“V-virgin ka pa?” anito nito nang basta tanggalin sa gitna niya ang isang daliri nitong sinisimulan palang na ipasok.
Gulat at pagkabigla ang nakikita niya ngayon sa mukha ni Riki nang mapagtantong virgin pa nga talaga siya!
Hindi siya naka-imik at parang biglang siyang nanlamig kahit wala naman siyang kasalanan!
Lihim siyang napalunok bago tinalikuran ang nakatayong bulto ni Riki.
Nasa sofa lang sila nang doon siya ilanding nito dahil sa intimidasyon nilang ginawa. Handa naman sana siyang ibigay ang puri niya kung natuloy iyon dahil una sa lahat ay sa taong ito niya lang din naman ipinangako. Pero...hindi niya sukat akalain na darating sila sa puntong parang hindi nila kilala ang isa't-isa dahil sa mga nakaraan nila.
“Tangina, Justin! Muntikan na!” narinig niyang anas ulit nito. Kumakabog parin ang kanyang dib-dib dahil sa sensasyong nararamdaman kanina lamang pero parang iba na ngayon ang dahilan ng pagkabog nito.
At bakit parang takot na takot pa ito ngayon?
Matapang niyang hinarap ulit si Riki. Naka-upo parin ito at sapo-sapo ang mukha dahil sa nalaman.
“Minumura mo ako?" Matapang niyang akusa dito dahilan para tignan siya ni Riki.
“H-Hindi!”
“Pero narinig ko eh! Rinig na rinig ko at parang kasalanan ko pa dahil virgin pa ako!” gigil niyang sagot.
“Nagsinungaling ka,” biglang baba ng tono nito kaya parang naging kalmado din siya. Peke siyang napatawa bago sinuklay paitaas ang nagulong buhok niya.
“Diba gusto mo rin na matikman ak—”
“Naririndi ako sa tabil ng dila mo Tin, kaya 'wag na 'wag kang mangangahas ulit na ituloy yang sasabihin mo or else...”
“Or else what?" May diin niyang ulit pero hindi na nito magawang sagutin ang tanong niya dahil marahan siyang kinumutan ni Riki kahit naka-upo pa siya. Ni isang saplot niya ay walang kinalas si Riki. Parang ayaw nitong makita ang katawan niya kaya siguro kinumutan siya.
Bigla siyang nainis sa isiping iyon kaya tinanggal niya ang kumot na inilagay nito.
Nakita nito ang ginawa niya kung kaya't tahimik ulit itong kinuha ang kumot bago ikinumot ulit sa kanya pero nag matigas siya! Tinanggal niya ulit dahilan para maihilamos ni Riki ang dalawang palad sa mukha nito dahil sa pagtitimpi.
“Kapag inalis mo pa ulit 'to, sinisigurado kong hindi ka na makakalabas sa unit na'to. Ikukulong kita dito hanggang sa lumubo yang tiyan mo.” May diing banta nito sa kanya habang nilalagay ulit ang kumot sa taas ng mga hita niyang lumalantad.
Dahil sa mga bantang narinig parang naging awtomatikong umurong ang tapang niya. Nawala bigla ang mga inipon niyang lakas dahilan para mapabuntong hininga na lamang siya. Mabigat niyang isinandal ang kanyang likod sa back rest ng sofa habang tuwid na sinusundan ng tingin si Riki habang tahimik lamang na naka-upo sa kabilang upuan at wagas kung titigan siya.
Their eyes met at parang sa paraan na 'yon may mga katanungan ang bawat palitan nila ng paningin.
Parehas nilang kinukumpas ang nararamdaman nila at parang may mga gustong kumawala sa bibig niya kaso hindi niya kayang isambit dahil baka hindi lang siya sagutin nito.
Minutes later parehas parin silang tahimik. Basta lang sila naka-upo at magkaharap pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.
Habang nanahimik siya hindi niya magawang hindi tignan ang kabuuan ng unit nito.
Napapahanga siya batay sa ganda at kisig ng pagkaka-design nito na naging dahilan ng pagtanim niya ng pagtataka.
Napatingin siya bigla sa direksyon ni Riki nang basta ito tumikhim. Nag tama muli ang mga mata nila pero this time iba na ang awra nito.
“Pwedi ba tayong mag-usap ng hindi nagtataasan ng boses?" paki-usap nito sa kanya. Siya naman ay basta naghalukipkip. Iniisip kung papayag sa gusto nito.
Parehas kasi silang ayaw magpatalo dahil sa mga sinasarili nilang pakay kaya hindi talaga sila magkaintindihan kung isa sa kanila ay walang susuko. And in the name of their silence and understanding Riki was the first to give up.
“Can we?” tanong ulit nito sa kanya dahilan para mag-isang guhit ang kanyang bibig at kasabay no'n ay ang pagtango niya ng dalawang beses.
By that Riki heaved out a deep sigh. Pinapakalma ang sarili kahit mukhang hindi naman tensyunado ang paligid.
“Gusto kong ilahad ang tungkol sa atin noon." Umpisa nito.
Gusto nito pero ang tanong gusto niya ba?
“Tungkol sa pagkamatay ni Papa ang gusto kong malaman. Put aside about us before Rik, because I don't have enough time to enumerate the things you did before.” kalamado niyang sagot sa likod ng nanginginig niyang katawan.
Kung alam lang nito kung gaano niya ka gustong malaman ang tungkol sa nakaraan nila pero dahil pakiramdam niya hindi pa ito ang tamang oras kaya mas maiging isantabi nalang muna ito.
And if the opportunity presented itself then she herself will be the first to ask about.
Nagbuga muli ng hangin si Riki. Parang tiis na tiis na hindi sila mag-angilan.
“Sige, total mapilit ka.” pagsuko nito. Nag dekwatro si Riki at hinanda ang sarili para sa susunod na ibubulgar. Siya naman ay atat ding malaman ang totoo kaya inayos niya rin ang kanyang sarili bilang kahandaan.
“Si Kapitan Montemayor ang nag pautos na patayin ang Papa mo dahil sa utos ni Andra,”
Naningkit ang kanyang mga mata. Nag panting ang kanyang mga tenga habang kuyom ang mga kamay.
This Andra Montemayor is giving a shít to her system and reason for anger to rise again in her heart!
Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang galit sa kanya ni Andra sa likod ng kagandahang ginawa niya noon para sa kaibigan.
“Ano ang rason nila para patayin ang isang taong walang kasalanan sa kanila, aber?” alam niyang si Riki lang ang makakasagot nito dahil nag trabaho ito sa mga Montemayor.
“Sinisi ng Papa mo si Andra dahil sa biglaang pagkawala mo.”
May kung anong kantyaw ang biglang sumilay sa kanyang mukha pero hindi 'yon nakita ni Riki dahil may kadiliman sa direksyon niya.
“At damay ka do'n diba? Ikaw ang una na dapat sisihin Rik! Alam ni Papa ang tungkol sa atin at nagawa niyang suportahan ako dahil mahal kita pero you betrayed me! Niloko mo ako habang iniiputan sa ulo—”
“Hindi mo alam ang kabuuan ng lahat ng kwento Tin, kaya wala kang karapatan na husgahan ako! May rason ako at 'yon ang gusto kong alamin mo pero duwag kang malaman ang totoo!” pigil na pigil ang boses ni Riki para hindi ito tumaas.
“Hindi naging kami ni Andra at ni minsan—”
“Sinungaling!” asik niya bago napagpasyahang tumayo at basta mabilis na naglakad papuntang pintuan.
Naging alerto naman si Riki dahilan para mabilis siya nitong mahagip sa palapulsuhan na naging rason ng pagkatigil niya. Hinarap niya ito baon ang nakakamatay na tingin pero hindi man lang natinag si Riki!
“Hindi ka puweding umalis." pigil nito. Tumaas ang isa niyang kilay.
“Anong karapatan mong pigilan ako?” diretso niyang tanong. Hinila niya ang kanyang kamay at mabuti nalang hindi narin nakipagtigasan si Riki.
“Karapatan kong mahalin ka ulit, Tin. Dito ka lang muna please...” sumamo nito sa kanya habang yakap-yakap siya nito ngayon. Hindi siya makagalaw at parang naging tuod.
Hindi niya alam kung bakit basta-basta nalang siya nagiging malambot sa tuwing bumabawi si Riki sa kanya. Bumabawi hindi dahil sa galit kundi dahil gusto nitong bumawi sa lahat ng mga sinayang nitong pagkakataon.
Madami siyang iniisip at ayaw niyang maghalo-halo 'yon lahat kaya kahit hirap na hirap matapang niyang kinalas ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya at walang sabing pinihit ang door knob.
“Tin...” huling sambit ni Riki na narinig niya bago niya tuluyang isarado ang pintuan.