K- 3

1776 Words
Ang tagal kong hinintay sa labasan si Riki pero may isang oras na ang nakalipas ay hindi parin siya dumadating kaya kahit gustuhin ko man na hintayin pa siya ng ilang minuto eh mas pinili kong huwag nalang. Alam kong nakadaong na si Papa at alam kong abala na siya sa paglilista ng mga ibebenta niya sa bagsakan at palengke kaya nagmadali ako para makasakay agad ng trysikel. Dalawang linggo bago bumalik si Papa mula sa laot kaya hindi ko siya palaging nakakasama ng gano'n katagal. Malapit kami sa dagat kaya ang hanap buhay ng aking Ama ay ang mangisda. Kung marami-rami siyang nahuhuli sinusulong namin 'yon sa merkado para ibenta bukod pa ang benibenta namin sa bagsakan. Mahirap ang buhay namin dito sa Romblon at kung hanggang maaari ay gagawin ko ang lahat para makatulong kay Papa kahit minsan hindi maiwasang nagkakatanim na ako ng sama ng loob sa kanya dahil sa mga nagawa niyang desisyon. Elementary palang ako noon ng mamatay si Mama dahil sa sakit na Tuberculosis. Mababaw na sakit para sa karamihan at madaling gamutin kaso ano ang magagawa ng Ina ko kung ang katawan na niya ang bumitaw. Anim na buwan lang ang gamutan niyon pero dahil sobra-sobra na ang ipinayat ni Mama kaya hindi na kayang tanggapin ng lalamunan niya para inumin ang mga gamot na sobrang lalaki ng pagka-tabletas. Simula no'n nangako ako sa aking sarili na magsisikap ako. Sisikapin kong makapagtapos nang sa gano'n ay matulungan ko si Papa. Hindi ko man nagawang gampanan ang pagiging Anak kay Mama kay Papa ko iyon ipaparanas. Alam kong may mabuting puso ang mga magulang ko. May konteng alam ako tungkol sa mga magulang ni Mama pero hindi ko alam kung saang lupalup ko hahanapin ang mga iyon gayong kahit si Papa ay hindi man lang sabihin sa'kin kung ano ang tunay na meron si Mama. Hanggang sa nag asawa ulit si Papa at 'yon ay si Tita Lucia. Hindi ko gusto ang pinili niyang babae dahil una palang hindi na maganda ang trato niya sa'kin pero ano ang magagawa ko kung ito ang iniibig niya. Ang pag-ibig nga naman gagawin kang bulag. “Pa!” tawag ko kay Papa nang makababa na ako ng trysikel. Nakita kong inangat niya ang kanyang paningin. Ngumiti siya habang hinihintay akong makalapit sa kanyang puwesto. “Mano po,” saad ko bago dinala sa aking noo ang kanyang kamay. “Nag half day kana naman.” tila dismayado niyang sabi pero gano'n talaga siya. “Ayos lang po 'yon, Pa. Well maintained naman po ang grades ko kahit lumiliban ako ng kalahating araw.” sagot ko habang ibinababa sa upuan na plastik ang bag ko. Umupo siya ulit at ipinagpatuloy ang pagkikilo ng mga isda. Ako naman ay umupo narin sa bangkito para tulungan siyang ilagay sa plastik bag ang mga isdang kinilo. “Kumain kana ba?” tanong niya habang naglilista. “Opo, kayo po ba kumain na?” “Oo. Galing dito si Tita Lucia mo, nagdala ng tanghalian ko.” sagot niya na ikinatango ko nalang. Magaling tumagpo si Tita Lucia lalo na kapag alam niyang magkapera na siya. Hindi siya marunong tumulong kay Papa at basta nalang naghihintay ng grasya para may pang-sugal siya. Minsan napapaisip nga rin ako kung bakit ayos lang kay Papa na huthutan siya ni Tita Lucia. Umiling-iling ako habang iniisip ang mga isiping iyon. Parang masisira pa ang araw ko dahil sa Madrasta kong walang ibang alam kundi ang alilain si Papa habang siya nagpapalubog sa utang para makapagsugal. Iwinaksi ko ang mga isiping 'yon na kahit pati yo'ng hindi pagsipot sa'kin ni Riki ay hindi ko muna hinayaang isipin. Baka masyado lang hectic ang schedule niya ngayon dahil malapit na siyang mag graduate. “Dadalhin ko na po ito sa merkado, Pa.” imporma ko kay Papa. Napatigil siya ng paglilista. Sinenyasan niya rin ang isang babae na kapwa niyang nag ku-kwenta ng mga nakilo nilang isda. “Sige, ipapahatid kita kay Emar para mabilis kang makakarating ng merkado.” “Sige po.” saad ko bago isinakbit ang bag ko. Tinawag na ni Papa si Emar. Hinila na ni Emar ang dalawang banyera para ikarga sa likuran ng kanyang traysikel at ako naman ay sa loob na sumakay. “Ikaw lang mag-isa ang magtitinda ng mga ito, Tin?” walang kubling tanong sa'kin ni Emar habang nasa byahe na kami. Hindi ko pa masyadong naririnig ang sinasabi niya kaya pinaulit ko ulit sa kanya ang sinasabi niya. Itinigil niya ang kanyang traysikel bago nagsalita ulit. “Kako, kung ikaw lang mag-isa ang magtitinda ng mga ito?” “Ah, oo. Bakit?” sagot ko agad. “Wala naman. Ang sipag-sipag mo kasi.” aniya. “Wala eh, kailangan ng pera kaya kahit mahirap gagawin ko.” “Sabagay. Mahirap kapag mahirap no?” Napanguso ako bago sumang-ayon sa kanya. Tama naman kasi siya. Kung bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedi kong paglabasan eh doon pa sa mahirap na nilalang. Pero kahit na gano'n hindi ko naman pinagsisisihan na kina Mama at Papa ako lumabas. I am beyond thankful for them kahit hindi nagtagal ang kuwento nila. Basta ang palagi ko nalang tinatatak sa aking isipan. Kapag talaga ako nakapagtapos ng pag-aaral kung papalarin na makatapos, gagawin ko ang lahat para maging succesfull balang-araw. Marami akong pangarap at sa sampung iyon kahit isa lang ang matupad ko do'n magiging masaya na ako at maging proud na ako sa sarili ko. At sana.. buhay pa no'n si Papa. Pagkababa ni Emar ng mga banyera tinulungan niya ako na maisampa ang mga iyon sa isang kahoy na patungan. Nasa puwesto na ako ng oras na 'yon at handa nang magbenta kaso parang hindi ako matali dahil pakiramdam ko may matang lihim na tumitingin sa akin. Hindi ko pa inuuli ang aking paningin dahil nasa harapan ko si Emar at abala na inaayos ang isang banyera. “Salamat, Mar ha.” saad ko kay Emar nang matapos niyang isampa ang banyera. “Nako, maliit na bagay para sa kagaya mong maganda, Tin.” pagbibiro niya sabay kindat sa'kin. Ngumiwi naman ako dahil alam kung biro niya lang 'yon. Kung hindi ko lang siya kilala siguradong napektusan ko na siya. “Sige na, mamasada kana nga!” taboy ko sa kanya habang naiiling na kinakamada ang mga isda. Napahalakhak siya at saka nag paalam na sa'kin. Pagka-alis ni Emar saka ko naman naisipang ilibot ang aking paningin dahil parang may humihila talaga sa aking mga mata. Wala naman akong nakikita na hindi pamilyar sa akin. Lahat naman ng nakikita ko eh halos mga kasamahan ko lang din sa pagtitinda dito sa merkado. Binalewala ko iyon hanggang sa dumagsa na nga ang mga bumibili sa'kin. Mga suki rin namin ang mga bumibili sa akin kaya mabilis na nauubos ang tinitinda ko. Hindi ko namalayan na mag a-alas kwatro na pala ng hapon at isang tumpok nalang ng isda na tulingan ang nakabunton sa harapan ko kaya naisipan kong mag ligpit na. Itinabi ko narin ang isdang tira para ibigay mamaya kay Riki kapag nagkita kami. Pagkatapos kong maimis lahat saka ako lumabas na ng merkado. Iniwan ko nalang ang banyera doon dahil mamayang madaling araw ay kukunin din 'yon ni Papa para pumalaot na ulit. “Uy, kanina ka pa—” nabitin sa ere ang sasabihin ko ng makita ang mukha ni Riki. Nakipagbasag ulo na naman siya! Dahil do'n tinakbo ko ang pagitan namin. “A-anong nangyari sa'yo?” Nag aalalang tanong ko sa kanya habang sinasapo ko ang kanyang mukha. Hawak niya ang mga gamit ko kaya wala siyang dahilan para pigilan ako. Yumuko siya at pilit na tinatago ang mukha sa'kin para hindi ko mapuna ang iba niyang sugat. “Napalaban ako kanina dahil sa mga nangursunada kay Andra.” nakayuko niyang kwento. Parang biglang nag panting ang aking tenga. Parang gusto kong dagdagan ang mga sugat niya dahil sa mga natamo niya dahil sa bagong trabaho niya! “Pinapahamak ka ng bago mong trabaho, Rik, kung alam mo lang!” yamot kong sabi sa kanya habang inaagaw sa kanyang kamay ang mga gamit ko. Nakakayamot lang kasi dahil kaya siguro hindi niya ako naihatid kanina dahil busy siya sa pakikipagbasagan ng ulo dahil sa bwesit niyang trabaho! “Just, bakit ba ang init ng bungad mo sa'kin?” habol niyang tanong sa akin. Napatigil ako sa paglalakad saka siya tinignan ng masakit. “Sino ba ang hindi mag-iinit kapag 'yan ang mabubungaran?!” turo ko sa mga namumula niyang sugat sa mukha. ”Sige nga Rik sabihin mo, sino?!” asik ko. Hindi siya nakapagsalita at basta ngumisi dahilan para tignan ko siya ng hindi makapaniwala. “Trabaho ko ang protektahan si Andra.” katwiran niyang tagos sa kaluluwa niya. Mapait akong napatawa bago tumango-tumango. “Edi handa kang makipagpatayan para lamang protektahan siya?” diretso kong tanong. “Trabaho ko 'yon—” “Lintek na trabaho 'yan!” galit kong sabi bago siya tuluyang tinalikuran! Rumaragasa sa yamot at galit ang kalooban ko ngayon dahil sa tagpo namin ni Riki. Hindi lang ako makapaniwala na kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay para lamang maprotektahan si Andra. Dahil sa yamot hindi ko na nalaman kung sinundan niya ba ako o kung saan siya nagpunta pagkatapos ng kumprontahan namin kanina. Nasa bahay na ako at nilinis ko lang ang isda bago nilagay sa reef. Hindi ko na nagawang ibigay 'yon kay Riki dahil naunahan na ako ng galit. Pagkapasok ko sa aking kuwarto nagulat ako at basta natigilan ng makitang nakahiga sa aking kama si Kuya Carlo! Gising na gising siya at biglang lumapad ang ngisi niya ng makita niya ako! Awtomatiko akong kinabahan at walang sabi na lumabas din ng aking kuwarto at pumatikar ng takbo palabas ng bahay! Nakasakbit parin sa likuran ko ang bag kong dala kanina! Hanggang sa makarating ako ng labasan! Hingal na hingal ako habang nagpapahinga sa isang tabi. Marami parin namang mga tao dito sa labas kaya kung sakali na sundan ako ni Kuya Carlo ay madali akong makakahingi ng tulong. “Sagutin mo please, Rik!” mariin kong bulong habang kagat-kagat ang aking ibabang labi dahil sa nerbyos na nararamdaman ngayon. Kahit kailan talaga hindi safe ang pamamalagi ko sa bahay ni Tita Lucia kapag nando'n si Kuya Carlo. “Ahh!” inis kong sambit habang sumisipa sa hangin. Mas dumoble na talaga ngayon ang nararamdaman kong inis dahil naka-ilang beses na akong tumawag kay Riki pero hindi niya man lang magawang sagutin ang tawag ko. Imposible namang hindi niya marinig 'yon dahil bukod sa naka-full ang volume ng kanyang cellphone eh naka-vibrate din 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD