K- 2

1982 Words
Alas dose impunto ng magising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Hindi 'yon tunog ng alarm kundi tunog ng isang tawag kaya napabalikwas ako at mumukat na inaabot ang aking cellphone na nasa paanan ko lang. Naka-charge parin pala ito at nakalimutan ko ng bunutin dahil nakatulog pala ako kakahintay sa tawag ni Riki. “H-hello..” inaantok kong sagot sa kabilang linya. Nakahiga na ulit ako matapos kong bunutin ang saksak ng charger. “Love...” sambit ni Riki sa pabulong na boses. Hindi ko alam kung nagising lang din siya o ano kaya kahit antok na antok pa talaga ako mas pinili ko paring imulat ng sagad ang mga mata ko para pigilan na hindi ulit maipikit. “Hmm.. Kanina ka pa ba tumatawag? Sorry nakatulog na kasi ako.” bulong ko ring sagot. Tumagilid ako at niyakap ang isang unan na pahaba bago malaya kong ipinatong ang cellphone sa itaas ng aking tenga kung kaya't libre parehas ang aking mga kamay dahilan para mayakap ko ng husay ang unan. “Hindi, Love. Ngayon lang ako tumawag. Sorry at na istorbo pa kita, kaka-uwi ko lang kasi.” aniya sa medyo paos na boses. “Bakit madaling araw na? M-May pinuntahan pa ba si Andra kaya ngayon ka lang naka-uwi?” “Wala naman, Love. Nagyaya makipag-inuman si Kapitan. Nakakahiya naman kung hindi ko patulan kaya ayon napalaban ako.” paliwanag niya. “Ahh...” hindi natuloy ang sasabihin ko dahil napahikab na ulit ako. “Sorry pala kanina Love, ha?” dugtong niya. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata dahil sa luhang namuo gawa ng paghikab. “O-Okay lang 'yon. Trabaho din naman 'yon kaya maiintindihan kita, Rik.” saad ko kahit sa totoo lang may hinampo ako. Kung iisipin kasi ngayon lang siya nakaligta na magsabi sa'kin tungkol sa mga gano'ng bagay. Hindi ko naman sinasabi na dapat palagi niyang sabihin sa'kin ang bawat ginagawa niya o gagawin niya dahil karapatan lang 'yon ng isang Asawa. Sa amin normal lang naman na gano'n pero kung iisipin kailangan din naman ipaalam sa isa't-isa ang mga gano'ng bagay. Hindi ako demanding na girlfriend dahil wala yan sa bokabularyo ko pero syempre kailangan din naman 'yon para sa mas lalong maging matibay ang pundasyon ng isang relasyon. “Basta pasensya kana ulit. Mahal na mahal kita, Justin ko.” pabulong niyang sabi na ikinangiti ko naman kahit papaano. Naghahalo ang antok at kilig sa aking sistema kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “Mahal na mahal din kita, Riki Nishimura.” napapaos kong sabi. Kinagat ko pa ang aking ibabang labi dahil sa kilig. Maya-maya lang ay mas lalo ko palang kakagatin ang aking ibabang labi ng makita kong biglang lumiwanag sa may bandang labas ng aking kuwarto. Parang may nagbukas ng ilaw sa labas at tila lumapit sa hamba ng pintuan ng aking kuwarto kaya napa-urong ako basta dahil sa kaba. Hindi ko rin nagawang sagutin pa ang sinasabi ni Riki dahil sa katarantahan sa isipin na baka umuwi ngayon si Kuya Carl! “L-Love.. lowbat na pala ang cellphone ko. Bukas nalang ulit tayo mag-usap. Madaling araw na pati kaya magpahinga kana rin.” dahilan ko kay Riki. Hindi naman talaga lowbat ang cellphone ko. Dahilan ko lang talaga 'yon para matapos agad ang aming usapan dahil sa totoo lang gusto ko nang magtago dahil sa kaba na namumutawi ngayon sa aking katawan. “Sige, Love. Matulog kana rin, hmm?” tugon niya na ikinatango ko nalang bago tuluyang pinatay ang kanyang tawag. Pagkatapos no'n walang ingay kong nilagay sa ilalim ng unan ko ang aking cellphone at kabadong tumalukbong ng kumot. Naririnig kong gumagalaw-galaw ang seradura ng pinto kaya mas lalo na akong natataranta. Halos dumugo narin ang ibang labi ko dahil sa pagkakakagat ko ng madiin. Kinakabahan at natataranta ako habang nanglalamig ang mga kamay ko sa isipin na baka sirain niya ang doorknob para lamang makapasok dito! Si Kuya Carl ay Anak ni Tita Lucia sa ibang lalaki. Sa mata ng ibang tao magkapatid kami pero kahit baliktarin pa ang mundo hindi kami magkapatid at mas lalong hindi ko siya kadugo! Alam kong may pagnanasa siya sa'kin kahit hindi niya sabihin. Hindi ako tanga para hindi mahalata ang mga galawan niya at mas lalong hindi ako bulag kung paano niya ako tignan na parang walang saplot sa tuwing naririto siya sa bahay. Buwanan siya kung umuwi dito dahil may trabaho siya sa Maynila. Trainee kasi siya ngayon sa isang Maritime Agency dahil sa kurso niyang seaman at kung hindi ako nagkakamali ay ilang buwan nalang at makakasakay na siya ng barko at hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na 'yon. “Huy, anong ginagawa mo diyan?” mahinang boses ni Tita Lucia ang narinig ko nang tahimik kong ilapat sa likod ng pintuan ang aking tenga. “Titignan ko sana kung gising pa si Justin. May dala kasi akong pasalubong para sa kanya.” narinig kong tugon ni Kuya Carl. Maya-maya lang ay narinig ko nalang ang mga yabag nila na papalayo na sa pintuan ng aking kuwarto kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang din at doble ang lock ng aking kuwarto dahil kung hindi panigurado baka napasok na naman ako ni Kuya Carl. Simula't-sapul nang tumira siya dito sa bahay wala pa naman siyang pinapakitang motibo tungkol sa akin pero kasi batay sa mga tinginan niya at pasimpleng pag akbay-akbay sa'kin masasabi kong hindi na normal 'yon. Hindi sa assuming ako pero bilang babae mataas ang instinct ko sa mga gano'ng bagay. Kinaumagahan, alas tres trenta palang gumising na ako dahil narinig kong nag alarm ang aking cellphone. Three thirty kasi palagi ang ina-alarm ko dahil may kalayuan sa'min ang highschool kaya wala akong karapatan na mag patanghali. Wala kaming motor o anong sasakyan na pweding maging service at tanging paglalakad lamang ang baon ko para makarating sa eskwelahan. Nag madali akong maligo at hindi na nag-abala pang mag almusal dahil sa pagmamadali na baka kanina pa naghihintay si Riki sa akin. Nabasa ko kasi ang txt message niya kanina na maghihintay siya sa akin sa waiting shed na nasa labasan lang namin. Walang ingay kong sinara ang pintuan dahil baka kako magising si Kuya Carlo na nasa salas lang pala natulog. Kabado pa akong bumalik ulit sa loob dahil nakalimutan ko damputin ang envelope na kaliangan kong ipasa ngayon kay Ma'am Agnes. Tagumpay akong nakalabas at nakarating ng mabilis sa labasan. Medyo may kalayuan pa ang waiting shed mula sa aking kinaroroonan kaya nai-excite akong bilisan ang mga hakbang dahil gusto ko nang makita si Riki. “Love—” nabitin sa ere ang sinambit ko ng makita na kasama niya pala si Andra. Nakahalukipkip ito at tila naiinip na habang nakatayo. Ngumiti sa'kin si Riki pero hindi ko nagawang tugunan ang mga ngiti niya dahil sa panglulumo na nararamdaman. Ang buong akala ko naman ay kaya niya ako hinintay kasi sabay kaming papasok pero hindi ko alam na may kasama pa pala kami. “Love, akin na ang bag mo.” saad niya sa akin nang makalapit na siya sa tapat ko. Hindi ko binigay ang bag ko dahil nakita kong sakbit niya din sa kabilang balikat niya ang bag ni Andra. “H-Hindi na Love. A-ako nalang ang magdadala.” sabi ko sa kanya habang pilit na nginingitian siya para hindi niya mahalata na umiiba na pala ang nararamdaman ko. Kung kanina kasi ay parang tatalon ang puso ko dahil sa kasabikan na makita siya ngayon, parang tatalon parin ang puso ko hindi dahil sa saya kundi dahil sa pagseselos na. Habang naglalakad kaming tatlo para akong naiilang dahil nakikita ko kung paano dumidikit si Andra sa tabi ni Riki. Napapagitnaan kasi namin si Riki. Ang awkward pa naman sa pakiramdam kaya ako nalang ang umagwat muna. Hindi rin pati ako kinakausap ni Andra. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero malimit naman kasi na gano'n ang ugali niya lalo na kapag nag-aaway sila ng Papa niya. Nang tuluyan na akong dumistansya kay Riki ay nahalata niya rin pala kaagad ang paglayo ko kaya napatingin siya sa akin. Walang salita na lumabas sa bibig niya pero bakas sa hitsura niya ang pagtataka. Ngumiti ako ng pilit sa kanya bago ibinalin ang paningin sa harapan ko pero bumalik ulit ang paningin ko sa kanya patungo sa mga kamay na magkahugpong na. Napangiti ako lalo nang makita na suot na pala niya ang relo na niregalo ko sa kanya. Bagay na bagay sa kanya. “Dito ka lang sa tabi ko.” malambing niyang sabi sa'kin na ikinangiti ko naman ng puro. Parang biglang naglaho ang nararamdaman kong selos kanina kaya sa halip na mag protesta pa mas pinili kong mag paubaya sa hapit niya. “Kamusta pala ang tulog mo kanina? Sorry ha dahil naistorbo pa kita.” tukoy niya sa ginawa niyang pagtawag sa'kin kaninang madaling araw. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil na-alala ko tuloy kung gaano ako nataranta kanina. “Okay lang naman Love. Nakatulog din naman agad ako no'n dahil antok na antok parin talaga ako no'ng oras na 'yon.” Patay malisya kong sagot sa likod ng kayabangan ko. Ayaw kong may malaman si Riki tungkol sa mga kinatatakutan ko dahil alam ko ang ugali niya. Marunong siyang makipagbasag ulo kaya hindi niya pweding malaman. “Nga pala, Andra.” walang sabi kong untag kay Andra. Tinignan niya rin naman agad ako pero naro'n parin sa hitsura niya ang pangungunot ng noo at pagsalubong ng mga kilay. Inip siyang naghihintay ng aking itatanong kaya sinabi ko rin agad. “Akala ko kasi tanghali pa ang schedule ng pasok mo.” saad ko. Ang buong akala ko ay sasagutin niya ako habang kaharap niya ako pero nagkamali ako dahil inirapan niya lang ako bago humarap ulit sa dinadaanan namin. Humigpit ang pagkakahawak sa'kin ni Riki pero hindi ko 'yon pinansin. “Nag pabago ako ng schedule. Kung ano ang schedule ng body guard ko ay gano'n narin sa'kin kaysa naman na uuwi pa siya para lamang sunduin ulit ako sa oras ng pasok ko.” biglang paliwanag ni Andra. Nag-isang guhit ang aking mga labi nang marinig ang sagot niya. Mag kaklase kami ni Andra kaso magkaiba kami ng schedule ng klase dahil sa karamihan ng mga estyudyante dito sa lugar namin. Si Riki naman ay senior na namin at siguro nagkataon lang din na pare-parehas kami ng schedule of class. “Trabaho ko 'yon kaya hindi mo kailangan mag adjust ng oras ng pasok mo.” biglang sagot ni Riki kay Andra. Napaawang pa ng konte ang bibig ko dahil sa'kin nakatingin si Riki habang nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung paraan niya lang ba niya 'yon para maagaw ang atensyon ko dahil nahahalata niyang nagseselos na ako batay sa mga pinagsasabi ni Andra. Pagkarating namin sa main gate ako narin ang unang bumitaw sa magkahugpong naming mga kamay ni Riki dahil sa science building ako liliko at nasa bungad lamang ang kanto nito. “Ano oras labas mo mamaya, Love?” tanong niya habang hinahabol ang kamay kong tinanggal ko sa pagkakahawak niya. “Ahm..balak kong mag half day dahil balak kong tulungan muna si Papa. Mamaya ang dating niya galing sa laot at paniguradong madaming dala 'yon na isda.” imporma ko pero napatingin ako bigla kay Andra nang basta siya sumingit ng pagsasalita. “Ihatid mo na muna ako sa classroom ko Rik dahil nando'n na daw si Sir. I need to attend his class early this morning. Ayaw kong mapulahan.” utos nito na ikinatingin ko naman kay Riki. “Mamaya nalang Love. Pipilit ako na ihatid ka sa bagsakan. Hintayin mo ako, okay?” bilin ni Riki. Tumango-tumango ako bilang sagot. Mabilis niya akong tinalikuran at napanguso nalang ako dahil hindi niya man lang ako sinabihan ng salita na palagi niyang sinasabi sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD