoso ngunit may halong kahibangan na saad niya kay Riki. Nag-uumpisa pa lang ang laro na gusto niya kaya ini-enjoy niya ito ngayon. Tumikhim si Riki bago binasa ang ibabang labi dahil sa ginawa niyang pagkagat sa ibabang labi niya. Hindi sa inaakit niya ito. Gusto niya lang itakwil ang nararamdamang kaba dahil hindi naman talaga siya marunong makipaglaro at kinakabahan siya sa isipin na baka mabuko agad siya nito kahit kakasimula niya pa lang. Parang nag-isip din si Riki kaya inip niyang hinihintay ang magiging sagot. Inayos na niya ang kanyang sarili para sa pagbaba nang bigla siyang nanlamig at basta hiniling na sana lamunin nalang siya ngayon ng upuan na kina-uupuan niya! “Is that a help or something in return?” bulong nito sa kanya nang walang sabi na idikit ni Riki ang bibig nito sa kanyang tenga. Awtomatiko siyang napapikit at napalunok nang maramdaman kung gaano nananalaytay sa buong sistema niya ang mainit nitong hininga. “W-Walang kapalit 'yon.” tensyunado niyang sagot pero biglang kumalas sa katawan niya ang tensyon ng marinig ang biglang paglagitik ng lock ng suot niyang seat belt. A silly grin appeared on Riki's lips when he saw how she was going to be alarmed by what he was doing to her! Nilamukos niya ng sobrang higpit ang laylayan ng kanyang suot na dress dahil sa nararamdamang yamot! Parang gusto niyang suntukin ito kaso nawawalan siya ng lakas lalo na kapag nakikita niya kung gaano ito kapilyu ang panglabas na awra. “Forget it, Tin. I'm just curious about her.” Tin! As in the shortcut of Justin. Feeling close lang sila? Apektado siya pero hindi niya pinapahalata. She can manage the situation pero huwag lang siyang magpapakarupok para mapapanindigan niya ang katapangan niya. Nasa loob parin sila ng kotse at parang walang balak na lumabas. Alam niyang may pakay din siya kay Riki kaya hindi niya pa makuhang lumabas. “I'm curious too. Do you like her, hmm?" aniya habang naka-deritso ang paningin kay Riki na kinakalas ngayon ang suot na seat belt. “Iisang tao lang ang gusto ko at ginugusto and about the masked girl, it's all about curiosity.” seryosong sagot nito dahilan para mapalunok siya habang iniisip kung sino ang masuwerteng babae. Hindi naman sa pinu-put down niya ang kanyang sarili pero malabong maging siya dahil nagawa nga siyang lokohin nito kaya bakit gina-gaslight niya pa ang kanyang sarili gayong si Andra Montemayor naman talaga ang naiisip niyang babaeng gusto at ginugusto nito. She's just a part of his past at hanggang doon nalang siya. Nasasaktan siya sa mga isiping iyon kaya walang sabi niyang hinila ang lock ng pintuan but she failed to push the door out dahil awtomatikong ni-lock ulit ni Riki! Umawang ang kanyang mga labi habang may pagtataka niya itong tinititigan. Sinasalubong niya ang seryosong paninitig ni Riki sa kanya at hindi niya man lang makuhang matinag. “What's the rush, Tin?” pikang tanong nito sa kanya. Ayaw niyang naririnig na sinasambit nito ang palayaw niya. Hindi na sila katulad noon kaya hindi niya ito pinapahintulutan na tawagin siya ng gano'n! “Hindi tayo close...at kahit kailan we will never be that close so stop calling me that way!” diretso at matapang niyang asik. Parang biglang umangat ang tensyon sa pagitan nila kaya basta-basta lang din tumatahip sa galit ang dib-dib niya dahilan para mapahinga siya ng sobrang haba. “At sino lang ang pweding tumawag no'n sa'yo? Yo'ng kalandian mo no'ng isang araw doon sa elevator, hmm?—” One slap is enough! Nasampal niya ng gano'n kabilis si Riki dahil sa mga akusasyon nitong wala namang katotohanan. Yes, it's given to her that Rhett and she are just having a good time every day. Pero hanggang doon lang 'yon at never pa silang nag lips to lips o magpandalihan sa kama! Bakas sa mukha ni Riki ang pagkabigla pero nakuha parin nitong mapangisi habang tiim ang bagang na pinapalandas ang dila sa tagiliran ng labi kung saan dumaplis ang palad niya. Nakita niya kung paano nagpipigil si Riki kaya para iwasan ang masakit na paninitig nito, napayuko na lamang siya habang pilit na pinakalma ang sarili. She knew she had gone too far so she was secretly preaching to herself! “Hindi ako nakikipaglandian sa kung sino-sino at wala kang alam tungkol sa akin—” biglang namilog ang kanyang mga mata habang unti-unting ina-angat ang paningin habang magkahugpong ang mga labi nila ni Riki! Riki kissed her without her permission at wala siyang nagawa kundi ang kuyumusin na lamang ang mga kamay habang dinadama ang mainit at malambot na labi ni Riki na ngayon ay dahan-dahan nang gumagalaw papasok sa kanyang bibig. By that her heart is starting to beat so fast as if there's something in trouble! Riki pulled himself closer to her at tila hindi iniinda ang hirap sa mga nakaharang sa pagitan nila. Lalong umigting ang pagkuyom niya sa kanyang mga kamay dahil naiinis siya na hindi niya makuhang mag protesta bagkus nag paubaya pa siya dahilan para ipikit niya nalang ang kanyang mga mata habang tinutugon ang marahan ngunit mainit na halik nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD