K-1

2128 Words
“Happy Anniversary, Love.” Malambing kong bati kay Riki habang inaabot ang regalo kong rolex na relo sa kanya. Pinag-ipunan ko talaga ang pangbili ng relo na 'yon dahil kahit hindi niya sabihin ay alam kong type niya ang gano'ng relo dahil sa tuwing namamasyal kami sa mall palagi niya 'yon lihim na sinisilip sa shop. “Salamat, Love. Sorry dahil wala akong regalo sa'yo ngayon pero hayaan mo at babawi ako kapag nakasahod na ako.” tugon niya bago ako niyakap ng sobrang higpit. Hindi niya muna binuksan ang regalo ko sa kanya dahil nag laan pa siya ng oras para mayakap ako. Two years na kaming magkarelasyon ni Riki. Sixteen lang ako nang ligawan niya ako noon at kahit na gano'n hindi ako nag dalawang isip na hindi siya sagutin dahil mahal ko naman talaga siya. Parehas kami ng posisyon sa buhay dahilan para magkasundo kami sa mga simple naming pamumuhay. Parehas kaming hindi alam kung sino ang aming totoong mga magulang at parehas din kaming kinukupkop lamang ng mga madrasta namin. May halong hapon si Riki at kahit noon paman hindi niya nakita ang totoo niyang Ama pero alam niyang patay na ang kanyang Ina. Ako naman ay totoong Anak ng aking Papa at hindi ko alam kung nasaan ang aking totoong Ina. Ang buhay namin ay kasingsaklap ng buhay ng mga pulubi at siguro nga masahol pa kami kumpara sa kanila pero kahit na gano'n kahit hirap na hirap na kami sa hindi magandang pakikitungo sa'min ng aming mga madrasta nagagawa parin naming mag tiis pero may konteng pinag-iba sa'kin si Riki. Naging isang rebelde siya. Sumasali siya sa mga fraternity. Nagiging mukhang gangster siya pero kahit na gano'n malinis ang konsensya niya. Hindi sila gumagawa ng mga riot o gulo sa mga kalye. Naghahanap buhay sila ng marangal habang pumapasok ng high school. Kahit na gano'n hindi kabawasan sa'kin kung ano siya at kung ano ang meron siya. Mahal ko siya kaya tanggap ko siya kahit sino at ano pa siya. “Okay lang 'yon, Love. 'Wag mo nang paglaanan ang pang-regalo sa'kin dahil malapit na ang graduation mo. Ipunin mo nalang ang magiging sahod mo para may gastusin ka kung sakali itutuloy mo ang pagpasok mo ng college." “Pero, Love—” “Ayos lang sa'kin, Rik kahit hindi mo ako bigyan ng mga materyal na bagay. Nakakaluwag-luwag ako kaya napaglaanan ko na bigyan ka ng regalo hindi dahil anniversary natin kundi dahil gusto ko rin ibigay 'yan sa'yo.” giit kong pag papaintindi sa kanya. Inalalayan niya akong maka-upo. Hindi na siya nakipagtigasan sa akin dahil alam niyang hindi rin naman ako magpapatalo. Hinihintay kong sumilay ang reaksyon sa kanyang mukha ng dahan-dahan na niyang binubuksan ang regalo ko at hindi nga ako nagkakamali na abangan ang gulat sa kanyang hitsura dahil kahit yo'ng kahon palang ng relo ang nakita niya alam niyang iyon na yo'ng pangarap niyang bilhin. Lumapad ang ngiti niya habang excited na binubuklat ang kahon. Ako naman ay natutuwa ding makita kung gaano siya kasaya dahil sa niregalo ko sa kanya at sapat na sa akin na makita siya na gano'n kasaya sa ganitong importanteng araw para sa'min. Sagad ang pasalamat niya sa'kin at panay-panay ang paghalik niya aking noo at ulo daw sa galak na nararamdaman niya. Sa ilang oras na pamamasyal namin hindi namin aakalain na aabutin kami ng gabi at minalas pa dahil umulan at wala man lang kami kadala-dalang payong kaya ang ending ay sumilong muna kami sa labas ng isang sikat na Japanese restaurant. “Nabasa ka ba? Akin na at pupunasan ko ang ulo mo Love.” Tanong niya na ikina-iling ko naman ng mabilis dahil hindi naman ako nabasa. “Ako nga dapat ang magpupunas sa'yo dahil tignan mo naman oh,” naiiling ako bago lihim na tumiltik dahil nakita kong basang-basa siya dahil hinubad niya kanina ang suot niyang jacket para ipandong sa akin. “Okay lang ako, Love. Matibay ang resistensya ko.” mayabang niyang sabi habang tinutuyo ng face towel ang buhok niyang bagsak at malago. Napanguso pa ako dahil hindi niya hinayaan na ako ang magpunas sa kanya kaya parang bata akong nagtampo na bumaling sa loob ng restaurant kung saan nakita kong may ilan na kumakain sa loob. Hindi ko alam na nasundan niya pala ang paningin ko kaya bigla siyang nagsalita sa likuran ko. “Gusto mo bang makatikim ng Japanese na mga pagkain?” tanong niya sa'kin. Biglang iniwas ko ang aking paningin at hinarap nalang siya ulit. Sa totoo lang sa edad kong desie-otso hindi ko pa nararanasan na makatikim ng mga putahe ng ibang bansa. May mga kuryusidad ako pero sabi ko balang araw magkakaroon din ako ng tyansa na matikman ang mga iyon at mahuhusgahan kung ano ba talaga ang lasa ng mga iyon dahilan para kaadikan ng ibang pinoy ang mga asian foods. “Hindi rin naman yata masarap ang pagkain ng mga Japanese.” pabalang kong sabi sa kanya dahilan para maitaas niya ang kanyang magkabilang balikat. Alam kong half Japanese siya at wala akong intensyon na laitin ang mga pagkain nila. Gusto ko lang hulihin ang katotohanan kung nakatikim narin ba siya ng mga pagkain ng mga hapon. “Hindi ko masasagot yang tanong mo Love dahil kahit ako na hapon ay hindi parin naman nakatikim ng sariling lasa ng mga pagkain nila. Pero hayaan mo balang araw kapag nakapagtapos na tayo ng college at may stable na tayong trabaho ako mismo ang magdadala sa'yo sa mga ganyang restaurant at sabay nating huhusgahan ang mga pagkain nila.” mahaba niyang sabi sa'kin dahilan para mapa-umis ako. Palagi niya akong napapangiti sa tuwing sinasabi niya sa'kin ang mga plano niya after naming makapagtapos. Nakakataba lang ng puso na palagi niyang pinapadama sa'kin na sa mga taon na 'yon na di-detect niya parin na magkasama parin kami no'n at kahit ako din naman ay nagkakaroon ng pag-asa na sana kahit ilang taon na ang dumaan ay kami parin. “Promise mo 'yan Riki Nishimura ha?” “Promise ko 'yan sa'yo mahal kong Justin Miranda.” ngiting-ngiti niyang sabi bago umakbay sa'kin at kinulong ako sa mga bisig niya. Napangiti din ako at hindi maiwasang hindi banatin ng sagad ang kanyang magkabilang gilid ng mga mata dahil sa sobrang kasingkitan. Lalo na kapag natatawa siya, lalo nang naningkit ang kanyang mga mata at hindi maiitanggi na isa siyang dayuhan na naligaw lamang dito sa lugar ng Romblom. Tamang alas nuebe ng gabi ng maka-uwi kami. Hinatid niya lang ako sa labasan dahil hindi ako pumayag na ihatid niya ako hanggang sa bahay namin. Masyadong maligalig si Tita Lucia at lihim parin kasi ang relasyon namin ni Riki. Gano'n palagi ang set-up namin ni Riki sa tuwing hinahatid niya ako at mabuti nalang din hindi siya nag re-reklamo at iniintindi din ang sitwasyon ko. Naabutan namin naglalakad na pabalik si Andra at iniisip ko na baka galing din ito sa amin ngayon. Si Andra ay Anak ng Kapitan dito sa amin at kaibigan ko siyang malapit simula no'ng elementary palang kami. Magkahawak ang mga kamay namin ni Riki habang naglalakad na sinasalubong si Andra. Nakita niya rin kami kaagad kaya inunahan ko siya ng bati sa pamamagitan ng pag ngiti. Hindi niya ibinalik sa'kin ang binigay kong ngiti kaya may pagtataka ko siyang tinignan at pilit na binabasa ang reaksyon ng kanyang mukha lalo na nang bumaba ang paningin niya sa kamay namin ni Riki na magkahugpong. Alam ni Andra na may relasyon kami ni Riki. “Hindi alam ni Papa na mag-isa lang akong pumunta dito.” simula niya. Napamaang pa ako ng ilag segundo dahil hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin. Naipilig ko rin ang aking ulo sa direksyon ni Riki ng makita na kay Riki nakatuon ang paningin ni Andra. Nakita ko kung paano yumuko si Riki at pasimpleng nag kamot sa batok. “Pasenya kana at hindi ko pala nasabi sa'yo na nag day off ako ngayon. Anniversary namin ngayon ni Justin kaya hindi mo ako kasama sa mga lakad mo para bantayan ka.” sagot ni Riki kay Andra na lalong pinagtataka ko. Nakasambakol parin ang mukha ni Andra nang muli kong tignan. “Mukhang hindi rin yata naulit sa'yo ni Kapitan kaya pasensya na ulit.” segunda ni Riki at dahil do'n nagka-ideya na ako. “Body guard ka ni Andra?” sulpot kong tanong kay Riki. Nagpabalik-balik ang paningin ko sa kanilang dalawa ni Andra dahil sa aming tatlo halatang ako lang ang walang alam. “Oo, Love. Inalok ako ng trabaho ni Kapitan kaya pinatos ko din dahil sayang naman.” tapat niyang sagot sa'kin habang pinipisil-pisil ang kamay kong hawak-hawak niya parin. Naiintindihan ko siya at hindi naman ako nagagalit. Nakaramdam lang ako ng konteng tampo dahil hindi niya man lang nauulit sa'kin na may trabaho na pala siyang bago. “Kailan pa Love?” tanong ko ulit kahit napapansin kong tila panay-panay na ang singhap ni Andra sa harapan namin. “Mag-iisang linggo na bukas Love. Sorry ha kung hindi ko nasabi sa'yo.” aniya bago ako ako inakbayan. Napatango nalang ako at lihim na nag-isip na baka nakalimutan niya lang sabihin sa'kin dahil sa pagod o puyat o kung ano mang rason niya. Pero si Andra ay hindi rin nauulit sa'kin ang tungkol sa bagay na 'yon kaya bigla kong naibaling sa kanya ang aking paningin pero patay malisya siyang tumingin sa dumaang kotse. “Baka pweding ihatid mo ako pauwi sa'min total parehas lang naman ang direksyon ng ating bahay. Hindi ko rin kasi alam na nag day off ka kaya hindi alam ni Papa na nagpunta akong mag-isa dito.” tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila kahit sa kalooban ko ay gusto ko nang umuwi. “Sige, ihahatid ko lang si Justin saka kita ihahatid—” “Ihatid mo na si Andra Love dahil baka gabihin pa kayo sa daan. At saka diba hanggang dito mo naman ako palagi hinahatid? Sige na at uuwi narin ako. Mag-iingat kayo ha? Dahan-dahan lang sa pag drive.” pangungumbinse ko kay Riki at pilit kong ginagawang normal ang aking boses kahit pakiramdam ko umiiba na ang sumasanib na emotion sa aking sistema. May pangungusap na sumisilip sa mukha ni Riki pero hindi ko hinayaang mailabas niya pa. “Thanks, Tin.” tipid na pasalamat sa'kin ni Andra bago niya kami nilampasan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pinagparkehan ng kanyang kotse. “Love..” untag sa'kin ni Riki dahilan para maibaling ko sa kanya ang aking paningin. Hindi ako sumagot at basta ko nalang hinihintay na magsalita siya ulit. Namilog ang mga mata ko nang basta niya ako yakapin at halikan sa aking ulo. Nanglalambot ako at hirap na pakawalan siya kahit may hinampo akong nararamdaman sa kanya ngayon. “Usap tayo mamaya kapag naka-uwi na ako ha? I-charge mo ang cellphone mo para madagdagan ang karga.” Imporma niya na ikinatango ko nalang. “Sige na, hihintayin kitang makapasok doon sa iskinita bago ako umalis.” kumalas na ako ng pagkakayakap sa kanya. Hinalikan niya ulit ako sa labi kaya napapikit ako ng ilang segundo. “Love you,” habol niyang sabi nang akmang tatalikuran ko na siya. Tumigil ako bago bumaling sa kanya. “I love you too.” mahina kong saad bago tuluyan na siyang tinalikuran at nag dire-diretso na akong naglakad. Hindi ko siya nagawang lingunin dahil ayaw kong manubig ang aking mga mata kapag nakita ko pa siya ulit. Sa lahat ng pinaka-ayaw ko ay yo'ng mag papa-alam na kami sa isa't-isa. Nagiging emosyonal ako sa dahilan na sobrang bitin palagi ang isang araw na pagsasama namin. Pakiramdam ko hindi sapat ang isang araw para makasama siya. Gustuhin ko mang manatili pa pero hindi pwedi dahil baka kung ano-ano na naman ang sasabihin sa'kin ng madrasta ko. May pangarap pa ako sa buhay kaya kahit minsan hinahamon ako ni Riki na makipag-tanan sa kanya hindi ko magawang pumayag kahit minsan naiisip ko rin 'yon. Nirerespeto niya ako kaya hindi niya rin ako pinipilit. Marahil bata pa talaga kami para maramdaman ang ganito ka babaw na rason para lang sa pagmamahalan namin at hindi pa namin naiisip ang mga posibilidad na mangyayari sa aming kasalukuyan. Basta sa tuwing nararamdaman namin ang gano'n palagi ko nalang sinasabi sa kanya na kapag ang oras na mismo ang titigil sa pag-ikot indikasyon na pinapahintulutan na ako sa mga desisyon ko sa buhay saka lang ako papayag. Pero hanggat hindi pa ito tumutigil sa pag-ikot mananatili akong mag titiis sa lahat ng pinaparanas sa'kin ng mundo. May tamang panahon para sa'min ni Riki at hindi ako maiinip na hintayin na dumating ang panahon na 'yon para sa aming pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD