S q u a r e E i g h t ( S H E )

1882 Words
Troubled sleep. 'Yan ang meron ako kaya tila zombie akong pumasok sa trabaho ngayong araw. Kung wala nga lang si Eric ay malamang hindi ako nagkaroon ng tulog kahit ilang oras. Mas okay na 'to. "Madam, good morning! May nagpadala sa'yo nito." Basta na lamang iniabot sa'kin ni Twinkles ang isang bag ng chocolates. Kahit pa ayaw ko na ganito si Eric sa oras ng trabaho, bigla na lang akong napangiti sa effort niyang pagaanin ang loob ko. 'See you on your lunch break, my Caramel!' Napayakap ako sa chocolates na binigay niya pagkabasa sa card. Bumibilis 'yung heart beat ko and it feels good. Kaya kahit hindi maganda ang gabi ko at hindi kumpleto ang umaga, magaan na ang pakiramdam ko. Tae kasi 'tong si impakto, hinayaan akong matulog ng mga dalawang oras pa pagka-gising niya kaya hindi tuloy kami sabay nag-breakfast. Tapos pinasundo pa ako sa driver ng Papa niya kaya hindi ko tuloy na-enjoy ang biyahe. "Madam, may nagpapaabot daw sabi ng receptionist." Naantala ang pagbabasa ko ng first email of the day nang biglang dumungaw si Monica sa station ko. Tae naman si Eric, o. Impakto talaga 'yon. Alam naman niyang ayoko ng... "Who's this?" Muntik ko nang mabitawan ang bouquet ng bulaklak nang may tumawag bigla sa telepono ng station ko. Si Eric lang naman ang nakakaalam ng personal extension ko pero iba ang number na nag-register sa screen. "Did you receive the flowers?" aniya ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "What? Who are you?" Habang sinasabi ko 'to ay binabasa ko rin ang nakasulat sa card ng bulaklak... 'I NEED YOUR ANSWER NOW. —KISJ' "KISJ?" wala sa loob na nasambit ko. Narinig ko siyang nag-snort. "Katsuo Ichiro San Juan at your service," sarkastikong sagot niya. "How on Earth's name did you get my number?" "Don't be dramatic. I needed to get your attention and this is the only way I know. I have my sources, too, you know. Just like how your fiancé found me this morning." Nalaglag ko bigla ang hawak kong bulaklak at hinagilap ang phone ko sa drawer. "What did you just say?" "You heard it right. But don't worry, I'll save you the honor of telling him about us. Hindi kita pangungunahan. I just told him he should ask you about it." "What the hell! You just made it sound like we're having something he shouldn't know about, you moron. Paano kung isipin ni Eric na ka-relasyon kita? Siraulo ka ba?" "Would you rather I told him about it? Hindi ba mas maganda kung ikaw ang magpaliwanag? Besides, he really seemed interested in knowing me that he's running an investigation at the same moment I'm running one on him." Suddenly, nakaramdam ako ng pananakal. Parang lahat sa paligid ko, biglang sumikip. Nawalan ata ako ng hangin sa station ko. I gasp for air, for life. Wala sa loob na binitawan ko ang hardphone, binitbit ang mobile phone at umakyat through stairs. Ang alam ko may garden sa tabi ng helipad ng Fuentebella Empire Tower na hindi ko pa napupuntahan ni minsan dahil pinagbabawalan ako ni Eric. Siguro magiging okay ang paghinga ko do'n. Akala ko, hindi na matatapos ang hagdan. Imagine-in niyo naman 'yung nasa 27th floor ka tapos umakyat ka sa rooftop ng 35-floor building at nakasuot ka ng killer high heels. Buti at BGC building 'to dahil kung nagkataong sa Ortigas ako naka-assign, ngangalngalin ako sa pamatay na 50 floors no'n. Bakit naman kasi ganito sila? Hindi ba nila kayang mag-set ng appointment sa isa't-isa and get to know each other that way? The normal way? The civilized way? Without violating human rights? Without using a scary tactic? Sa totoo lang, nakakatakot na. Ipinanganak siguro ang mga 'to na may kakambal na stalker persona. "Ate Yomi, nasaan ka?" "Okay ka lang ba? Teka, umiiyak ka ba? Nasa ospital ako. Bakit?" Napatayo ako sa kinauupuan kong bermuda grass. Naka-paa na lang ako ngayon. "Anong nangyari sa'yo? Anong ginagawa mo diyan? Saang ospital?" pag-aalala ko. "Fishy, ano ka ba? Sa ospital ako nagtatrabaho, nakalimutan mo na ba? Ikaw talaga. Anong nangyari sa'yo kahapon? Nag-text si James kagabi, hindi ka raw muna niya tinanong. Is something wrong?" Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko na-ospital na siya. Naalala ko kasi 'yung sinabi ni Eric na baka buntis siya. "Ate Yomi, ang hirap ipaliwanag. Siguro sa personal na lang natin pag-usapan 'to." "Pupunta ba kayo ni James sa McKinley mamaya? Family dinner?" "Oo daw. Nagsabi na si Eric kanina." Huminga ako nang malalim at naglakad malapit sa railings ng rooftop. Tumingin ako sa baba. "Ate Yomi, usap tayo mamaya, ha? Hindi ko na alam gagawin ko, e. Hindi ko pa masabi kay Eric kasi ang dami din niyang problema. There's the bank, his people, and of course, si Aurora." "Ha? Anong meron sa kapatid mong maldita?" "Ewan ko pa kung anong meron, Ate Yomi. Pero kahapon, narinig ko pangalan niya sa mga naging candidates sa managerial position ng Fuentebella International Bank. Hindi namin napag-usapan ni Eric kasi ang dami kong iniisip." "Si Aurora? Why in the world would she do that, e, siya ang nagpapatakbo ng Mariano Global Marketing ngayon?" "Siya pala? Ewan ko rin. Pero five years ago pa ata 'yung application niya, e. Tapos siya din daw nag-withdraw ng application niya no'n." "That's something. Hayaan mo, aalamin natin 'yan," determinadong sagot ni Ate Yomi. "Sige, Ate Yomi. Salamat. Nasa rooftop lang ako ng building. Hindi ako makahinga kanina, e." "Just take the day off if necessary. Kesa mag-pass out ka diyan. Believe me, hindi ka rin makakapagtrabaho nang maayos kung hindi mo ma-kontrol ang pakiramdam mo." "Pag-iisipan ko 'yan. I miss you. Sobra," halos mangiyak-ngiyak na sabi ko. "I miss you, too. Take care, okay?" Naglakad ako pabalik sa bermuda grass kung saan nakatabi ang killer high heels ko. Pagkaupo ko, napansin ko agad ang Eight Missed Calls ni Eric na kung makakapag-salita lang siguro, e, minumura na ako. "Hello?" Magte-text pa lang sana ako at magpapaliwanag pero saktong pag-pindot ko, tumawag na naman siya. "Where are you?" Surprisingly, kalmado lang ang boses niya. Hindi siya galit. At kapag ganito si Eric, mas kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Where else would I be? "Nasa office. Bakit?" mahinahong sagot ko rin. "Are you sure? Because I'm also here but I can't see you." "Nasa rooftop ng office, to be specific." "What?! What the hell are you doing there? Don't answer that. Just don't move closer to the railings. Alright? Wait for me there." Kung kailan naman alam niya na kung nasaan ako, at saka pa siya nagsisigaw. Napaka-Bipolar talaga ng impaktong 'to. Ewan ko kung gusto ko siyang makita sa oras na 'to pagkatapos ng palihim niyang pang-iimbestiga kay Katsuo Ichiro. "Ariel?" Nakaupo lang ako at malamyang nakatingin sa pinto. Nang magtagpo ang mga paningin namin, nilapitan niya ako agad. "What's wrong?" Marami, Eric. Mula sa nalaman kong hindi ako Mariano, may sakit ang tunay kong ama, may stalking personas ang fiancé at ang kapatid ko, nape-pressure ako sa kasal, nasasakal ako sa mga ginagawa niyong background check, nalulunod ako sa impormasyon, si Aurora na hindi ko ma-tantiya, hanggang do'n sa pagbalik ng Claustrophobia ko... "Nothing." Tumingin siya sa paligid. Parang nagdadalawang-isip din siya kung tatabihan ako, o ano. Knowing Eric, sa sobrang kaartehan nito, baka kapag napilitan siyang umupo sa tabi ko dito sa damuhan, himatayin 'to sa pagbibilang ng germs na pwedeng kumapit sa kaniya. "Tara. Sa loob na tayo," sabi ko habang sinusuot ang sapatos ko at tumatayo. "What's happening, Ariel? Why are you acting this way?" Hindi ako sumagot. Hinawakan ko na lang siya sa kamay at walang lingon na hinatak na siyang marahan pabalik sa loob. Gustuhin ko mang i-confront siya sa ginawa niya kay KISJ, hindi ko magawa dahil nangangahulugan din na kailangan kong magpaliwanag mula umpisa. And now is not the right time for explaining kasi baka may hindi kami maintindihang pareho. I'll let it rest for a moment. Pakiramdam ko, hindi lang ako ang nananahimik. Sa kabila ng mga pagsasalita ni Eric, may kung anong nagsasabi sa isip ko na may mga hindi rin siya sinasabi sa'kin. Nasisira na ata ang usapan naming maging open book. Maybe it's my fault. Pero ang kinakatakot ko lang talaga ngayon ay ang masira ang relasyon namin dahil sa mga ganito. Buong maghapon kaming walang usap-usap ni Eric. By evening, nagpunta na kami sa McKinley para sa family gathering nila. "I've heard about the mortgage invasion of Fuentebella Empire in China. That's a huge success, Ariel. Congratulations." Napangiti ako sa remark ng Papa ni Eric. "Thank you, Mr. Fuentebella." "How many times do I have to remind you, Ariel? 'Tito' na lang. Hearing people say 'Mr. Fuentebella' makes me feel old." "You are old," sabi naman ni Jace. Nagtawanan ang lahat sa table, pati ako. Well, except kay Eric na tahimik lang at kay Cash na kanina pa walang kibo. Konti na lang, nagiging mas magkamukha na sila. "Cash, baby, how was your trip yesterday?" tanong ng Mama nila. Trip? "It was great, Mama..." Napakamot pa ng ulo si Cash kasi parang hindi niya alam ang sasabihin. Hindi rin siya makatingin sa kanila. "It would've been greater if you stayed longer. Ayaw ka naming ma-pressure masyado sa upcoming exam. It was supposed to be a week off," sabi ng Papa nila. Natahimik nang matagal sa table. Biglang sumagot na naman si Cash gamit ang words of wisdom niya... "When you experience something wonderful for a very short time, it makes the experience even more special. Kaya nga nag-aagawan ang mga tao sa bagay na limitado, 'di ba? Because not everyone gets the opporunity to feel what they feel. At 'yung short-term satisfaction na 'yon ang reward mo for doing your best in cherishing that glimpse." "Cash, are you okay?" Naunahan ako ni ate Yomi sa pagtatanong. Ngumiti si Cash. "Ask me that if you see me in a miserable state. Pero okay naman ako, 'di ba? Maybe I just woke up one day and realized I wouldn't have all the time in the world to keep playing around." "No, you're not okay." Napatingin at napatigil ang lahat sa biglang pagsasalita ni Eric. "Bakit hindi mo sabihin sa Mama at Papa? That you almost got killed in a car accident yesterday for being reckless? That the reason you went home earlier than your scheduled homecoming is because you got into fight?" "Eric..." Pagputol ko sa mga litanya niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng table at bukod sa nanlalamig ay medyo nanginginig iyon. Tae, nakakatakot 'yung talim ng tingin niya kay Cash. Hindi ko tuloy alam kung ako ba o ito ang dahilan kung ba't siya nananahimik. "WHAT?" biglang react naman ng Papa nila. Marahan na binitawan ni Cash ang kutsara at tinidor niya, at saka tumayo upang iwanan ang lahat. "I'm done. Excuse me," walang lingon na sabi niya. Tumayo rin ako para sundan siya pero nahawakan ni Eric agad ang braso ko. "Really?" halos hindi makapaniwalang tanong niya. Hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "You didn't have to do that to him in front of your family," mahinang sabi ko at tuluyan nang naglakad palabas para hanapin si Cash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD