K- 31

1690 Words
Para siyang sinabuyan ng nagyeyelong tubig nang makita si Riki na matiim na nakatingin sa kanya at sa lalaking kaharap niya. Parang gusto niya nalang hilingin sa kina-uupuan niya na sana ay lamunin nalang siya nito para maiwasan ang masakit na paninitig sa kanya ni Riki. Napalunok siya at tensyunadong inilingos ang ulo sa kaharap niyang si Carlo. In an unexpected time and in unexpected situation dumoble ang kaba niyang nararamdaman dahil ang dalawang taong parehas niyang iniiwasan ay nakita niya at ang matindi pa ay nasa-iisang lugar lang sila. Para siyang kakapusan ng hininga nang basta hawakan ni Carlo ang mga kamay niya nang makita kung gaano siya kaputla. “Are you okay?” diretsong tanong sa kanya ni Carlo habang nakadantay ang kamay nito sa kanyang kamay. Isang segundo lang ang itinagal ng kamay nito nang basta niya hilahin ang kanyang kamay dahil nakita niya kung paano naniningkit ang mga mata ni Riki! “O-Okay lang ako...” kabado niyang sagot habang nakayuko. Hindi niya kayang salubungin ang mga tinginan ni Riki at nang mga kasamahan nito. Bago lang sa mga mata niya ang mga kasama nito at alam niyang iba ang mga ito kaysa sa mga nauna niyang nakita. Basi sa mga porma ng mga ito ay halatado niyang mga bigating tao ang mga kasama ni Riki. Nag tama ang mga mata nila ni Janessa at sa puntong iyon parang humihingi siya ng tulong. “M-mauna na ako...K-Kuya.” nauutal niyang untag kay Carlo na kasalukuyang titig na titig parin sa kanya. Walang pinag-iba ang mga titig nito simula nang huli niya itong makita limang taon na ang nakakalipas! “Why are you feeling in the rush, Tin?” nakangising saad nito nang pigilan siyang tumayo! Natigilan siya at basta na alarma nang makitang napatayo din si Riki. Mabuti nalang at napigilan ni Janessa at nang isang lalaki kaya napa-upo ulit ito. Nate-tense na siya kaya mabilis niyang hinablot ang kamay na hawak-hawak ni Carlo. "There is a person I need to meet up at baka...naghihintay na siya,” dahilan niya. Tuluyan na siyang tumayo but--in the second time muli siyang pinigilan ni Carlo at ngayon at nakaharang na ito sa kinatatayuan niya. Kabado siyang napatingin sa gawi nina Janessa. Kitang-kita niya kung paano pinipigilan ng mga lalaki si Riki na galit na galit ang hitsura. Parang gustong pumatay ng tao ang klase ng awra nito! Lalo na siyang naging tensyunado dahil alam na alam niya ang ugali ni Riki! Kung bakit ba kasi nagsabay pang nagpakita sa kanya ang mga ito! Gusto niya lang naman sana mag-grocery para sa mga taohan ng Lolo niya na namamahala sa Mansion. “Oh, hi, Tin! Hindi mo'ko tinawagan na dito pala tayo magkikita.” tila may hinampong bungad sa kanila ni Janessa. Hinila siya nito para yakapin ng mahigpit dahilan para mapalayo siya kay Carlo. “Act nicely, please....Gusto nang patayin ni Riki yang kasama mo kaya magpa-alam kana sa kanya.” bulong sa kanya ni Janessa matapos siyang halikan sa pisngi na parang na-miss nila ang isa't-isa. “We're bump in each other kaya...we have a small chitchat. B-by the way, K-Kuya...mauna na ako.” paalam niya kay Carlo habang pilit na nginingitian ito at hindi pinapahalatang nate-tense na siya. “Okay, then. Let's talk some other time, Tin.” saad ni Carlo bago siya yakapin. Bigla siyang kinabahan kaya napakapit siya ng mahigpit sa kamay ni Janessa. “Hindi pa tayo tapos, Tin—” Bumulagta sa sahig ang bulto ni Carlo nang basta ito hilahin ni Riki at walang sabi na sinuntok! Napatuptop siya sa kanyang bibig nang sakyan pa ni Riki si Carlo para sana suntukin pa ulit kaso nabitin sa ere ang mga kamao ni Riki nang basta ito pigilan ng mga kaibigan. Siya naman ay inilayo agad ni Janessa. Mabilis siyang nailabas sa coffee shop. “S-si...Riki.” natataranta niyang pigil kay Janessa. Pero sa halip na tumigil ay nag dire-diretso parin si Janessa sa paghila sa kanya palayo sa shop. Hindi manhid si Janessa para hindi malaman ang nangyayari. Alam nito ang gagawin because womens instinct is always alert. “Don't mind him, okay? Ando'n si Quinn at ang mga kaibigan nila. Kaya na nila 'yon.” pangungumbinse kumbinse nito sa kanya nang marating nila ang cr. Hindi na siya nakipagtigasan kay Janessa bagkus nagpasalamat siya dahil sa ginawa nito. “T-thank you, ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating... kahit parang pinapatay na ako ni Riki base sa mga tinginan niya.” hinawakan niya sa mga kamay si Janessa. Kalmado na siya at medyo kampanti narin na hindi na siya makikita ni Carlo. “Sino ba 'yong lalaki na 'yon?” diretsong tanong ni Janessa. “He is my stepbrother." Amin niya. Janessa pinch her hands kaya napatingin siya doon. “Nabubuang na kakahanap sa'yo si Riki kaya gano'n ang awra niya. You two need a proper talk kaya suit yourself girl. Ikaw lang ang makakapagpakalma sa lalaking 'yon.” saad niyo bago sinuklay-suklay ang kanyang mahabang buhok. Pilit siyang ngumiti sa likod ng kinakabahan niyang katawan. Sumunod-sunod ang pagkatok sa pinto ng cr na inuukupa nila kaya sabay silang napatingin nila Janessa sa pintuan. “Sige na, lumabas na tayo. Nandiyan na ang loko.” naiiling na sabi ni Janessa bago siya inalalayan na lumabas. Bumungad sa kanya si Riki at ang apat na lalaking pare-parehas na nakahawak sa iba't-ibang parte ng hoodie ni Riki. Maliban lang sa isang lalaki na matangkad na basta lang nakatayo at nakahalukipkip at tuwid na tinitignan ang mga kasamahan. Nakita niyang napa-iling-iling si Janessa habang uumis-umis na nakatingin sa mga lalaki. Sinalubong niya ang paninitig ni Riki sa kanya at kumalma naman ang pakiramdam niya nang makitang hindi na madilim ang mukha nito. “Let's go.” untag ni Jaxxon kaya sabay-sabay na tinanggal nina Quinn, Jersey at Kelton ang mga kamay na nakahawak kay Riki. “Sumunod nalang kayo kapag tapos na kayong mag-away.” dugtong na sabi ni Jaxxon ng makitang tapikin si Riki sa balikat. Nasundan niya ng tingin si Riki na inangat sa ere ang isang kamay bilang sagot pero nanatiling nakapako sa kanya ang paningin nito. Lihim siyang napalunok ngunit bigla din nagulat nang basta ihugpong ni Riki ang kamay sa kamay niyang nanlalamig. Wala na siyang nagawa kundi ang lingunin nalang si Janessa habang nagpapatianod sa paghila nito sa kanya. Napasinghap siya nang makapasok siya sa kotse ni Riki. Walang imik itong umikot at sumampa din sa likuran kung saan naro'n siya. Nagulat siya nang mapalakas yata ang pagkasara ni Riki ng pintuan kaya sabay na umangat ang kanyang magkabilang balikat. Kinakabahan na naman siya at hindi alam ang gagawin kung paano malulusutan itong lalaking kasama niya. Kabado siyang umisod palayo kay Riki kaso hindi paman niya naii-angat ang puwetan nang basts siya nito hapitin at sakupin ang kanyang mga labi. Nagpupumiglas siya kaso wala siyang lakas dahil mahigpit siyang kinorner ng mga braso nito. Sa huli kabado siyang nagpaubaya sa mga halik ni Riki. Hindi siya tumugon at halatado 'yon ni Riki kaya ito din ang kumalas at mabigat na inilubog ang mukha sa kanyang leeg. Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang mabigat na paghinga nito. Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balat. Hinapit siya nito dahilan para mas lalong magdikit ang kanilang katawan. Hindi niya alam kung bakit parang nahahabag siya sa halip na magalit. May mga kaguluhan sa isipan niya. Natatakot siya sa nangyari kanina. Natatakot din siya sa mga inaasta ngayon ni Riki pero hindi niya alam kung bakit nagawa niyang paklamahin ito sa pamamagitan ng pagsuklay-suklay sa mahabang buhok nito na humaharang sa mga mata niya. Sa ginawa niyang iyon hindi niya inaasahang lumuwag ang pagkakahapit sa kanya ni Riki. Naging okay narin ang bawat paghinga nito and it seems the agony on his system is silently going away “Mapapatay ko talaga ang lalaking 'yon.” may diing saad nito habang nakalubog parin ang mukha sa kanyang leeg. She bit her lips to ease the tension she feels right now. “Kapag ginawa mo 'yon makukulong ka.” pananakot niya sa kalmadong tinig. “I don't care. Kaya kong lusutan 'yon.” giit nito dahilan para kumunot ang kanyang noo. “Hindi ko kaya kapag nagkataon.” aniya. Hinalikan ni Riki ang leeg niya at ramdam na ramdam niya ang mainit nitong labi na dumidiin sa kanyang balat. “Pero kaya mo akong pagtaguan.” pabalang na sabi nito dahilan para mag-isang guhit ang mga labi niya. “Hindi kita pinagtataguan,” dahilan niya. Niyakap siya nito dahilan para magdikit ulit ang mga katawan nila. “Then if not...kiss me.” paos na utos nito sa kanya. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya ito pinagtataguan. She needs time to think of kaso hindi niya rin nagawa dahil napukos ang sarili niya sa Mansion kung saan inatangan siya ng kanyang Lolo na intindihin muna ang tungkol sa pagpaparenovate nang ancestral house. Marahan niyang sinapo ang magkabilang pisngi ni Riki. Nagtama ang mga mata nila and by that their gaze was locked. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha nito at walang sabi na sinakop ang mga labi ni Riki. If her kisses are the only way to answer the question and those who are bothering Riki's thoughts then why not? Kung sa paraan na 'yon ay magiging kampante ito kaya bakit pa siya uurong. Mahigit limang minuto silang naghalikan lang nang naghalikan hanggang sa hindi niya namalayan na nasa kandungan na pala siya ni Riki. Nakakawit na ang kanyang mga kamay sa leeg nito samantala ang mga kamay ni Riki ay natigil sa kanyang magkabilang pang-upo. Mahingal-hingal sila parehas nang si Riki mismo ang tumapos ng kanilang halikan. Naglapat ang kanilang mga noo habang nagpapalitan silang langhapin ang bawat hininga. “Baliw na baliw ako no'ng hindi ka nagpapakita sa'kin pero mas lalo pala akong mababaliw ngayong kasama na kita." bulgar na sabi nito sa kanya. “Binabaliw mo na ako, Tin!” dugtong nito bago ulit sinakop ang kanyang mga labi bago pinisil-pisil ang kanyang magkabilang pang-upo.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD