“Pinaka-ayaw ko sa lahat ay yo'ng nag lalasing ka. Hindi mo nako-kontrol ang sarili mo kapag nakaka-inom ka.” mariing paninermon sa kanya ni Riki habang nasa byahe sila.
She didn't even know where they were going.
Napalunok siya ng lihim habang tinatansya ang gagawin niyang pangangatwiran.
Hindi pa siya naka-recover dahil sa ginawa nito sa kanya tapos ngayon hindi niya pa alam kung saan siya nito dadalhin.
“Konte lang naman yo'ng ininom ko at saka—”
“Kilala kita, Tin.” putol nito saka siya tinignan. Hindi masakit at hindi rin nakakamatay. May halong pagnanasa kumbaga lalo nang basta siya mapangisi at naging dahilan ng pagkagat niya ng kanyang ibabang labi.
“Ikaw naman kasi ang dahilan kung bakit ako nalasing agad eh!” asik niya. Medyo nakakaramdam pa siya ng pagkahilo. Nasa katawan niya parin ang natitirang kalasingan kaya hindi niya makontrol ang mga sinasabi na hindi naman talaga niya intensyon na sabihin.
“At bakit ako? Kanina pa kita lihim na tinitignan sa club at kitang-kita ko na parang may iba kang hinahanap!” iritadong bulgar ni Riki habang nag mamaneho. Bakas sa boses nito ang yamot at kung hindi siya nagkakamali may kasamang selos din. Pero bakit? Eh hindi naman sila okay! Ni label ay wala din kaya bakit niya naiisip ang gano'n? Hibang na talaga siya.
Bigla siyang natawa sa isipin na ito naman talaga ang hinahanap niya! Gago lang din itong hapon na kasama niya dahil mahina ang radar!
“Why? Are you expecting that you are the one I am looking for, huh?” panghuhuli niya kay Riki.
Nakita niya kung paano umigting ang pagkakahawak nito sa manibela. Natatawa siya sa kanyang isipan knowing that Riki is jealous.
“So may iba nga?” may diin nitong tanong nang bast nito walang sabi na itinigil ang kotse. Nahigit niya pa bigla ang kanyang hininga nang muntikan na siyang mapa-ubob sa harapan pero dahil alerto si Riki kaya napigilan siya nito!
Naningkit pa ang kanyang mga nang mapagtantong napadikit ang kanyang dib-dib sa braso ni Riki na nakaharang sa kanyang harapan!
“Papatayin mo ba ako ng maaga?” galit niyang usal nang mabilis na inayos ang sarili. Inilibot niya rin ang paningin sa labas. Pamilyar ang lugar pero hindi ito ang condo niya.
“Kapag sinabi mong may hinahanap ka ngang iba doon sa club talagang mapapatay kita, Tin—”
Bigla niyang hinampas si Riki pero kinorner siya nito! Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Unti-unting nilalapit nito ang mukha sa kanyang tenga na ikinatayo naman ng kanyang mga balahibo dahil sa kiliting nararamdaman dahil sa mainit at amoy alak nitong hininga.
“Pero sa sarap kita papatayin,” makahulugang bulong nito sa kanya dahilan para makagat niya ng patago ang kanyang ibabang labi. Pinamilogan niya ito ng mga mata pero nginisihan lang siya ni Riki.
Sa seat belt niya ito nakahawak at nasundan niya ito ng tingin habang kinakalas nito ang lock.
“B-bakit dito? H-hindi ko naman 'to condo ah!” nauutal niyang tanong nang matapos matanggal ang seatbelt niya.
Hindi siya sinagot ni Riki bagkus lumabas na ito ng kotse at mabilis na umikot papunta sa direksyon niya.
Binuksan nito ang pintuan bago nilahad ang kamay.
Ayaw niya pa sanang tanggapin ang kamay nito kaso ayaw niya naman makipagtigasan lalo na at wala naman siyang kadala-dala kahit cellphone. No choice siya kundi ang sumunod sa lalaking dumukot sa kanya.
“Gusto lang kita makasama sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko, 'yon kung pagbibigyan mo ako sa hiling na 'yon.” nakangising saad nito nang makababa na siya ng sasakyan.
Nangunot ang noo niya at agad na inisip ang birthday nito.
Hindi naman dahil kahit ilang dekada pa ang lilipas hinding-hindi niya makakalimutan ang birthday nito. Kahit nga yata magka-Alzheimer pa siya eh maaalala niya parin 'yon.
“Bakit anong meron?” kuryuso niyang tanong habang papasok sila ng lobby ng unit nito. Hindi siya sinagot nito dahil nakita niya kung paano nangungunot ang noo nito sa mga lalaking tumitingin sa kanya.
She looks so elegant to her simple dress kaya napapa-stop and stare sa kanya ang mga lalaking nakakasalubong nila sa daan.
Sanay na siya pero ang kasama niya mukhang hindi!
Walang sabi siya nitong nilagyan ng jacket na suot ni Riki. Bigla siyang uminit at parang namula pa ang kanyang magkabilang pisngi!
“Sa susunod don't wear like that. Masyadong revealing yang balikat mo. Baka madukit ko lang ang mga mata ng mga hayop na 'yon!” mariing anas ni Riki sa mga lalaking tumingin sa kanya kanina.
“Kahit kailan pasmado talaga yang bibig mo.” mahina niyang paninermon kay Riki. Bulong lang ang ginawa niya dahil ayaw niyang mahalata ng mga nakatingin sa kanila. Baka isipin na nag-aangilan sila. Mukhang kilalang-kilala pa naman si Riki dahil batiing-batiin ng mga guwardiya.
Bago paman sila makalampas sa lobby walang sabi na inabot ni Riki ang kamay niya dahilan para mai-hugpong sa malambot at mainit na kamay nito.
She stopped and looked at Riki, but he was still comfortable walking while she seemed to be tickled inside, even though she was confused.
Huli narin nang marinig niya kung paano kinilig ang dalawang babae na lobby attendant.
Humigpit ang kamay nito lalo na nang papasok na sila ng elevator at maraming lalaki ang nakatingin sa kanila.
Iba ang pakiramdam niya ngayon. Nawala ang natitirang kalasingan sa katawan niya. Awtomatikong naging okay ang pakiramdam niya dahil sa mga seryosong ginagawa sa kanya ngayon ni Riki.
Mas lalo siya nitong hinapit palapit sa katawan nito. Nakabakod sa kanyang bewang ang isang braso nito habang ang isang kamay ay nakahawak parin sa kamay niya. Nasa likuran niya si Riki kung kaya't amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na dumadampi sa tagiliran ng mukha niya.
In that way she feels secured. The authority in his arms makes her more tickled inside. Nahihiwagahan siya sa likod ng kaguluhan sa isipan niya. Kinikilig siya kahit alam niyang mali at baka false alarm lang ang lahat ng ginagawa nito sa kanya.
Hanggang sa makapasok sila sa unit nito ay magkahugpong parin ang mga kamay nila.
Hindi niya magawang magsalita o tanggalin man lang ang kamay nito dahil sa totoo lang nagugustuhan niya rin.
She badly missed those hands. The kind of treatment that Riki did to her now is what she misses most of all. Parang gusto niya huwag nang matapos ang gabi at kung panaginip man ay sana huwag muna siyang magising.
Sa bandang terrace bumungad sa kanya ang isang table na puno ng mga pagkain at wine. May plate for two at gano'n din ang wine glass.
It's sound romantic for her at hindi niya ini-expect na may gano'n! Akala niya mag-aangilan sila pagdating niya sa unit nito but she was wrong!
Lihim pa siyang napangiti lalo na nang sinindihan pa ni Riki ang ilang kandila na nakatirik sa gitna ng dinner table.
“S-salamat pero anong meron at bakit may pa ganito ka?” nakukuryuso talaga siya kaya hindi niya mapigilang magtanong!
Matapos siyang alalayan na maka-upo inilang hakbang lang ni Riki ang kaharap na upuan.
“Pa-dispedida ko lang sa aking sarili.” nakangisi nitong sabi nang lagyan nito ng wine ang wine glass niya.
“Bakit?” takang tanong niya ulit.
Hindi niya naman kasi alam kung bakit.
Nilagok nito ang wine bago siya sinagot.
“Nag resign na kasi ako as a sea captain.” mayabang na bulgar ni Riki habang ngiting-ngiti sa kanya. Halos mawala na ang mga mata nito dahil sa kasingkitan!
Siya naman ay basta nalang din napatawa dahil sa narinig. Sinong tanga naman kasi ang magdadaos ng gano'ng selebrasyon lalo na kung kapitan pa ng barko ang pinakawalan at hindi man lang pinanghinayangan!
“Are you kidding me?” bulalas niyang saad habang natatawa pa rin. Si Riki naman ay seryoso lang ang mukha.
“I'm not joking. Matagal-tagal narin akong pumapalaot at sawa na ako sa dagat kaya naisipan kong mag-resign na.” seryosong sabi nito.
Hindi siya makapaniwala at talagang hindi pa nga rin nawawala sa katawan ni Riki ang gano'ng ugali. Kapag ayaw na ayaw na talaga.
At totoo nga na seaman talaga ito. Seaman--loloko!
“So it means sawa ka narin sa pagiging manloloko?” nakangisi niyang tanong kay Riki. Mukhang sira din ang preno ng kanyang bibig kaya no'ng makita niya ang pangungunot ng noo ni Riki na-inom niya ng sunod-sunod ang wine na nasa wine glass niya.
Nag-init agad ang magkabila niyang pisngi at alam niyang tumalab agad sa katawan niya ang alcohol.
Riki chuckled while staring at her quietly.
Nasapo niya ang kanyang magkabilang sentido dahil sa pagkahilo na nararamdaman. She is drunk again!
“Okay lang na malasing ka lalo na't ako naman ang kasama mo, Love.” narinig niyang sabi ni Riki pero hindi niya narinig ang panghuling sinambit nito dahil mas angat ang tunog ng patak ng wine sa baso niya nang salinan ulit 'yon ni Riki.