K- 10

1379 Words
“You know what, hindi ko rin minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak mo Tin, eh. Galit ka sa kanya at ikaw to'ng magaling makipaglaro pero ikaw rin naman palagi ang talo.” paninermon sa kanya ng kaibigan niya ng samahan siya nitong ihatid sa kanyang condo. It's already 1 AM in the midnight at kakauwi lang nila dahil hindi agad sila makalabas kanina dahil kinumpol ng daan-daang tao ang exit at entrance ng event center na pinagganapan nila ng event. Hinilot niya ang kanyang magkabilang sentido bago isinandal sa headrest ng sofa ang likod ng kanyang ulo to rest for a while before taking a half bath pero paano siya makapagpahinga nito kung walang ginawa itong kaibigan niya kundi ang sermonan siya dahil sa ginawa niyang pag sang-ayon kanina sa taohan ni Riki. “You can go, J, and, don't mind me dahil this time siya ang matatalo sa larong gagawin ko. This time pasasakitin ko ang ulo niya kung paano manalo sa laro na gagawin ko.” pangungumbinse niya kay Jelain habang iniisip kung ano ba talagang ulo ang tinutukoy niya. Para siyang baliw dahil sa mga kaberdehang iniisip ngayon. Talaga ngang na adapt na niya ang pagiging liberated. Habang nasa byahe sila kanina hindi niya talaga tinantanan ang pag-iisip kung paano makabawi kay Riki. Hindi niya parin kasi makalimutan kung paano siya pinintasan nito noong isang araw at dahil sa kahihiyan kung kaya't pinag-iisipan niya ng matindi kung paano makakabawi sa lalaki. Pagka-alis ng kaibigan niya saka din siya pumasok sa kanyang kuwarto. Her room suits very well to her style. Simple and aesthetic. Kitang-kita ang city lights dahil puro bubog na wall ang kanyang ding-ding at kahit sa kabilang direksyon ay gano'n din kaso ang kaharap ng building niya ay kabilang cluster din ng condominium. Sinimulan na niyang hubarin ang saplot niya kahit hindi pa siya nakakapasok ng shower room. She doesn't care at all kung may makakakita man sa kanya mula sa kabilang building. Sinunod niyang hubarin ang kanyang bra at panty at sa halip na pumasok na sa shower room para mag half bath na mas pinaglaanan niyang titigan muna sa malaking salamin ang hubot-hubad niyang katawan. Sinuri niya ang kabuuan niya simula ulo hanggang paa. Inisa-isa niyang tinignan ang mga bagay na sa tingin niya hindi nagustuhan sa kanya ni Riki. Habang tinitignan ang kanyang boobs hindi siya makapaniwala kung bakit nasabi nitong parang dumikit lang sa katawan niya gayong kahit wala siyang suot na bra umaalog-alog parin ito. Bumaba ang paningin niya sa kanyang gitna. Na curious siya kung ano ba ang ibig sabihin no'ng matambok na hinaharap pero bago paman niya ito magawang suriin ng malapitan napailing na lamang siya bago mabilis na pumasok sa shower room. Kung para sa iba kasi wala namang masama sa kurba ng katawan niya. Her body size is suitable for her. No'ng nasa US siya halos lahat ng mga kapwa niyang pinoy na nakakakita sa kanya ay parang hinuhubaran na siya sa tuwing napapatingin sa kanya. For her she can't deny that she is sexy at hindi niya talaga matanggap kung bakit para kay Riki ay taliwas ang paningin nito sa kanya or maybe...hindi lang talaga siya nito type. “Tsss. Kung mapintasan ako akala niya kasing macho niya si Jungkook, no way!” nayayamot niyang saad habang pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. Nakatapos na siyang mag half bath pero nag o-overthink parin siya sa mga pamimintas sa kanya ni Riki. Kinabukasan pagkalabas niya sa kanyang unit narinig niyang bumukas din ang katapat niyang pintuan kaso bigla ding naisara muli ng akmang iaangat niya ang kanyang paningin para tignan kung sino sana iyon kaso nabigo siya dahil mas inuna niyang pagtuanan ng pansin ang pagla-lock ng kanyang pintuan. Muli siyang napalingon sa katapat niyang pintuan dahil kanina ay mukhang pamilyar sa kanya ang amoy panglalaking pamango ng kung sino mang nilalang na 'yon. She has spent almost a weeks staying at her condo unit pero ni minsan hindi niya na uulinglingan na makita o makilala man lang ang mga kalapit kuwarto niya. Maybe she is a type na walang pake sa paligid na kahit minsan nag vi-videoki na ang mga owner or renter sa mga katabi niyang unit ay hindi niya man lang magawang ireklamo sa lobby. Dumaan lang siya saglit sa isang ancestral house ng kanyang Lolo para bigyan ng budget ang namamahala doon. Ang kanyang Lolo ay matagal nang hindi umuuwi ng Pilipinas kaya siya nalang at inatasan na mag-intindi sa mga taohan nitong nangangalaga sa lumang bahay. “I'm on my way J.” imporma niya ng masagot niya ang tawag ng kaibigan. “Oh, no! Don't dare to go here right now, Just! Madaming tao sa labas ng building mo at nag di-demand sila na interview-hin ka dahil gusto nilang makita ang model ni Hot Temptress!” bulalas nito sa kabilang linya dahilan para maitigil niya ang kanyang kotse sa isang tabi. Nag-isip siya ng ilang minuto! “Bakit hindi pwedi, kung hindi naman nila alam na ang may-ari ng building na 'yan at si Hot Temptress ay iisa? At saka---you don't need to panick, J. Pati ako kinakabahan na rin!” imik niya sabay irap sa kanyang cellphone. “Oo nga ano? Ang bright mo talaga, kainis ka!” “See? Kape pa more, Jelain Dee.” Naiiling niyang pinatay ang tawag ni Jelain bago sinimulan ulit na pa-andarin ang makina ng sasakyan niya kaso hanggang start nalang ito at walang ganang umandar! Kinakabahan siya at natataranta dahil kung sakali na magka-aberya nga itong kotse niya wala siyang alam na mahihingan ng tulong gayong nasa tabi lang siya ng kalsada naka-park. Nag buga siya ng hangin bago napagpasyahang bumaba para tignan ang makina ng kanyang kotse. Itinali niya ng buo ang kanyang buhok bago tuluyang tinignan ang umuusok na makina as if naman na alam niya kung alin ang may sira doon. “Do you need help?” boses ni Riki ang narinig niya kaya walang sabi siyang lumingon sa direksyon nito. Napansin niya ang kotse nito at ito nga 'yong kakadaan lang na kotse na kung makaharurot ay wagas! Nagkataon lang ba na napadaan ito o sadyang dito din ang way niya? Ibinalik niya ang paningin kay Riki bago tinaasan ng kilay. “No, thanks.” mataray niyang saad bago ito tinalikuran at niyuko ulit ang umuusok na makina ng kanyang kotse. “Okay. I'm just a concerned citizen here, willing to help people like you.” preskong sagot nito sa kanya. Hindi siya sumagot habang pinapakiramdaman ang galaw nito! Nayayamot siya kay Riki kaya kahit kailangan niya ng tulong mas pipiliin niyang huwag tumanggap ng tulong galing do'n but what if wala talaga siyang alam na makakatulong sa kanya? Malayo-layo pa naman ito sa oipisina niya. “Stk!” tiltik niya sabay napakagat ng kanyang labi. Ayaw niya kaso she doesn't have a choice but to please this rude guy behind her who is starting now his car engine. “Can you please do something to fix my car?” aniya ng inilang hakbang niya ang pagitan ng kanyang kotse at kotse ni Riki. Riki slowly opened full his window car then stared at her. Pilyong napangisi ito sabay hagod ng kabuan niya! Medyo nailang pa siya kaya kinunutan niya ito ng noo. “I want to hear your pleas for the second time around.” pilyo nitong sabi sa kanya habang prenti paring nakahawak sa manibela ng kotse nito. Huminga siya ng malalim na para bang pinipigilan na hindi mairita! Kung bakit ba kasi ito pa ang malas na taong nakakita sa kanya! “Fine! Can you p-lease fix my car?” diretso niyang sabi sabay pilit na ngumiti habang pipikit-pikit pa ang mga mata. Nangingilabalot siya sa kanyang ginagawa pero kailangan niyang gawin 'yon para lamang maayos ang kotse niya. At kung alam lang nito na talagang sinisikmura na siya dahil sa mga ginagawa niya! “Okay. Stop blingking your eyes. Hindi bagay sa'yo ang makiusap na naka-ganyan.” suplado nitong saad sa kanya ng tuluyan ng bumaba ng kotse nito. Inambahan niya ito ng suntok ng malampasan na siya nito! “As if naman gustong-gusto kong gawin 'yon! Asa ka!” bulong niyang anas habang masakit na tinitignan ang likuran ni Riki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD