K- 4

1804 Words
Alas diyes na nang gabi ng maka-uwi siya sa kanilang bahay. Tinaon niya talaga na papauwi narin ang Tita Lucia niya nang sa gano'n ay walang lakas ng loob si Carlo na gumawa ng karahasan. At ngayon palang humihingi na siya ng pasensya sa Papa niyang nasa laot ngayon dahil sa gagawin niyang pagtakas ngayong gabi. Habang tulog ang kanyang Tita Lucia napagpasyahan niyang makipagtagpo kay Riki sa isang lugar na malapit lamang sa kanila. “Nasaan ka?” bulong niyang sabi sa kabilang linya kung saan kausap niya si Riki. Mabuti nalang at sinagot narin nito ang tawag niya. Parang wala lamang nangyari kanina dahil sa pagiging komportable niyang tanong kay Riki. And those quarrels between them are just normal as they are in a relationship. “Bahay lang Love, bakit?” bulong din nitong tugon. Sumilip siya madali sa pintuang naka-awang. Nang mapagtantong guni-guni niya lang ang ingay na naririnig sa labas saka niya ulit isinara ang pintuan. “Pupunta ako diyan ngayon may sasabihin lang ako—” “H-Hindi pwedi ngayon, Love...M-May ginagawa ako.” “Madali lang naman ang sasabihin ko-” biglang siyang napatigil sa pag imik nang makita niyang patay na ang kanyang cellphone! Na lowbat na kung kelan importante pa naman sana ang sasabihin niya. Dahil do'n kahit hindi niya alam kung ano ba talaga ang ginagawa ni Riki napagpasyahan niya paring pumunta doon. Ang balak niya kasi ay tatakas siya ngayon para pumunta sa isang Address na meron siya. Walang kasiguraduhan kung sino amg madadatnan niya do'n pero bago siya pumunta do'n gusto niyang makita muna ang boyfriend niya. Gusto niya lang naman mag paalam bago siya umalis at kung ayaw naman nito makipagsang-ayon sa desisyon niya gagawin niya parin. She is only 18 years old at kung kaya niyang maging independent bakit hindi kung ang karanasan palang niya ngayon ay hindi nagkakalayo sa buhay ng nagpapaka-independent na tao. At kung ito lang ang magiging daan para makalayo siya sa puder ng kanyang Tita Lucia hindi na siya mag dadalawang isip na makipagsapalaran. Ayaw niyang hintayin pa yo'ng araw na pagsisisihan niya dahil lamang kahit alam niyang hindi maganda ang pagtira niya doon kasama si Carlo ay mas pinili niya paring tumigil doon! No, she can't let herself do that! Tagumpay siyang naka-alis sa kanilang bahay. Tanging dala niya lang ay yoong isang back-pack niya. May ilang pirasong damit ang naroroon at ang iba ay ang mga importanteng gamit niya katulad ng mga ID at live birth at saka yo'ng papel kung saan naroon nakasulat ang Address na pupuntahan niya. Pagkarating niya sa bahay nina Riki hindi na niyang nagawang kumatok dahil alam naman niyang naroroon lang ito sa loob. Hindi narin nagawang tumahol ng aso dahil kilala naman siya nito. “Damn, Rik! Oh please...fúck! Isagad mo pa!” halinghing ng isang babae ang narinig niya nang basta siya sumilip sa pintuang naka-awang at dahil do'n tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata kung paano umiindayo si Riki sa itaas ng babae! Nanubig ang mga mata niya habang pilit na minumukhaan ang babae at kung hindi siya nagkakamali ay si Andra iyon! Awtomatikong naituptop niya sa kanyang bibig ang dalawa niyang palad dahil sa pagkabigla! Ayaw niya rin na marinig siya kaya kahit nasasaktan siya ng husto nagawa niya paring pigilan ang sarili para hindi makagawa ng ingay. Nakakaputangina lang kasi dahil kaya naman niyang ibigay ang gano'ng sarap kung ito lang din naman ang gusto ni Riki pero bakit sa iba pa nito nakuhang bumaon habang umiindayo kung pwedi naman sa kanya! Wala na! Tuluyan nang lumandas sa pisngi niya ang mga luhang tumatakas sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya at labis na pinapakiramdaman kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon! Soya na nga yata ang pinakamalas na babae ngayon dahil simula no'ng nakaraang linggo pa siya nagkikimkim ng poot. Hindi lang pala isang linggo kundi buong buhay niya. Dumagdag lang ito si Riki at Andra! Napahikbi siya ng makitang parehas nang nakaraos ang dalawa at hindi niya sukat akalain na napalakas ang pag hikbi niya dahilan para mapakinggan siya ni Riki! Agad na napatingin sa direksyon niya si Riki at kitang-kita niya kung paano ito nagulat! Parehas silang nagulantang kaya bago paman siya tuluyang makilala mabilis siyang umalis sa kanyang kinatatayuan! Mabilis siyang kumaripas ng pagtakbo palabas ng bahay ng mga ito at naging dahilan pa ng pag takin ng aso kung kaya't mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo pero agad din naman siyang napatigil ng biglang may humila sa nakasakbit niyang bag sa kanyang likuran! Alam niya kung sino iyon kaya napapikit na lamang siya habang hingal na hingal parin! “A-Anong ginagawa mo do'n? Diba sabi ko sa'yo may ginagawa ako?!” diretsong tanong sa kanya ni Riki nang pihitin siya nito paharap. Imbes na salubungin ang bulto nito itinakip niya sa kanyang mukha ang dalawa niyang palad para hindi ito makita. Sariwa parin kasi sa memorya niya ang hubot-hubad nitong katawan! “M-May sasabihin lang naman k-kasi sana ako sa'yo at hindi ko naman alam na gano'n pala ang sinasabi mong ginagawa mo.” nakapikit niyang sabi habang nakatakip parin ang mga kamay sa kanyang mukha. Huminga ng malalim si Riki bago mariing nag mura. Tila pinipilit lang na huwag masagad ang pasensya dahil sa kanya. At ito pa talaga ang may lakas ng loob na magalit eh siya na nga ang dehado sa puntong 'yon! “Ano ba kasi ang sasabihin mo at hindi kana makapag-hintay na sabihin kahit may bukas pa naman.” tila iritadong saad nito sa kanya kaya mas lalo na siyang natataranta at naiinis. May halong pagtataka pa ang nararamdaman niya ngayon dahil bakit biglang nag-iba ang pakikitungo sa kanya! Nawala na ang malambing nitong katangian. Hindi narin niya naririnig ang tawagan nila at bakit sobrang init ng bait nito sa kanya! Sa mga naiisip niya ngayon hindi niya naiiwaksi na baka nag bago na ito simula nang maging body guard siya ni Andra. Na baka hindi na siya nito mahal dahil si Andra na ang bagong mahal nito! Imposible pero pweding maging posible din. Nasaksihan na nga niya ang ginawa nila eh kaya bakit hindi niya pa tanggapin na posible lahat ng naiisip niya. “M-mag papaalam lang naman sana ako sa'yo na pupunta ako kabilang bayan para puntahan ang kamag-anak ko... Kung sana sinabi mo agad na kasama mo pala si Andra at may ginagawa kayong milagro edi sana hindi na ako nag aksaya na pumunta dito.” matapang at garalgal niyang saad habang tinitiis na hindi humagulhul sa pag-iyak. “Tangina!” malutong na mura nito. Kahit kampul ng luha ang mga mata nagawa niya paring tignan ng masakit si Riki dahil hindi niya alam kung sino ba ang minumura nito! Ang sarili ba nito o siya!? Hahayaan nalang sana niya kung ano man ang nangyayari ngayon at aalis nalang kaso mukhang hindi sapat para maging duwag siya. May karapatan siyang magalit at ngayon tinatapon na niya ang kabaitang natitira sa kanyang katawan! “Bakit ka nagmumura? Dahil ba nabitin ka? Dahil ba nahuli ko kayo?” mariing niyang tanong habang nilalakasan ang sarili na hindi mapa-piyok dahil kahit anong gawin niyang pigil para hindi mapaiyak walang silbi ang pagpipigil niya! “Bakit Rik, ganyan ka na ba ka tigang para hanapin mo sa iba ang mga pangangailangan mo na hindi ko maibigay sa'yo? Tangina Riki! Kung sinabi mo sa'kin na gusto mo palang makipagkantutan dahil tigang na tigang kana edi sana pinagbigyan kita! Handa naman akong isuko 'to sa'yo—” “S-Sorry..” mahinang sambit nito ng mapagtantong konte nalang at mahihimatay na siya dahil sa galit. Dahan-dahan nitong ginagagap ang kanyang mga kamay para sana aluin siya kaso umurong siya ng ilang hakbang dahilan para sumilay sa mukha nito ang pagkabigo. Nang makita kung gaano kalayo na ang pagitan nila ni Riki saka palang siya tumawa ng mapait dahil sa paghingi nito sa kanya ng pasesnya. Kinagat niya ng sobrang higpit ang kanyang ibabang labi dahil ramdam niya na tama nga ang hinala niya. Na may relasyon ito at si Andra. May ilang linggo din siyang naging martyr at nag bubulagbulagan! “Sorry? Para saan 'yon Rik? Para sa lahat na ba 'yon?” napatawa siya habang hilam ang luha. “Ang galing mo rin ano dahil habang kayo na pala nagagawa mo parin akong mahalin kahit siguro sa kalooban mo eh hindi mo na kayang sikmurahin ang pagmamahal ko! Gago ka rin ano? Ang galing mong iputan ako sa ulo! Kayong dalawa ang gagaling niyo mga hayop kayo!” galit na galit niyang panunumbat kay Riki! Bumigay na siya at hindi na niya kinakaya pang harapin ang lalaki na unti-unti niyang dinadala sa magiging mundo niya. Walang salita na lumabas sa bibig ni Riki kung kaya't nagkadahilan siyang lampasan ito habang may pagkakataon pa siya dahil baka kung ano pang masasakit ulit na salita ang mabitawan niya. Kaso di hamak na maliksi ang pakiramdam nito dahilan para mahagip ang palapulsuhan niya. Nag protesta siyang waksihin ang kamay nito kaso hindi na niya naituloy ang gagawin ng makita niyang basta ito lumuhod sa harapan niya at walang sabi na pinulupot ang mga kamay sa mga binti niya. “Love patawarin mo ako, please... Mahal na mahal kita, Just. M-mahal na mahal..” Riki is begging her right now pero hindi niya magawang patawarin ito dahil di hamak na masakit ang nararamdaman niya kaysa sa nararamdaman nito ngayon! Hindi niya magawang tignan si Riki kahit gustong-gusto niya patayuin ito. Matigas niyang iniling-iling ang kanyang ulo habang pinipigilan ang sarili na hindi na tumulo ang mga luha. Mahigpit parin ang pagkakayapos ni Riki sa mga binti niya pero hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng lakas dahilan para makalas niya ng gano'n kabilis ang mga kamay ni Riki. Malalaki ang hakbang niya para lamang makalayo agad kay Riki. Kahit nahihirapan na siyang huminga nagagawa niya parin na tumakbo para lamang makalayo ng agaran. “Just!” narinig niyang tawag sa kanya ni Riki pero hindi na niya nagawa pang lingunin ito dahil sa takot na baka makagawa siya ng kung ano para masaktan ito. Deserve naman nito ang masaktan pero dahil may natitira pang kabaitan sa katawan niya kaya didistansya na siya. Mahal na mahal niya si Riki pero hindi rin pala sapat na mahal niya lang dahil nagawa parin siyang lokohin nito dahil lamang nag kulang siya. At ngayon niya naiisip na kahit gaano pa sila ka komportable sa isa't-isa. Na kahit mangarap pa sila ng wagas para kasalukuyan nila kung ang isa sa kanila ay nag pa-akit awtomatikong maglalaho na parang bula ang lahat ng mga pangarap nila. And maybe she is too fragile to give her whole damn love to a man that she doesn't even know very well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD