K- 17

1026 Words
”W-what are you doing—” naiwan sa ere ang balak na sasabihin ni Riki nang bast niya itulak papasok ang hamba ng pintuan nito dahilan para makapasok siya ng mabilis. Gulat na napatingin sa kanya si Riki! Parang hindi makapaniwala na nasa loob siya ngayon ng magara at malaking unit nito. Riki closed the door and then locked it. Biglang may kantyaw na sumilay sa mukha ni Riki pero wala siyang panahon para sa mga kahibangan na naiisip nito! Ang tanging gusto niya lang ay malaman ang totoo after she left her province sa nakalipas na limang taon. Walang sabi niyang binitawan ang bag niya dahilan para magbigay ng ingay iyon sa tahimik na unit ni Riki. Dahil do'n napatingin si Riki sa bag niyang nakalapag sa sahig. “Anong ginagawa mo dito? May na-miss ka ba sa ginawa natin kanina—” “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” deritso niyang tanong habang dinuduro sa dib-dib si Riki dahilan para mapa-urong ito ng dahan-dahan. “Anong totoo? Truth about what?” tugon nito habang paurong ng paurong. “Tungkol sa Ama kong namatay na pala pero ni minsan hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin, Rik!” asik niya. Riki suddenly stopped and locked his gaze on her. His bloodshot eyes killed her slowly. “Bakit ko sasabihin kung hindi mo naman tinatanong? And besides galit ka sa akin kaya bakit ako mangangahas na mag kuwento sa'yo tungkol sa mga taong iniwan mo!” namimilosopong sagot nito sa kanya. Napangisi si Riki bago sumandal sa pader kung saan malapit nang lumapat ang likuran nito. Nasa bulsa ang parehas na mga kamay. “And are you that serious to come here and not even think about the possible things I could do to you after you disturb me in my sleep.?” dugtong na saad nito dahilan para ikuyom niya ang kanyang mga palad! There you go! Nahahalungkat na ang tungkol sa nakaraan nila and she is aware of it. Wala siyang paki-alam kung ano ang posibleng gawin sa kanya ni Riki! Kahit patayin siya nito ay wala siyang paki-alam basta malaman niya lang ang totoo ngayon! “I don't think about those things anymore dahil ang tanging gusto ko lang ay sabihin mo ang totoo kung bakit namatay si Papa...'yon lang naman ang gusto ko Rik! Ikaw ang nando'n kaya ikaw ang alam kung makakasagot ng mga 'yon.” garalgal ang kanyang boses habang nakikipagsagutan ng tingin kay Riki. Ang kaninang hiling niya ay hindi rin nasunod dahil bumigay din siya agad! All she wants is the truth at wala siyang paki-alam kung mahalungkat man ngayon ang tungkol sa kanilang dalawa. At kung mangyari man edi magsumbatan na sila total naroon narin naman siya! Nasa sitwasyon na siya kung saan hindi na siya makaka-urong kaya no choice siya. “Kung hindi ka lang kasi naglayas noon edi sana alam mo ang nangyari. Lahat sana Tin! Lahat-lahat!” bahagyang napataas ang boses ni Riki kaya biglang naging tensyunado sa pagitan nila. Lihim niyang kinagat ang kanyang ibabang labi habang mahigpit parin ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamao. “Kung hindi ka lang naman kasi lumandi hindi rin ako aalis, Rik! Alam mo 'yon pero bakit parang ikaw pa ang may lakas ng loob na magalit? Niluko mo ako! Niluko niyo ako ni Andra!” gigil na gigil niyang anas. “Kaya ka sumama sa matandang lalaki na ubod ng yaman?” mariing akusa sa kanya ni Riki. Dahil do'n bigla siyang napatawa sa kanyang isipan at pansamantalang nakalimutan ang pakay niya. Nagiging ulaga na siya dahil sa mga samu't-saring rebelasyong sinusumbat nila sa isa't-isa. “At 'yon talaga ang pinaniwalaan mo?” peke siyang napatawa. “Bakit, hindi ba totoo? Hindi mo alam ang totoong nangyari no'ng madatnan mo kami ni---” pigil ang yamot na pagkakasabi ni Riki sa kanya at basta nalang siya nagulat at nahigit ang kanyang hininga nang basta siya hapitin ni Riki at walang sabing ipalit sa kinatatayuan nito. Siya ngayon ang madiin na nakasandal sa pader habang nakahapit parin ang isang kamay ni Riki sa bewang niya. Ang isang kamay naman nito ay nakatukod sa pader para mag bigay ng kontrol para hindi tuluyang lumapat ang mukha nito sa mukha niya. Sa likod ng masasakit nilang tinginan nagawa niya paring harapin ang nag ngangalit na awra ni Riki kahit pakiramdam niya kakapusan na siya ng hininga dahil sa posisyon nila kung saan tanging hininga lang ni Riki ang nagsisilbing hangin niya. “You are brave enough to accept my punishments, huh? Ganyan ba ang itinuro sa'yo ng matandang lalaki na sinamahan mo noon?” pabulong na bigkas nito. Sumasalubong sa ilong niya ang amoy alak nitong hininga pero hindi niya magawang hindi iyon langhapin dahil no choice siya. Kailangan niya ng hangin para magsilbing lakas niya kaya kahit nakakapanindig balahibo lalanghapin niya parin ito. “Oo, at hindi na ako ang dating Justin na kilala mo! Hindi na ako ang dating mabait, malambot at tanga, Rik! Hindi na!” “Then fine! Dahil magaling ka sa mga gano'ng bagay na hindi man lang marunong mag-isip at basta nalang nag papadalos-dalos, you have no choice but to accept every punishment I will impose on you!” tiim ang bagang na pagkakasabi nito habang madiin na dinidikit nito ang katawan sa katawan niya. Palapit din ng palapit ang mukha nito sa mukha niya at konting galaw niya lang ay maglalapat na ang mga labi nila. Gusto niyang mag protesta pero paano gayong kahit pag hugot ng hininga ay hindi niya magawa dahil nakukulong siya sa katawan nito! Instead thinking of something nagawa niyang palakasin ang loob sa kung ano man ang gagawin nito sa kanya. “Then do it, Rik! Sanay na akong gamitin at parausan kaya sige! Punished me now! Hindi ako tatanggi o mag po-protesta...at baka masarapan pa ako dahil sa totoo lang, nami-miss ko na ang bawat bayo sa'kin ng matandang—” “Tangina niya!” malutong na mura nito bago walang sabi na kinabig ang kanyang bibig at madiin na hinapit ang kanyang katawan palapit sa nag-iinit na katawan nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD