S q u a r e T w e n t y - F o u r ( S H E )

1855 Words
Kakagising ko lang pero maiiyak na ako sa sakit ng braso ko. First time kong mapisikal sa ganitong paraan and, God forbid, baka mamatay na ako kapag naulit pa. Pahirapan din sa pagtayo dahil parang kalahati halos ng kaluluwa ko ang apektado. Kung kahapon parang okay pa, ngayon parang doble na 'yung sakit tae. Wala si impakto sa tabi ko nang magising ako. Kagabi, naaalala kong nakatulog na lang ako habang nakayakap sa kaniya kasi parang troubled na troubled siya pagkatapos ng away namin at ng mga nalaman niya tungkol kay Cash. Naaawa nga ako kasi hindi na siya nagsalita ulit. May note na lang akong nakita sa table niya na 'wag na daw akong pumasok. Magpagaling lang daw ako. Dahil ayoko na munang dagdagan ang away namin, minabuti ko nang manahimik na lang dito kesa naman sa opisina pa kami mag-away. Lately pa naman, napansin kong parang wala na kaming pinipiling lugar ng pagbabangayan. Siguro, ako rin ang may diperensiya kasi alam ko na ngang short-tempered 'yung tao, sinasabayan ko pa. "Hello?" "Buko, bagong number ng Mama 'to. Save mo na lang, ha?" "Buko!" napasigaw ako pagkarinig ng boses niya. "Ano, kumusta na pakiramdam mo?" "Okay naman na ako, medyo masakit na lang nang konti pero nakakatayo naman. Uy, salamat kagabi, ha? Hindi na 'ko nakapag-paalam, 'di ko na maalala 'yung sunod na nangyari mula sa living room. Pero naaalala kong tumabi ka pa sa'kin habang natutulog ako." "Nag-iinarte ka kasi no'n. Sabi mo 'wag kitang iwan kaya hindi kita iniwan. At saka..." Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin sa kaniya 'yung mga pinagsasabi niya habang lugu-lugo na siya sa gamot na tinurok ni Jace. "At saka ano?" pang-uusisa niya. Tae, wala naman sigurong masama kung masabi ko... "Nai-kwento mo 'yung kay Michelle, e." "Ah, 'yon ba? Sasabihin ko rin naman sa'yo 'yon kung sakali. Ay tofu, 'wag mong sabihin na umiyak ako?" Hindi ako nakasagot. Narinig ko na lang na napaungol siya sa sobrang inis sa kabilang linya. "Nakakaasar! Sabi na nga ba, e. Kaya ayaw kong ma-sedate kasi matindi pa sa alak ang dramatic effect niyan. Arrggh! Nakakahiya!" Natawa ako bigla sa reaksyon niya. "Ano ka ba? Okay lang 'yan. Dalawa lang kaming nakakaalam ni Jace," pangungumbinsi ko pa. "Anak ng tokwa. Kahit na! Takte, talagang hindi na ako... Grr! Nakakainis talaga! Ayoko na tuloy magpakita sa'yo." "Sus, nahiya pa 'to. Hindi ko pa nga sinasabi sa'yong hindi ka lang basta umiyak, humagulhol ka pa. Langya kang bata ka, nakatulog na lang akong ngumangawa ka pa rin," pang-aasar ko pa. "s**t nakakahiya! Seryoso ka ba?" Lalo akong natawa. "Oo, 'wag kang mag-alala dahil dinamayan ka naman ni Jace." At dalawa na kaming tumatawa habang pinag-uusapan ang tungkol sa mga nangyari kagabi. Totoo 'yon, nagkaroon si Cash ng emotional break down at first time daw 'yon sabi ni Jace. Sa'kin yumakap si Cash kaya hindi ko siya pinabayaan hanggang makatulog siya pero unfortunately, nauna pa ako hanggang sa dumating si Eric... at 'yon nga ang image na nadatnan niya. It's sad how his parents understood so much of Eric's twisted psychological condition but can't even bring themselves to understand Cash. Kagabi, bago namin pagtulungan ni Jace na iakyat si Cash sa kwarto niya, nakita kong parang nagsisi din si Tito sa mga ginawa niya sa anak niya, hindi rin daw niya alam na bagong tahi lang 'yung sugat sa ulo kasi natatakpan ng buhok. Pero, 'di ba? Kung sana inintindi niya muna si Cash, hindi aabot sa ganoon. Kalagitnaan ng pag-iisip ko, nag-text bigla si Eric. Akala ko nga kung ano na, pinaalala lang 'yung gamot ko. Hindi rin naman siya nag-reply no'ng sinabi kong pagmamahal lang niya, gagaling na ako. Siguro wala siya sa mood makipag-kulitan kasi pati tawag ko ayaw niyang sagutin. By lunch, tumawag ako kay Ichiro. Isang linggo mahigit na rin mula huli kong nadalaw si Dad, baka kung ano na nangyari do'n. Hindi ko na rin nakikitang naka-illegal parking 'yung itim niyang Fortuner sa tabi ng building ni Eric. "Hey, how's it going? Napatawag ka?" Napangiti naman ako nang sa wakas ay sumagot na siya. "Kumusta na? Ang busy ko last week, sorry. Bukas siguro try kong pumunta, bibisitahin ko si Dad. How are you?" "I'm... I'm okay. Just a little moved by your mother's sudden appearance. Hindi ko alam na ganito siya ka-compassionate towards Dad. You know, the doctors said he's fighting better than before. I think it's because of your mom." Napayakap ako sa sarili ko kasi para akong nilamig. Nakatayo lang ako sa tapat ng bintana at medyo tulaley. "How is she?" "She's fine. Anxiety attack, said the doctor here. But she said she's been having full sessions with Dr. Fuentebella about this. You know, your cousin." "Ah, si ate Yomi. Mabuti na rin 'yon para may silent confidentiality agreement sila. Kapag sa iba nagpa-check si mommy baka makarating kay Mr. Mariano." "Ariel, don't you have any plans on telling her?" Napatigil ako dito, napapikit. Wala pa akong balak magpakilala dahil hindi pa ako handang harapin ang nakaraan. Kung ngayon pa nga lang nahihirapan na akong i-handle ang present, paano ko pa sila pagsasabayin ng past? Syempre one little baby step at a time 'yan. "She's convinced that she knows you. Paano kapag nagkasabay kayo ulit sa pag-punta kay Dad? Do you want to keep on denying who you are?" "Anong sabi ni Dad?" "Dad knows you're trying to get away from them and honestly, galit na galit siya sa childhood mo. 'Yung abusive bones ni Alfred Mariano pagdating sa'yo pati 'yung malditang anak niyang si Aurora, alam lahat ni Dad 'yon. He's the one who told me about it. Kaya sa tuwing nandito si Mrs. Mariano, hindi nila pinag-uusapan kasi ayaw ka din namang pangunahan ni Dad. Despite being able to talk and all." "Tell him I love him. I'll tell mom about this one day but that's not gonna happen anytime soon. The more na napapalapit ako sa kaniya, mas malapit ako sa katotohanang makulong ulit sa nakaraan and it's suffocating." "I understand. How are you?" "I'm okay, may konting pilay lang sa braso. Pero-" "What?! Please tell me this isn't Fuentebella's doing." "You guys love calling each other by your last names, don't you? 'Wag kang mag-alala, hindi ako sinasaktan ni James Eric Fuentebella. Subukan lang niya, baka ipa-kidnap ko siya sa'yo." "Loko. Sinabi ko naman sa'yong OA lang 'yung idea ni manong na isilid ka pa sa sasakyan, e. Sinermunan ko nga dahil nakakabahala din 'yung may criminal bones ang isa sa mga SG niyo sa bahay. Imagine, may tinatagong amber bottle ng oxygen drug? Paano kung sa'kin niya gamitin? Paano kung lahat sila, meron?" "Ang OA mo, Ichiro. Hindi ka ka-kidnap-kidnap, 'no." "Magkapatid talaga tayo. Anyway, magpagaling ka diyan. Aalis na rin kasi ako, I have an after lunch appointment with my Psychologist. See you soon, sis. Aitai yo." (Miss na kita.) "Oo, sige. I miss you, too. Ingat ka." Pagkababa namin ng tawag, umupo ako saglit sa sofa at pumikit. Bakit kaya ako napaliligiran ng mga taong may sapok sa ulo? Si Eric with his OCD and now, si Ichiro naman na mula bata pa daw ay na-diagnose nang may ADHD. And like me, lagi lang din daw nagrereklamo si Mickey about Ichiro's condition but she finds her safe haven in his ADHD-touched arms. 'Yung pagiging makulit daw ni Ichiro ang naging dahilan para mahulog siya lalo sa kapatid ko. But of course these guys don't get it. Like how Ichiro doesn't understand when Mickey asks him to stop spending money on things she doesn't need because of his urge to spend, Eric doesn't understand when I tell him to stop trying to control everyone because of his urge to keep everything in his hands the way he wants. Nakatulog na ako kakaisip sa mga 'to. I love Eric for who, what, and how he is. Ayoko lang dumating ang isang araw na ibang tao pa mismo ang magmumulat sa kaniya sa ganitong mga bagay. Kung na-tolerate siya ng parents niya, ako, I love him too much para hindi ako pumayag na maging ganito siya habang-buhay. 'Yung lahat, gusto niya kabisado niya or lahat gusto niya mangyari ayon sa expectation niya dahil masyado siyang organized. "Kanina ka pa?" tanong ko nang magising ako habang nakatutok siya sa laptop niya sa tabi ko. Naka-pambahay na siya. At malamang siya na ang naglipat sa'kin sa kama. "Hey," sagot naman niya sabay halik sa pisngi ko. "No, I just got here like five minutes ago. How's your arm?" Ngumiti ako kasi, ayan, tinamaan na naman ng mood swing si gago at mukhang okay na ulit. "Medyo okay na. May isa kasi diyan na hindi ako nakakalimutang paalalahanan na uminom ng gamot." Ngumiti din siya. Lalo siyang gumagwapo kapag ganiyan. "You hungry for something?" Tahimik lang kami ni Eric habang kumakain. Biglang magkakatinginan, tapos ngingiti. Pati ako, naiisip kong sira na rin ang ulo. While he's doing the dishes, as usual he won't let me, yumakap ako sa likod niya. "I love you," I softly say and kiss his back. Hindi siya sumagot so I decide na mauna na sa kwarto. Pero bago ako makaalis... "About last night..." pag-uumpisa niya. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Hinayaan ko siyang magsalita kahit hindi siya makatingin sa'kin. "I'm sorry. I'm sorry for what I said and what I did. It was immature. I'll try my best not to care so much so it doesn't hurt." "Eric naman..." "No, I'm serious. It only hurts when one cares so much. So I'll try to care a little less. Ako kasi 'yung tipo na kapag nasasaktan ako, may tendency akong gumanti. O kaya kung hindi ako gumaganti, may tendency akong saktan lalo ang sarili ko." Huminga siya nang malalim and he finally looks back at me to meet my gaze. "I hope you understand." Hindi ako nakasagot agad. Mood swing ulit? Siguro. Sana. Kasi baka manibago ako kapag ginawa niya talaga ulit 'yung kagaya ng ginawa niya nitong mga nakaraan. 'Yung hindi niya ako halos pansinin sa opisina kahit sa iisang lugar lang kami nagtatrabaho. 'Yung parang okay lang sa kaniya na hanggang ngitian lang kami. Kasi sa totoo lang, ang sakit sakit no'n. "Good night," he says once we're in bed. Hindi ko na rin pinuna na tumalikod siya pagkahiga. Parang kumirot 'yung puso ko sa ginawa niya. Pa-simple ko siyang niyakap para malaman kong okay kami. "Wait. I forgot to wash my face," palusot niya sabay tanggal sa mga braso ko para tumayo at dumiretso sa banyo. Halos mapasigaw ako sa sobrang inis. Inirapan ko pa 'yung pinto ng banyo niya pagkasara. Pagbalik niya, at ang tagal niyang nag-hilamos sa totoo lang, nakaharap na nga siya sa'kin nang humiga pero may yakap namang unan. Hindi ko na naiwasang mag-tanong. "Ayaw mo ba akong katabing matulog?" Nakapikit lang siya. Ayaw niya rin ata akong pansinin. "Kasi pwede naman akong matulog sa kabilang room," dagdag ko pa. At dahil hindi siya sumagot, tumayo na ako para lumipat sa kabilang kwarto. Ang masakit lang do'n... Hinayaan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD