K- 29

1536 Words
Isang linggo ang lumipas simula ng hindi niya naramdaman ang presensya ni Justin. Kahit sa Jus-Thins Co hindi niya rin ito nakikita. Ni txt at tawag ay wala siyang nare-recieve at hindi niya rin makontak. Pinupuntahan niya ito araw-araw sa condo unit pero walang Justin na lumalabas. Nagiging gago na siya sa kakahintay. Wala silang alitan at maayos sila nang maghiwalay sila no'ng araw na sabay silang pumasok sa kumpanya. He is furious everyday. Nayayamot siya at nababarino. Hindi mapakali at gustong-gusto ikutin ang buong mundo para makita lang si Justin! “Damn, asan ka ba kasi?” anas niya ng subukan niya muling tawagan ang numero ni Justin kaso bigo siya nang unattended lang sabi ng operator. He is annoyed again! Gusto niyang iwasan ang pagiging barino kaya pumunta siya sa bahay nina Quinn at Janessa pero humabol parin ang pagiging iritado niya. Napatingin sa gawi niya si Quinn na kasalukuyang hawak-hawak ang cellphone. Naramdaman niya 'yon kaya umangat ang isa niyang kilay. “Para kang gago diyan.” maangas na sabi nito sa kanya habang nilalapag sa lamesa ang cellphone. “Fūck you!” he mouthed to Quinn. Napailing ito bago ngumisi ng nakakaloko. Sumimsim ito ng kape bago inusod ang inuupuan palapit sa kanya. “Nakikita mo ba ngayon ang sarili mo Captain, Nishimura?” may kantyaw sa boses ni Quinn. Siya naman ay walang paki-alam at parang bingi na hindi naririnig ang sinasabi ng kaibigan. “Babae lang 'yan gago.” naiiling na dugtong nito dahilan para ngisihan niya ito ng nakakaloko. “Nagsalita ang patay na patay noon sa isang babae din.” nakangisi niyang saad. Nangunot ang noo ni Quinn. “Magkaiba tayo, gago. Ikaw hindi mo pa girlfriend at ni label ay wala pero mabubuang ka na agad. Bro, label muna bago ang lahat.” mayabang na sabi sa kanya ni Quinn. Natawa siya. May naisip siya. “Really, huh? Eh sino kaya 'tong isasama kuno si Janessa sa Maynila at doon nalang tumira sa kanyang condo para may mag-aalaga kay Alon para lamang ma-solo ito.” Tumaas ang dalawa niyang kilay at parang hinahamon si Quinn. “Fyi, hindi parin kayo no'n, ha?” dugtong niyang sabi. Nakakamatay na tingin ang ipinukol sa kanya ni Quinn. “Idiot! Magkaiba parin tayo. Ako, may nakaraan kami ni Janessa and you—” “We have a past also bro, at alin ang pinagkaiba do'n aber?” medyo gigil niyang sabi. Nakita niyang nagkamot sa batok ni Quinn kaya akala niya suko na ito but he was wrong! Kumuha lang pala ng buwelo ang kaibigan. “That time mahal ko na no'n si Janessa—” “Kahit hindi mo siya maalala?” sabat niya. “So what?” inis na asik ni Quinn sa kanya. “And you? What's the reason behind your confusion, hmm?” dugtong ni Quinn habang naka-angat ang isang kilay. Hindi siya nakasagot kaya napangisi si Quinn. Tinapunan niya ito ng masakit na tingin pero hindi ito natinag. Mas lalo siyang nanggagalaite sa yamot nang makita kung paano lumitaw ang matitilus nitong pangil na siyang kinayayamot niya lalo dahil pakiramdam niya dinidemonyo na siya nito! Nag iwas siya ng tingin at pumikit na kinamot ang kanyang ulo. Sumasabay sa sunod ang mahahaba niyang buhok. “Hindi ka magiging ganyan kung walang may nangyayari sainyo.” pahaging na sabat ulit ni Quinn. Kung nakakamatay lang ang mga tinginan niya siguro kanina pang nakahandusay 'tong kaibigan niya. But yeah, Quinn is right! “Tama ako diba?” naiiling na segunda ni Quinn. Uminom siya ng tubig bago ito binalingan. “Kasi gawain mo rin ang gano'n, am I right?” pamimilosopo niya sa katabi. “Gago!” mariing sambit ni Quinn habang naka-amba ang kamao na kunyare ay susuntukin siya. “Quinn Rush Salem.” sabay silang napalingon sa gawi ng babaeng biglang nagsalita. Ngumisi siya ng makitang basta ibinaba ni Quinn ang kamay bago ngunguto-nguto sa paghintay na makalapit ang Asawa sa kina-uupuan nito. “Babe.” mahinang saad ni Quinn kay Janessa nang makalapit na ito sa puwesto nila. “Ba't mo susuntukin 'yan? Magpapatayan ba kayo? Sabihin niyo lang at bibigyan ko kayo ng tig-isang itak.” asik ni Janessa sa kanilang dalawa. Nag palipat-lipat ang mga mata ni Janessa sa kanilang dalawa. Patay malisya siyang sumipol bago sumimsim ng kape. “We're playing truth or dare babe, pero kung matalo man si Riki siguro 'yang itak na ibibigay mo ay siyang itataga ko sa kanya—ouch, babe.” biglang tiklop si Quinn nang bahagya itong kurutin ni Janessa sa tagiliran. Naiiling saying tumawa. “Tiklop ka naman pala, eh." Aniyang bulong sa sarili. Umangat ang itaas na labi ni Quinn nang walang ingay siyang gayahin bago ito yumakap na parang bata sa bewang ni Janessa. Alam niyang ininggit lang siya nito. Naiiling na lamang siya at tila pansantalang nawala ang kanyag pino-problema. Out of nowhere biglang nagsalita si Janessa. “Hindi parin ba nagpaparamdam?" tukoy nito kay Justin. Awtoamtikong bumalik na naman ang problemang hindi pa nakakalayo. Ipinatong niya sa likurang bahagi ng kanyang ulo ang magkabilang niyang kamay bago inunat ng patuwid ang mga binti at pina-ubaya ang likod sa sandalan ng inuupuan niya. “Hindi pa,” baliwala niyang sagot kay Janessa. “Baka naman may pinuntahan lang na kamag-anak.” Napangisi siya bago binasa ang ibabang labi. “Imposibleng uuwi 'yon ng Romblon,” “Malay mo,” giit ni Janessa. Hindi na siya nagsalita dahil ipagpipilitan niya lang din ang mga alam niya. Hindi lang sila magkakasundo ni Janessa kagaya ng Asawa nitong si Quinn. Inabot siya ng gabi sa bahay ng mga Salem. Pinigilan muna siyang umuwi ni Janessa dahil nag luto ito ng marami para sa hapunan. Hindi siya nakatanggi hanggang sa nagyaya si Quinn na mag-inuman nang dumating ang mga kaibigan nila. Naging maingay ang Mansion ng mga Salem. Napuno ng kuwentuhan at yabangan ang labas ng Mansion. Hindi niya rin namamalayan na lumalalim na ang gabi dahil napasarap din siya. He is not drunk pero napapatawa siya sa tuwing sumasagi sa isipan niya si Justin. Siguro nga naloloko na talaga siya. Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga nasa paligid niya. Walang makikitang emosyon sa mukha ni Jaxxon habang naka-dekwatro at nakapatong sa binti ang puwetan ng hawak nitong baso na may alak. Si Kelton naman ay nakataas ang isang kilay habang titig na titig sa kanya. Parang sa reaksyon ni Kelton pinapahiwatig nito ang katanungan. While Jersey is seriously staring at him. Walang reaksyon na makikita sa mukha at seryoso lamang na hinihintay ang magiging dahilan niya. And lastly si Quinn. Biglang napawi ang namumuong ngisi sa labi nang makita siyang tumawa kahit wala namang nakakatawa. He is caught off guard! Sa lagay niya ngayon para siyang isang priso na pilit na pinapatuga batay sa mga pinapataw na tingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Para maka-iwas sa mga mapagtanong na tingin ng mga ito pinilig niya ang kanyang ulo sa baso niyang may lamang alak. Kalahati pa ang laman pero sunod-sunod niyang nilagok iyon. Narinig niya kung paano napa-oh si Kelton. Ngumiwi siya dahil sa pait na humagod sa kanyang lalamunan. Pinunasan niya ang paligid ng kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang palad. Pagkatapos niyang ibaba ang baso saka niya tinignan ang mga kaibigan. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi pero---agad ding nag tinginan sa bawat isa ang mga lalaking kasama niya nang makita kung paano umangat ng sunod-sunod ang magkabila niyang balikat habang nakayuko siya. Damn, he is crying! “Ang gago...umiiyak.” tila hindi makapaniwalang pamumuna na saad ni Kelton. Narinig niya 'yon pero para siyang bingi. Naitukod niya sa kanyang magkabilang hita ang magkabila niyang mga kamay habang walang humpay paring umiiyak. “Gago, huy!” mahinang untag sa kanya ni Quinn. Tinapik-tapik nito ang balikat niyang umaalog-alog. Talab narin ng kalasingan si Quinn kung kaya't medyo naging emosyonal narin ito. “Ampotek!” naiiling namang sabi ni Jersey nang makita ang reaksyon niya at ni Quinn. Tanging si Jaxxon lamang ang walang reaksyon sa kanilang lima. Tulala lang ito na nakatingin sa kanilang apat habang ang isang kamay ay hinihimas-himas ang basong nakapatong sa lamesa. “Win her when she's back, dude.” tanging saad ni Jaxxon ilang segundo ang nakalipas. “Tama." sabat ni Kelton. “Gusto mo ipahanap ko pa siya ngayon din sa mga taohan ko. Sabihin mo lang, bro.” dugtong nito na ikina-angat niya naman ng kanyang ulo. Nagkalat ang basa sa kanyang mukha but he don't mind at all kung magmukhang tanga na siya. Umiyak na siya kaya sapat na dahilan na 'yon para masabing tanga at buang na talaga siya kay Justin. “Ako ang hahanap sa kanya,” aniya nang maka-recover sa pag-iyak. Umangat ng sabay ang magkabilang balikat ni Kelton bilang sagot. “Then take your ass off on that chair, lover boy. Find her.” kalamadong utos ni Jaxxon. Hindi siya sumagot bagskus tumayo siya ng walang pasabi kahit medyo nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Eekis-ekis ang mga paa niya habang binabaybay ang daan. “Buang talaga! Huwag ngayon, gago!” naiiling na sabat ni Quinn habang tumatayo para habulin siya at pigilan sa gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD