K- 30

1540 Words
Pag gising niya palang sinapo niya agad ang kanyang magkabilang sentido nang maramdaman ang sakit sa mgakabila nitong parte. Dahil sa alak at kalasingan kaya siya nakakaramdam ng pananakit. Mumukat-mukat siya habang inaalalayang maitayo ang sarili mula sa sahig. Nahulog na siya sa sahig dahil sa kalasingan kagabi. Hindi niya man lang na-appreciate ang malambot niyang higaan kung saan siya pinahiga kagabi ng kanyang mga kaibigan. “Ang dami-daming kuwarto pero dito pa ako sa sofa pinatulog!” anas niyang sabi nang maka-upo na. Tinignan niya ang bintana at nakita niyang babago pang lumiliwinag ang langit. Kahit madilim sa sala nagawa niya paring tumayo at lumakad patungo sa kusina nina Quinn. Alam niyang tulog pa ang mga ito pero dahil mukhang magnanakaw naman siya sa inaasta niya ngayon kaya paninindigan na niya. Nakayapak ang kanyang mga paa habang magulo ang kanyang buhok. Kung saan-saang parte humahawi ang mga hibla ng kanyang buhok. Para siyang tambay na walang sapat na tirahan kung makapagdahan-dahan ng paghalo ng kanyang ginawang kape. Hindi na niya binuhay ang ilaw sa kusina dahil naaaninaw na naman niya ang mga kasangkapan sa loob. May sa pusa yata ang singkit niyang mga mata. “Fūck!” mariing anas ni Quinn nang madatnan siyang naka-upo at walang ingay na sumisimsim ng kape. Wala siyang reaksyon at basta lang ito tinignan. “Kape na.” alok niya bago ulit sumimsim. Naisuklay ni Quinn ang mga daliri sa buhok nitong bagsak. Umiling-iling pagkatapos maproseso ang nadatnan. “Para kang kawatan! Nagkakape pero patay ang mga ilaw.” pilosopong sabi nito sa kanya sabay pindot ng switch. Napayuko siya ng biglang lumiwanag sa loob ng kusina. “Aga mo gumising ah.” untag ni Quinn nang matapos itong uninom ng tubig. Siya naman ay napatingin sa kanyang kapeng umuusok parin. “Balak mo na bang hanapin ang mahal mo?” dugtong ni Quinn dahilan para tignan niya ito na may pagtataka. Naningkit ang kanyang mga mata at parang inaabangan pa ang sunod na sasabihin nito sa kanya. Ngisi ang ibinigay na reaksyon sa kanya ni Quinn. Bigla siyang napa-isip kung ano ang nangyari kagabi. Wala siyang maisip kaya iritado niyang naisuklay ang mga daliri sa buhok niyang sumasalibuybuy sa kanyang mukha. “Gago, hindi mo naalala? Tsk.” parang dismayadong sabi ni Quinn nang umupo na ito sa harapan niya. Hinipan nito ng dalawang ihip ang kapeng umuusok bago sumimsim. “What do you mean?” takang tanong niya dito. Napamura pa siya sa kanyang isipan dahil sa isiping pinagdidiskitahan na naman siya nitong kaibigan niya. “Wala sa bokabularyo ko ang magkuwento sa mga tapos nang nangyari. Instead, think about what happened last night hanggang sa maging buang kana ulit.” sarkastikong sabi nito bago tumayo. Nasundan niya ng tingin si Quinn na naiiling-iling habang papalayo sa kina-uupuan niya. “Gago," anas niya. He and Quinn Rush are like a brother kaya sanay na sila sa isa't-isa kung mag pupukulan man sila ng mga malulutong na salita. Simula nang dumating siya sa Isla Verde si Quinn na ang naging unang kaibigan niya bago pa ito pumunta ng Europe. Si Quinn at Janessa ang mga naging pamilya niya doon dahil si Quinn ay apo ng umampon sa kanya at si Janessa naman ay inampon lamang din. Parehas sila ng nakaraan ni Janessa kaya hindi niya masisisi ang kanyang sarili kung bakit sa tuwing may problema siya sa mga Salem lang din ang takbuhan niya. Tamang alas singko nang umalis siya sa bahay nina Quinn. May usapan silang magkakaibigan na pupuntahan nila ang isa pa nilang kaibigan na si Nair Jeeve dahil mukhang isa parin itong buang dahil sa babae. Nabalitaan nila na hindi na daw umano ito naglalagi sa bar at parang gusto nang palubugin nalang lalo ang negosyo dahil sa pag-ibig. “Stk!” tiltik niya nang maisip ang problema ni Nair. Problemado siya habang nagmamaneho dahil nakukuha niya pang makiramay sa nararamdaman ng kanyang kaibigan gayong gano'n din naman ang kanyang problema. Napailing siya sabay ngisi dahil sa mga naiisip. Tamang tigil niya sa parking lot nang makitang tumatawag si Quinn. Kakahiwalay lang nila pero na-miss agad siya nito! Ano? Iritado niyang sagot. Naisip mo na? Parang nangungursunada nitong tanong. Nayamot siya kaya pinaningkitan niya ng kanyang mga mata ang cellphone niyang nakalapag lang sa upuan. Seriously? Tumawag ka para lamang tanungin ako ng ganyan? Bastard! Tawang-tawa si Quinn sa kabilang linya. Parang mauutas na ito sa kakatawa kaya akmang papatayin na niya sana ang tawag nito nang bigla naman itong nagsalita. Bilisan mo nandito na kami sa Ace Mall. Mando nito habang boses niya parin ang pagtawa. Agang-aga pero dinidemonyo na agad siya nito! Dahil do'n walang sabi niyang pinatay ang tawag nito at mabilis na bumaba na kanyang kotse. Salubong ang mga kilay at kunot ang niya nang makapasok siya sa lobby. Pero kahit na gano'n ang awra niya nagawa niya paring tanguan ang security guard na palaging bumabati sa kanya. “Pangkape," aniya sabay abot nang pera sa guwardiya. “Salamat, Sir.” ngiting-ngiti na pagkakasabi no'ng guard nang maabot nito ang pera na galing sa kanya at sinaluduhan niya ito sabay pasok sa elevator. He is blessed, and with the blessing he has, he does not hold grudges against others. Kung ano mang ugali na hindi maganda sa kanya kabaliktaran naman ang pagiging mabait niya. He is a red flag man but he can be a green flag too. 'Yan ang purpose ng pagkatao niya. Pinagkaitan siya ng buo at masayang pamilya kaya hanggat puwedi, magbibigay siya ng kabutihan sa iba na hindi niya magawa-gawa sa mga magulang niya. Pansamantala niyang nakalimutan ang problema kay Justin. Hindi niya rin naiisip na isipin kung ano nangyari kagabi na siyang palaging bukambibig ni Quinn. He quickly showered and dressed. Nag suot lang siya pantalon na loose sa kanya bago T-shirt lang na puti ang pang-itaas niya at pinatungan niya ng black hoodie na siyang palagi niyang sinusuot. Binunot niya ang cellphone niyang chinarge bago umalis na ulit pero--mabilis siyang natigilan nang maalalang nakalimutan niyang isuot ang rolex niyang relo na palagi niyang suot. 'Yon nalang ang meron siya at importante 'yon sa kanya. “Baka naman maikumpas mo sa'kin kung nasaan siya.” paki-usap niya sa relo. Natatawa pa siya dahil nagmumukha na naman siyang gagó dahil sa mga pinag-gagawa niya. Malapit lang sa condo niya ang Ace Mall kaya mabilis siyang nakarating sa tagpuan nilang magkakaibigan. Ace Mall is a well-known Mall in the metro. Si Jaxxon Kade ang may-ari nang Mall kaya masuwerte sila palagi kapag sa mga branches sila ng JMI at Ace Mall napapagawi. Discounted sila palagi. Konektado narin siya kahit sampid lang siya sa grupo ng mga ito. “Lover boy...” kantyaw na bati sa kanya ni Kelton nang makapasok palang siya sa opisina ni Jaxxon. Naningkit ang kanyang mga mata at basta lang nakipag-fist bump sa kamao nitong naka-abang. Nadatnan niya do'n si Jersey na may sariling mundo habang nakatutok sa cellphone ang atensyon. Si Quinn naman ay sa labas nalang mag-aabang dahil sinamahan pa si Janessa na mamili ng mga gamit. “Let's go." yakag ni Jaxxon sa kanilang lahat. Kaka-upo niya palang pero hindi pa umiinit ang kanyang puwet eh tatayo na agad siya. “Seryoso?” maangas niyang tanong kay Jaxxon na kasalukuyan nang nakatayo sa harapan ng pintuang nakabukas. Umangat lang ang isang kilay nito bilang sagot. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at bumuntong hininga. Kinukursunada talaga siya ng mga ito kagabi pa. Pasalamat nalang din sila dahil mabait pa siya. Ayaw niyang dagdagan ang pino-problema niya. Sa second floor sila nagkita-kita. Si Quinn kasama parin si Janessa. Siya ay basta lang nakabuntot kina Jaxxon at Jersey. Si Kelton naman ay tamang naka-akbay lang sa kanya. Sinipat niya ang oras sa relo niyang suot at nakita niyang alas diyes palang ng umaga. Nai-angat niya ang kanyang paningin nang basta huminto si Kelton. Tinignan niya ito at sinundan ang paningin hanggang sa dumapo ang paningin niya sa isang coffe shop. Nahagip agad ng mga mata niya si Justin! Para siyang nakahinga ng maluwag pero bigla ding bumalik ang init ng kanyang bait nang makita na may kasuap itong lalaki! Awtimatikong nangunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Nikuyom niya rin ang kanyang mga kamay habang pinapatay sa tingin ang lalaking kausap ni Justin. Tangina lang kasi buong isang linggo siyang problemado sa kakahanap sa babaeng hindi niya alam kung ano ang score nila sa isa't-isa tapos makikita niya lang na may kausap itong iba matapos lahat ng kagaguhang naramdaman niya! “Ano, upakan na natin?” biglang hingi ng permiso sa kanya ni Kelton. Hindi siya sumagot at basta nalang inalis ang kamay ni Kelton na naka-akbay sa kanya. Hahakbang na sana siya para pumasok sa loob ng coffee shop nang maramdaman na may pumigil sa kanyang suot na hoodie. Iritadong tumigil siya bago binalingan ng nakakamatay na tingin si--Janessa... Tumaas ang isang kilay nito habang sinasalubong ang masakit niyang tinginan. Hindi niya inaasahan na ito pala ang pipigil sa kanya kaya awtomatikong bumalik sa dating guhit ang mga kilay niya. “Subukan mong pumasok do'n ako mismo ang sasabunot sa'yo, Nishimura.” banta nito sa kanya dahilan para magmura siya sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD