Nang matapos silang kumain katahimikan ang namutawi sa pagitan nila ni Riki. They silently sit while looking at the city lights in amazement. Magkatabi sila pero ni isa ay walang naglalakas ng loob na gumalaw o magsalita. Basta, parang hinahayaan nila na busugin lalo ang mga mata dahil sa ganda ng mga ilaw na kumukutitap sa kalayuan.
Like minutes earlier habang kumakain sila ay wala ding nagsasalita. Binubusog lang din nila ang sarili nila sa mga masasarap na kinakain nila. There was something so strange about the two of them now that even she couldn't believe it. Hindi sila nag aangilan. Hindi nagtataasan ng boses at mas lalong hindi nag-aaway. It seems to be the same as before. They are happy and...
Biglang may pumutok na fireworks sa kalangitan at namangha siya bigla! Napatayo pa siya dahil sa talambuhay niya palagi siyang na-amazed sa mga gano'ng bagay.
Si Riki naman ay nanatiling naka-upo at nakahalukipkip. Titig na titig sa kamanghaan niya.
Will you marry me?
Nabasa niya ang nakasulat sa langit sa pamamagitan ng makulay na fireworks.
Napatutop siya sa kanyang bibig at kasabay no'n ang pagtingin niya kay Riki. She is amazed by the confusion. Si Riki ay walang makikitang reaksyon sa hitsura nito samantalang siya ay halos uulwa na sa ribcage ang puso niya dahil sa lakas ng tíbok. Is she misunderstanding the situation? Or she is expecting that the words written above are just for her!
“Gusto mo rin ng gano'n?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Riki.
Para bigla siyang napahiya kung kaya't hinila niya palayo kay Riki ang upuan na inuupan kanina.
Maganda lang talaga siya pero sobra-sobra talaga siya sa ekspektasyon.
“Pero saka na kapag naging tayo na. Saka na kapag mahal na mahal mo na ulit ako. At mas lalong saka na kapag handa na ako na pakasalan ka.” dugtong ni Riki nang ilapit nito ang upuan palapit sa kanyang puwesto.
“Asa ka.” mataray niyang sambit nang maka-recover na ulit.
Siguro nga naparami na ulit ang nainom niya ng wine kanina dahilan para ma-excite siya ng gano'n ka lala. She is expecting without any hesitation.
Ano ba kasi ang pumasok sa kaisipan niya at napagkamalan niyang si Riki ang may pakana niyon! Eh kahit label nga wala pa sila. Mabuti pa itong alak na kaharap nila meron!
Mabuti na nga lang talaga at parang hindi 'yon napansin ni Riki. Pero kahit na! Napamulahan pa siya ng todo dahil sa reaksyon niya.
“Kamusta ka?” out of nowhere bigla siyang tinanong ni Riki.
Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung alin ang kinakamusta nito. Yo'ng nangyari ba kani-kanina lang o yo'ng mga nakaraan niya.
“What do you mean?” tugon niya ng deritso. Ayaw na niyang mapahiya kaya sisiguraduhin na muna niya ang lahat.
Huminga ng malalim si Riki. Napasagi sa direksyon niya ang mabango nitong hininga.
“I mean how have you been in recent years. Saan ka nagpunta. Sino ang pinuntahan mo. Paano ka naging ganito ngayon. How and why?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
She knows.
May mga hesitasyon sa kalooban niya. Huminga siya ng malalim. Sa paglabas niya mahabang hangin doon parang nagkalakas siya ng loob. Siguro nga it's time for them to let go of the past. Maybe it's time for them to talk about what happened in their past. And it looks like that Riki is just a part of her that she cannot let it go.
“Hindi ka ba naniniwala na sumama ako sa matandang mayaman na lalaki?” aniya sa nanghuhuli na boses. Parang napatawa pa siya but Riki is seriously staring at her.
Napayuko ito bago ngumisi ng madali.
“Kung nakita ko maniniwala ako pero haka-haka lang naman kaya 50/50.” sagot ni Riki na ikinatawa niya ng mahina.
“What if sabihin kong totoo. Paniniwalaan mo na?”
“Hindi pa rin siguro. Alam kong nagyayabang ka lang.” panghuhuling sagot nito na ikina-iling niya nalang.
“Seryoso ako Tin.” saad ni Riki nang abangan nito ang paningin niya. Nagtama ang mga mata nila and that time parang may kung anong emosyon siyang nakikita sa mga mata ni Riki. It's a kind of emotion na kahit hindi nito sabihin ay alam niyang marami itong kinikimkim na mga katanungan.
Napaiwas siya ng tingin at sa pag-iwas niya doon nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
“Anong nangyari sa atin noon? We don't have a proper breakup and closure.” mahinang tanong ni Riki.
Nag-isang guhit ang bibig niya. It's time at ready na siya. Step by step matatanong niya rin ang mga katanungang taon naring rumirenta sa kaisipan niya.
“To be honest, sobrang nasaktan ako no'ng gabi na nadatnan ko kayo ni Andra sa kuwarto mo. Tinawagan kita no'ng gabing yo'n dahil balak kong pumunta sa kabilang bayan para puntahan ang Lolo ko pero hindi mo naman sinabi na gano'n pala ang ginagawa mo...ninyo.” kalmado niyang sabi sa likod ng nangnginig niyang mga labi. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na hindi mapapiyok o tumulo ang namumuong luha sa mga mata.
“Walang nangyari sa amin ni Andra, Tin. No'ng tumawag ka totoo ang sinabi ko na may ginagawa ako pero hindi ang gano'n. Wala pa doon si Andra no'ng naliligo ako. Balak ko ring tawagan ka that night pero naunahan mo lang ako. Lasing na lasing si Andra nang pumunta sa bahay. Halos hindi na niya kilala ang kanyang sarili no'ng gabing 'yon at halos gahasain na niya ako dahil sa kalasingan at huli ko nalang nalaman na naka-drugs pala siya. Walang nangyari sa amin, Tin at kahit kailan hindi ko magagawang pagtaksilan ka. I'm so in love with you back then to the point na kaya kong gawin ang lahat-lahat but I failed dahil kinalaban ako ng trabaho ko. Aminado akong nawalan ako ng oras sa'yo and I'm very sorry. I'm sorry for letting you go dahil hindi ko talaga alam kung saan ka hahagilapin that time.” mahaba at madamdaming kuwento ni Riki.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya pero isa lang ang nasa-isip niya. She knows that Riki is telling the truth. Alam niya 'yon hindi dahil alam niya lang kundi dahil nararamdaman niya.
Mahigpit niyang hinugpong ang kanyang mga kamay. Parang nilalamig siya sa mga narinig niyang dahilan ni Riki.
“Pero naging body guard ka parin niya ng matagal na panahon.” aniya. Hindi 'yon masasabing tanong at hindi rin sagot.
“Oo dahil kailangan. Kailangan ko ng pera para makapagtapos ako ng pag-aaral. At staka....” napatigil si Riki dahilan para tignan niya ito ng may pagtataka. Nakita niya kung paano ito napayuko at kasabay no'n ay isa-isang nagsisilaglagan ang mahaba at bagkas nitong mga buhok. Natakpan ang maliit nitong mukha. Sumasabay sa sunod ang mga buhok nito nang umiling-iling ito ng sunod-sunod.
“Why?” atat niyang tanong.
“Tinakot nila ako kaya nanatili ako pero sa pagtagal ko do'n hindi rin naging maganda ang resulta dahil pinagbintangan nila ako na nagnakaw.” walang hisitasyong bulgar ni Riki na naging dahilan ng pagkagulat niya. Awtomatiko niyang naituptop ang isang palad sa bibig niyang naka-awang.
“Nakulong ka?”
Inangat ni Riki ang ulo nito at sinalubong siya ng nakangisi nitong hitsura.
“Hindi dahil tumakas ako. Wala akong kasalanan kaya bakit ako papayag na ikulong?”
“Pero mali, 'yon!” gigil niyang tugon. Ang gusto niyang mali na basta nalang tumakas. Dapat dinipensahan nito ang sarili.
“Mas mali kung hinayaan kong ipakulong nila ako. Baka nga hanggang ngayon ay nasa kulungan parin ako. Edi sana mas lalong wala nang pag-asa na makita at maka-usap kita ngayon.” nakangisi nitong sabi sa panghuling salita.
Napa-isip siya at sa huli natukoy niya rin ang sagot.
Ma-impluwensyang tao ang Ama ni Andra kaya may posibilidad ang mga sinabi ni Riki.
“After no'n saan ka nagpunta?” kuryuso niyang tanong.
Nanatiling nakasandal ang likuran ni Riki sa upuan habang tuwid na nakatingin sa malayo. Binasa nito ibabang labi dahilan para mapalunok siya ng lihim.
“Sa isang Isla sa Batangas ako napadpad.” natatawang sabi nito. Parang hindi parin makapaniwala sa ginawang pagtakas noon.
“Hmmm. I think naging maayos ka naman doon?” panghuhula niya.
Tumango-tumango si Riki. Napanguso at pagkatapos no'n saka pa siya tinignan.
“Hindi ko alam na sa likod ng masaklap kong nakaraan may naghihintay pala sa akin na maganda. I mean, inampon ako ng isang mayaman doon sa Isla. Siya ang may-ari ng buong Isla Verde. Binihisan niya ako. Pinag-aral hanggang sa matapos ko ang kursong marino na pangarap ko. Pero kahit na gano'n hindi ako umasa sa tulong ng umampon sa'kin. Habang nag-aaral ako namamangka ako, lahat ng kita ko sa matrikula ko napapapunta. Nag-aalaga ako ng mga hayop doon kasama si Janessa. Sabay kaming nakapagtapos baon ang hirap na pinagdaanan namin noon.” seryoso nitong kuwento na ikinamangha naman niya. Hindi niya sukat akalain na gano'n pala ang pinagdaanan nito. At mas lalong hindi niya alam na si Janessa ang nagbigay puwang sa blangko nitong nakaraan na dapat ay siya ang naroroon. They both made mistakes before but look now they both have a good life and have been educated.
“Nagustuhan mo noon si Janessa?” wala sa isip niyang tanong dahilan para tignan siya ng maagap ni Riki. Sa isip niya lang naman sana 'yon pero bakit bigla niyang naisambit? Sira talaga ang preno ng bibig niya!
“Ayaw kong mapatay ng boyfriend niya kaya ni minsan hindi ko nagawang gustuhin si Janessa. At saka... ikaw lang ang natatanging babae na pilit kong gugustuhin habang buhay—” hindi naituloy ni Riki ang huling sasabihin nito dahil hinalikan na niya agad ito! Dahil ss emosyong biglang umangat sa kanyang sistema kaya hinalikan niya agad ito at wala siyang paki-alam kung ano ang kakahantungan ng ginawa niya. At dala ng gulat kaya hindi agad nakagalaw si Riki. And it looks like that the veteran is restrained by the novice like her.