Namumula ang mukha niya sa sobrang galit at pilit nitong pinigilan ang sarili upang hindi niya ito masaktan. Napahawak si Juaquin sa kaninyang dibdib na tila hindi makahinga. At pilit nitong inaabot ang kaniyang gamot na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napansin niya ito at agad naman niyang kinuha at tinapon sa kabilang dulo. "Ma'am, maawa ka naman kay, sir Juaquin," anang kasambahay,nang makita niya ang kalagayan ng kaniyang amo. "Awa?! Bakit?! Naawa ba siya sa akin noong pina-kidnap niya ako at pinapapatay?! Naawa ba siya sa aking ina, na pagkatapos mabaliw ay agad ipinagpalit sa iba?! Hindi pa ako tapos sa iyo, Juaquin! Humanda ka dahil sisirain ko ang buhay ninyong lahat! Tulad ng pagsira mo sa buhay ko at sa aking ina!" Banta niya at dali-daling lumabas ng kuwarto. Patakbo siya