Episode 3 - Apartment

1131 Words
Inakbayan ni Lorence, ang dalaga at naglakad ito hanggang sa parking area. "Motor mo?" tanong niya nang makita ang bagong model ng motorsiklo. "Oo, pero hinuhulog-hulugan ko pa." "Wow ha! Hindi ka na talaga ma-reach." "Reach ka diyan," turan nito sabay suot niya ng helmet sa dalaga. "Salamat." Hanggang sa makarating sila sa apartment ni Lorence. May kalakihan ito at mayroong dalawang kuwarto. "Welcome to my apartment!" "Wow... sosyal mo na talaga ang ganda ng apartment mo at ang laki pa. Puwede ka ng mag-asawa, tsoy." Pahayag ng dalagang probinsyana. "Bakit puwede ka?" "Anong puwede ako?" "Na, magiging asawa ko. Kung hindi rin lang ang magiging asawa ko ay magpakatandang binata na lang ako." "Tse! Mag-aaral pa ako," pasuplada nitong tugon at ibinigay niya ang helmet na may kalakasan ang pagkaabot. "Tapang mo talaga, Niq! Huwag kang mag-alala at maghihintay ako," aniya at ngumiti ito. "Kain na tayo, tsoy. Gutom na rin ako." Magkaharap ang dalawa sa lamesa at lechon manok ang kanilang ulam. Kapwa ang dalawa na ganadong kumain sapagkat pareho silang nagkakamay. "Na-miss ko ito," sabi ni Monica, at puno ang kaniyang bibig sa pagkain. "Ako rin." "Mamaya pala kailangang maaga kang gumising. Dahil alas-nuwebe tayong pupunta sa unibersidad." Habang nagsasalita si Lorence, ay panay pa rin ang subo nito. "Okay boss, hindi na ako matutulog maaga na, eh." "May tatlong oras ka pa naman pagkatapos mong kumain magpahinga ka agad. At mamaya na tayo maghugas ng pinggan." "Okay boss." "Boss ka diyan!" "Aray! Masakit, ha!" Napahawak si Monica, sa kaniyang noo, sapagkat binato ito ni Lorence, ng buto nang manok. "Aw... masakit ba?" "Meaw... ay hindi!" nakasimangot nitong tugon. Subalit alam ni Lorence, na ekspresyon lang ito ng dalaga kaya sanay na sanay na siya. ALAS-SINGKO pa lang ay gising na ang binata at dalawang oras lang ang tulog nito. Kahit antok pa ay kailangan na niyang bumangon upang makapagluto nang maaga. Sapagkat ayaw niyang magtrabaho ang dalaga dahil para sa kaniya ay bisita ito. Nang makapagluto na siya ay ginising niya si Niq. "Niq, bangon na..." tawag nito sa mahinang boses. Bumangon siya kahit nakapikit pa at binuksan ang pinto. "Anong oras na?" tanong niya at nanatili pa ring nakapikit. "Alas-sais na, halika na sa banyo at mauna ka ng maligo." Itinulak siya ng dahan-dahan hanggang sa makapasok siya sa loob. Bago lumabas ang lalaki ay bigla niyang binuhusan ng isang tabong tubig si Monica. "Buwisit ka, tsoy!" Napasigaw ito at biglang lumaki ang mga mata. Pakiramdam ni Monica, ay humihiwalay ang kaniyang kaluluwa sa sobrang pagkagulat. Humagikgik nang tawa si Lorence, at bahagyang sinilip ang dalaga. "Gising ka na?" pang-aasar niyang tanong. Hindi sumagot si Monica, at akmang tatapunan siya nang tubig subalit mabilis itong tumakbo. "Bilisan mo Niq, dahil maliligo pa ako," pahabol nito. Inis ang naramdaman ni Monica, sapagkat hindi ito nakaganti. Binilisan niya ang pagligo dahil alam niyang naghihintay ang kasama. Hanggang sa matapos na siya at sa kaniyang paglabas ay tapus ng kumain ang binata. "Nauna na ako habang naghihintay na matapos ka, kumain ka na rin dahil wala na tayong oras." "Okay, alas-siyete pa naman. Malayo ba ang unibersidad?" "Hindi naman masyado kaso alam mo naman ang Maynila masyadong trapik." "Sige na, maligo ka na. Nangamoy lalaki ka na, eh," pagbibiro niya sabay pasok sa kaniyang kuwarto. Inamoy naman ni Lorence, ang kaniyang sarili. "Wala naman, ah!" aniya at kunot-noong pumasok sa, banyo. "Uto-uto!" sigaw naman ni Niq. EKSAKTONG alas-nuwebe ay dumating ang dalawa sa unibersidad. "Philippine Women's University." Binasa ni Monica, ang pangalan ng unibersidad. "Sa wakas makapag-kolehiyo na ako," dagdag pa niya. "Niq, ano pala ang gusto mong kursong kunin?" "Gusto kong kunin ay (BSBA-BF) Bachelor of Science in Business Administration major in Banking and Finance." "Maganda iyan at mabilis ka pang makapasok ng trabaho. At sigurado akong kayang-kaya mo 'yan." "Sana lang makahanap agad ako ng part-time-job para naman hindi ako kakapusin sa panggastos." "Huwag kang mag-alala nandito naman ako at tutulungan kita." "Lorence, hindi naman puwede na lagi akong umaasa sa 'yo. Dahil kailangan ka rin ng mga magulang mo. Itong pagpapatira mo sa akin ay malaking tulong na ito. Tulungan mo na lang ako na makahanap ng trabaho." "Sige tutulungan kita malay mo puwede ka sa hotel kung saan ako nagtatrabaho." "Salamat, tsoy," aniya. "Saka ka na magpasalamat kung makapagtapos ka na." "Okay, pero advance salamat pa rin." "Ay, ewan ko sa iyo!" Hanggang sa matapos ang pagpa-enroll ni Monica, at nakakuha na rin siya ng mga schedule ng kaniyang klase. Hanggang alas-singko ang pasok niya at araw-araw iyon. Binayaran na rin niya ang kabuuan ng isang taon. Kahit papaano ay may natira pa sa kaniyang ipon. "Niq, daan muna tayo sa mall at mag-grocery tayo." "Sige go! Ito, tsoy, idagdag mo ang dalawang libo ko." "Huwag na itago mo na lang iyan. Mas kailanganin mo pa 'yan sa pasukan." "Meron pa naman at isa pa maghahanap rin naman ako agad ng trabaho." "Huwag ka ngang makulit, Niq! Babatukan na kita, eh!" Walang nagawa ang dalaga at ibalik ang pera sa kaniyang wallet. Lahat ng kailanganin nila sa bahay ay kanilang binili, gamit ang credit card ni Lorence. Kumain na rin sila ng tanghalian bago umuwi ng apartment. "Niq, matulog muna ako papasok pa ako mamayang alas-sais. Ikaw rin matulog ka para tataba ka naman ng konti." "Asus! Katawan ko na naman ang pagtripan mo. Sige na, matulog ka na!" Pagtataboy niya sa lalaki at itinulak niya ito papasok ng kuwarto. "Wait! Kakain ka ba bago umalis mamaya?" "Hindi na, libre ako sa hotel. Ikaw na lang bahala sa hapunan mo, ha." "Okay, anong oras ba ang uwi mo bukas?" "Mga alas-siyete ay nandito na ako." "Okay, sabay na tayong mag-almusal bukas, ha." "Siyempre... Magluluto ka?" tanong niya sa dalaga. "Oo naman, kaya simula ngayon ako na ang tagaluto mo at katulong naman sa bahay." "Hoy! 'Yan ang huwag mong gawin dito Monica!" turan nito at pinandidilatan niya nang mata. "Siya-siya! Tulog ka na baka luluwa pa 'yang mga mata mo na kasing liwanag ng 100vaults!" tugon niya at isinara ang pinto ni Lorence. "Aba, aba! Hindi halatang nanlalait," reklamo ng lalaki kahit nakasarado na ang pinto. "Asus! Hihirit pa tulog ka na..." nakangising turan ni Monica. Pumasok na rin siya sa kuwarto at pasalampak na humiga sa kama. "Thank you Lord! Sa wakas mag-aaral na ako," nakapikit niyang sabi. Hanggang sa hindi na niya namalayan at nakatulog na siya. NAGISING si Lorence, dahil sa ingay ng kaniyang alarm clock at dali-dali siyang naligo at nang matapos ay agad na itong nagbihis. "Niq..." kumatok siya sa, pinto ngunit walang sumasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD