“Anong balak mo ngayon? Hahayaan mo nalang ba na mag lihim sa kanya? Sinasabi ko sa'yo Justin may hangganan lahat ng lihim.” seryosong pagpapaintindi sa kanya ng kanyang kaibigan habang nagkakape sila sa isang sikat na coffee shop.
Hindi siya nakasagot bagkus napa-isip siya.
Jelain is right lahat ay may hantungan. Matagal-tagal niyang panghahawakanan ang lihim niya pero kapag dumating na ang oras wala na siyang magagawa kundi ang aminin nalang pero bakit nga ba siya naglilihim eh wala naman siyang ginagawang masama. Siya pa nga ang na-agrabyado noon kung tutuusin.
“For now, I will go with the flow at kung mabisto man edi titigil na.” aniya bago sumimsim ng kape. “Makikipaglaro muna ako sa kanya.” pilya niyang dugtong. Basta naman tumaas ang isang kilay ni Jelain dahil na naman sa mga pa kumpyansa niya sa kanyang sarili.
“Makikipaglaro...huwag lang mabalitaan kong talo kana naman at iiyak-iyak ka sa isang tabi. Baka mapektusan lang kita, Justin Miranda.” iritadong pamimilosopo nito sa kanya. Awtomatiko naman siyang napatawa and knowing the fact na tama ito kaya sa halip na mangatwiran pa, mas pinili niyang tumawa nalang.
“Pero seryoso, kung sasabayan mo ang trip ko siguradong mananalo ako. Kaya, hanggat maaari, itikom mo palagi yang bibig mong parang may kati din gabi kung minsan.”
Biglang napabuga ng hangin si Jelain at hindi makapaniwalang tinignan siya.
“How dare you? Sa ganda ng pouted lips ko.” asik nito bago pa ininguso ang mga labi. Mas lalo pang pinapakita sa kanya kung gaano ito ka pouted. Natatawa naman siyang sumimsim ng kape.
“I mean kasing dulas pala ng gabi.” biglang palit niya. Inirapan siya ni Jelain pero yo'ng irap nito ay napalitan ng pagtataka ng mapatingin ito sa counter kung saan naroroon si Riki na may kasamang ibang babae. Nasundan niya ang tingin nito kung kaya't napabaling siya sa gawi nina Riki na abala parin sa pag order.
Napa-awang pa ang kanyang bibig nang mapagtantong hubog palang ng katawan ng babae na kasama nito ay mukhang maganda na kahit nakatalikod palang. What more kung nakaharap pa ito? Bigla niyang tinignan ang kanyang sarili bago walang imik na sumimsim ng kape.
Siguro naman hindi siya nakakaramdam ng kung ano!
“Oh, hi, Rik!” bulalas na bati ni Jelain kina Riki nang mapadaan pala ito sa likuran niya.
“You're here—” hindi natapos nito ang sasabihin nang bigla siyang bumaling sa likuran niya.
Agad na tumama ang paningin niya sa kasama nitong babae at parang malalaglag ang panga niya nang makita kung gaano kaganda ang babaeng kasama nito. Sobrang puti ng balat. Medyo balbon. Payatin pero may kurba sng katawan at higit sa lahat flat din naman ang dib-dib!
Pero bakit biglang naging kuryuso siya sa mga kurba ng katawan at hinaharap ng mga babae? Aishhh! Is she thinking na girlfriend ni Riki ang magandang babae na kasama nito? Pero bakit hindi man lang magawa nitong dedmahin gayong halos parehas lang naman sila ng pangangatawan.
“You can sit here if wala kayong mahanap na upuan...mukhang wala narin naman kasing space.” komportableng alok ng kanyang kaibigan matapos ilibot ang paningin sa paligid. Siya naman ay pilit na hinuhuli ang paningin ni Jelain pero hinding-hindi man lang nito magawang tignan siya dahil alam nito na tutul siya!
“Sure, thank you...”
“Jelain nalang.” nakangiting pakilala nito sa babaeng maganda. Nag tama ang mga mata nila ng babae kaya para maging friendly naman siya kaya sinagot niya rin ang ngiti nito. Staka...ang weird naman kasi ng nararamdaman niya dahil hindi niya makuhang tarayan ito o hindi batiin dahil ang gaan-gaan ng pakiramdam niya dito. It feels like magiging kasundo niya ito kung sakali na magiging magkaibigan sila.
Nakita niyang umupo sa tabi no'ng babae si Riki kaya napaiwas siya ng tingin.
Out of nowhere bigla siyang napasimsim ng kanyang kape na medyo lumalamig na.
Narinig niyang tumikhim si Riki pero hindi siya tumingin.
“If you don't mind, may I know you?” walang hisitasyong tanong sa kanya no'ng babae na ikinatingin niya rin naman agad.
Noong una hindi niya alam kung sino ang tinatanong nito pero talagang may sariling mundo ang paningin niya kung kaya't nasundan niya nalang ang ginagawa nito sa kanya.
Marahan niyang inilapag ang tasa bago lihim na lumunok.
Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya habang lahat ng mga tenga ay atat na nakikinig sa kanya.
“J-Justin. Justin Miranda.” alanganin niyang pakilala. Sa huli nagawa niya rin pati ang pakipagkamay sa babaeng kaharap. Pero, hindi nakaligtas sa pandinig niya kung paano napatikhim si Riki ng marinig ang kabuuan ng pangalan niya.
“Really? So ikaw yo'ng...sikat na—”
“Yeah, she is! Siya yoong sumikat na hotelier back then. Right, Tin?” sulpot na sagot ni Jelain. Jelain's face indicated to her that she agreed with what she said about.
Napamaang siya pero agad ding sinang-ayunan ang mga alibi ng kanyang kaibigan para lamang malusutan ang mga naiisip nilang kalokohan.
Wagas siyang ngumiti bago tumango-tango.
“O-Oo..Ako nga 'yon. Medyo nawala na 'yon sa aking isip.” direstsong tugon niya.
Halatang nakumbinse naman nila ang babae. Sabay silang napahinga ng maluwag ni Jelain nang makita ang reaksyon nito.
“Ikaw nga! Kaya pala ang familiar mo.” ngiting-ngiti na sabi nito sa kanya dahilan para mapangiti din siya. “By the way, I'm Janessa, Janessa Salem.” pakilala nito sa kanya. Nakalahad ang kamay nito kaya walang hisitasyong inabot niya rin. “Riki's friend.” dugtong pa nito. Hindi niya naman ito inaasahan pero parang naging kampante narin siya sa puntong iyon. Wala siyang naisagot kaya nahihiyang tinapos niya nalang ang pakikipagkamay kay Janessa dahil pakiramdam niya matutunaw na siya sa mga paninitig sa kanya ni Riki.
“Nice to meet you.” pahabol niyang sabi bago tuluyan nang umupo at inisang lagok ang natitirang kape sa kanyang tasa. Gano'n din ang sagot ni Janessa sa kanya at parang kilig na kilig pa ito. Hindi niya alam kung bakit pero naiisip niya ngayon na baka all rounder din itong Janessa. Iniisip niya na posibleng makilala siya nito kung mahilig itong tumambay sa social media. At kung gano'n hindi pweding papetiks-petiks lang siya sa mga plano niya lalo na at kaibigan pa nito si Riki.