Episode 2 - MANILA

1086 Words
ILANG buwan ang ang nakalipas at wala pa ring balita tungkol sa nawawala nilang anak. Kaya nagpasya si Marcila, na uuwi ng probinsya upang puntahan ang tunay na ama ni Marelle. "Juaquin, kailangan ko munang umuwi ng probinsiya at babalik rin ako agad." "Para ano? Makipagkita ka sa lalaki mo?! Pagkatapos magpabutis ka ulit?" "Gusto ko lang malaman kung siya ba ang nagpadukot sa aking anak." "Huwag mo nga akong paglulukuhin Marcila! Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bobo!" galit nitong tugon at dinuduro pa siya. "Kung gusto mo sumama ka!" "Hindi! Hindi ka aalis!" sigaw nito at iniwan na siya. Walang nagawa si Marcila, kung 'di idaan sa paghagulgol ang lahat. ISANG TAON ang nakalipas ay hindi pa rin nahanap ang bata. At dahil sa sobrang depresyon ay bumigay ang utak ni Marcila, at nabaliw ito. Walang nagawa si Juaquin kung 'di ipasok ang asawa sa mental hospital. At nag-asawa siyang muli. Habang siya ay nagpakasaya ang asawa naman ay patuloy na nagdurusa sa. Kasama ang tulad nitong mga baliw... . TWENTY TWO YEARS LATER "Ma, gusto ko na pong mag-aral sa kolehiyo, tatlong taon na rin kasi ang nasayang ko sa pag-aaral. Dapat sana graduate na ako ngayong taon," malungkot na pahayag ni Monica. "Masisisi mo ba kami ng Papa mo? E, alam mo naman na nagkasakit siya," tugon ng kaniyang ina na si Nina. "Hindi ko naman sinabi na sinisisi ko kayo, Ma. Ang sa akin lang ay gusto kong makatapos sa kolehiyo. Naiinggit na kasi ako sa mga dati kong kaklase." "Alam mo, Monica? Walang maidudulot iyang inggit mo sa iba. Maganda naman iyang trabaho mo sa mall at malamig pa!" sabat ng kaniyang ama na si Alberto. "Pa, may pangarap ako sa buhay gusto kong makapagtapos ng kolehiyo, gusto ko ang marangyang trabaho. Hindi iyong hanggang saleslady lang ako. Intindihin naman ninyo ako," umiiyak nitong tugon. "Na hala! Saan mo ba gustong mag-aral?" tanong ng kaniyang ina. "Gusto ko po sa Maynila, puwede naman daw akong tumuloy sa apartment ni Lorence." "Ano?! E, alam mo namang ayaw namin sa kaniya ng Mama mo!" "Dahil ba mahirap lang siya? At ang gusto ninyo para sa akin ay mayaman? Upang makahon kayo sa kahirapan. Pa, puwede bang magsikap na lang tayo? 'Yung hindi umaasa sa iba. Kung gagawin natin iyon ay puwede rin tayong yumaman na tulad nila. Isa pa, alam naman ninyo na matalik ko lang siyang kaibigan." "Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Monica! Baka nakalimutan mong mga magulang mo kami!" turan ng kaniyang ina na tila natamaan ang ego. "Ma, nagsasabi lang ako ng totoo, kung tutuusin nga ay obligasyon ninyong matustusan ang aking mga pangangailangan. Obligasyon ninyong patapusin ako sa pag-aaral dahil kayo rin naman ang makikinabang pagdating ng araw." "Nanunumbat ka ba, Monica?! Porket ikaw ang nagpapalamon sa amin?!" "Hindi ako nanunumbat, Ma. Baka nakalimutan ninyo na mula pa sa aking pagkabata ay subsob na ako sa trabaho. para lang may maibigay sa inyo! Okay lang sana kung ginagamit ninyo sa tama, nilulustay lang naman ninyo sa sugal!" sarkastikong tugon niya. Hindi nakapagsalita ang kaniyang mga magulang dahil may punto naman siya. Wala silang nagawa kung 'di ang pagbibigay ang kagustuhan ng kanilang anak. Lalo na't sariling ipon nito ang kaniyang gagamitin. Umalis si Monica, upang papasok na sa trabaho at naiwan ang mga magulang sa sala. "Berto, may balita ka pa ba kay, sir Juaquin?" "Naku! Simula noong umalis na tayo sa Maynila ay wala na akong balita. Alam mo naman ang kasunduan hindi ba?" "Baka lang kasi puwede tayong makahingi ng tulong sa kaniya." "Nina, narinig mo ba ang sarili mo? Baka nakakalimutan mo na isang milyon ang ibinayad sa atin. Binabalaan kita na huwag na huwag kang magpapakita sa kaniya. Alam mo na kung ano ang kaya niyang gawin sa atin. MALUNGKOT ang mga magulang ni Monica, sapagkat aalis na ito. Kahit siya ma ay malungkot rin dahil mawalay na siya sa kaniyang mga magulang. Subalit kailangan niyang tatagan ang loob alang-alang sa kaniyang matayog na mga pangarap. "Ma, si Papa, huwag mong pababayaan tapos maghanap-hanap ka ng puwedeng mapagkakitaan dito. Upang matustusan mo ang panggamot niya. Pero hayaan po ninyo maghanap ako ng part-time-job doon. Para makapagpadala ako sa inyo kahit pakonti-konti lang." "Sige, anak, susubukan ko." Medyo nakaramdam ng awa si Monica, sa kaniyang mga magulang, at hindi niya ito matiis na iiwan sa ganoong kalagayan. Dinukot niya ang wallet mula sa kaniyang bag at kumuha siya ng pera. "Ma, ito tatlong libo i-puhunan mo kahit magluto ka ng mga ulam." "Huwag na, anak, mas kailangan mo iyan sa Manila," turan ng kaniyang ama. "Okay lang, Pa. Mas kailangan ninyo iyan. Puwede naman ako na manghiram lang muna kay Lorence. Ma, huwag mong isugal iyan, ha. Kung maaari lang tigil-tigilan mo na ang pagsusugal." "Sige anak, salamat dito." "Aalis na po ako mag-iingat kayo dito. Love you, Ma. Love you, Pa." "Ikaw rin, anak, mag-iingat ka doon," anang ama niya. Malungkot si Monica, habang sakay ito ng bus papuntang Maynila. Tinawagan na rin niya si Lorence, at sinabi niya kung anong oras ang kaniyang dating. Nangako naman ang lalaki na susunduin siya sa bus terminal. Excited si Monica, na makita ang lalaki sapagkat isang taon na rin silang hindi nagkita. Dahil mula noong nakapagtrabaho ang binata sa Maynila, bilang manager ng isang hotel ay hindi pa ito nakauwi ng probinsiya. Dumating si Monica, ng madaling-araw at pagkababa niya ay nandoon na ang lalaki. Naka jacket ito ng kulay puti at may bitbit na helmet. "Lorence..." sambit niya at kinalabit ang lalaki. "Niq!" bulalas nito sa kaniyang palayaw. Hindi napigilan ng binata at nayakap niya ang kababatang isang taon ring hindi niya nakikita. "Hoy! Gumwapo ka yata ngayon," turan ni Monica, sabay tapik sa kaniyang balikat. "Sobra ka naman! Bakit hindi ba ako guwapo noon?" "Hmmm... slight lang noonbpero mas guwapo ka ngayon," nakangiti niyang tugon. "Ikaw, Niq ha! Isang taon lang tayong hindi nagkita ay nagiging bolalera ka na!" snang lalaki at pinisil ang kaniyang ilong. "Pero infairness hindi ka pa rin nagbabago. Ilong ko pa rin ang lagi mong napagtripan." "Sorry po! Nami-miss lang kita. Tara na antok na ako at gutom pa." reklamo nito. "Bakit hindi ka ba naghapunan?" "Hindi pa, galing akong trabaho, eh. Panggabi kasi ako ngayon." "Ay, ganoon ba? Sorry ha, naabala pa tuloy kita." "Sus! Ano ka ba? Para ka namang others."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD