Kinabukasan sabay silang pumasok sa Jus-Thins Co.
Malaking signage ang bumungad sa kanila ni Riki na ikinabigla niya naman. Naglapat ng walang ingay ang kanyang mga labi habang inaabangan ang paningin ni Jelain na kasalukuyang minamanduhan ang mga taohan na ayusin ang pagkakakabit ng signage.
Binuksan ni Riki ang pintuan sa tabi niya dahilan para bumaba agad siya. Tinapunan niya ng tingin si Riki na panay-panay parin ang lingon sa mga taong nagkakabit ng signage.
Bakit ngayon pa? Anas niyang bulong sa kanyang sarili.
“M-may photo shoot ka ba ngayon?” seryosong tanong niya kay Riki nang matapos nitong pindutin ang lock remote ng kotse.
“Wala naman pero kailangan kong i-review ulit ang mga shot's ko kahapon.”
Napatigil siya sa paglalakad bago nilingon ito. Nakasuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay nito pero tuwid parin siyang nakatitig sa mukha ni Riki.
“B-bakit? May mga hindi ka ba...nagustuhan?” kabado niyang tanong. Ayaw niyang magpahalata pero nauunahan na naman siya ng kaba!
“Wala naman...” nakalabing sagot ni Riki sa kanya.
Nakahinga siya ng malalim. Parang biglang dumaloy ulit ng maayos ang kanyang dugo.
“Good morning, Maam...” pinaningkitan niya ang isang empleyado niyang babae na malimit na bumati sa kanya ng maya't-maya. Nasa likuran niya si Riki kaya hindi nito nakikita kung gaano naniningkit ang mga mata niya para lamang mapigil ang sasabihin ng babae.
“Good morning, Lady.” ngiting sabi niya bago ito nilampasan. Nakita niya rin kung paano ito yumuko bilang pagbati kay Riki.
Ang hirap pala talaga kapag may tinatago! Aniya sa kanyang isipan habang balais na naglalakad papuntang elevator. At sana hiling niya hindi mahalata ni Riki ang nakitang signage kanina.
Pumasok na sila sa isang private elevator. It's normal for her na sakupin ang buong espasyo ng elevator dahil para lang naman talaga 'yon sa mga empleyadong matataas kagaya niya. Walang imik siyang sumandal sa stainless na ding-ding nang basta ikawit ni Riki ang isang kamay nito sa kanyang bewang.
“Do you usually ride here alone?” tila mapang-akit na tanong nito sa kanya.
Binaliwala niya iyon bago ngumuso at tumango.
“Damn. Then, can I ride here too always?”
Bigla siyang napatingin sa gawi nitong ngayon ay halos manglamlam na ang singkit na mga mata nito.
“O-Oo naman—” hindi na nasundan ang kanyang sasabihin nang kabigin siya ni Riki bago sakupin ang kanyang naka-awang na mga labi.
Namilog ang kanyang mga mata dahil sa ginawa nito. Gusto niyang tugunin ang panghahalik sa kanya ni Riki kaso naa-alarma siya na baka biglang bumukas ang elevator at may magkita sa kanilang dalawa.
Nalulunod siya sa mga halik nito habang ang mga kamay ay gumagapang paitaas at paibaba sa kanyang likuran.
Mahigpit niyang naikapit ang mga kamay sa balikat nito at tinapik-tapik din para pigilan si Riki.
Mahingal-hingal na tumigil ito bago pinagdikit ang kanilang mga noo.
“Sorry, naaakit talaga akong halikan ka. You turned me on, baby.” mahinang saad nito habang pinapalandas sa palibot ng kanyang labi ang hintuturo nito.
Napalunok siya bago hinawi ang mga buhok nitong nakakasagabal sa singkit nitong mga mata.
“Siguro naman kaya mo pang pigilan 'yan. Malala kana, Riki Nishimura.” biro niyang sabi habang uumis-umis. Nakagat ni Riki ang ibabang labi dahil sa reaksyon niya.
“Tangina, hindi ko kaya, Love!” may diing sabi nito dahilan para halikan niya ito na may kasamang kagat para matigil ang pagmumura ni Riki.
“Pasmado 'yang bibig mo and I don't like that,” aniya bago lumabas ng elevator. Tumigil muna siya at pansamantalang inayos ang kanyang sarili pero basta na naman siya naging tuod nang marinig ang mapang-akit na bulong sa kanya ni Riki.
“I like that, bite me more later, baby.” bulong nito bago ito lumiko papuntang studio. Parang pinagpawisan siya ng husto dahil sa mga pinag-gagawa nilang dalawa!
Nagwawala ang dib-dib niya at gano'n din ang kalamnan niya. Kapag talaga kasama niya si Riki para siyang mawawalan ng hangin at gusto nalang niyang maging kaakibat ang oxygen.
Pagkapasok niya sa opisina bumungad din sa kanya si Jelain na kasalukuyang naka-upo sa sofa at parang siya lang talaga ang inaabangan na pumasok.
Nilapag niya sa center table ang bag niya bago umupo sa kaharap ng kina-uupan ni Jelain. She crossed her legs then stared at her nails.
“What's that?” untag sa kanya ni Jelain. Nai-angat niya ang kanyang ulo at tuwid na tinignan ang kaibigan. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito.
“Feeling ko J, nakakahalata na si Riki.” amin niya.
“Paano mo nalaman?” ani nito bago inayos ang pagkaka-upo. Patay malisya siyang napalunok.
“Wala naman siyang sinasabi but the way he moves and stares at me parang ina-alam niya ang bawat deatlye sa mga galaw ko. Lalo na kahapon...”
Bumuntong hininga si Jelain.
Gano'n din naman kasi ang nararamdaman nitong kaibigan niya.
“Nakita mo kahapon?”
Tumango-tumango siya.
“Grabe siya kung makakatitig sa'kin kahapon. Hinuhuli niya talaga ang mga mata ko at kahit may maskara akong suot nakikita kong ini-examine niya talaga ako.” hindi makapaniwalang kuwento niya.
Napatango si Jelain bilang pagsang-ayon.
“Yeah, kaya nga inagapan ko na siya kahapon bago ka pa niya mahawakan.” napatingin bigla sa kanya si Jelain ng mapa-ubo siya ng wala sa oras.
Kung alam mo lang na hindi lang paghawak ang ginagawa niya sa'kin.
Natatawa siya sa kanyang isipan knowing the fact na siya si Justin Miranda kapag kasama niya si Riki lalo na kapag may mga kababalaghan silang ginagawa and she is the masked girl kapag may mga photo shoot silang ginagawa.
“How long do you intend to hide everything? Baka kapag pinatagal mo pa 'yan eh baka mag dulot pa ng hindi niyo pagkaintindihan.” napilig niya ang ulo patungo kay Jelain.
“What do you mean, Jelain Lee?”
Napatawa si Jelain dahil sa tanong niya.
“I know what's happening between you two, Just. Hindi mo 'yan maiitago sa'kin dahil papunta ka palang, pabalik na'ko, dzai.” nakataas ang isang kilay na pagkakasabi nito sa kanya.
She can't blame herself kung magaling manghuli ng nararamdaman si Jelain dahil alam niya simula no'ng nasa US siya ito na ang naging kaibigan niya, sandalan, at kaagapay sa araw-araw.
Napahinga siya ng malalim bago yumuko. Parang problemado siya ngayon.
“Do you love him? Again?” diretsong tanong nito sa kanya.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Alam niya ang sagot pero hindi pa kayang bumuka ng kanyang bibig. Marami pa siyang lihim na tinatago kay Riki. Naguguluhan siya at nagiging kumplikado lahat ng nagiging sitwasyon dahil sa nararamdaman niya.
Oo, alam niyang mahal niya si Riki pero ang tanong, mahal ba siya?
Pero damn, their bodies are always pressing against each other. They seem to be in a relationship with what they want especially when they are in bed. Hindi 'yon basta fling lang kung tawagin dahil base sa mga binibitawang galaw at salita ni Riki alam niyang iba 'yon. Ibang-iba.
“I don't know.” saad niya matapos niyang huminga ng malalim.
“Okay.” umangat ang magkabilang balikat ni Jelain. Tumayo na ito bilang pagtapos ng kanilang usapan.
“By the way, Mr. Rikuto is expecting your email.” habol na sabi nito bago tuluyan nang lumabas ng kanyang opisina.
Feeling niya ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam. Parang bigla siyang nawalan ng gana na kahit ang marinig ng pangalan ng isang tao na ini-idolo niya ay hindi niya magawang ngumiti.
Her feelings were not valid about what was happening to her right now. Gustong-gusto niyang umamin pero paano? Nahihirapan siya kung saan magsisimula! Nagi-guilty na siya sa mga kasinungalingan niya. But those lies she has now is considering it in a white lies. Mababaw lang naman 'yon kaya kayang-kaya niyang lusutan kung tutuusin. Siya lang naman ang nag papakahirap sa kanyang sarili.
Pagkalipas ng ilang oras na pananatili niya sa kanyang opisina naka-buo siya ng isang design na kakaiba sa kanyang mga mata.
Napangiti siya bago kinagat ang ibabang labi dahil sa kilig na naramdaman.
Agad niyang ipinasa 'yon kay Jelain at kay Rhett. Ang dalawang taong malapit sa kanya ang unang makakahusga palagi ng mga disenyo niya.
Beautiful and unique, design of yours, babe. Agad na reply sa kanya ni Rhett.
Really? nakangiting reply niya.
Yeah. You're a master of your designs kaya dapat alam mo 'yan. Btw, where are you now?
Office.
Tipid niyang reply bago nilikom ang kanyang sketch book. Nilagay niya sa kanyang bag ang nabuong designs para pag-aralan kapag may time siya mamaya.
Nakalimutan mo yata na birthday ko ngayon. Tila may hinampo nitong reply sa kanya.
Alam naman niyang birthday ni Rhett kaso nawala lang talaga sa isip niya na batiin ito dahil ukupado ni Riki ang buong kaisipan niya.
I know that you're turning 32 now Rhett but you are always acting like you're 26. Pamimilosopo niya kahit alam naman niyang ganito na talaga ang ugali ng kaibigan niya.
Babe... Reply agad nito kaya napatawa siya ng bahagya. Nakikita niya kung paano ito nakanguso habang kunot na kunot ang noo.
Where are you? Puntahan kita para ma blow mo naman ang kandila na nakatayo sa gitna ng cake na bibilhin ko.
Damn, I don't need that fūcking cake, babe. Besides, I'm here on my mission. You can blow it for me instead.
Okay then. Natatawa niyang reply bago tuluyang lumabas ng kanyang office.
Hindi na nag reply si Rhett kaya itinago na niya ang cellphone sa kanyang bag.
Balak niyang puntahan si Riki sa studio kaso pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang maiistorbo niya lang ito.
Ang ending nag diretso siyang tumungo sa elevator at pinindot ang ground floor button. Aalis muna siya. Gusto niyang mag muni-muni at kung saan man siya dalhin ng manibela ng kanyang kotse ay doon siya mananahimik.