S q u a r e T w e n t y - S i x ( S H E )

2374 Words
"SCA or as you may be familiar with, Sudden Cardiac Arrest." Nanlumo ako lalo sa sinasabi ni Cash habang nakaupo sa labas ng ER sa isang ospital malapit sa BGC. Niyayakap niya ako habang umiiyak ako nang malakas. "He's safe now sabi ni Doc. Pwede mo na bang i-kwento 'yung nangyari?" I start giving Cash details of what we argued about. Sinabi ko sa kaniya lahat, pati tungkol kay Ichiro at Aurora. Lahat-lahat. Mula kahapon nang dumating si Eric, 'yung attempt kong lumayas, haggang sa puro sorry na lang ang natatandaan kong sinasabi niya bago tuluyang mawalan nang malay. Takte feeling ko susunod na akong mao-ospital. "You have to understand that it's the sudden emotional stress that triggered his SCA. Ayaw kitang alarmahin, Buko. But with James being under Depression and with the thought of you hating him if he ever attempts another suicide, nape-pressure 'yung utak niya sa kung anong pwede niyang gawin. Psychologically speaking, it's not healthy to be mentally pressured. It's as painful as losing someone to a sudden death. Sa case ni James, hindi kinaya ng CNS niya lahat kaya hindi na rin nag-function nang maayos ang puso niya." Hindi ko ma-gets ang karamihan sa sinasabi ni Cash pero may isa akong nakuha at malinaw na malinaw 'yon. "So ako ang dahilan?" "I don't want you to think of it that way but for his safety, I want you to take it easy on him." Kumalas si Cash sa pagkakayap sa'kin at seryoso akong tinitigan. "He loves you too much that the thought of you, leaving, is almost as close as it gets to not breathing at all. Easy-han mo lang. Kahit mag-away kayo, 'wag mo siyang iwan basta kasi maniwala ka, literal na pwede niyang ikamatay. Hindi kita tinatakot." Pero taliwas sa sinabi ni Cash, lalo akong natakot. Wala naman talaga akong balak na iwan si Eric, sa totoo lang. Impulsive thoughts lang 'yon dahil parang wala lang sa kaniya kahapon na na-clinic ako. Tapos galit pa siya agad no'ng tumawag samantalang siya nga, buong araw na hindi nagpakita sa'kin sa opisina. At talagang inamin niya pang iniiwasan niya ako. Ano bang feeling niya, natutuwa ako sa inaakto niya? Ako nga, e. Ilang beses akong nag-reach out sa kaniya. At lagi niya akong tinutulak palayo. Ang taong nag-mamahal, parang yoyo 'yan. Babalik at babalik kapag tinulak mo palayo. Pero, 'di ba? May mga yoyo na bigla na lang nakakalas sa pagkakatali? Ayokong dumating ako sa point na hindi ko na gustong bumalik dahil lang nasira 'yung pagkakatali ko sa kaniya. And he's old enough to play yoyo but I think ikamamatay ko rin kapag ako naman ang iniwan niya. Kasi sa totoo lang, I'm just as hard to understand as he is but he's keeping up with me. Kung bakit ba kasi sinusubukan ko pa siyang baguhin. Now look at me, I end up making him even more pressured. At isa pa, I like it when he's being obsessed. Why am I even trying to take that away? Eric's right. I'm so stupid. "Fishy! What happened?" Napalingon kaming pareho ni Cash sa humahangos na si ate Yomi, Jace, at Mama nila. Oh no. Baka gawin nila kay Eric 'yung ginawa kay Cash. "Nasaan ang Papa?" tanong ni Cash. "Nasa lobby. Nagpapa-sign ng confidentiality agreement sa mga doctor. How is he?" si Jace. Yumakap sa'kin sila ate Yomi at nagtanong kung okay lang ako na tinanguan ko lang din. "Where's James?" tanong ni Mr. Fuentebella na kararating lang. Ayan na. Kumpleto na ang pamilya. I briefly wonder kung hobby ba talaga ng mga Fuentebella ang mag-hold ng reunion sa ospital. "Whenever he's rushed into the hospital, it's always because he did something stupid," mahinang kwento ni Cash habang nakaupo kaming pareho, wearing masks and sanitized hospital gowns dahil required daw, at minamasdan si Eric habang nakahiga sa hospital bed sa ICU. "Contrary to Jace's condition kasi nga si Jace may sakit talaga sa puso kaya madalas ma-ospital, si James naman sinasadya talagang ma-ospital. This is the first time he had an internal attack kaya siguro na-alarma ang Papa." "Cash, papunta na dito si Dr. Castillo. Iwan ko muna kayo, ha? You know the drill," bilin ng nurse. "Thanks, Shirley," sagot ni Cash. "Anong oras kaya siya gigising?" wala sa sariling tanong ko nang makalabas ang nurse. Nakaalis na ang buong pamilya ni Eric para makabalik daw agad mamayang umaga, naiwan kami ni Cash kasi ayaw naman niya akong pabayaan dito. Malapit na ring sumikat ang araw. "He's in induced coma for about twenty-four hours. Kailangan niya 'yon, e," dahilan ni Cash. "Bakit?" pagtataka ko naman. "Ang hirap i-explain, e. Sige, ganito. Magtanong ka kapag may 'di ka na-gets, okay?" Habang tulala lang kay Eric, tumango ako. "Kasi, nanlalaban kanina 'yung Central Nervous System ni James, or CNS. Kumbaga parang gustong patunayan ni CNS na he's got everything under control kahit natataranta na siya. So to the rescue naman si Doc, kailangan niyang gamutin si James pero hindi niya magagawa 'yon kapag lumalaban ang brain functions ni James..." "Continue," sabi ko nang tumigil siya. "Kapag tumaas ang ICP level ni James, 'yung ICP na 'yon ang ibig sabihin no'n, Intracranial Pressure, pwedeng mag-fail pati brain niya. Kaya para maiwasan ang brain damage at Intracranial Hypertension, kailangang i-kalma si CNS. Hence, the induced coma." Maang na napatango na lang ako. Hindi ko rin naman talaga totally makukuha 'yan but at least now I know it's only logical to put him to sleep. At least stable na daw si Eric and I can't wait to see him open his eyes later. "Good morning," bati ni Cash nang imulat ko ang mga mata ko. Halos mapangiwi ako nang makita ang mga sugat niya ngayong mas maliwanag na ang paligid. Inabutan niya ako ng isang to-go cup which I assume is a caramel macchiato. "Thanks," sabi ko habang pinapainit ang mga kamay ko sa mainit na cup. "Matulog ka pa ulit maya-maya. Kumusta ang pilay mo?" "Napatingin ako sa braso ko. "Ang totoo, nawala na sa isip ko 'to. Hindi na masakit. Pwede na sigurong tanggalin 'to bukas," sabi ko. Tumango naman si Cash at umupo sa kama ni Eric, sa bandang paanan. "Baka hapon pa magising si James. Alam ko namang hindi mo gustong umuwi, e." Tumango ako. "Actually, medyo worried din ako kasi baka kailangan ako sa opisina. Pero malamang hindi rin ako makakapag-focus sakaling pumasok ako ngayon," sabi ko habang nakatitig sa walang malay na si Eric. "Buko, ano bang inaalala mo? Company owner 'yung fiancé mo. I'm sure everyone will understand," pampalubag-loob naman niya. Hindi na ako sumagot pa o nakipag-talo. Pagod na pagod na rin ang utak ko. Hangga't 'di gumigising si Eric, hindi mawawala 'tong sakit sa dibdib ko. "May team building pa naman kami sa Subic this weekend," nasabi ko bigla nang maalala ko. "Subic? Ano pupuntahan niyo, beach?" may halong pagtataka na tanong ni Cash. "Oo. Naghahanda na nga lahat, e." "Teka, sino nag-plano niyan, e, hindi naman marunong lumangoy sa dagat 'tong si James? Sa bahay nga ng Papa na may pool, 'di mo mapapalangoy 'yan, e." Nagtaka na rin ako. "Plano niya kaya 'yon. Teka lang... Seryoso ka bang hindi marunong lumangoy si Eric?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Akalain mong sa kabila ng pagiging mukhang perpekto ni Eric, hindi pala siya marunong lumangoy? "Actually, hindi naman sa hindi marunong talaga, 'no. Hindi lang niya kayang mag-stay sa tubig nang longer than three minutes siguro." "Ariel?" Sabay kaming napalingon ni Cash nang pumasok si Ichiro, may dalang basket ng fruits. Tumayo ako at yumakap sa kaniya. "Hi. Salamat sa pagdating. How's dad?" "He's the same. But I'm worried about you. How are you? How is he?" Lumingon ako saglit kay Cash. "Cash, this is my brother. 'Yung kinukwento ko sa'yo, si Ichiro." Ngumiti si Cash sa kaniya, extending his hand to shake his. "I'm Cash. Ariel's future brother-in-law." Tumango naman si Ichiro habang nakikipag-kamay. "Ichiro. James's future brother-in-law. " Cash smiles apologetically. "I'm sorry we have to meet this way," sabi naman niya kay Ichiro tapos tumingin siya sa'kin. "Nag-text si ate Yomi. Dadalhan ka daw niya ng masusuot. Uuwi muna ako sandali, okay lang ba?" Tumango lang ako bilang pag-sang ayon. Umupo kami ni Ichiro pagkalabas ni Cash. "What happened?" Sa totoo lang, gusto ko nang i-record na lang ang sagot ko sa tanong na 'yan para everytime na tatanungin nila ako, all I have to do is press the Play button. Kasi sa tuwing sinasagot ko, nasasaktan ako. Parang habang tumatagal, mas nagiging malinaw sa'kin na ako ang dahilan para atakihin sa puso si Eric and it's not a pleasant thought. "It's okay if you're not ready to tell me yet. Believe me, I understand," sabi naman ni Ichiro. Kumapit ako sa braso niya at nag-umpisa na namang umiyak. Tahimik lang kami. Not long after, nagbukas na naman ang pinto at pumasok ang isang grupo ng mga lalaki. Sila Guya. Sa una ay napakunot ang mga noo nila habang pinapamilyaran kung sino ang kasama ko. Ang unang nag-react, si Molina. "Kitkat?!" Kitkat? Bakit ba nila tinatawag na Kitkat si Ichiro? Ganiyan din ang tawag sa kaniya ni Mickey. Si Ichiro naman, biglang parang nabuhusan ng malamig na tubig. "Holy hell. Buknoy?!" "And the gang! Pucha, saan-saan ka ba nagsusuot?" sabi naman ni Alvarez. "Basti?!" hindi makapaniwalang tanong ni Ichiro habang lumalapit sa kanila. If not for the situation I'm in, matatawa ako sa paraan ng pag-group hug nila. Paano, kegu-gwapo tapos parang mga babaeng nag-reunion ang dating. "Guys, medyo maingay kayo. Dinig na dinig kayo sa..." Natigilan ang lahat nang pumasok si Fernandez at napalingon kami sa kaniya. Medyo huli pala siyang pumasok. Hindi na rin natapos ang sinasabi niya. At tila nakakita siya ng multo sa paraan ng tingin niya kay Ichiro. "Teban?" mas mahinang sabi ni Ichiro pagkakita kay Fernandez. "Kitkat..." Ngumiti si Ichiro at biglang sumunggab ng yakap kay Fernandez na tulala pa rin. 'Di nagtagal, sinuklian din niya ng yakap 'yon habang nakangiti at niyakap ulit nilang lahat ang isa't-isa. "It's actually Calvin now," tumatawang sabi ni Fernandez at kumalas na sila sa pagkakayakap. "I know. Things have changed," sabi ni Ichiro sabay kibit balikat. "I go by Ichiro now." "And because you're Ichiro, I'm no longer Gabi. Either 'Gabe' or 'Gabriel', but never Gabi. Ngayon ko lang na-realize na pang-babae ang pangalan na 'yon," tumatawang sabi ni Salcedo. "Hay naku, Gabi. Akalain mong tatangkad ka rin pala?" mapang-asar na sabi ni Ichiro. "Ikaw nga, pumayat ka na, e," tumatawang sabi naman ni Puyat. "Chikito, ikaw ba 'yan? Bakit hindi ka na mukhang babae?" Nagtawanan na naman sila. "Siraulo. Charico Anthony na 'yan ngayon. Nagagalit pa nga kapag hindi buong pangalan." "Makoy?!" gulat na reaksyon ni Ichiro kay Guya. "Ehem. It's Marcus." Napayakap si Ichiro sa kaniya. Konti na lang mababaklaan na ako. "Kuya Makoy. Na-miss ko kayo." "Na-miss ka rin namin pero TJ na ako ngayon. Hindi 'Buknoy'. Kilabutan ka, baka marinig 'yan ng mga chicks ko," protesta ni Molina. "I'm fine with 'Basti'. Girls dig that name," mayabang na sabi naman ni Alvarez. "Kung talagang naaalala mo kaming lahat, anong pangalan ko?" panghahamon ni Galang. "'Wag mo 'kong subukan, Andong. Hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang kumain ng burger ni Gabi na tinabi niya sa likod ng aparador pagkatapos ng birthday ni Nanay Simang," pagbabanta ni Ichiro. "Sabi ko na nga ba!" tumatawang singit naman ni Salcedo. "Takteng 'yan. Move on, brothers. Randolf na ako ngayon. Kapag narinig ng mga katrabaho ko 'yang 'Andong' na 'yan, magiging tampulan na naman ako ng kantiyawan sa opisina," reklamo ni Galang. "Teka lang. Anong ginagawa niyo dito? May mga f******k ba kayo? s**t, how long has it been? A decade? Two decades? What?" "Ano ka ba, Kitkat? 'Di mo ba alam na a week after you left, e, siya namang dating nitong si Inoue sa'min nila Nanay Simang?" paliwanag ni Salcedo. "Si Ariel?" Napalingon sa'kin si Ichiro. "Totoo?" I shrug. "I'm actually surprised that you didn't know," sabi ko. "I know you lived in a foster home. I didn't know na galing ka rin pala sa Bahay ng mga Tala. This is such a funny world," hindi makapanaiwalang sabi ni Ichiro. "Ayaw kasing maniwala niyan ni Inoue, e. Puro lalaki lang talaga ang allowed sa Bahay ng mga Tala noon," pagpapaalala sa'kin ni Alvarez ng naging usapan namin minsan. Kumpirmadong si Ichiro nga ang sinasabi nilang bestfriend ni Fernandez. Ibig sabihin, si Ichiro na sinasabi nilang child abuse victim ay none other than Ichiro, my brother himself. Who abused him? Nag-kwentuhan pa sila matapos maalalang kumustahin ang lagay ko at lagay ni Eric. Nabanggit din nila na Star-Crossed Foundation na ang dating Bahay ng mga Tala namin. Mabuti na lang din at dumating sila dahil medyo napapangiti na ako. But still, the same amount of pain is in my chest. Eric, hanggang anong oras mo 'ko pag-aalalahin? Hapon na nakabalik si Cash. Kasama si ate Yomi at si Jace, hinintay namin ang muling pag-dilat ni Eric. Nakaalis na sila Ichiro matapos magpalitan ng mga contact number at mag-lunch dito kasama ko. Wala naman daw specific na oras ng pag-gising sabi ni Cash. Approximate effect lang daw 'yung twenty-four hours at mahigit limampung minuto na ang nagdaan mula sa parehong oras na dinala siya ng ambulansya dito kahapon. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makaramdam ako ng movement sa kama ni Eric. Lumapit ako nang bahagya at hinawakan siya, isang kamay sa braso at ang isa sa kamay. Maya-maya pa, idinilat na niya sa wakas ang mga mata niya at inilibot ang paningin sa paligid. "Where the hell am I?" reklamo niya, halos walang boses. Napangiti naman ako kasi kahit pa kagigising lang ay nagsusungit na, at least GISING na siya. "How do you feel?" tanong ni Jace habang inaabutan siya ng isang basong tubig. Tumingin si Eric kay Jace, tapos sa paligid niya, skipping me. Napansin niya sigurong may nakahawak sa kaniya kaya napatingin siya sa braso niya. Nang makita niyang nakahawak ako sa kaniya, inilayo niya 'yon at may halong pagkabigla sa mga matang tinitigan ako. Sa isang iglap, napalitan 'yon ng isang matalim na tingin na ikinagulat ko. At tila may halong galit niya akong sinigawan... "IKAW?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD