K- 14

1562 Words
Mataman niyang tinititigan si Justin habang naka-upo siya sa isang tabi. Medyo may kalayuan ang pagitan nila pero kung tutuusin ay kitang-kita niya parin ang bawat galaw nito. Kapag kunwa'y iniiwas niya ang kanyang paningin kapag napapadpad sa direksyon niya ang paningin nito pero no'ng ma-realise niyang nakasuot naman pala siya ng itim na shades napapa-tss nalang siya. Nasa isang event kasi sila ngayon kasama si Janessa. No choice siya kundi samahan ang kaibigan niya dahil photographer din naman siya sa event na 'yon. Si Janessa naman ay consumers lang. Hindi niya alam kung alam ni Justin na photographer siya do'n at wala rin naman siyang balak na ipalam kung sakali. Ayaw niyang magulo ang kanyang sistema dahil simula no'ng pagkrusin ang landas nila eh halos hindi na siya makatulog ng maayos. Hindi dahil sa kung anong seryosong nararamdaman kundi dahil sa mga kuryusidad na namumutawi sa kanyang isipan. He took a shot of it when he saw that Justin straightened his leg to scratch the itchy part on her skin. Sumilay ang ang kung anong reaksyon sa kanyang mukha nang tinignan niya ang kinalabasan ng kanyang kuha. “Ganda niya no?” biglang sulpot na imik ni Janessa dahilan para i-off niya ang camera niya. Patay malisya siyang nagkamot bago naghalukipkip. Tumabi sa kanyang katabing upuan si Janessa bago naghalukipkip din. Parehas silang nakatingin ngayon sa deriksyon ni Justin. Wala siyang lakas ng loob na umpisahan ang panunudyo sa kanya ni Janessa kaya nanatili siyang tahimik. “Type mo?” dugtong na saad nito sa kanya dahilan para mapangisi siya na halos ikawala na naman ng kanyang singkit na mga mata. May alam ba ito tungkol sa nakaraan niya? Baka nga wala talaga at siguro nga hindi pa siya nagkakamali na ikuwento noon kay Janessa ang tungkol sa nakaraan niya. “Tss. Akala ko ba busy ka do'n sa pakikipagkaibigan?” aniya sabay tanggal ng kanyang suot na shades. Si Janessa naman ay patay malisyang sinipat ang mga kuko nito na parang hinahanapan ng dumi ang bawat parte. “Nakakapagod din pala makipagkaibigan.” “Sus, ngayon kapa napagod kung saan sanay na sanay kana.” “Pero type mo?” ulit nitong pangungulit sa kanya dahilan para tignan niya ito ng naniningkit na mga mata. Hindi natinag si Janessa bagkus nginisihan lang siya nito ng nakakapilya. “Madaming magaganda diyan na higit pa sa kanya.” labas sa ilong na sagot niya. “Talaga ba? Eh bakit panay-panay ang tingin mo sa kanya? Kinukuhanan mo pa nga ng palihim eh.” Inayos niya ang kanyang pagkaka-upo habang nag-iinat na parang gusto lamang lusutan ang mga tanungan sa kanya nito but in the end hindi niya parin nagawa! He answered it all the questions of her mischievous friend. “Ano ba ang gusto mong punteryahin, Paks?” tila barino niyang tanong pero hindi man lang magawang matinag ni Janessa. “Gusto ko lang naman na sabihin mo ang totoo.” nakangising sabi ni Janessa. Tumaas ang isa niyang kilay bago nag-isang guhit ang kanyang mga labi. May alam ba siya? Syempre hanggang sa isip niya lang 'yon. “Anong totoo?” Binalingan siya ni Janessa bago kinuha ang kanyang atensyon. “Dixon said that you and her are friends before...at kung hindi ako nagkakamali naging girlfriend mo siya noon?” Nangunot ang noo niya bago nagmura sa kanyang isipan! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng kanyang mga naging kaibigan bakit kay Dixon pa siya nag kuwento! Patay malisya siyang ngumisi bago binasa ang kanyang ibabang labi. Parang nawalan siya ng rason kung kaya't ang tagal niyang hindi nakasagot. “We're ex at...” hindi niya masabi ang susunod niyang sasabihin dahil feeling niya nagi-guilty siya. “At?” inip na sambit nito. “At ako ang may dahilan kung bakit nagkahiwalay kami.” bulgar niya dahilan para maituptup ni Janessa ang mga kamay nito sa bibig. “Nagloko ka?” “If I said yes, sasabunutan ko ba ako?” Namilog ang mga mata ni Janessa at hindi makapaniwalang bumuga ng hangin. Tinignan nito si Justin na pansamantalang nakikipag-usap sa isang costumer bago ulit siya binalingan ng nakakamatay na tingin. Dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan dumistansya siya dahil alam niyang maliksi pa sa gagamba ang mga galamay nito! Bago pa siya masabunutan eh lumayo na agad siya! “How dare you? Sa gandang 'yon nakuha mo pang lokohin?" Asik nito sa kanya na ikinatahimik niya nalang. Pakiramdam niya parang naging apektado si Janessa dahil sa mga nalaman nito. Hindi siya nito nagawang kausapin hanggang sa matapos ang event. Tamang sasampa na ito sa kanyang kotse nang siringan siya ulit nito. Napalunok siya dahil sa tensyon. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Nalukuryuso siya dahil lately nag-iiba ang mood swing ng kaibigan niya at hindi niya alam kung anong nangyayari dito! Wala siyang ideya kung bakit siya palagi ang pinagdidiskitahan at bakit hindi ang Asawa nito. “Saan kita ihahatid?” malumanay niyang tanong kay Janessa pero inirapan lang siya. Napatingin siya ulit sa rearview mirror pero agad din naman nailipat ang paningin niya nang makita si Justin na parang naiinip na naghihintay sa kung sino. Kararating lang nito at parang naghihintay ng masasakyan. Nakita din 'yon ni Janessa kaya binuksan agad nito ang bintana bago tinawag si Justin. “Pauwi kana?” tanong nito at hindi niya makuhang barahin ang kaibigan dahil matindi parin ang yamot nito sa kanya. “Ah-eh..oo. Naghihintay lang ako ng sundo.ko.” nahihiyang sagot ni Justin. Nakatutok ang paningin niya sa bulto ni Justin at hindi niya man lang makuhang kumurap sa hindi malamang dahilan. He tightened his grip on the steering wheel when he saw how Justin bit her lower lip. He cursed silently nang makaramdam siya ng kung anong paninigas sa bandang gitna niya pero agad din naman siyang nagka-wisyo nang tapikin siya ni Janessa sa likuran. Bumaling siya agad. “Baba na at pagbuksan mo si Justin. Diyan mo na sa front seat pauupin.” utos sa kanya ni Janessa. Gusto niya pa sanang umangal kaso biglang umurong ang dila niya nang mapagtantong iniimikan na siya nito. He has no choice but to open the door and go down para pagbuksan si Justin. Dahil sa mga kung anong naiisip eh hindi niya man lang narinig kung anong nangyayari na at kung bakit napapayag naman agad ni Janessa si Justin para sumabay sa kanila. Tahimik niyang binuksan ang unahang pintuan kaya natataranta ding dinampot ni Justin ang mga dala nitong iba't-ibang bag. “Ako na diyan, ilalagay ko sa likod.” prisenta niya nang makitang marami-rami din pala itong dala. “T-Thank you.” nahihiyang pasalamat nito sa kanya pero hindi niya man lang magawang tugunin. Eh ano naman kasi ang isasagot niya? You're welcome? Walang anuman? Ang galang niya naman kapag gano'n! Habang nasa byahe sila hindi siya mapakali dahil sa tensyon na nararamdaman kahit ang kalmado naman ng paligid niya. Nasa wisyo makipagdaldalan si Janessa kay Justin. Siya lang naman itong toong nagpapaka-tense sa sarili. Bumuga siya ng hangin nang marahan niyang diniinan ang preno dahil sa matinding traffic. Ayaw niya pa naman sa lahat ay yoong naii-stock sa traffic dahil nasanay siya sa barko na dire-diretso lang ang andar. “By the way, Just. Can I ask something personal? Naku-curious kasi talaga ako eh.” biglang imik ni Janessa na maging dahilan nang pagtingin niya rear view mirror. Umaasa siyang titignan siya nito pero bigo siya! “S-Sure..” parang kabado ding sagot nito. Tatapik-tapik ang mga daliri niya habang nakahawak sa manibela dahil sa totoo lang hindi niya talaga alam kung ano ang mga katarantaduhang naiisip ng kaibigan niya that makes him in trouble or something that can shiver his system without any reason! “Do you have a boyfriend or suitor? Sorry, dala lang talaga ng kuryusidad.” ngiting-ngiti na saad ni Janessa dahilan para mapatingin siya kay Justin. Nakita niya kung paano ito umiwas ng tingin sa kanya pero nanatili paring nakatuon ang paningin niya sa namumulang pisngi nito. For the second time Justin bit her lip and also for the second time namura niya na naman ang kanyang sarili dahil sa umuusbong na reaksyon sa kanyang katawan! “Nako, w-wala akong boyfriend.” nahihiyang sagot ni Justin kay Janessa. Bumalik na ulit at paningin niya sa unahan at nagsimula na ulit siyang mag maneho kaya hindi niya magawang makisingit sa usapan ng dalawa. Staka...girls talk 'yon kaya bakit siya sisingit? But to think that Justin is doesn't have a boyfriend? It makes him think na nagyayabang ito! Kaya nga biglang nawala ito noon kasi nga sa balitang sumama ito sa matandang lalaki! He smirk then looked at Janessa in the rear view mirror. May kantyaw na makikita sa mukha ng kaibigan niya kaya mas lalo siyang nangangahas na patulan ang mga ito. “Wala daw siyang boyfriend, paks! I can see that you two are compatible.” panunudyo ni Janessa at dahil do'n bigla siyang napa-preno. Si Janessa iritadong napa-untog sa likuran ng upuan niya habang si Justin ay may diin na pinipigilan ng mga kamay na hindi mas lalong maidiin ang pagkakalapat ng isang palad nito sa kanyang bandang hita! Napamura siya at biglang tinignan si Justin bago dinala ang paningin sa kanyang hita na nakapatong parin ang palad nito. “S-Sorry!" namumulang saad ni Justin nang mabilis nitong tanggalin ang kamay sa kanyang hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD