K- 11

1026 Words
Kung makapag-usap sila sa isa't-isa parang walang may nangyari sa pagitan nila noong isang araw. Parang hindi nila minahal ang isa't-isa noong mga nakalipas na mga taon. Or maybe...they are both mature enough to think that way. Siguro nga posible na maging gano'n sila na kinalimutan nalang nila ang mga pinagdaanan nila noon. They are the new version. Parehas na successful sa buhay. Parehas na silang mayaman at kaya nang gawin at bilhin ang lahat ng mga gusto nila but their heart? Ewan lang. Baka parehas ding walang nagpapatibok. Napatigil siya sa pagkalikot ng makina ng marinig niyang may kinakausap si Justin sa kabilang linya. Ayaw niyang maging chismoso pero nagawa niya parin ng palihim. “Okay, I will wait. Bye.” narinig niyang sabi ni Justin sa kausap. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang kaharap na makina. He wanted to ask who she was waiting for but he didn't want to open his mouth either. Ang ending nanatili siyang pipi at pilit na inaayos ang makina kahit hindi naman siya marunong. If minor issues lang kaya niya pa. “Sa mekaniko mo nalang 'to ipagawa. I have a meeting at mauubos lamang ang oras ko dito.” suplado niyang suhestiyon. Isinara na niya ang harapan ng kotse nito bago ulit sinuri ang kabuuan. Half of his mind was wondering. Mukhang galante na ngayon ang dating Justin na kilala niya at nakukuryuso siya kung ano ba ang trabaho nito dahilan para ma-afford nitong bilhin ang limited edition ng latest brand ng kotse na nasa harapan niya. Or maybe because nakapangasawa nga ito ng matandang mayaman kung kaya't lahat ng luho nito ay nasusunod. That thought is what he tries to use as a reason to convince himself. “Sure. Ikaw ang nag presenta kaya um-oo lang ako so it's not my fault if you're gonna be late for the meeting you're going to.” mataray nitong sagot sa kanya. Tama si Justin at wala siyang karapatan na pagsungitan ito kung mali-late siya sa appointment niya dahil una sa lahat siya ang tumigil para tulungan ito. Iba-iba pa kung pinara siya eh hindi naman! Hindi siya nakapagsalita bagkus napangisi na lamang siya matapos niyang linisin ang kanyang mga kamay gamit ang wipes na inabot sa kanya ni Justin. Nasundan niya ng tingin si Justin ng buksan nito ang magarang kotse bago kinuha sa driver seat ang bag. Nasisilaw siya kahit wala namang init na tumatama sa kabuuan nito kaya napaiwas siya ng tingin. Pagkatapon niya ng nagamit niyang wipes doon lamang sumagi sa isipan niya ang imahe ni Justin na hubot-hubad! “Tang—” hindi natuloy ang sasabihin niyang pagmumura sana dahil sa mga naiisip nang biglang may isang magarang kotse na tumigil sa kanilang harapan. Mabilis na bumaba ang lalaki bago umikot sa kabilang pintuan para pagbuksan si Justin. Walang imik na lumabas sa kanyang bibig ng makita kung paano humalik sa pisngi ni Justin ang lalaking nag-aabang na makapasok ito sa loob at hindi niya alam kung bakit biglang nangunot ang kanyang noo! “By the way, thank you.” walang emosyong sabi nito sa kanya bago tuluyan nang sumampa sa kotse. The guy looks at him straight without any emotions at dahil gagó siya kaya sinalubong niya rin ang paninitig sa kanya ng lalaki! “Let's go, Rhett.” narinig niyang sabi ni Justin sa lalaking kasama nito. “Coming, baby.” saad nitong Rhett dahilan para mapasupla siya ng kanyang laway. Hindi niya alam kung na aalibadbadan ba lamang siya o baka hindi lang talaga matanggap ng kanyang pandinig ang mga katagang narinig. “Gago!” may pagka-iritado niyang usal nang sinipa niya basta ang isang gulong ng kanyang kotse nang makitang flat pala ito! Mukhang minamalas nga siya ngayon! Pagkatapos niyang pahanginan urada narin siyang umalis at iniwan nalang basta ang kotse ni Justin. Alam niyang may tinawagan nang mekaniko si Justin at syempre hindi na niya responsibilidad iyon gayong wala naman silang paki-alam sa isa't-isa. Sumasakit lamang ang ulo niya! Ilang araw nang gano'n palagi ang nararamdaman niya simula nang mag krus ang landas nila ni Justin at simula nang makita niya ang babaeng naka-maskara! Basta! Nagugulo ang sistema niya sa mga bagay-bagay! Saktong alas otso nang makarating siya sa isang renovated building kung saan naroroon ang ka-meeting niya. He accepted his friend Troy's offer to him where he would be a part-time photographer sa kumpanyang iyon at malalaman pa kung magiging pasado siya. Pagkarating niya sa tapat ng information desk agad din naman siyang inasikaso ng naka-assign. Sinabi niya lang kung sino ang pakay niya at kung sinu-suwerte nga naman siya. Agad siyang tumayo sa harapan ng elevator. Inip siyang naghihintay habang prenting nakapamulsa ang dalawa niyang mga kamay. He was suddenly excited when the bell rang, indicating that the elevator door was about to open, but he was stunned and felt something trigger him when he saw Justin! Naaktuhan niya lang naman kasi kung paano nakapulupot sa bewang nito ang mga bisig ng lalaking si Rhett. Parang bigla siyang nakaramdam ng yamot. Hindi niya alam pero nagsalubong basta ang mga kilay niyang parehas may ahit sa gitna. He is looks like a literal badboy because of his outside aura. Biglang nag unahan ang ibang mga tao kaya walang sabi siyang pumasok agad dahilan para mapatingin sa kanya si Justin. Hindi niya ito pinansin dapa ng kayamutan na wala namang kasaysayan. Tumikhim siya bago pinindot ang 10th button na siyang napindot narin ng naunang sumakay. “What time can I pick you up later, baby?” narinig niyang tanong no'ng Rhett kay Justin. Nasa tagiliran niya lang ang mga ito kaya rinig na rinig niya ang bawat usapan. In his peripheral vision, he could see how Rhett had loosened his grip on Justin's waist, which made him smirk a little bit. “Ot ako mamaya eh kaya kahit hindi na muna.” mahinang tugon ni Justin. So she is working here, huh? Ano naman kaya ang trabaho niya dito? Akala ko ba nakapangasawa siya ng matandang mayaman...o' baka na stugi na kaya--fúck! Lihim siyang nagmura dahil sa mga naiisip na kuryusidad na tanging sa isip niya nalang tinatanong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD