"Alberto, Nina, may ipapagawa ako sa inyo at magbabayad ako ng malaking halaga. 'One Million', siguro naman ay sapat na ito." Ipinakita niya ang limpak-limpak na pera at ipinatong sa lamesa. "A-ang laki naman niyan, sir Juaquin. A-ano po ang ipapagawa ninyo?" tanong ni Nina, at ang kaniyang tingin ay nasa pera. "Simple lang, gusto kong dukutin ninyo ang sanggol na anak ng aking asawa." "P-pero bakit, sir Juaquin? Hindi ba anak ninyo ang bata?" muling tanong niya. "Hindi ko anak ang sanggol, anak siya nang isang pagkakamali nang aking asawa. At gusto kong tuluyan siyang mawawala sa buhay naming mag-asawa." "Ano naman ang gagawin namin sa bata, sir Juaquin?" tanong ni Alberto. "Bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyo sa sanggol. Patayin ninyo o buhayin, wala na akong pakialam. Bas