K- 12

1044 Words
“Ano ang ginagawa niya dito? B-bakit nandito siya? Sino ang hinahanap niya? natataranta at sunod-sunod na tanong niya kay Jelain nang tawagan niya agad ito nang makapasok siya ng cr! “Teka nga lang! Sino ba kasi ang tinutukoy mo?” wala sa sariling tugon ni Jelain. Bigla siyang nahimasmasan at saka niya palang naisip na hindi niya nga pala kasama si Jelain no'ng nasa elevator siya! She calmed herself before answering Jelain questions. “I mean...si Riki! Anong ginagawa niya dito sa kumpanya? Baka--” hindi niya naituloy ang kanyang susunod na sasabihin nang maisip na baka hinahanap nito ang babaeng naka-maskara!? “Huy? Kumalma ka nga! Nasaan ka ba?” “Andito ako sa cr.” “Anong ginagawa mo diyan?” “Nagtatago.” “Kanino?” “Kay Riki malamang!” Parang lalo pa siyang natataranta at naiirita dahil sa mga tanungan ni Jelain. Mabuti nalang at wala pang pumapasok sa cr dahilan para marinig ang katarantahan niya! Huminga siya ng malalim bago tinitigan ang sarili sa salamin. Bakit ba kasi nag papa-apekto siya sa presensya ni Riki. Nagawa niya ngang balewalain ito kanina tapos ngayon bigla-bigla na naman siyang matataranta. Ang weird niya sa sitwasyong 'yon. But thinking about the fact na baka naririto si Riki dahil sa babaeng naka-maskara the pranks she had been thinking about since last night suddenly merged with her body. “Oh, I see.” walang pangamba na tugon ni Jelain dahilan para maiangat niya ang isa niyang kilay as if nakikita nito ang reaksyon niyang hanggang ngayon ay hindi parin mai-drawing. “So alam mo?” deritsong tanong niya kay Jelain. “Ngayon lang dahil ngayon ko lang din nabasa ang chat sa akin ng pinsan ko.” “Na ano?” takang tanong niya. Naguguluhan siya kung kaya't wala sa sariling naisuklay niya ang kanyang isang kamay sa mahaba at madulas niyang buhok. “Troy says this e--x of yours is a good photographer kaya ni-recommend niya dito sa kumpanya mo.” paliwanag ni Jelain. Hindi siya nakapagsalita at basta nalang napatahimik. Iniisip niya paano naman nito nasabing magaling sa mga gano'ng bagay. Pero kung iisipin niya din na halos ilang taon narin naman ang nakakalipas kaya posible na natutunan narin nito ang photography's thing. Eh kung siya nga wala naman sa pangarap niya na maging isang modelo at maging owner ng kumpanya kaya posible na gano'n din si Riki. “So ano? Diyan ka nalang muna hanggang sa matapos ko siyang i-interview?” natatawang tanong sa kanya ni Jelain dahilan para mapanguso siya. “Ikaw kaya ang magkulong dito na parang ewan.” nakanguso niyang pamimilosopo. “Joke lang naman. Syempre pupuntahan na kita diyan para magtago ka muna sa kabilang room para naman hindi na ulit mag krus ang landas niyo ng e---x mong badboy aura.” pangloloko sa kanya ni Jelain. Napa-tss siya dahil hindi niya sukat akalain na mapapansin din pala nito ang bagong bersyon ni Riki. Kung noon talagang nakikitaan na niya ito ng gano'ng klaseng paghihitsura ngayon mas lalong naging badboy dahil aminin niya man o hindi mas bumagay kay Riki ang kasalukuyang bersyon. Bigla siyang naging komportable at nawala ng gano'n kabilis ang nararamdaman niyang pagkabalais kanina nang palihim siyang ihatid ni Jelain sa isang opisina kung saan pansamantalang ginawang stock room muna. Nagpahinga siya saglit sa isang swivel chair bago pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay dahil sa init. Hindi niya rin alam kung hanggang anong oras siya mananatili doon na nakatago! Mahirap din pala ang may tinatagong lihim dahil hindi niya magawang lumantad! “Pero bakit nga ba ako nagtatago?” takang tanong niya sa kanyang sarili nang mapagtanto ang ginagawa niyang pagtatago! “Aish! I have so many loaded paper works that I need to finish kaya bahala na!” pinal niyang desisyon. Tumayo na siya para lumabas nang bigla siyang mapatingin sa isang box na may mga laman na iba't-ibang klaseng papel. Hindi niya naman 'yon gagamitin pero naisipan niya parin na damputin ang isang kahon na 'yon. Kung ano na nga lang talaga ang maisip niya kaya karga-karga niya ito hanggang sa makarating siya sa opisina ni Jelain but she was stopped and being caught off guard nang parehas na mapatingin sa gawi niya si Jelain at Riki! Gusto niyang umurong para makalabas kaso hindi niya magawa nang lihim siyang pinandilatan ng mata ni Jelain! May gusto itong sabihin sa kanya kaso hindi niya ma-gets dahil tanging mata lang nito ang gumagalaw dahilan para hindi niya maintindihan kung ano ba ang gusto nitong sabihin. Kagat ang ibabang labi nang panindigan niya ang gagawing pag pasok ng tuluyan sa loob ng office nito. “Ahmm, k-kanina ko pa sana 'to dadalhin dito Miss, J kaso nag linis pa kasi ako sa stock room kaya ngayon ko lang nadala.” mayabang niyang dahilan. May kalituhan na makikita sa mukha ni Jelain pero hindi rin nagtagal nang ma-gets din nito ang mga kalokohan niya. May purpose naman pala ang pagdampot niya sa box na karga-karga niya ngayon. Kung makikita niya dikit ang paningin sa kanya ni Riki pero hindi niya ito magawang bigyan ng pansin o tapunan man lang ng paningin dahil ayaw niyang muli pang guluhin ng presenya nito ang sistema niyang kanina pang gulong-gulo. “Ilapag mo nalang muna diyan and here,” saad ni Jelain sabay aro sa kanya no'ng isang brown envelope. Hindi niya alam kung ano 'yon at kung kanino galing kaya kahit wala siyang ideya kung para saan 'yon naihakbang niya parin ng pasulong ang kanyang mga paa matapos niyang ilapag sa isang tabi ang kahon. Pero agad din siyang natigilan nang si Riki na ang kumuha nang envelope para iabot sa kanya. Agad niya rin ito na inabot! “Please give that to--” “Ah, sige po Miss, J!” tugon niya at hindi na pinatapos ang sasabihin nito dahil baka bigla pang madulas ang dila nitong kaibigan niya at masabi pa ang buong pangalan niya! Peke siyang ngumiti kay Jelain bago walang sabi na tinalikuran ang mga ito. Huli na nang marinig niya ang tanong ni Riki kay Jelain. “Is she your...” “Assistant.” natatawang sagot ni Jelain kay Riki. Saka niya palang walang ingay na isinara ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD