Hindi sapat ang tubig at electricfan para mawala ang tensyon na nararamdaman niya dahil kahit panay-panay na ang pag-inom niya ng tubig hindi parin nawawala ang kaba sa dib-dib niya. Dalawang electricfan narin ang nakatutok sa kanya dahil pakiramdam niya sobrang binabanas parin siya kahit naka-full din ang aircon. Today is the first event that her company held since she started to build her own shoe company which is a Jus-Thins.
Kabado at pagiging balais ang nararamdaman niya ngayon habang hinihintay ang go signal ng staff niya. She is a low-key shoe designer since she was in the US and it hits her more different dahil doon walang huhusga sa kakayahan niya unlike dito sa sarili niyang bansa, madaming mapaghusgang tao. Kahit siya pa yata ang perpektong nilalang may mga tao parin na nag pipilit na hanapan siya ng butas para masira ang pangalan. Her precious name that she will cherish forever.
“Enhale, exhale lang kasi Just. You don't need to be tense nor to be nervous. This is your night at kini-claim kong magiging successful ang event na'to.” positibong saad sa kanya ng kaibigan niyang si Jelain.
Huminga siya ng malalim bago uminom ulit ng tubig para mawala ang namumutawing kaba sa kanyang katawan.
Narinig niya kung paano naghihiyawan ang mga bisitang nasa runway. Tila na-aaliw at manghang-mangha ang mga ito dahil sa mga new designs niyang bagong labas.
“Basta doon ka lang sa harapan mamaya, ha? Don't ever lose sight of me later, okay?” pangungumbinse niya sa kanyang kaibigan habang pinipisil-pisil ang mga daliri. Jelain winked at her.
“Basta maya-maya kapag sinabi kong isuot mo na yang mask mo isuot mo na agad para less hassle na tayo. Gets? You can do it. Fighting!” tumango-tumango siya.
“Fighting!” masiglang saad niya. Guminhawa pansamantala ang nararamdaman niya dahil sa kaibigan niyang all out support sa kanya.
Pinagmasdan niya ang maskara na isusuot mamaya. Bigla siyang napangiti ng wala sa oras bago pa niya sinilayan sa salamin ang kabuuan ng maganda niyang mukha.
Tonight she owns the runway. She is wearing his signature shoes na ilang buwan niyang pinagpuyatan para lang mabuo ang unique niyang design. Ang nag-iisang design na masasabi niyang siya lang ang nakakagawa niyon. Because of her low-key nature and fear of being judged by the crowd, she decided to wear a mask while wearing her signature shoes, which are called Hot Temptress Shoes, designed with Ankle straps and a color of vibrant orange and combinations of black. It's her first ever newest design for this summer event.
Huminga siya ng malalim matapos niyang isuot ang maskara. Tanging mga labi niya lang ang nakalabas bukod sa mga bahagi ng katawan niya na medyo revealing tignan dahil sa seksing suot niya. But instead of worrying she don't mind dahil sanay naman siyang mag-suot ng gano'n kaso noon 'yon no'ng nasa US pa siya.
“Ilang minutes pa?” pabulong niyang sabi kay Jelain habang abala ito sa pakikipag-usap sa radyo. Binalingan siya at bigla pa itong nagulat ng makita siyang suot na ang maskara.
“Three minutes. You ready?"
“Hmm.” tipid niyang sagot bago hinugpong ang mga kamay dahil pakiramdam niya nilalamig na siya dahil sa tensyon. Sout narin niya ang signature shoes niya. She shakes her hands para pakalmahin ang sarili.
Handa na ba kayo na makita ang last but not the least na design? By the way, before anything else. For all you know, these shoes are the owner's signature shoe with a unique design na mismong siya lang ang nakagawa nito. Ladies and gentlemen, please give a stand and applause, Hot Tempress!
Awtomatiko siyang lumabas sa stage. Baon ang lakas ng loob at tiwala sa sarili, inumpisahan niyang ilakad ang mga paa suot ang Hot Tempress niyang sapatos. As the music went hype she continued to walk in the runway without any hesitation and nervousness.
Halos mabingi siya sa tindi ng hiyawan at palakpakan habang manghang-mangha na nakatingin sa suot niyang shoes ang mga artist at ibang costumers and consumers.
Pinagpatuloy niya ang confidence niya sa pagrampa ng sarili niyang design habang sinisilayan ang mga kilalang bisita na tumampok sa kanyang summer event.
Mas lalo din siyang napanatag ng makita si Jelain na proud na proud na naka-antabay sa kanyang galaw. Dahil do'n mas lalo na siyang ginanahan na rumampa.
Hindi na siya nakakaramdam ng tensyon. Hindi na siya kinakabahan not until he saw the presence of a man that she will never think na makikita niya pa ulit ito matapos siyang baliwalain sa likod nang mapang-akit niyang karisma! Awtomatikong nanumbalik sa ala-ala niya ang masasakit na salita na sinabi nito sa kanya!
Agad siyang natigilan but to hear the voice of her friend kaya muli siyang lumakad at pinagpatuloy ang pagrarampa!
She continued to walk as if she cannot see him pero talagang niloloko siya ng kanyang mga mata dahil kahit anong gawin niyang pag-iwas doon parin tumutumbok ang paningin niya until their gaze met and lock to each other--again! Damn, stupid eyes of her! Pero kahit na gano'n nangingibabaw parin ang lakas ng loob niya dahil malay ba naman nito kung sino siya! She wore a mask and they didn't even know who she was!
Parang may naramdaman siyang kuryente habang nakikipagsagutan ng tingin sa lalaki but before she turned back to the front of stage siya rin ang unang bumitaw ng tingin. Even if her heart is beating so fast she continues to sway more her hips. Pinagpatuloy ilakad ang kanyang mga paa at tila inaakit ang madla.
All of a sudden she heard people cheering her so loud. Shouting wow and requesting to walk like a beauty queen.
At dahil do'n nawala ang kaninang kaba niya at napalitan ng kapilyahan na ngiti hanggang sa matapos ang oras niya sa pag rampa.
“Grabe! Iba ang karisma ng nag-iisang Justin Miranda!” hindi makapaniwalang bungad sa kanya ni Jelain habang naka-abang na ito sa bukana ng stage. She smiled even though she felt distracted by the presence of some people taking pictures of her.
“Binging-bingi nga ako sa hiyawan nila—”
Nabitin ang sasabihin niya at basta na agaw ng pansin niya ng makitang may hinaharang na ang dalawang guard sa back stage dahil may isang tao na gustong lumapit sa kanya!
“What's happening here?” diretso niyang tanong sa mga guard ng basta niya ito puntahan. Bigla naman napatigil ang mga ito lalo na isang lalaki na napapagitnaan ng mga guwardiya. Naka-maskara parin siya kung kaya't malakas ang loob niyang humarap sa mga ito.
“Ma'am nag pupumilit kasi. Kakausapin lang daw po kayo,” tugon ng isang guard dahilan para mapatingin siya sa lalaki. Tumigil ito sa pag pupumilit habang nakikipagsagutan ng tingin sa kanya. Sinuri niya ang kabuuan nito. Mukhang galante naman at mayaman dahil sa klase ng mga suot nito.
“What's your deal?” tumbok niyang tanong sa lalaki. Senyasan niya ang dalawang guwardiya na bitawan na ang lalaki kung kaya't inayos muna nito ang suot na damit. Pinagpagan ang mga manggas bago pa inayos ang kwelyo saka pa sumagot sa kanya.
“My Boss wants to ask a favor from you, Madame.”
Tumaas bigla ang isa niyang kilay. Hindi naman kita ng mga ito dahil may maskara siyang suot pero dahil mukhang toso din itong lalaki kung kaya't walang hisitasyon niyang inabot ang calling card na inaaro sa kanya.
And when she read the name of Riki Nishimura, she smiled mischievously as if she was planning something crazy.
“Okay.” aniya sabay talikod sa lalaki at tuluyan nang pumasok sa dressing room niya.
Parang nakipagkasunduan lang siya sa bata para sumang-ayon siya ng gano'n kabilis kahit hindi niya alam kung ano ang pakay sa kanya ni Riki.
“Gusto mo ng laro? Then, let's play Riki Nishimura.” pilya niyang sabi habang hawak-hawak ang calling card na galing sa lalaki.