K- 19

1164 Words
J, I can't go to the office right now. Pwedi bang ikaw nalang muna ang bahala sa shoot? Thanks a lot in advance. Pagkasend niya ng txt message kay Jelain saka pa siya pumasok sa shower para maligo. She decided to spend her whole day alone in her condo. Designing anything she wraps up since her latest shoe design is way more likely to sell out. Ayaw niyang palitan ang ingay ni Hot Temptress kaya gagawa lang siya ng pansamantalang makaka-agaw ng pansin sa mga madla but to think na mapapalitan ng gano'n kadali ang ingay ni Hot Temptress? It's no way! It is still ongoing in the manufacturing at ilang araw nalang ulit ay maii-deliver na ulit 'yon sa iba't-ibang malls and stores. Pagkatapos niyang maligo cellphone niya rin agad ang dinampot niya. She is always waiting and expecting Jelain's message. Jealin is her right hand and secretary also. It means a lot for her what Jelain has done to her life and to her company kaya sa loob ng ilang taon na palagi niyang kasama si Jelain parang nagmumukhang mag jowa na sila. Feeling niya kasi hindi siya mabubuhay kapag nawala sa buhay niya ito. Why? Is there any problem? Masama ba ang pakiramdam mo? Pupuntahan kita diyan if you need something that you cannot do or want. Hibang lang ang kaibigan niya kaya napangisi siya habang napapa-iling. Nakaka-isa pa lang siya pero si Jelain eh naka-apat na agad na tanong! Baliw! Wala akong problema o nararamdaman. Wala rin akong gusto maliban sa mag pahinga dito sa condo ko at gawin ang mga gusto ko, okay? natatawa niyang reply kay Jelain pero nang pagkatapos niyang maisend ang message saka naman nag appear ang pangalan nito sa screen hudyat na tumatawag. She answered it without any hesitation. “Hey...kailangan ba talaga na tawagan mo ako?” aniya. Naka-loud speaker ang phone niya kasi mag bibihis pa siya. “I need you to know kasi about the photo shoot.” “Oh, bakit anong problema tungkol do'n?” “Eh kasi si Riki...” natigilan siya at pansamantalang lumapit sa phone niyang nakapatong lang sa kama niya. “Hindi daw siya makakapunta ngayon dahil may importanteng bagay daw na gagawin and I don't even know what those things are. Besides photography, what else does he do in his life?” Umangat ang kanyang kilay habang umawang ng walang pasabi ang kanyang bibig dahil sa mga tanungan ni Jelain sa kanya na hindi niya naman talaga ito masasagot! Kagabi lang sila nagka-kumprontahan pero all in all hindi niya parin talaga alam kung ano ang nangyari sa ex niya for the past five years like hello? Wala siyang balita noon para malaman ang tungkol sa naging buhay nito noon! “Aba, malay ko! At staka...diba ikaw ang nag interview no'n sa kanya? So dapat alam mo kung ano pa ang stable work no'n para pagtuunan niya ng pansin kaysa sa pinapasok niyang trabaho ngayon sa ating kumpanya. Tss.” “Oh, there is...He is a sea captain huh? Seaman--loloko pala ang ex mo, Tin!” parang natutuwa pang saad nito sa kanya dahilan para mapa ste siya. Humalakhak naman sa kabilang linya si Jelain dahil sa reaksyon niya. “By the way nandiyan naman siguro si Trent? Siya nalang muna ang kausapin mo. You need to do something about our photoshoot J, at hindi 'yon pweding ma-cancel dahil over na talaga tayo sa paki-usap.” patay malisyang pag-iiba niya ng usapan dahil ayaw niyang mapag-usapan si Riki. She is mad what happened about last night kaya ipapahinga niya muna ang kanyang utak. Time out muna. “Yeah, noted po, Madame President. By the way maghapon ka bang kukulong diyan sa condo mo?” “Bakit?” takang tanong niya sa likod nang tumataas niyang kilay. “Eh, kasi may invitation dito na dumating galing sa Japanese Resto besides our company. Hindi pa naman sila magbubukas pero inaasahan ka nilang—” “Stop that nonsense Jelain. You know that I have no time about what you said. Sige na, I just need to end this call. Masyado mo na akong inaabala.” wala sa sariling pinatay niya kaagad ang tawag ni Jelain. Parang bigla siyang na badtrip kahit wala namang sapat na dahilan. Something that makes sense to her mind right now. Madaming gumugulo at pilit na sumasagi at kailangan niyang maiwaksi muna 'yon lahat dahil she needs to focus on her work. After a while sa kanyang mini-office na agad siya pumunta. Sinimulan niyang ilatag ang shoe design sketchbook niya. Inihanda narin niya ang mga iba't-ibang klaseng lapis but something is ruining her mind! Tiniklop niya ulit ang sketchbook niya bago mabigat na isinandal sa swivel ang kanyang likuran. Pansamantala siyang nag-iisip sa gagawin niya at huli na nang mapagtanto niyang kinonkontak na niya ang kanyang attorney. “I want you to fix everything I said, Atty. At pakisabi narin sa investigator na I need a daily report about Andra Montemayor's wellbeing.” seryoso niyang utos sa Attorney. “Yes, Ms. Miranda. Hindi ka mabibigo at asahan mong bukas na bukas din ay may balita na akong ia-abot sa'yo. Actually kanina ko pa talaga sinabihan si Agent Johnson's at alerto naman siya.” saad ng abogado na kausap niya. Awtomatiko din siyang nagtaka at naningkit ang mga mata. “What do you mean about agent Johnson's, Atty?” diretso niyang tanong. “Oh, I'm sorry for not informing you about agent Johnson's. I know he is your friend pero kasi masyado niya akong pinapabilib these days kaya siya ang inatasan ko batay do'n sa mga pinapagawa mo.” “Sigurado ka ba diyan Atty? Hindi sa wala akong tiwala kay Rhett pero kasi hindi ba nakakatakot 'yong gagawin niya?” nag-aalala niyang usisa sa abogado. She knows that his friend Rhett is a licensed agent despite his busy work as an employee to her company. Kaya nga hindi niya man lang 'to magawang paki-usapan o kahit bayaran niya pa ng malaking halaga dahil ayaw niyang masangkot ito sa kung ano mang gulo. Natatakot siya sa mga kapakanan ng mga kaibigan niyang pinapahalagan niya pero masyadong matigas ang ulo ng kaibigan niya kaya she's done for him! “You don't have to worry about his work. He is born to be an elite at staka siya mismo ang nag presenta na gawin ang misyon na 'yon. Pumayag lang ako dahil aktibo naman talaga ang kakayahan niya, Ms. Miranda.” paliwanag nito. Huminga siya ng malalim bilang pag payag. Wala na siyang magagawa dahil naroroon na sa sitwasyon na 'yon. All she wants to do is sermonan nalang talaga si Rhett kapag nagkita sila. Baka mga hindi lang sermon ang magawa niya. Pagkatapos nang usapan nila ng kanyang abogado saka palang siya nakahinga ng maluwag. Pakiramdam niya ay 'yon lang ang nakakasagabal sa araw niya at mga gagawin niya kaya humugot siya ulit ng mahabang hangin mula sa kaibuturan niya. She breathed out then started her work.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD