“Tin pasuyo naman ako nang isang ballpen. Salamat.” nautusan agad siya ni Jelain kahit kaka-upo niya palang.
Wala sa sariling inabot naman niya ang pina-aabot nito pero hindi niya nakikita kung anong meron sa reaksyon ni Jelain dahil nakaharap nga siya sa kanyang laptop pero nakasambakol naman ang mukha niya.
“Ballpen kaya 'to?” tanong ni Jelain sa sarili kung kaya bigla siyang naging kuryuso. Tinignan niya ang hawak-hawak nito at doon na realised niyang marker pala ang inabot niya.
Patay malisya siyang ngumiti bago mabilis na nilingon ang lamesa na nasa likuran niya. Inabot niya ang ballpen saka pa ibinigay kay Jelain.
“Alam mo isang linggo ko nang napapansin ang pagiging lutang mo. Hanggang kailan mo balak maging ganyan?” naitigil niya ang ginagawa. Sinara niya ang laptop bago pa hinarap ang kaibigan.
“Nagkamali lang naman ako sa pagdampot, huy!” asik niya bago pa ito inirapan.
“Hindi kalang talaga ngayon nagkamali l, Tin.” dugtong pa ni Jelain.
“What do you mean?” naniningkit ang mga mata na saad niya.
“Kahapon naka-ilang beses akong tawag sa'yo para sana ipakita sa'yo ang mga soft copy ng shoot but you are ignoring me, instead, inabot mo sa'kin ang ruler eh hindi ko naman 'yon pinapakuha sa'yo.” paliwanag ni Jelain. Naghalukipkip siya at pilit na ina-alala ang nangyari kahapon pero bigo siya dahil hindi man lang sumagi sa kanyang isipan.
“Pwedi namang humingi ng sorry diba? I'm just a human, nagkakamali din dahil madaming iniisip—”
“Iniisip na ano aber? O baka naman si Ri—”
“Shut up, Jelain!” saway niya bago umiwas ng tingin.
Narinig niyang tumawa ito kaya kunot ang noo nang muli niyang balingan ito ng tingin.
“Si Rikuto N naman kasi ang gusto kong sabihin.” natatawang sabi ni Jelain.
Naniningkit parin ang mga mata niya dahil alam niyang pinagdidiskitahan siya ngayon ng kanyang kaibigan.
“Ewan ko sa'yo.” aniya bago ulit tinuunan ng pansin ang kanyang laptop na nakasarado. Binuksan niya ulit ito at tulala sa isang litrato na hindi niya pala na cancel.
It's Riki some shots. Ito yo'ng mga pictures na sinend sa kanya noon ni Jelain bilang proof na magaling talaga na photographer si Riki.
She knows dahil base palang sa mga iba't-ibang anggulo at filter na ginagamit nito mahahalata na niyang magaling ito. Lalo na no'ng makita niya ang isang picture kung saan parang awtomatikong bumalik siya sa nakaraan kung saan niregalo niya pa 'yon kay Riki.
May isang linggo ding laman 'yon ng kanyang isip at nagiging dahilan ng pagkatulala niya at pagiging lutang.
Ayaw niyang i-gaslight ang sarili pero paano kung...na kay Riki pa nga rin talaga ang relong iyon. And what if...totoo talaga ang mga sinabi nito sa kanya no'ng nag kumprontahan sila.
Naguguluhan siya. Natutulero at nawewendang at higit sa lahat nagtataka siya dahil hindi pumapasok si Riki ng higit isang linggo na.
Sa dahilang iyon kaya parang pakiramdam niya wala siyang kagana-gana sa tuwing pumapasok siya. Madami siyang gagawin pero hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang mga nag-aabang sa kanyang gawain dahil ukupado ni Riki ang buong kasipan niya.
“So what's our plan tonight? Successful ang presentation natin kanina kaya deserve natin mag celebrate, Miss Madame.” untag sa kanya ni Jelain sa lumalakbay niyang kaisipan. Mabuti nalang din at narinig niya rin agad ang sinabi nito kaya tumango-tumango siya bilang sagot.
“Let's go.” yakag niya rin kaagad kaya halos lahat ng mga empleyado niya ay napatingin sa kanya.
Parang nabigla din sa madali niyang pag-oo. Kahit si Jelain ay walang pinag-iba ang reaksyon.
Pilya siyang napangisi habang naglalakad palabas ng kanyang opisina.
Feeling niya hinahanap din ng ng tenga niya ang magulo at maingay na club kaya napa-oo din siya kahit hindi pa pinag-iisipan.
She is a kind boss and, most of all, easy to get along with, especially if she knows that her employees deserve that treatment.
Pagkarating nila sa club kung saan palagi silang nagdadaos ng kanilang achievements, siya palang ang nauna. Si Jelain ay hindi na nagawang sumabay sa kanya dahil kanina may nakalimutan pa ito.
Hindi paman siya nakakababa eh sunod-sunod nang nagsisidatingan ang mga taohan niya. Halos hindi na ma ampat ang ngisi at tuwa sa mga mukha ng mga ito at parang halatadong sabik na sabik sa alak.
Kasabay niya si Jelain nang pumasok sila ng club. All people know her kaya kahit hindi niya kilala ay nginingitian niya parin dahil bilang sagot sa bati ng mga ito. She is welcoming inside the club without knowing that there is someone behind na titig na titig lamang sa kanya.
Nasa madilim na bahagi ito naka-upo kung kaya't hindi niya rin nakikita pero nararamdaman niya. Ganyan kalakas ang instinct niya kahit noon paman.
They ordered their usual drinks. Pinagsawalang bahala niya ang nararamdamang kakaiba.
Pabilog ang pagkaka-upo nila at nasa gitna siya na para bang kino-korner siya ng mga taohan niya na parang ayaw siyang palapitan at parang ipinagmamadamot siya nito sa iba.
Natatawa nalang siya ng wala sa oras dahil sa puwesto nila. Katabi niya naman sa kabilang gilid niya si Jelain pero isa parin ito kung makabakod sa kanya ay wagas.
While she took her drink napasagi ang paningin niya kabilang lamesa kung saan pamilyar sa kanya ang mga lalaking nakikita niya. And if she is not mistaken mga barkada ni Riki ang nakikita niya.
Bigla siyang nabuhayan kahit nakaka-isang shot palang siya ng champagne.
Hindi siya mapakali at parang gusto niyang puntahan ang grupo ni Riki kaso wala siyang lakas ng loob na gawin 'yon kaya para maka-ipon ng lakas sunod-sunod siyang uminom ng wine.
May pagtataka siyang tinignan ni Jelain.
“Huy, okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya habang nilalayo ang ilang bote ng beer na nasa harapan niya. Inilayo din nito ang bote ng champagne na halos mangalahati na dahil sa ginawa niyang pag tungga ng sunod-sunod.
Bigla siyang nahilo kaya ipinikit niya sandali ang mga mata pero lalo lang pala siyang mahihilo kaya hinanapan niya ng magandang tayo ang kanyang sarili kahit nakapikit.
Naririnig niyang natatawa si Jelain pero hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil kahit anong oras ay pwedi siyang mag suka.
Her alcohol tolerance is low kaya mabilis siyang talaban.
“Don't make the mistake of throwing up here Justin, sinasabi ko sa'yo, ikaw maglilinis kapag nagkataon na masukahan mo ako!” mariing banta sa kanya ni Jelain nang sapuhin niya basta ang bibig niya.
Nahihilo siya at kailangan niyang makapunta ng cr para mailabas ang gustong kumawala kaya kahit nakapikit lakas loob siyang tumayo na agad naman siyang inalalayan ni Jelain at nang isa pa niyang empleyado.
“Susuka ako!” tuwid niyang sabi nang makatayo.
“Okay! Wait..you have to stop first okay?” bilin nito sa kanya habang naglalakad na silang tatlo papunta sa cr.
Pa gewang-gewang siya habang natatawa sa hindi malamang dahilan. Siguro nga dahil lasing na siya kaya kung ano-ano nalang ang naiisip.
“Huwag niyo akong hintayin. I was able to walk back to our place.” nakapikit niyang imporma nang makarating na sila sa loob ng cr. He threw up everything he drank pati ang mga kinain niya kanina. Nag hilamos siya.
“I'm okay, J, you can go, na.” imporma niya ulit. Gusto pa sana tumutol ni Jelain pero itinulak na niya ito palabas ng banyo.
The truth is she's not totally okay. Pero dahil may balak siya kaya kailangan niyang panindigan ang sarili.
Nakadalawa siyang ulit ng pagsuka at sa puntong iyon awtomatikong umayos ang pakiramdam niya lalo na nang maka-ihi siya. Nahihilo parin naman siya pero hindi na katulad kanina.
Imayos niya ang kanyang sarili. Sinuklay-suklay niya ang kanyang buhok gamit ang kayang mga daliri. Sinuri niya ang kabuuan niya and she still looks good and not like a wasted. She winked in the mirror na parang luka-luka bago pa naisipang lumabas.
Pagkabukas niya ng pintuan hindi niya inaasahang makikita niya ang isang bulto ng lalaki. Parang awtomatikong nanlamig siya. Nai-urong niya pabalik sa loob ng cr ang isa niyang paa kaso huli na nang gawin niya ulit ng basta siya kabigin ng lalaki bago mahigpit na inilagay sa bibig niya ang malapad nitong palad to shut her mouth.